bc

EX-HUSBAND (TAGALOG/COMPLETED)

book_age18+
10.9K
FOLLOW
67.8K
READ
dark
possessive
contract marriage
badboy
bitch
inspirational
no-couple
expert
abuse
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Ang pagpapakasal, ay isa sa mga desisyon sa buhay na hindi dapat basta-bastang ginagawa.

Hindi ito parang mainit na sinaing at basta mo na lamang iluluwa kapag napaso at nasaktan ka.

"Sa paglipas ng taon, muli tayong nagkita. Tama ba na naghiwalay tayo? Tama ba na balikan ka ulit? At tama ba na magpakatotoo?"

Is it I DO or I DO NOT?

chap-preview
Free preview
November Rain Chapter 1
Chapter 1 November Rain November 09, 2014 "You may kiss the bride" sambit ng Padre, ito na yata ang pinaka masayang araw ng Bagong kasal na Mr. And Mrs. Gonzales. Isang tagong kasal na hindi alam ng kanilang magulang. Bukod sa kaka-graduate lamang nila sa Kolehiyo, inaya ng magpakasal ni Adamson ang nobyang si Maya. Naglalakad ang dalawa sa labas ng simbahan habang hawak ni Maya ang bulaklak at tuwang tuwa sa mga nangyari. "I love you Maya, magiging mabuting asawa ko sayo." saad ni Adamson na kanyang Asawa. Humalik ito sa kanya na para bang wala ng kinabukasan. "Pero paano ang Parents natin?" Pagtatanong ni Maya na may halong kaba. Bukod pa rito, siya ang bread winner ng pamilya at pag nalaman ito ng kanyang ina, hindi lang sabunot ang aabutin niya kung hindi bugbog. Galing sa isang simpleng pamilya si Maya. Malaya David Gonzales 22 years old panganay na anak at siya mismo ang nag tataguyod ng pamilya nila. Ang tanging kasama niya lang dito ang kanyang ina at bulakbol na kapatid.May halong alin langan ang kasal nila, pero dahil mahal niya ang lalaking nasa harapan niya. Sinubok niyang pasukin ang ganitong responsibilidad. Alam natin na Legal Age na ang pagpapakasal ng Edarang Bente Anyos. Ngunit hindi lahat ng relasyon o taong nagmamahalan ay pare-pareho ng pag-iisip kung papaano dadalhin ang isang Pamilya. "Huwag kang mag-alala, I have everything Maya. May trabaho ng naghihintay sa akin, hindi narin naman nila tayo mapipigilan. Dahil mahal kita, kasal na tayo. Kita mo itong wedding ring? 'Yan ang patunay na mahal kita, walang iwanan. Hanggang sa huli ikaw lang ang babae sa Puso at Isip ko Maya." Saad ni Adamson at hinapit ang kanyang beywang. "Gagawin ko ang lahat para maging mabuting Wifey mo. I love you Adamson ikaw at ikaw lang ang mahal ko, paulit ulit hanggang sa tumanda tayo" tumingkayad ito at hinalikan ang Asawa. Adamson Gonzales only son at bente dos anyos, Mula sa pamilya ng mga Doctor. Masunurin sa magulang bukod narin sa nag-iisang anak siya, gusto lamang niya ay maging proud ang Ama niya na may-ari ng Hospital. Pero sa lagay na pinasok nila, mukhang hindi matutuwa ang magulang ng mga ito. Mula sa mayamang pamilya si Adamson kaya may mga pagmamay-ari na ito, bukod sa natanggap na niya ito dahil nakatapos na siya ng Kolehiyo. Gusto din nitong tuparin ang kanyang pangarap, pero dahil mahal niya si Malaya alam niyang pareho nilang aabutin ang kani-kanilang pangarap. Matapos ang pasikreto nilang kasalanan, dumiretso si Malaya(Maya) sa kanilang bahay. Patagong nag-iwan ng Sulat si Maya sa gilid ng pintuan nila. Ito ang huling sulat para sa kayang Ina. "Let's go?" Pag-aya ni Adamson sa kanya. Binuhat nito ang mga gamit niya habang patago nilang itinakas ang mga gamit ni Maya. "Oh, bakit ka umiiyak? Hindi ka ba masaya na kinasal tayo?" Nilingon siya ni Adamson habang nagmamaneho ng sasakyan. Bahagyang hinawakan ni Adamson ang kamay niya. "Masaya, pero kailangan ko din magtrabaho agad para kay Mama." lumingon ito sa kanya at mas hinigpitan ni Maya ang paghawak sa kamay ng kanyang asawa. "Don't worry, 'yong laman ng iniwan mong sulat. Kasama doon ang Franchise Contract para sa negosyo ni Tita." nakangiti ito sa Asawa niya at hinalikan ang kamay. "Ha? Hindi mo naman kailangan gawin 'yon?" Inayos ni Maya ang pagkakaupo at hinarap ang asawa. "You are my Wife, gusto ko nasa bahay ka lang. Hindi mo na kailangang magpagod para magtrabaho. Kaya okay narin ang business kay Tita. Oh, I mean Mommy." bahagya itong tumawa. Hindi parin makapaniwala si Maya habang pinag mamasdan ang kanyang wedding ring na bigay ng asawa, patunay ng Legal sa mata ng Diyos ang kasal nila. Narating nila ang bagong bahay na naipamana ng magulang ni Adamson sa kanya. Spoiled naman ito sa Lola niya kaya wala ring magagawa ang magulang nito. Kahit strikto ang magulang ni Adamson, wala din silang reklamo kapag mismong si Adamson ang nagrequest sa kanyang Lola. "Sa ngayon, ako na ang masusunod sa lahat ng desisyon ko sa buhay Maya. Wala ng magulang na kokontra sa'tin, kung 'di tayo.Tayo na ang magiging magulang soon." Saad nito. "Pero gusto kong mag-trabaho?" hinagkan ni Maya ang asawa. Kumunot ang noo ni Adamson at nagkadikit ang makapal nitong kilay pagtapos ay tinignan niya si Maya "No, ako maghahanap buhay for us" humalik ito sa kanya at nginitian ng abot langit ang asawa niyang si Maya. "Kahit sideline lang? Sayang naman kasi 'yung pinag-aralan ko ng ilang taon, kung hindi ko gagamitin. Isa pa, ayaw mo bang may katulong kang maghanap buhay para narin makaipon tayo ng mabilis?" Pagtatanong ni Maya sa kanyang asawa. Humarap ito sa kanya ay hinawakan ang kamay. "Mas gusto kong ikaw ang mag-aaruga sa anak natin, kaysa sa kumuha ng Yaya at ipaalaga sa ibang tao. Mas panatag ang loob ko kung ikaw ang mag-aalaga sa anak natin, mahirap din kasing iiwan natin sila sa Yaya. Huwag kang mag-alala sa pag-iipon, dahil paghahandaan kong maigi 'yan para sa future ng ating baby. Teka Ilan ba ang gusto mong anak?" Tanong ni Adamson sa kanya."Dalawa, Boy and Girl." kinikilig na sagot ni Maya dito at hinigpitan pa ang hawak sa kaniyang asawa. "Gusto ko sanang tatlo? Okaya apat para may kakampi" Pagbibiro ng lalaki. Hinampas ni Maya ang braso nito at tumawa. "Nag tanong kapa sa akin kung 'yan ang mas gusto mo?" Sagot ni Maya sa asawa. Nakita ng Ina ni Maya ang sulat na iniwan nito sa bahay nila. Para bang aatakihin sa puso ang Ina nito, dahil sa sobrang gulat sa biglang desisyon ng kaniyang anak at ng nobyo. Mama, Sorry po sa pag-alis ko, nagpakasal napo kami ni Adamson. Pasensya napo at biglaan, hindi naman po ko buntis. Mahal ko lang naman po talaga si Adamson. 'Yong mga pangako ko sa inyo, tutuparin ko parin. Mama ang saya ko na ikasal sa taong mahal ko at mahal ako. Oo maaga pa para sa bagay na iyon, pero Mama magiging mabuting ina din po ako Tulad niyo. Sana at tanggapin niyo po ang Kasal namin. I love you po. Malaya David Gonzales

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

The Professor's Wife

read
449.0K
bc

My Cold Husband(Tagalog)

read
852.1K
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
91.3K
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

Love Donor

read
86.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook