bc

MAY PAG-IBIG PA BA?

book_age18+
13
FOLLOW
1K
READ
drama
like
intro-logo
Blurb

Buong-buhay niya ay wala siyang inasam kundi ang maramdaman ang kung paano ang mahalin ng tunay. Pagmamahal na buong-buo at walang kahati. Pagmamahal na walang hinihinging kapalit o kondisyon. Pagmamahal na handang ialay ang buhay para sa kanya.

Siya si Vicka, ulilang lubos at lumaki sa bahay-ampunan hanggang sa magdalaga. Uhaw sa pagmamahal sapagkat parang alila lang siya kung ituring ng mga taong nakapaligid sa kanya.

Hanggang sa may butihing mag-asawang kumupkop sa kanya na buong-akala niya ay magliligtas sa masalimuot niyang buhay sa bahay-ampunan ngunit taliwas pala ito sa inaasahan niya.

Sa pagpasok niya sa bagong mundong gagalawan ay makikilala at makakasalamuha niya din ang lalaking magpapatikim ng mas matinding hirap at pasakit sa kanya.

Nasaan na ang pag-ibig na matagal na niyang hinihintay?

Hanggang pangarap nalang ba ang lahat ng inaasam niya?

Bakit kay kay saklap ng buhay niya simula pagkabata?

Tuluyan na ba siyang susuko at mawalan ng pag-asa?

Mga katanungang hindi niya mahanapan ng kasagutan.

Subaybayan ang buhay ng ating bida at maantig sa mga hamon na buong-tapang niyang hinarap upang makamit ang pinakamimithing pagmamahal mula sa taong iniibig.

chap-preview
Free preview
MAY PAG-IBIG PA BA?-1
Gustohin mang sumali ni Vicka sa masayang paglalaro ng mga kasama niyang mga bata sa bahay-ampunan ay mas pinili nalang niyang manatili sa isang tabi dahil tiyak papagalitan na naman siya ng masungit na mayordoma ng "Home of Angels", isang pribadong bahay-ampunan na pagmamay-ari ng isang mayamang pamilya sa kanilang lugar kung saan bukas-palad nilang kinukupkop ang mga nauulilang mga bata at hinahanapan sila ng pamilyang may kakayahan na tanggapin at alagaan sila. Sampung taong gulang na siya at hindi maintindihan ng murang isip niya kung bakit ang init ng dugo sa kanya ng mayordoma maging ng ibang katiwala at ilan sa kapwa niya mga bata. Mabait at masunurin naman siya at wala siyang sinusuway sa mga utos ng kanilang mga tagapag-alaga. Sa katunayan ay dito na siya lumaki at nagka-isip sa bahay-ampunan dahil sa pagkakaalam niya ay musmos pa lamang siya ng namatay sa aksidente ang kanyang mga magulang at walang kamag-anak ang gustong kumupkop sa kanya sa hindi rin niya malamang dahilan. Nais man niyang magtanong sa mga nakatatanda ay hindi naman siya makakuha ng matinong sagot dahil galit na kaagad ang mga ito kapag sinusubukan niyang lumapit at makigpag-usap sa mga ito. Tunay na napakalungkot ng kanyang buhay sa loob ng tahanan na ito kahit pa may mga taong nakapalibot sa kanya sapagkat wala naman siyang makausap ng matagalan at kahit ang maliliit na mga bata ay hindi pinapalapit sa kanya. "Hey kid! Anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka sumali doon sa mga naglalaro?" Mga tanong ng isang tinig sa kanyang likuran na kanyang ikinibigla. Dahil sa pagkagulat ay nawalan siya ng balanse at deri-deritso na sanang matutumba kundi pa siya agarang nasalo ng mga bisig ng taong gumulat sa kanya. "Napakamagulatin mo pala." At mahina pa itong tumawa. Hindi na lamang siya kumibo dahil hindi naman siya nasanay na kinakausap lalo pa at estranghero ito sa paningin niya. "Hey, are you deaf or mute?" Tanong uli nito at sumilay ang magandang ngiti nito sa mga labi. Hawak parin nito hanggang sa ngayon kanyang mga balikat simula nung maagapan nito ang muntikan na niyang pagkatumba. Dahil sa magkalapit sila ay natitigan niyang mabuti ang kabuuang anyo nito. Matangkad ang lalaki. Siguro matanda lang ito sa kanya ng mga ilang taon. Maputi at maamo ang mukha. Para itong anghel na bumaba sa lupa. Siguro nga ay hulog ito ng langit kasi agad siya nitong nasalo na parang kasing bilis ng kidlat. Pero teka, ito rin kaya ang dahilan kung bakit siya nagulat at nawalan ng balanse. "Naiintidihan mo ba ako? Bakit ayaw mong magsalita? Patuloy na tanong nito. "Vicka! Saan ka na naman nagsususuot na bata ka! Malakas na sigaw na kanyang narinig mula sa loob ng likod-bahay. Nasa gilid kasi ng hardin kung saan tanaw niya ang mga bata sa palaruan. Walang lingon-likod na kumaripas na siya ng takbo at iniwan ang binatilyo na hindi man lang niya kinausap. Narinig pa niyang tinawag uli siya nito ngunit tuloy-tuloy na siyang pumasok sa loob dahil alam niyang hindi lang kurot ang kanyang aabutin sa istriktang si Ms. Soledad, ang mayordoma ng tahanan, kapag lalampa-lampa pa siya sa paglapit dito. Nang tuluyang makapasok sa loob ng pinto ay agad niya itong isinara upang hindi siya masundan o makita ng lalaking tumatawag. Ayaw niya rin namang masaksihan nito ang parusang ilalatay sa kanya mula sa mga kamay ng malupit na mayordoma. "At tumakas ka naman uli!" Dumadagundong ang tinig nito sa kanyang pandinig at nagsisimula na naman siyang manginig dahil sa matinding takot dito. "Ms. Soledad patawad po! Nasa hardin lang po naman ako at nanunuod sa kanilang paglalaro." Natatakot man ay binigyang lakas parin niya ang sariling makapagpaliwanag dito. "At sino ang nagbigay ng permiso sayong lumabas at manuod doon?! Sagot!" Galit na galit parin nitong sita sa kanya. "Wala po Ms. Soledad. Patawad po talaga at hindi na mauulit." Garalgal ang boses na sagot niya sabay iling dahil sariling kagustuhan niya lang naman ang pumunta doon para masaksihan ang kasiyahan ng mga kapwa-bata habang naglalaro. "Hindi ka na talaga natuto at palagi mo nalang akong sinusuway! Alam mo bang dumating ang may-ari nitong ampunan at hindi pwedeng mag-gagagala ka nalang kahit saan!" Nanggigigil nitong sabi sabay kurot sa kanyang tagiliran. Napadaing nalang siya sa sakit dahil todong idiniin nito ang kuko sa balat niya. Hindi pa ito nakuntento ay ilang kurot pa ang kanyang natikman sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan hanggang sa ito ay magsawa at nilubayan na din sa wakas ang maliit niyang katawan na punong-puno na ng mga sugat dahil sa kagagawan nito at ng iba pa nitong kasamahan. "Siguro naman ay magtatanda ka na at ipasok mo lagi sa kukote mo na hindi lang yan ang aabutin mo sa oras na sinuway mo uli ako!" Sigaw nito at itinulak pa siya dahilan upang matumba siya sa sahig. Buti nalang at naitukod niya ang kanyang mga kamay dahil kung hindi tiyak may bukol na naman ang kanyang ulo mamaya. Tahimik na lamang niyang iniluha ang sakit na nararamdaman. Wala siyang karapatang umatungal ng iyak dahil tiyak mas pahihirapan siya ng mayordoma. "Tumayo ka na diyan at pumunta sa kusina! Maraming hugasing naghihintay sa iyo doon at huwag kang papasok sa silid mo hangga't hindi mo natatapos ang pinapagawa ko!" Sigaw uli nito at mabilis na siyang tumayo kahit ramdam niya ang kirot sa iba't-ibang bahagi ng kanyang katawan. Hindi paman niya nakikita ang dulot ng mga kurot nito ay alam niyang dadagdag na naman ang mga iyon sa koleksyon niya ng mga sugat sa katawan. 'Panginoon, tulungan Niyo po akong makaalis na dito. Hirap na hirap na po ako.' Mahina niyang panalangin habang naglalakad patungong kusina dahil alam niyang sinusundan lang siya ng tingin ng mayordoma at kunting pagkakamali lang ay panibagong parusa na naman ang matitikman niya. Naaalala niya uli ang maamong mukha ng matangkad na lalaking kumausap sa kanya sa may hardin. 'Sana magkita kami uli. Mukha naman siyang mabait. Baka matulungan niya akong makalabas dito.' Usal niya uli habang binibigyan ng pag-asa ang sarili.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook