bc

Chasing Zoraida

book_age16+
2.5K
FOLLOW
28.4K
READ
murder
drama
tragedy
secrets
cruel
like
intro-logo
Blurb

TIMBREZA SERIES #1

Lorenzo Timbreza

Isang storya ng isang babaeng tumakas mula sa mapait niyang buhay. Inakusahan siyang pumatay sa sarili niyang ina, kaya kinailangan niyang magpakalayo-layo dahilan upang mapadpad siya sa balwarte ng mga Timbreza.

Hindi niya alam na sa pagtatago niya palang iyon ay makikilala niya ang lalaking magtatanggol sa kanya at ang lalaking handang linisin ang pangalan niya sa mata ng lahat.

The man who is willing to chase her wherever she goes and whatever it takes.

chap-preview
Free preview
Simula
Bakit ang pait ng tadhana sa akin? May Diyos ba talaga? Bakit hindi niya ako tinutulungang buksan ang mga mata ng mga tao sa katotohanan? Naging mabait naman ako pero bakit puro nalang sakit ang natatanggap ko? Hanggang kailan ba ako makakaahon sa sakit at paghihirap? Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. I'm tired not just physically but also emotionally and mentally. Pero kailangan kong lumaban, marami pa akong dapat ipaglaban at patunayan. I want justice for my mother! "Takbo Rai!" Sigaw ng nag-iisang kaibigan ko. Her face was also flooding with tears so as mine. Siya nalang ang meron ako. Lahat ng taong pinagkatiwalaan ko ay tinakwil ako, kinalimutan agad nila ang kabaitang ibinigay ko dahil lang sa isang pagkakamali. Sa pagkakamaling hindi ko naman ginawa! Hinagkan ko siya sa huling pagkakataon. Napahikbi pa lalo ako at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kaibigan. Hindi ko kayang isipan na ito na ang huling pagkakataon na makikita ko siya. No! Magkikita pa kami. Pinapangako ko yan. I will comeback to fight for what is right and to clean my name and give justice for my mother! "Takbo Rai! Sige na! Tumakbo ka na! Umalis ka na please..." Kinalas niya ang pagkakayakap ko sa kanya. Ayaw ko sana pero malapit na ang mga taong naghahanap at humahabol sa akin. Hindi na mabilang ang sunod-sunod na luhang tumutulo mula sa mga mata naming dalawa. I sniffed. "Babalik ako Ikang. Babalik ako. Itatama ko ang lahat ng ito." Sabi ko sa kanya. She nodded and pushed me away, to run away. "Sige na. Umalis ka na! Baka maabutan ka pa nila!" Sigaw niya nang puno ng pag-aalala. Wala akong nagawa kundi tumakbo papalayo sa lugar na kinalakihan ko. Sa lugar kung saan mahirap man ang buhay ay nagawa ko paring maging masaya. Hindi ako lumingon at diretso ang tingin sa tinatakbuhan kong may nagtataasang mga talahib. Sa niyugan ako dumaan para hindi nila ako madaling makita. Gabi na at patuloy lamang ako sa pagtakbo, madilim at ilang ulit na rin akong nadapa, pagod man at uhaw ay tumatayo pa rin ako upang ipagpatuloy ang aking pagtakbo. Hindi ko alam kung saan ako patungo. Ilang oras na rin akong tumatakbo sa walang katao-taong kakahuyan. Takot man ay pinili kong ipagpatuloy ang pagtakbo para tuluyan nang makawala. Hindi nila ako dapat mahuli, hindi dapat ako makulong! Hanggang sa makarating ako sa kabilang bayan kung saan ko naisipang doon sumakay ng bus. Pinahinto ko ang bus na papa-alis na sana at doon sumakay. Hindi ko alam kung saan iyon patungo pero wala na akong pakialam. Wala akong ibang pamilyang mapupuntahan. Wala akong ni isang kamag-anak na kakilala kaya bahala na kung saan ako dalhin ng tadhana. Ang mahalaga ay makalayo ako sa lugar na iyon! Habang nasa byahe ay patuloy ang pag-iyak ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Tinanaw ko ang bayan at mas napahagulhol ako hanggang sa maging tuldok nalang ito at tuluyang mawala sa paningin ko. Binuksan ko ang dalang maliit na sling bag. Ito yung parating gamit ni mama na bag sa tuwing nagtatrabaho siya. Binuksan ko ito at nakita ang isang libo at bente-bente na pera. Kinalkal ko pa ang laman nito. Maliban sa pera ay may nakita akong gas na may iilang ugat ng kahoy na laman. May nakita akong zipper sa loob kaya binuksan ko yun, doon ay nakita ko ang litrato naming dalawa in a pocket size. Napaiyak ako. Dalawa kaming nakangiti sa litrato. Pinasadahan ko ng daliri ang kanyang nakangiting mukha. "Ma, pinapangako kong ipaghihiganti kita at lilinisin ko ang pangalan ko." bulong niya. Naiyak akong muli, hindi ko na makikita ang mga ngiting ito. Dahil doon ay naalala ko ang mga nangyari nang gabing iyon, si mama na may nakatarak na kutsilyo sa dibdib, nakahalupasay sa sahig at wala ng buhay. Buong byahe ay umiiyak lamang ako hanggang sa makarating ako sa bayan ng Acuna kung saan welcome ako. Kung saan ang tingin sa akin ay isang tao, hindi isang mangkukulam, hindi isang kriminal. Napatanaw ako sa langit. Naaalala ko pa nung ilang araw akong palaboy-laboy sa daanan hanggang sa may makakita sa aking magkapatid na matatandang babae at kinupkop ako. Laking pasasalamat ko talaga kina Tiya Maring at Lyoning at kinupkop nila ako. Binigyan ng maayos na damit at pinakain ng mabuti. Tinuring nila akong parang tunay na kapamilya nila, minahal at inaruga. Akala ko ay wala nang magmamahal pa sa akin but there then I found them and I will cherish them just like how I cherished my mother. Napatanaw ako sa malawak na palayan sa likuran ng aming mumunting bahay kubo. Nay, kung nasaan ka man ngayon nais ko lang sabihin na nasa maayos na lagay na ako ngayon. Mapayapa at walang ni isang nananakit sa akin rito. Pinag-aral din po ako ng dalawang tiya at pag-iigihan ko pa ang pag-aaral, Nay dahil tulad ng aking ipinangako sa inyo ay lilinisin ko ang pangalan ko and I want justice for your death, Nay. Pagbabayaran ng tunay na may sala ang krimen na ginawa niya sayo! Dahil sa panggigigil ay hindi ko na namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Miss na miss na kita, Inay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

My Ex, My Boss, My Husband R-18

read
555.6K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
414.8K
bc

I Married A Stranger (Tagalog)

read
1.5M
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
779.1K
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
165.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook