bc

Behind Hatred (book 1) completed

book_age18+
14.0K
FOLLOW
125.8K
READ
dark
drama
comedy
twisted
sweet
heavy
lighthearted
serious
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

"You seduced me!... Kaya nangyari ito!"

Malakas na sigaw niya dito, galit na galit siya sa lalaki na ito.

Nakatitig lang ito sa kanya, at nakikinig

"Kung inaakala mo na magiging sayo ako, isinusumpa ko hinding hindi mangyayari iyon!" Halos mabingi din siya sa lakas ng kanyang boses.

Hinding hindi siya papayag na maging asawa ito kahit pa nakuha nito ang lahat lahat sa kanya at pati buong simpatya ng kanyang pamilya.

Magsasampa siya ng kaso dito. r**e, r**e naman talaga iyon. Pero hindi iyon ang sinabi ng katawan niya kanina.

" Celyn!" Madiing bigkas nito,

"just marry me! At magiging maayos ang lahat sayo pati na ang pamilya mo, pero kung makikipagmatigasan ka pa! Ikaw din ang mahihirapan damay pa ang papa mo."

Babala nito, ang mga mata nito ay hindi nagbibiro.

Gulong gulo na siya at hindi na niya alam ang gagawin.

"Paano ako magpapakasal sayo? May mahal akong iba! May boyfriend ako!"

Luhaan sabi niya dito.

"At ikaw matanda ka na! Bakit hindi kaedad mo ang asawahin mo!"

Mukhang nasaktan iyon at biglang umalis, naiwan siyang tulala sa kawalan at nag iisip. Paano siya makakatakas sa lalaki na iyon?

chap-preview
Free preview
Episode 1
          Umiiyak si Celyn habang mahigpit na nakayakap sa nobyo niyang si Jules Naroroon sila sa ilalim ng napakalaking puno na may maliit na sapa sa gilid, paborito nilang puntahan iyon, lalo na kapag gusto nilang mag unwind, presko kasi ang paligid, malayo sa mga bahay bahay at maganda ang tanawin. Ang boyfriend niyang si Jules ang nagturo ng lugar na iyon sa kanya, may kalayuan iyon sa kanilang bahay kaya gumagamit  siya ng bisikleta kapag pumupunta doon.                  Tinawagan niya ang nobyo niyang si Jules kagabi at gusto niya itong makasama, lalo na at nalalapit na itong lumuwas sa Maynila para magtrabaho, may papasukan na ito doon, dahil naging backer nito ang pinsan nito na taga Maynila, at tinulungan siyang makapag apply sa isang malaking Internet Company bilang Junior Programmer.             Matagal na nitong pangarap na makapagtrabaho sa Maynila, tanda niya kapag nagsasabi ito sa kanya noon na gusto nga nitong magamit ang pinag aralan sa isang magandang kumpanya ay nakakaramdam na siya ng kalungkutan at lihim siyang umaasa na magbago ang isip nito at huwag nang tumuloy. Pero sa kasamaang palad ay ibinalita nito sa kanya nung isang araw na luluwas na nga ito sa Maynila para makapagtrabaho.                   "Paano tayo Jules sobra kitang mamimiss!" nakatingin siya sa gwapong mukha nito.               "Ano ka ba Celyn magtatrabaho lang ako doon, hindi naman tayo maghihiwalay. Kapag nakagradute ka na ay tutulungan kita na makahanap ng magandang trabaho doon para magkasama na tayo."  Hinihimas nito ang kanyang mahabang buhok, paborito nitong haplusin ang kanyang buhok, malambot daw kasi at tuwid na tuwid, ginagawa nito iyon lalo ng kapag inaalo siya.             "Tahan na ok! Dapat nga ay maging masaya ka sa akin, at para sa future din naman natin ang gagawin ko." Wika pa nito                      "Ok lang ako Jules, syempre hindi mo maiaalis sa akin ang malungkot, dalawang taon pa bago ako makagraduate, ang tagal pa bago ako makasunod sayo doon."                 Second year pa lang siya sa kursong Bs Management, at kasalukuyan siyang nag aaral sa Unibersidad sa kanilang lugar.              "Masaya ako para sa 'yo, masakit lang ay magkakalayo tayo." Yumakap ulit siya sa beywang nito. "     Jules! Huwag mo akong ipagpapalit doon ha." Malambing na pakiusap niya dito.                  Nakita niyang bumilog ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya, isa iyon sa mga asset nito na gustong gusto niyang tinitignan ang magandang mga mata nito, para ngang may lahi ito, pero kapag tinatanong niya ang sagot nito ay wala daw itong lahi, pure pilipino daw ang mga magulang nito.                    "Iyon pala ang iniisip mo ha, ikaw talaga! Huwag kang mag isip ng ganoon ok, alam mo naman kung gaano kita kamahal, nakalimutan mo na ba kung paano kita ipinaglaban sa mga magulang mo?" Natatawa ito habang nagsasalita.          Malaki ang pagtutol ng kanyang mga magulang sa pakikipagnobyo niya, at isa pa ay hindi gusto ng mga magulang niya lalo na ang Papa niya si Jules. Pero hindi nagpahadlang ang binata at pinatunayan nito na malinis talaga ang hangarin ni Jules sa kanya. Kalaunan ay natanggap na rin ng kanyang Mama ang nobyo niya, ang Papa naman niya ay wala na rin nagawa sa katigasan ng ulo niya. At sa pagkakaalam niya ay kinausap na ito ng kanyang Mama kaya hindi na rin ito humadlang pa.                   "E-eeh, hindi naman, siguro malulungkot lang talaga ako, medyo malayo din ang Maynila mga 4-5 hours ang biyahe, saka wala nang susundo sa akin sa school."                      Nakangusong sabi niya dito       "Kaya naman pala! Gusto lang ng sundo." Kinurot kurot siya nito sa tagiliran, sabay niyakap siya ulit ng mahigpit.                   "Basta isipin mo na lang para sa atin ito ha, lalayo ako para makaipon para sa future natin, syempre gusto ko rin na makapagpundar ng kahit na maliit na negosyo para walang masabi ang pamilya mo!"        "Eto naman! Bakit mo naman iniisip ang sasabihin ng pamilya ko?"     Nakatitig siya sa mukha nito. "Hindi mo dapat isipin yon Jules."                  May negosyo kasi ang pamilya nila, may katamtaman silang laki ng grocery store sa bayan ng Pangasinan, bukod doon ay may apat na pinto ng apartment sila na naipundar ng kanyang mga magulang, at ang Papa niya ay nagtatrabho sa malaking Oil Company sa Maynila, lingguhan iyon kung umuwe sa kanila. Kaya masasabi na may kaya ang pamilya nila sa lugar na iyon.           "Pero dapat kong isipin yon Celyn, dahil ako ang lalaki, at ako ang bubuhay sa magiging pamilya natin pagdating ng araw. Sana maintindihan mo ako." Malumanay na sabi sa kanya nito              Tumango siya dito, sabay yumakap ulit. Wala siyang masabi sa boyfriend niya na ito, yung mga hinahanap ng mga babae na katangian ng isang lalaki ay taglay taglay ng kanyang boyfriend. Magdadalawang taon na ang relasyon nila. Miski ang kanyang Mama ay nagustuhan na rin ang kanyang nobyo dahil nga sa magandang ugali nito, magandang lalaki din ito at matangkad, kaya hindi niya maiwasan na mag isip na kapag nasa Maynila na ito ay mga mga magkagusto dito at sulutin sa kanya.                   Freelancer ito kaya sa bahay lang ito nagwowork, sa pagkakaalam niya ay magaling ito sa Graphic Design, matanda sa kanya ito ng limang taon. Kumikita naman ito kapag nagkakaroon ito ng client online, pero hindi naman sapat iyon, dahil hindi naman lagi ay may nakukuha itong kontrata, kaya talagang gusto nito na makapagtrabaho sa isang kumpanya, at para din lumawak pa ang kaalaman nito. Nagsabi pa nga ito dati na gusto nito makapag abroad na kasama siya, pero for the meantime ay gusto muna nito na magkaroon ng experience kung baga, para daw hindi ito mahirapan na makapagtrabaho sa abroad.       Syempre dahil sa boyfriend niya ito dapat lang na suportahan niya ito sa mga pangarap nito.               "Celyn sa monday na ako luluwas ha." napatingala siya dito, saturday na ngayon, lalo tuloy siyang nakaramdam ng lungkot. Hinawakan nito ang kanyang magkabilang pisngi.      "Magtiwala tayo sa isa't isa, saka lagi ako gagawa ng paraan na makipagcommunicate sayo. Tandaan mo na mahal na mahal kita ok! Alam ko naman na alam mo na iyon, kaya ang hihingin ko lang ay ang tiwala mo sa akin."                     Hindi niya mapigil ang mga luha na iyon na pinipigil niya kanina pa. Niyakap siya nito nang mhigpit na mahigpit, alam niya na gusto nitong alisin ang lungkot na nadarama niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

Be Mine Again

read
98.6K
bc

Mr. Henderson: The Father of my Child -SPG

read
2.6M
bc

Fight for my son's right

read
146.5K
bc

Mister Billionaire's Secret Wife [Tagalog/Filipino]

read
5.1M
bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook