bc

The Nerd Surrogate Herself

book_age18+
14.5K
FOLLOW
64.7K
READ
escape while being pregnant
playboy
boss
maid
nerd
disappearance
reckless
virgin
like
intro-logo
Blurb

Akira Samson, A nerd turned into a hot and beautiful Mommy! A mommy but still a Virgin.

A history repeat itself. Yan ang pamantayan nya. Ni minsan ay hindi na binalak ni Akira ang magka boyfriend o magkaroon ng asawa dahil sa nangyari sa Inay nya.

Nang mabuntis ang Inay nya ng isang extranghero ay tinakbuhan ito at hindi na binalikan at sya ang naging bunga niyon. Kaya lumaki siyang walang kinilalang Ama.

Nang pumanaw na ang kanyang Inay ay iniwan siya nito sa pangangalaga ng kanyang Tiyahin na nagtatrabaho sa Mansyon ng mga Montelibano. Isinama nito si Akira bilang kapalit sa trabahong maiiwan nito sa mansyon.

Si Kier Montelibano, An instant Daddy!

Isang Playboy, Jerk, Arrogante at kung ano ano pang hindi magandang ugali ang pwedeng itawag sa kanya pero mayaman at higit sa lahat ay saksakan ng gwapo.

Ito lang naman ang magiging ama ng anak ni Akira pero hindi nito alam.

Maniwala kaya ito kung sakaling malaman nito ang katotohanan mula kay Akira? O ituturing siya ni Kier pakawala at disgrasyada kagaya ng ibang naging babae nito?

(BOOK 1 AND 2)

chap-preview
Free preview
TNSH 1-MEETING HER BOSS
Kakauwi lang ni Tiyang Loleng galing sa Maynila. Ilang buwan ko din itong hindi nakita at nakasama kaya talagang na-miss ko ang aking tiyahin. Kasalukuyan kaming kumakain ni Tiyang Loleng ng magtanong ito sa akin. "Anak, Akira. Maaari ka bang sumama sa akin sa Maynila? Tutal naman ay graduate ka na ng High School. Baka pwede mo muna akong tulungan sa Mansyon ng mga Montelibano. Alam mo na, medyo tumatanda na rin ang Tiyang Loleng mo," pabirong wika sa akin ni Tiyang Loleng ngunit mababakasan naman ng pakikiusap ang boses. Mahahalata na rin ng kapaguran sa mukha. Siguro ay dahil nga matanda na rin si tiyang. "Sige po Tiyang Loleng, wala pong problema sa akin yan. Wala din naman po akong ginagawa dito sa bahay. Isa pa, gusto ko rin po na makarating sa Maynila," pagsang-ayon ko kay Tiyang Loleng habang ang tinig ko ay aking pinapasigla ngunit deep inside ay nalulungkot ako. Ang totoo niyan ay alam ko na hindi na ako makakapag aral ng kolehiyo dahil hindi na kakayanin ni Tiyang Loleng ang lahat ng gastusin sa matrikula ko. Naiintindihan ko naman ang bagay na iyon. Sapat na sa akin ang itinaguyod ako nito sa abot ng makakaya nito na kung tutuusin ay hindi naman ako obligasyon ng Tiyahin ko. "Salamat at pumayag ka anak, maya-maya ay mag-ready ka na rin dahil mamayang madaling araw din ang alis natin. Pumayag lang si Kier na makauwi ako dito dahil sabi ko nga ay graduation mo na. Ayaw ko rin naman na umakyat ka sa entablado na hindi ako ang kasama mo. Siyempre, ako dapat ang magsasabit ng medalya mo at hindi kung sino lang," may pagmamalaking sambit ni tiyang. Na-touch naman ako sa sinabi ni tiyang. Mahal na mahal talaga ako nito. Ramdam na ramdam ko yun dahil simula nang iniwan na ako ng Inay ko ay hindi nagkulang sa akin si tiyang ng pagpaparamdam ng pagmamahal nito para sa akin. Walang anak si tiyang at hindi na rin nakapag asawa kaya siguro itinuturing na talaga ako nito bilang sariling anak. "Naku, Tiyang Loleng. Maraming salamat po talaga sa inyo dahil kahit papano po ay nakapag aral po ako kahit hanggang high school lang. Kung wala po siguro kayo baka kung saan na po ako pulutin," may bakas ng saya at lungkot ang boses ko. Pati nararamdaman ko ay hindi ko na rin maintindihan. "Naku kang bata ka! Kumain na nga tayo at baka magkaiyakan pa tayo dito." Natatawang sambit ni Tiyang Loleng. Maging ako naman ay natawa na rin sa reaksyon n tiyang. Ayaw talaga nito ng drama kahit noon pa man. Gusto nito ay palaging goodvibes lang at nakangiti. Sana nga ganoon lang kadali yun. Ipinagpatuloy na namin ang aming naudlot na hapunan. Pagkatapos naming kumain ay ako na rin ang nagligpit ng aming pinagkainan at naghugas ng mga iyon. Inayos ko na rin sa kitchen cabinet na gawa sa kahoy ang pagkakasalansan ng mga plato, kutsara at tinidor. Sanay na sanay na ako sa gawaing bahay dahil mag isa lang ako na nakatira dito sa barong barong ng Tiyang Loleng ko. Kapag naman may babayaran sa eskwelahan ay nagpapadala na lang ito sa akin sa mga money transfer. Kadalasan, umuuwi lang si Tiyang Loleng kapag mahahalagang araw. Kagaya ng kahapon na graduation ko sa high school. Sa tingin ko ay mabait nga siguro ang amo ni Tiyang Loleng dahil palagi itong pinapayagan na makauwi sa mahahalagang araw. Kasalukuyan na akong nag aayos ng aking ilang mga gamit na dadalhin sa Maynila nang biglang pumasok si Tiyang Loleng sa maliit kong silid. Umupo ito sa tabi at tumulong sa pag aayos ng iba ko pang dadalhin na gamit. "Anak, may hindi pa pala ako na ipagtapat sa iyo." Bakas sa boses ni tiyang ang pag aalinlangan. Bahagya pa itong nag-iwas ng tingin sa akin. Napakunot naman ang noo ko pero agad ko din na binawi saka ikinalma ang aking sarili. "Ano po iyon Tiyang Loleng?" Nagtatakang tanong ko. Isinilid ko sa nakabukod na plastik ang mga underwear ko saka ko inilagay sa bulsa ng aking bag para hindi maipit sa ilalim. "Gusto ko na sanang magpahinga na muna sa pagtatrabaho anak. Ang totoo nyan ay nahihirapan na talaga ako sa gawain sa Mansyon. Kung pwede sana ay ikaw na muna ang pumalit sa akin hangga't hindi pa sila makakahanap ng magiging kapalit ko,' ani Tiyang Loleng. Bigla naman akong napaisip kung bakit pautol-putol ang pagbibigay alam sa akin ni Tiyang Loleng pero hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin. Sabagay, pwede narin siguro yun total ay pansamantala lang naman at kapag nakahanap na sila ng kapalit ni Tiyang Loleng ay makakaalis narin ako." Ngumiti muna ako kay Tiyang Loleng bago ako sumagot. "Oo naman po Tiyang Loleng, wala pong problema sa akin 'yan. Basta po kapag nakahanap na po sila ng magiging kapalit mo ay aalis na rin po ako sa Mansyon. Balak ko po sanang kumuha ng Scholarship sa College po." Bahagya akong napatungo nang mabanggit ang tungkol sa pag aaral sa kokolehiyo. Ayaw kong ma-misinterpret ni tiyang ang tungkol sa bagay na iyon dahil dapat ay inuunawa ko ito. Saglit na naging malungkot ang awra ni Tiyang Loleng. Dahil siguro sa tinuran ko pero agad din naman na ngumiti. Dahil siguro sa mabilis niya akong nakumbinsi. "Pasensya ka na sa akin Aki, hayaan mo at gagawan ko ng paraan ang pag aaral mo sa Kolehiyo. 'Wag kang mag alala. Mabait naman iyon si Kier," sabi pa ni tiyang. Ngumiti ako bilang tugon. "Sana nga po, Tiyang." Pero sinarili ko na lang ang sinabi ko at hindi na isinatinig pa. Isa rin yun sa hiling ko dahil hindi pa ako sanay magkaroon ng amo. Napakaka iyakin ko pa naman kapag sinisigawan ako o kaya naman ay pinapagalitan. Baka konting sigaw lang sa akin ay umiyak na ako kaagad sa harap ng amo ko. Ipinilig ko na lang ang ulo ko at iwinaksi na ang bagay na iyon sa isipan ko. Ipinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ng mga gamit na dadalhin ko sa Manila. "Sige na Anak, pagkatapos mo diyan ay matulog ka na dahil maaga pa tayo bukas," bilin pa ni tiyang. Nagpaalam na sa akin at tuluyan ng lumabas ng aking silid. Pagkalabas ni Tiyang Loleng sa aking silid ay dun lang ako nakahugot ng mahabang paghinga. Paano nga ba ako makakatanggi kung si Tiyang Loleng na mismo ang nakiusap sa akin? "Kaya ko to. Kakayanin!" Kagaya ng sinabi ni Tiyang ay maaga nga ako nitong ginising. Pagtingin ko sa labas ay madilim-dilim pa pero dahil aalis kami ay napilitan na rin ako maligo kahit na antok na ako at masyadong malamig ang tubig. Halos mapasigaw tuloy ako pagbuhos ko ng tubig sa aking katawan. "Akira, ayos ka lang ba diyan?" rinig kong tanong ni Tiyang. "Opo, tiyang! Malamig lang po talaga ang tubig ngayon!" medyo pasigaw na tugon ko para magnarinigan kami. "O siya, sige. Bilisan mo na diyan. Nakahanda na itong agahan para makakain muna tayo bago magbyahe." "Opo!" KASALUKUYAN na kaming nakasakay sa bus na byahe papuntang Maynila. Maaga kaming nakasakay kaya nakaiwas din kami sa buhol buhol na traffic sa daan. "Tiyang Loleng?" Agaw pansin ko kay tiyang na nakatulala. Napansin kong sa malayo nakatingin si tiyang at mukhang malalim din ang iniisip. "Tiyang Loleng?" Untag ko ulit kay tiyang ng hindi ito nagsasalita saka ko inalog ang balikat. Bahagya pa itong nagulat sa ginawa kong pag alog. Ngunit tila bumalik naman sa kasalukuyan. "Oh bakit Anak, may kailangan ka ba? Nagugutom ka na ba?" gulat na gulat na tanong ni tiyang sa akin. Pagkatapos ay umayos na ng pwesto sa inuupuan. Kukuha sana ng baon naming sandwich ngunit pinigilan ko si Tiyang Loleng. "Hindi pa naman po, Tiyang Loleng Hindi po ako nagugutom dahil busog pa po ako kinain nating agahan kanina. Napansin ko lang po na tulala ka at nakatingin ka po sa malayo. Tinatawag nga po kita pero hindi mo ako pinapansin kanina pa. May problema po ba?" nag aalala na tanong ko. "Naku, wala ito anak, ganito lang talaga ako palagi kapag nasa byahe, palagi kong in-eenjoy ang mga tanawin sa dinadaanan," sagot nito sa akin. Pero hindi ako kumbinsido sa sagot ni kanyang Tiyang Loleng dahil pansin kong may bumabagabag dito base sa kinikilos nito. Para itong balisa na hindi ko maintindihan. Napaisip naman ako kung bakit ganun ang kinikilos ni tiyang. She felt uneasy. Dahil sa wala ng traffic sa daan ay naging mabilis na ang byahe namin. Nakarating na agad kami sa Maynila. Huminto ang sasakyan kaya nag-ready na kami pababa ng bus. Nang makababa na kami ng Bus ay may nakita akong magandang sasakyan na nakaparada at doon pa mismo sa bus terminal na binabaan namin. Ang bongga ng sasakyan! Infairness naman kay kuya... Namangha ako sa sasakyan dahil ngayo lang ako nakakita ng ganitong klase ng sasakyan. Maya maya ay nagsalita si Tiyang Loleng ko ng makita nitong bumaba ang may ari ng mula sa sasakyan. "Sir Kier? Naku! Ano ang ginagawa niyo dito?" may pagkamangha ma tanong ni Tiyang Loleng sa lalakeng napakagwapo sa paningin ko. "Sinusundo ko po kayo," natatawang tugon naman nito kay Tiyang Loleng. Napatingin naman ito sa akin. Pansin ko naman ang paghagod nito ng tingin sa aking kabuuan. As in mula ulo hanggang paa talaga? Sabagay, matangkad ako at aminadong maganda ang hubog ng katawan ko kaya siguro bahagya itong napahanga sa akin. Bigat ng bangko, Akira, ha. Kaya lang ay napansin kong napangiwi ito ng mapatingin sa aking mukha. Halos matakpan na kasi ng malaking salamin ang maliit kong mukha. Idagdag pa ang pekeng braces ko sa itaas at baba ng ngipin ko. Ang buhok ko ay nakatirintas pa ng hati sa dalawa na nakalaylay sa magkabila kong balikat. "Siya na ba ang sinasabi mo na dalaga mong apo, Manang Loleng?" tila hindi makapaniwala na tanong nito kay tiyang Loleng. "Ah, oo Kier, siya nga yun." Masiglang sagot naman ni tiyang Loleng. Bakit hindi nakwento yun sa akin ni Tiyang? "Dalaga na nga pala, Manang." Napahawak pa ito ng bahagya sa batok nito. Gesture ng mga nahihiyang tao. Ako naman ay nakatayo at nakikinig lang sa usapan nilang dalawa. Hello? Nandito ako! "Siya nga pala si Akira, ang pamangkin ko na matagal ko ng sinasabi sayo..." sabi Tiyang Loleng sa lalaking kausap. Habang ako ay pinagmamasdan lang ang bawat galaw nito. Napansin ko rin na matangkad ito. Gwapo rin at kapansin-pansin ang kulay brown na mata na lalong nagliliwanag kapag natatamaan ng sikat ng araw. Napatingin ko rin ang labi nito na manipis at mapula pero mukhang masungit ang dating sa akin. Parang nag echo naman sa tenga ko ang huling sinabi ni Tiyang Loleng sa lalakeng kausap nito. "Ang pamangkin ko pong matagal ko nang sinasabi sayo." Para akong baliw dahil paulit ulit ko iyong naririnig. Napaisip naman akong bigla. Hindi kaya ibinenta na ako ni Tiyang Loleng sa amo niya?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook