bc

Greater Heights (NEW STORY)

book_age12+
572
FOLLOW
1.6K
READ
fated
opposites attract
independent
dare to love and hate
drama
twisted
mxb
female lead
male lead
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Mt. Salvacion --- ang bundok na mas kilala bilang UFO Mountain at Aliens Nest. Kung saan diumano ay nagkakaroon ng mga sightings. Ang pugad umano ng mga Alien at landingan ng mga spaceship at ng mga UFO.

Si Charise Marie ang babaeng pangarap at may gustong ma-cross out sa bucketlist nito. Ang maakyat ang Mt. Salvacion sa birthday nito ng mag-isa.

Si Evan Lee ang lalaking taon-taon ay umaakyat din ng Mt. Salvacion for a certain reason. Paniwala kasi nitong kinuha ng mga Alien ang girlfriend nito.

Habang nasa tuktok sila pareho at nasa kanya-kanyang tent ay biglang lumamig ang simoy ng hangin. Maya-maya pa ay biglang lumakas pa lalo iyon. Tapos bigla pang nasundan ng nakakasilaw na liwanag at nakatutok iyon sa tent ng dalaga. Malakas din ang ugong na naririnig niya. Mukhang iyon na yata ang spaceship ng mga alien at anytime ay tatangayin na ang mga naroon kasama siya. Sa sobrang takot niya ay tuluyang siyang lumabas ng tent niya at napatakbo sa katabing tent kung saan nandoon ang lalaki. Sa kadesperadahan na wag tangayin na mag-isa ay napayakap siya ng mahigpit sa lalaki.

Anong mangyayari sa kanilang dalawa? Ready na ba siyang "magba-bye sa Earth" at mag "Hello Aliens" habang ina-abduct kasama ang lalaki?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1 - Meet Charise & Her Bucketlist
CHARISE MARIE "See you after two weeks, Cha, ha?" sabi sa akin ng tour coordinator na si Mylene ng tuluyan akong bumaba ng van. "Okay," sagot ko sa kanya saka ko siya nginitian. "Message na lang kita sa details," pahabol pa nito. Tumango ako bilang tugon bago nito tuluyang isinara ang pinto ng sasakyan. Hinintay kong makaalis ang mga ito. Nagba-bye pa ako habang pinapanood ang papalayong sasakyan saka ako tuluyang pumasok sa loob ng bahay. Ako ang pinakahuling drop off sa lahat ng kasali sa tour na iyon. Mabuti na lang at along the way ang bahay namin kaya kahit paano ay nakatipid ako sa pamasahe. Matagal ko nang kilala si Mylene at subok ko na ang coordinating skills nito. Very friendly, accomodating at higit sa lahat maboka. Machika talaga siya. Kaya never kong naramdaman na ma-out of place nung una akong sumali sa tour nito na inoorganisa ng kanyang travel and tours business. Hanggang sa ilang beses na nga akong paulit-ulit na sumasama pag may ganap ito. Halos every two weeks ay nasa galaan ako at kung saan-saan nakakarating dahil kay Mylene. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit sa dingding ng sala. Pasado ala-una na ng madaling-araw ang oras.Patay na din ang mga ilaw ng buong kabahayan at tanging sinag lang ng liwanag na pumapasok mula sa poste sa labas ang nagsisilbing ilaw ko. Tulog na din sina mama. Tahimik na ang bahay kaya maingat akong nagtuloy papasok ng kwarto ko. Ibinaba ko ang sukbit kong backpack at saka hinubad ang sapatos ko. Hindi ako nag-abalang magbihis muna. Sa halip ay diritso nahiga na agad ako sa malambot kong kama. Pagkalapat ng likod ko ay agad akong nakadama ng kaginhawaan. Na-miss ko ang higaan ko. Two days ba naman akong di nakauwi dahil sa tour na sinamahan ko. Pagod na pagod ako at medyo masakit pa ang katawan ko especially mga binti ko. Umakyat kasi kami ng bundok. Ilang oras ba naman kaming naglakad para makarating sa pinaka-summit niyon. Mula madaling araw ay halos inabot na kami ng hapon bago kami tuluyang nakarating sa tuktok. Mabuti na lang at maganda ang panahon. Hindi ganun kahirap ang trail na dinaanan namin. Pero kahit ganun ay worth it lahat ng pagod ko. Parang nakarating ako ng langit sa ganda ng tanawin habang nandoon. Napa-wow ako ng maabutan ang papalubog na araw. Halos maging kulay kahel ang kalangitan dahil dun. Dagdagan pa ng mga sea of clouds na lalong nagpa-amaze sa akin. Breathtaking is the exact word para i-describe iyon. Grabe! Iba talaga ang creations ni God. Walang katulad. Super thankful ako dahil na-experience ko at nasaksihan ko iyon with my own two eyes. At super greatful ako dahil dun. Hindi ko alam kung makakabalik pa ako dun pero ang memories na babaunin ko pagbalik ay habang buhay na sa utak at alaala ko. Wala akong sandaling inaksaya. Agad kong kinuha ang phone ko at kinunan ng litrato ang tanawing iyon. Gusto kong ma-capture iyon para may remembrance ako pag-uwi. Napabangon ako bigla ng maramdaman kong naiihi ako. Kung saan pa talaga masarap na akong nakahilata. Wala akong choice kaya lumabas ako ng kwarto. Naglalakad na ako papuntang cr ng mapatili ako ng wala sa oras. "Nyemas! Ano ba yan, Ma! Pwede ba magtali naman kayo ng buhok. Nakakagulat naman kayo eh. Akala ko multo na. Muntik na akong atakehin dahil sa inyo." Napahawak ako sa dibidib ko sa sobrang pagkabigla ng makilala ang kasalubong ko. Akala ko na kasi ay multo na ito. Paano ba naman naka-roba ito ng puti saka buhaghag pa ang buhok. "Hoy! Charise Marie Ilano? Wag mo 'ko ma-nyemas-nyemas," sabi nito. Tuluyan akong nilagpasan at naupo sa dining table. "Full name talaga?" Napasimangot ako dahil dun. Anyway, Charise Marie Ilano. That's my real name. "Cha " for short. Twenty-six years old at three years nang nagta-trabaho bilang isang call center agent. Maganda? Syempre! Sabi ng mama ko. Atleast totoo iyon. Kanino pa ba ako maniniwala at magma-mana di ba? Medyo may pagka-witch lang siya ngayon. Pero maganda talaga 'yang nanay ko pag naayusan. 5'2 ang height ko. Oo, alam ko di ako katangkaran. Happy? "Kumain ka na ba? May ulam dito," sabi pa nito. "Kumain na po ako," tugon ko. Actually, nasa diet talaga ako. Hindi naman ako payat lalong hindi ako mataba. Sakto lang. Gusto ko lang mag-maintain ng timbang. And fit is the right word. "Ano ba account mo sa bookface? Nang makita ko naman kung san ka nagpupunta." "Wala akong bookface, Ma." "Ano ba yan? Millenials pero walang bookface." "Eh, sa wala eh." Yes! I don't have Bookface account though. Talo ako sa part na 'yan ni Mama. Hindi kasi ako ganun ka-active sa social media. But I do post some stuff sa Instantgram. Dun lang at wala nang iba. I'd rather be more active sa mga galaan at akyatan. I'm proud and certified lakwatsera at heart. May nunal kasi ako sa paa kaya siguro always akong nasa labas ng bahay at uma-awra. Nangangati kasi ang paa ko pag di nakaka-labas. "Ano bang nakukuha mo diyan sa paglalakwatsa mo? Kelan mo planong magkaboyfriend? Aba mag-te-twenty seven ka na, hija. Ano pang hinihintay mo? Siyam-siyam?" Status ko? SINGLE. Walang boyfriend. Yes, you heard it and you read it right in bold capital letters as in nag-iisa at walang kasama dito sa mundong mapaglaro. Not in a relationship. Lalong hindi two-timer. Active ang s*x life? Malamang wala as in tigang! Kulang sa dilig ang mga pechay kong lanta. Kaya no! Big N-O. Why? My choice? Walang nagkamali? Walang nagpaparamdam? Hindi ko alam. Masyado yata akong nag-enjoy sa YOLO philosophy ko. "I just want to enjoy life, Ma. Saka isa pa hindi daw hinahanap 'yang boyfriend kusa daw 'yang dumadating," sagot ko. NBSB? Absolutely no! Meron naman, grabe! Pero nung eighteen years old pa ako. Super tagal na talaga. Yun 'yung una at first heartbreak ko. Hindi pa ako ganun ka mature mag-isip nung time na 'yun kaya hindi rin nagtagal. Akala ko kasi okay na 'yung holding hands, akbay-akbay, yakapan, tamang text-text lang para kiligin pero aba't ang loko gusto agad umiskor. Gago pala siya eh! Bri-nake ko nga! Akala siguro nito madali niya akong makukuha. Kahit pa nga siya ang pinaka-sikat sa university namin. Pero asa siya! Isa siyang malaking manyak! Isa na siyang malaking ekis akin. After nu'n wala na. Hindi na nasundan pa. Parang tumatak na kasi sa isip ko na pare-pareho lahat ng lalaki. Na lahat ay magde-demand muna ng s*x as a sign na mahal mo nga siya. Lalo pa sa panahon ngayon na uso ang casual s*x muna bago sakal este kasal. Kahit pa nga mag-syota pa lang at hindi pa mag-asawa. Hanggang sa ayun nga twenty-six years old na ako. Turning twenty seven next month to be exact. At mas gusto ko na lang mamundok at gumala. Baka sakali nasa bundok din si Mister Right at hinihintay ako. Char! "Hay! Ewan ko sa'yo. Bahala ka na sa buhay mo. Matanda ka na. Pag yang balon mo natuyo ewan ko na lang. Tigilan mo na 'yang paglalakwatsa mo. Magpahinga ka naman. Puro ka nalang gala. Hindi ka na napirmi dito sa bahay." Tuluyan itong tumayo sa pagkakaupo at pumasok na ng kwarto nito. Napabuntong hininga ako. Hindi na din ako sumagot pa.Ganun lang talaga si Mama mabunganga pero love na love ko 'yan. Naiintindihan ko naman ang lahat ng sinasabi niya pero ayokong pressurin ang sarili ko. Gusto ko lang mag-enjoy habang hindi pa ako nagsasawa. Darating din ako diyan pero hindi pa siguro ngayon. Tuluyan na akong dumiritso ng cr dahil puputok na talaga ang pantog ko. Naging habit ko na ang pagsama sa mga tours. Iyon ang escape ko sa nakaka-stress at napaka-demanding na trabaho ko sa call center. Puro kasi international calls ang nire-receive ko. At malamang puro mga foreigners ang kausap ko. Halos natutuyuan na ako ng dugo dahil said na said na sa sobrang nosebleed ang english spokening dollars ko. Buti na lang talaga at nakaka-survive pa ako. Kung hindi lang talaga dahil sa malaking sahod at mga benefits at incentives keme baka matagal ko na 'tong sinukuan sa totoo lang. Twice a month ako sumasama sa mga tours na ino-organize ni Mylene. Dahil sa tagal ko nang sumasama sa kanya ay naging close ko na siya. Nakaka-discount ako dito at kung minsan libre na pag may nai-invite at nabubudol pa akong iba. Okay na ako sa dalawang beses sa isang buwan. Baka kasi tuluyan na akong bumigay at mabaliw pag every week na may ganap. Araw-araw na nga ako nakukonsumi sa mga tumatawag na ang hirap paliwanagan. Pagod na ang utak ko at ayoko pang pagurin ang katawan ko. Mabuti na lang talaga at dayshift ang schedule ko at hindi graveyard. Kahit paano ay normal ang tulog ko. Hindi ako zombie mode katulad ng iba. Marami na akong napuntahang lugar dahil sa mga tours. Dagat, bundok, isla, mga sikat na pasyalan. Name it. Konting-konti na lang mako-cross out ko na ang mga probinsya sa buong Luzon. Pero kung meron man ako na mas gustong gawin sa lahat ay 'yun ang umakyat ng bundok. Ewan ko ba para akong tinatawag ng mga bundok kagaya ng isang kasabihan. Kahit sobrang mahirap at nakakapagod sa umpisa at gusto ko nang sumuko pero fulfilling naman siya when you reach the top. Wala sa akin ang hirap na pagdadaanan. Wala namang madaling akyatan. Minsan may mga pagkakataon na delikado ang mga trail. Minsan naman madulas ang daan, masama ang panahon, may mga nakakatakot na hayop na mai-encounter habang sa daan katulad ng mga ahas at mga linta. Or minsan naman kami pa lang ang unang aakyat doon. Yung halos magkandaligaw-ligaw minsan dahil sa walang matinong daan na sinusundan. Mas lalo akong nae-excite pag ganun. Bawing-bawi naman lahat pag nasa tuktok na. Sa sobrang hilig ko sa mountain climbing ay napasali na din ako sa isang mountaineering club. Every three months ay may akyat kami sa kung saang bundok. Yung mga bundok na wala pang nakaka-akyat o hindi pa talaga nakikilala. Kahit na babae pa ako ay kaya kong makipagsabayan sa mga kasabayan kong lalaki. I also have the skills, complete din ako sa mga gears and equipment. I attended some seminars about safety and first aid and other related seminar about mountain climbing. Kaya yakang-yaka na sa akin ang kahit na anong bundok pa yan. Hindi ko na nga mabilang kung ilang bundok na ba ang naakyat ko. Basta ako kasi go lang ng go pag may pagkakataon. Hindi ko iniintindi kung mahirap o madali lang akyatin iyon. Ang sa akin kasi is YOLO. You only live once. Kaya hangga't kaya ay sasama ako, gagawin ko, aakyatin ko at kakayanin ko. But there's one particular mountain na gustong-gusto kong akyatin. Iyon ay ang Mount Salvacion. Nasa bucket list ko talaga siya. At iyon ang balak kong akyatin on my special day but with a twist. Gusto kong akyatin iyon ng mag-isa. Gusto kong ma-fulfill iyon sa birthday ko one month from now. Gusto ko iyong ma-cross out sa bucket list ko. Mount Salvacion or mas kilala sa tawag na UFO Mountain. Ang tawag naman ng iba ay Alien's Nest. Naging popular ito dahil umano sa mga UFO at Alien sighting sa bundok na iyon. Ayon iyon sa mga kwento-kwento at mga di umano'y naka-saksi ng mga supernatural events habang nasa bundok. Yung bigla na lamang daw iihip ng sobrang lakas ang hangin tapos susundan ng sobrang nakakasilaw na liwanag mula sa kalangitan. Ganun daw ang mga na-experience ng mga taong nakaranas niyon. Maraming pictures ang lumabas tungkol sa mga pangyayare pero kahit ni isa ay wala pa namang napatunayan kung totoo nga. Sabi ng iba di naman totoo iyon at edited lang ang mga photos na nasa internet. Dahil dun ay lalong nakilala ang Mount Salvacion. Pero dahil dun sa mga UFO at Aliens sightings kuno ay pinangingilagan na din ng mga mountainers ang nasabing bundok na iyon. Tanging mga malalakas lang ng loob at hindi takot ang nagpupunta roon para i-experience kung totoo nga ang mga iyon. Actually hindi naman siya ganun kahirap akyatin kasi madami nang madaling trail na pwedeng daanan. Yun nga lang mahaba-habang lakaran nga lang ang kailangang pagdaanan. Kailangan mag-overnight pag nakarating sa tuktok dahil mahirap ng bumaba pagnaabutan ng gabi. At desidido na akong gawin iyon sa birthday ko. Gusto kong malaman kung totoo ba ang mga iyon. Gusto ko maranasan ang makakita ng UFO ng malapitan or maka-encounter ng mga Aliens out of curiosity. Kung bakit sila andito sa planeta natin. Kung anong purpose nila at kung totoo nga ba talaga sila.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Fight for my son's right

read
146.5K
bc

The Innocent Playgirl (R18 Tagalog)

read
475.5K
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

College Series 1 : Feisty Friday (R18 Tagalog)

read
186.4K
bc

My Possessive Boss (R18 Tagalog)

read
572.5K
bc

The Billionaire's Marriage Agreement

read
430.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook