bc

Haunting Innocence

book_age18+
1.2K
FOLLOW
5.2K
READ
dark
possessive
fated
CEO
office/work place
realistic earth
betrayal
poor to rich
virgin
seductive
like
intro-logo
Blurb

Dalawang taong pinagtagpo, mga pusong pinag-isa. 

Hind inaasahan ni Mekylla na may isang taong mapapadpad sa lugar nila. Puno ng sugat ang katawan, at walang malay. Ang nakapagtataka ay kung paanong napadpad ang taong iyon sa kanilang lugar.

----

Lucas Hieven Devereaux, a handsome business tycoon. He's famous and professional. Wala ka nang hahanapin pa sa kanya. He's the person that you wanted to call perfect. Pero hindi, Hieven is not perfect that everyone thinks. Having a strict and controlling parent, Hieven decided to stay in his friend island for a week. Gustong lumayo ni Hieven sa mga magulang kahit panandalian lamang. 

Ngunit nang patungo siya sa Isla ng kaibigan ay hindi niya inaasahan ang nangyari. His chopper crashed. Hieven have no choice but to jump in the sea. He thinks it's all fine now after he jump but what happened next was really unexpected. 

Can Hieven survive in that incident? Or would he rather choose to close his eyes forever?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
THE smell of smoke from the vehicle, the hot weather, and the confusion of the reporters welcomed him when he went out to the airport. Maraming mga guard ang pumipigil sa mga reporters na nagtatangkang lumapit sa kanya. Dahan-dahang kinuha ni Hieven ang kanyang salamin at dumiretso sa sasakyang naghihintay sa kanya. Paniguradong pinadala iyon ng magulang niya. Ano pa bang inaasahan niya. He knows what they want, kaya nagpadala ang mga ito ng susundo sa kanya. “Straight to my own house,” malamig niyang wika sa driver ng kanyang ina. The driver looked at him and slightly bowed his head. “Sir, ang sabi ni Ma'am Juliana ay doon na raw kayo dumiretso sa bahay ninyo.” Nauubusan ng pasensiyang bumuntong-hininga si Hieven. "I'm tired. I want to f*****g rest. Can you listen to me and just f*****g drive?"  He's tired listening to his parents rant again. As always. Wala naman siyang ibang naririnig mula sa mga ito kundi pagkukumpara ng mga ito sa kanya at sa kuya niya. He never been their favorite son after all.  “Pero kasi, Sir...” He gives him a death glare. “Do you love your job? Then f*****g drive!"  Wala na itong nagawa kundi ang sundin ang kanyang utos. Hieven rested his head and close his eyes. But minutes pass, he felt his phone vibrated. He grabed it in his pocket. The caller is his Father.  "What?" bungad niya when he answers the call of his Father. "Don't give me that tone of yours, Hieven! Wala ka talagang galang! Bakit hindi mo gayahin ang kuya mo? Umuwi ka rito at mag-uusap tayo!" Here we go again.  Hindi siya nagpatinag. He used to it. Araw-araw ba naman iyong sabihin sa 'yo ng ama mo. Tsk! Anong mayro’n sa kuya niya na wala siya? He knows that hindi niya kasing galing ito sa mga bagay-bagay but he can fight him kung mano-mano. Heilvin, is not that handsome as him.  "Tomorrow. I'm tired. Bye, dad!" Then he ended the call. Ayaw niyang makausap muna ang magulang niya. He’s really tired being their pet. He don't want being controlled with them. Hindi na nila siya maloloko. Huling nagpakontrol siya sa mga ito ay nawala ang kanyang pinakamamahal na Lolo. He f*****g regret that he listened to them. Damn them! He suffered a lot, ayaw na niyang maulit ang nangyari. Hindi pa niya nalalagay ang kanyang cellphone sa bulsa ay tumunog muli ito. This time ay kaibigan na niya ang tumatawag. “Now what?” inis na bulyaw niya rito. Kahapon pa siya kinukulit nito tungkol sa problema nito. Isa rin ito sa rason kung bakit siya nagmamadaling umuwi ng Pilipinas after years staying in America. This lunatic is so demanding. “Kailan ka ba pupunta rito? I want to eat something spicy, dude.” Atat na atat na talaga. “Daig mo pang hinayupak ka ang buntis kung humiling! Bakit ka pa kasi nagtungo sa islang iyan ng walang dalang pagkain? Tsk!”  Nagbakasyon ito sa islang pagmamay-ari nito ngunit nakalimutan bumili ng groceries dahil akala nito ay maraming stock na pagkain doon.  That brute, pinauwi niya ang mga caretaker niya three days after niyang magtungo roon. Nakalimutan ng mga itong sabihin sa kanya na walang pagkain doon. Nagtutungo lang naman ang mga caretaker every week upang maglinis. Hindi sinabi ng lalaki na tutungo siya ro’n. His too lazy to go back in town to buy his own food kaya siya ang inutusan nitong bumili dahil sinabi niyang tutungo rin siya sa isla nito to unwind. Or better say to avoid his parents. “Tsk! Bilisan mo na lang kasi, dude. I pay you triple when I get back in manila after five weeks vacation.” Umiiling-iling siya sa sinabi nito. “I'm still in the car going to my house. So, tiisin mo ang gutom mo dahil mamaya pa ako makakarating diyan.” Hieven shook his head when he heard his friend whine. Lunatic. “The hell, dude? I'm hungry!” He's whining like a child. “Who's fault it is?” walang kabuhay-buhay na tanong niya. Sandaling natahimik ito. “Me?”  Muli siyang napailing. “Of course! Tsk! Don't disturb me, I'm resting. Bye! I will call you later.” Then he cut the line. Ipinikit niya ang kanyang mata habang hinihintay na makarating sila sa bahay niya. Nang mamatay ang kanyang Lolo ay bumukod na siya sa kanyang magulang. Sa murang edad ay natutunan niyang mamuhay mag-isa sa bahay na ipinamana ng kanyang Lolo.  Lumayo ang loob niya sa mga magulang. They are still communicating, but they rarely see each other. Looking at his parents' faces was like torturing him. Naaalala lamang niya ang Lolo niyang nag-alaga sa kanya mula pagkabata.  “Sir Hieven, narito na po tayo,” he heard the voice of the driver.  Nagmulat siya saka lumabas ng kotse. Naglakad siya patungo sa gate. “Go home, tell mom and dad that I'm going somewhere later so, don't expect me to go there tomorrow.”  Nang makapasok sa kanyang bahay ay itinapon lang niya sa kung saan ang kanyang maleta at dumiretso na sa kanyang kusina para kunin ang lahat nang laman ng kanyang ref.  Mabuti na lamang at pinalagyan niya iyon. Lahat ng laman ay kinuha niya, nilagay sa malaking bag. After packing all of his foods Hieven lazily get his phone to call his friend. “I'm going now. Just ready my room.” Hindi na niya hinintay na sumagot ang kausap. He called again. “Bring my chopper here in my house. Gamitin mo ang kotse ko kapag umuwi ka.” Then call ended.  Naglakad siya patungo sa living room bitbit ang malaking bag na pinaglagyan niya ng mga pagkain. Nilagay niya ito sa gilid at pabagsak na umupo sa sofa.  Minutes of waiting he heard the sound of his chopper. Malaki ang space ng bahay niya, kaya kampante siyang kakasya roon ang chopper.  "Brute, nasa labas na. Saan ka ba pupunta?" The door of his house opened and a man wearing a plain shirt entered. His pilot friend, Dawell Mercadejas. "I'm going to Noele's Island. Do you want to come?" Tumayo siya at patamad na binitbit ang bag.  The man shook his head before following him. Gusto man nitong sumama ay hindi maaari. Sunod-sunod ang kanyang byahe nitong nagdaang araw. Bukas ay may byahe ulit siya hanggang sa susunod na linggo. "Susunod na lang ako ro’n. Tatapusin ko lang ang huling byahe ko at kukuha ako ng tatlong linggong bakasyon." Hieven just nod at him. Sumampa si Hieven sa chopper. Bago paandarin ito ay itinapon niya sa kaibigan ang susi ng kanyang kotse. And he put his phone beside him. "Don't tell them my exact address if ever they'll ask you." Tumango ito at lumayo na. After he put the headphone on his ear, Hieven start operating the chopper. Tinanguan niya ang kaibigan bago ito paliparin. Bumuntong-hininga si Hieven nang nasa himpapawid na siya. Hindi niya maiwasang sulyapan ang kanyang cellphone na nasa kanyang gilid lang. Noong isang araw pa siya may hinihintay na tawag. Alam nitong dumating na siya ngunit wala yata itong planong puntahan siya.  May kutob na si Hieven na alam nito na may nalalaman na siya sa mga ginagawa nito habang wala siya. It's his fault thought. Wala na siyang oras para rito nang nagdaang buwan. Nauna itong umuwi sa kanya sa Pilipinas, mag-dadalawang buwan na. Hindi siya agad nakasunod because something happened. Hindi namalayan ni Hieven na malapit na siya sa Isla kung nasaan ang kanyang kaibigan. Nang tingnan niya ang kalangitan ay masyado na itong madilim. He didn't notice that a while ago. Kailangan niyang makarating agad roon bago pa bumuhos at lumakas ang ulan. Hieven glanced his phone nang lumiwanag ito. May nagpadala ng mensahe. He wants to read it ngunit biglaang bumuhos ang ulan na siyang naging dahilan ng paggalaw ng chopper. He calmed himself but everything was not okay. He can't control the chopper anymore because of the heavy rain. “f**k!”  Naging sunod-sunod na ang mura niya nang lalong lumakas ang ulan at hangin. Naghalo na ang dalawa kaya nahihirapan na siyang isaayos ang pagpapalipad.  Inabot niya ang safety jacket but before he got it something hit the chopper at iyon ang naging dahilan upang bumulusok ang chopper pababa. Tinanggal niya ang seatbelt niya at hinanda ang sarili sa pagtalon. Malapit na siya sa dagat. “This is f*****g s**t!” One more cuss came out of his mouth before he jumped. Pagbulusok niya sa baba ay tubig dagat ang sumalo sa kanya. Tumingala siya sa taas at nakita ang kanyang chopper na papalapit na sa kanyang puwesto. Lumangoy siya upang makalayo kung saan tatama ang chopper. Malalakas ang mga alon kaya alam niyang mahihirapan siya sa paglangoy. He did everything para makapayo lang doon. Nang lingunin niya ang kanyang chopper ay isang hindi inaasahan ang sumalubong sa kanya. Tumingala siya at pinilit na lumangoy palayo ngunit huli na ang lahat. Bumulusok ang mataas at malaking alon sa kanya. Tumama pa ang katawan niya sa kung anong bagay.  Sinubukan niyang umahon ngunit naging sunod-sunod na ang mga malalaking alon. Nakakainom na siya ng tubig dagat. Pati sa paglangoy ay nahihirapan na rin siya dahil sa pananakit ng kanyang katawan. Sumubok si Hieven nang sumubok para makaahon ngunit sa huling subok niya ay nahirapan na siya. Mas malakas ang huling alon. Gusto niyang sumigaw sa sakit ng tumama ang kanyang ulo sa isang bagay na sa tingin niya ay parte iyon ng chopper. Nahihilo na siya. Maraming tubig ang naiinom. Hanggang sa tuluyan na niyang ipikit ang mga mata kasabay ng pag-alala niya sa kanyang mga minamahal.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook