bc

How to be Yours?

book_age16+
139
FOLLOW
1K
READ
sex
contract marriage
one-night stand
brave
heavy
straight
female lead
city
realistic earth
Writing Academy
like
intro-logo
Blurb

Paano nga ba makukuha ang lalaking matagal mo nang minamahal?

Si Agatha, binigay ang kanyang sarili sa pamamagitan ng one night stand sa isang lalaking alam niyang di siya magugustuhan kahit kailan na akala niya magiging sagot para mapansin siya nito.

Paano kung ang isang gabing pagkakamali ay nakabuo ng isang bata sa iyong sinapupunan? Ang pagkakamaling akala mo ay kaya mo ng akuin ng sa iyo lamang pero ang tadhana ang mag-uudyok sa inyo para magkita muli.

Ang lalaking akala mo ay bibigyan ka ng pansin ay ikakasal na sa babaeng matagal niya nang minamahal at ikaw pa ang mag-aayos ng engrande nilang kasal at sa di inaasahang pangyayari ay nakatakda ka ring ikasal sa mismong kapatid ng lalaking minamahal mo?

Ano nga ba ang gagawin ni Agatha? Mananatili parin ba siya sa pagmamahal sa lalaking ikakasal na sa iba o mag-a I do nalang siya sa kapatid nito na willing siyang tanggapin at mahalin ?

chap-preview
Free preview
Prolouge
"Sure ka bang pupunta si Zeus?" Muli kong tanong kay Michelle. "Oo bes, sure na sure ako. It's your time to shine bes." Kinakabahan akong isipin na makikita ko muli ang long time crush kong si Zeus. "Basta bes, alam mo na gagawin ah?" Tumango naman ito. "Basta galingan mong umakting bes!" Dagdag ni Michelle "Oo bes, matagal ko nang inaantay ang pagkakataong to. Kaya mag-iinarte pa ba ako?" Nakita ko naman agad ang mga letrang nagpapatunay na nasa tamang lugar kami. "Welcome Alumni Batch 2003" 8 years ago na pero hindi parin nagbabago ang school kung saan ako gumraduate ng highschool. Maraming nakapalibot na puno gaya ng dati at mga gusaling nakapintura ng puti kung saan bawat year noon ay may kanya kanyang gusali. Naglakad pa kami ng kaunti ni Michelle bago kami mapunta sa gym kung saan gaganapin ang alumni. Maingay na tugtugin ang tumambad sa amin, ang mga kanta na umuso ng 2003 kung saan nagpapaalala sa amin ng magagandang araw ng aming pagkabata. Mabilis naman naming nakita ni Michelle ang section namin noon, Bonifacio. Ang napuntahan naming Alumni party ay hindi gaya sa iba na walang kadating dating, para itong bar na may malakas na tugtugin at mga alak na sineserve ng bartender at may dance floor pa. Umupo agad kami ni Michelle sapagkat malapit na mag-umpisa ang programa. "Bes, hindi ko makita si Zeus." Pagrereklamo ko kay Michelle dahil natatakot akong baka hindi siya dumating. Matagal ko nang inaasam ang pagdating ng araw na to at hindi ko hahayaan na masira to dahil lang sa hindi siya pumunta sa event na to. "Wait lang bes, antay ka lang. Makikita rin natin siya." Naniwala naman ako at nanahimik habang nag-aantay kung darating siya. Nagsimula na ang programa at wala parin si Zeus. "Agatha! Michelle! Kamusta na? Andito pala kayo!" Pambungad ni Pia sa amin. Hindi namin siya kaclose ni Michelle nung highschool dahil isa siya sa mga nagkakandarapa kay Zeus noon at isa siya sa mga bida bida na akala mo meron silang relasyon ni Zeus. Gaya nang pustura niya noon ganun parin hanggang ngayon. Ang halos hubad niyang kasuutan ay walang pinagbago. For sure alam niyang aattend si Zeus at masaabi ko lang na marami pala akong makakalaban sa atensyon niya. "Oo hehehe." Nahihiyang sagot ni Michelle. Alam kong parehas ng kumukulo ang dugo namin ni Michelle na makita ang mukha ng babaeng to at sa tingin ko mamalasin ang araw ko dahil sa kanya. "Okay naman kami. Ikaw kamusta na? Mas lalo kang gumanda ah." Pagbibiro ko. Hindi naman talaga gumanda dahil parang binuhos ang lahat ng makeup ng mga babae dito sa mukha niya. "Oo naman. Ikaw ganun parin walang pinagbago." Parang nagtaas naman ang blood pressure ko sa narinig ko. Easy Agatha! Maganda ka na noon at mas maganda ka ngayon. Kaya pagpasensyahan mo na siya. Ngumiti naman ako at hinayaan nalang siya na magsalita. "Successful ka na pala sa business mo. Saan mo naman natutunan na magbusiness." Pag-iiba niya ng usapan. Siguro nga halata niya na hindi ako natuwa sa naririnig ko sa kanya. "Ayun salamat sa kinuha kong kurso namanage ko ng mabuti." Simple kong sagot. "Nag-asawa ka na ba o may boyfriend ka na?" Muli niyang tanong. "Wala pa." Naisstress ako sa mga tanong niya. "Never pa siyang nagkakaboyfriend." Dagdag ni Michelle habang turo turo pa ako. "Huh? May inaantay ka ba?" Natatawa nitong tanong at sarcastic pa talaga dahil siguro alam niya rin na may gusto ako kay Zeus. "Oo meron siyang..." Mabilis ko namang kinurot sa tagiliran si Michelle para tumahimik siya dahil lalo niya lang ako pinapahamak. "Inuna ko kasi ang career bago ang mga bagay na yan." Simple kong sagot. Kinalabit ko naman si Michelle at sinenyasan ko na siya nalang ang bahalang makipag-usap kay Pia dahil ayaw kong makipagplastikan sa gaya niya. "Punta lang ako ng restroom." Tumango naman sila. Sa kalagitnaan ng programa mapagdesisyunan ko nang bumalik ng gym nang mapansin kong nagkakagulo na ang section namin. For sure andun na si Zeus. Mabilis naman akong nagtungo roon upang makisalamuha sa kanila pero pagkarating ko doon, alam kong wala na akong tsansa na makausap siya kaya napaupo nalang ako sa tabi ni Michelle na enjoy na enjoy sa iniinom niyang wine. "Agatha, gusto mo? Masarap to." Tumangi ako dahil unang una hindi ako umiinom. Sa totoo lang isa akong boring na babae kaya siguro wala rin akong masyadong manliligaw. "Andyan na pala si Zeus....." Hindi ko na naintindihan pa ang mga sinabi niya dahil nakatingin na lamang ako sa prince charming ko. Nakasuot siya ng black tuxedo habang nakawhite v-neck shirt sa loob. Maganda ang pustura niya na kukuha talaga ng atensyon ng lahat. He is more attractive than before. "BES, NAKIKINIG KA BA?" Nagulat naman ako nang sigawan ako ni Michelle dahil sa di ko pagbibigay ng atensyon sa kanya. "Kung manggulat ka naman!" Inis kong sambit sa kanya pero hindi ko parin tinatanggal ang tingin ko kay Zeus na busy sa pagbati sa mga kaklase namin noon at mga kaibigan niya. "Kulang nalang kasi kanin kung makatingin ka diyan kay Papa Zeus! Hoy!" Bahagya niyang hinampas ang mesa para makuha nang tuluyan ang atensyon ko. "Bes, hindi niya siguro talaga ako mapapansin sa rami ba naman naggagandahang babae na nakapaligid sa kanya. Nakakainis naman, pahingi na nga lang ako yan!" Inagaw ko sa kanya ang wine na iniinom niya dahil hindi yun ang inaasahan kong mangyayari. Sa isang oras kong nakatitig sa kanya hindi man lang niya ako sinulyapan, marami naman din kaming pinagsamahan noon. Nafrufrustate ako sa mga nangyayari. Mali ang pagcalcula ko sa mga mangyayari. Nakalimutan ko ang mga higad kong mga kaklase noon. Hindi lang pala ako ang nag-iisang single sa edad na 24. "Ano ka ba, Bes! Di ka umiinom diba? Baka naman tamaan ka agad yan!" Paninita niya. Hindi ako umiinom dahil parating sinasabi sa akin ni Papa na walang idudulot na mabuti ang alak. Pero kailangan ko siya ngayon at siguro para icelebrate na ang wasak kong puso at siguro nga tama si Michelle kailangan ko na siyang kalimutan. My last farewell..... "Hindi, isa lang." Medyo may kainitan siya sa lalamunan pero masarap ng aking tikman. "Pahingi pa nga." Utos ko kay Michelle na wala nang magagawa pa sa pagluluksa ko ngayon. Nakalimang shot ako ng marinig ko ang tugtugin na bago ngayong 2011. Namatay ang mga ilaw at nagsimula ng magsipagsayawan. May nagyayang makipagsayaw kay Michelle at ako naman ay naiwan. Hinayaan ko nalang dahil kailangan niya ring magsaya. Hindi dahil sa walang nagyaya sa aking makipagsayaw kundi wala lang talaga ako sa mood at kailangan kong mapag-isa. Hindi rin ako mahilig sa mga ganitong kasiyahan kaya naupo nalang ako sa tabi habang kasama ang wine na nagpaibig sa akin. Mas maganda itong inumin sa isang tahimik na lugar., kaya napag-isip isip kong tumayo at lumipat ng lugar dahil parang gusto ng aking mga luha na lumabas dahil ramdam ko ang sakit na dapat ko ng matagal na tinanggap. Nang tatayo na ako ay ramdam ko na unti unting tumatama na ang iniinom ko kaya umupo muli ako at nagconcentrate habang nakapikit ang aking mga mata. Naramdaman ko naman na umupo sa aking harapan sa kabila nang kadiliman ng parte ng aking inuupuan. Hindi ko masyadong masilayan ang mukha ng lalaking nasa harap dahil na rin sa di ganun kalinaw ang aking mga mata sa dilim ngunit nang aking tingnan ng maigi. "Michelle?" Natawa ako nang may kalakasan dahil nakikita ko si Zeus sa kanya. "Ganito ba talaga ang tama ng alak? Kung ganito pala dapat matagal ko ng tinikman." Natatawa kong sabi sa kanya. "Bat tumatawa ka?" Tanong niya sa akin. Maging ang boses niya ay hawig na hawig sa boses ni Zeus. "Kaboses mo pa talaga siya." Natatawa kong sambit sa kanya. "Cleone, okay ka lang?" Bigla akong natigil sa pagtawa ng marinig ko ang apelyido ko. Ang palagi kong naririnig na tawag sa akin ni Zeus noong highschool pa kami. Tumalikod ako upang sampalin ang sarili ko dahil siya nga si ZEUS! Mabilis naman akong natauhan kahit medyo nahihilo pa. "Oo naman." Umayos ako ng upo. Pinagpapawisan ako kahit malamig naman dahil feeling ko iniisip niyang baliw na ako. "Buti naman. Bakit di ka sumasayaw?" Tanong niya, hindi ako makatingin sa mga mata niya gaya noong highschool pa kami. "Hindi ko lang hilig ang pagsayaw. Ikaw? Bakit di ka sumayaw? Diba dancer ka noon?" Bigla kong naalala ang mga panahon na kahit gabi na ay nasa school pa ako upang panoorin lang siya sa pagsali niya sa mga contest sa school. Nagawa ko pang masinungaling sa tatay ko. "Sabihin na nating kapag tumatanda na iba na ang kinahihiligan." Saad niya. Muli akong lumagok ng alak nang marinig ko iyon. Nag-assume naman akong pwede niya akong magustuhan dahil siya na nga ang nagsabi na pwedeng mag-iba ang kahiligan niya. "Ano yan? Pwede bang makahingi yan?" Nakatingin siya sa aking baso. "Oo naman." Nang pagkasabi kong iyon mabilis naman niyang kinuha ang baso ko at nilagyan niya ito ng alak at walang sabi sabi ay ininom iyon. Napanganga ako ng ginawa niya yun. Isa lang ang nasa isip ko. Indirect kiss yun! Feeling ko ay namumula na ako sa kilig, buti nalang at nakapatay ang mga ilaw. "Okay lang bang samahan mo ako?" Nagulat ako nang marinig ko iyon sa kanya para kasing ang bilis naman! "Huh?" Naguguluhan kong tanong sa kanya "Ibig kong sabihin, diba wala ka namang gagawin? Para kasing nakakabastos naman na iwan lang kita mag-isa dito. Kaya kung gusto mo sumama..." Hindi pa siya natatapos ay umuoo na agad ako at pauulit ulit na tumango. "Kahit sa kwarto mo pa sasama ako. Kahit anakan mo lang ako!" Gustong kong sabihin sa kanya pero syempre may hiya parin ako. Hindi ko na naalala pa si Michelle basta sumama nalang ako sa kanya sa garden kung saan walang tao at walang ingay na medyo may kalayuan sa programa. Parehas talaga kami ng gusto sa mga bagay bagay. Dala parin namin ang wine at baso maging ang mga gamit ko. Gaya nang ibang romantic scene na napapanood ko sa tv ganito rin ang awra ngayon. Malamig ang simoy ng hangin na tumama sa aking balat lalo na't nakatube lang ako. Maganda ang pagkakahelera ng mga bituin sa langit na nagbibigay ng liwanag sa amin ngayon. Siguro nga assumera ako at feelingera ako. Pero gusto ko nang mamatay sa kilig dahil unang beses ko siyang nakausap ng ganito katagal at kaming dalawa ngayon ang nandito. Na magkatabi sa isang bench na ilang sentimetro ang agwat namin sa isa't isa. Aamin na ba siya sa akin? Na gusto niya rin ako? Pero hindi, nakalimutan ko nga palang may girlfriend siya. Siguro maganda na rin ang ganito kesa sa plinaplano. Na umakting na may sakit at magpahatid sa kanya. "Umm, kamusta ka na pala?" Pagtatanggal ko ng katahimikan. "Eto medyo okay naman." Napalingon naman ako dahil sa narinig ko. "Bakit? May problema ka ba?" Nakatingin parin siya sa kalangitan habang ako naman ay inaantay ang sagot niya. "Nakipaghiwalay na sa akin si Phoebe." Para akong nabingi sa narinig ko at gusto kong ipaulit sa kanya. "Huh? Diba matagal na kayo nun? Ilan taon ulit kayo?" Kunwari ay hindi ko alam pero alam na alam ko ang bawat detalye sa buhay niya. "Four years and eleven months." Matagal na sila noon pero hindi ko alam kung chismis o totoo iyon pero kung 4 years lang sila at patungo ng 5 years siguro nga hindi sila magkarelasyon noong magkaklase pa kami. Kung swineswerte ka nga naman Agatha! It's your time to shine sabi nga ni Michelle. Hahaha! Gusto kong matuwa dahil tama nga ang sinasabi ng manghuhula. Siguro nga kami ang para sa isa't isa. Biruin mo halong magfifive years na sila pero naghiwalay pa! Gusto kong magpaparty sa narinig ko pero nakalimutan ko nga palang nasasaktan si Zeus. Hinawakan ko ang wine at nilagyan ang baso. Binigay ko ito sa kanya. "Sorry." Ayun nalang ang nasabi ko. "Hindi mo kailangan magsorry dahil wala ka namang kasalanan kung bakit kami naghiwalay." Naguilty ako nang makita ko siyang lumuha. Siguro may kasalanan na rin ako dahil parati kong hinihiling sa Maykapal noon na maghiwalay na sila para sa kasiyahan ko pero nakalimutan ko nga palang hindi dapat ako magsaya dahil nasasaktan ang taong mahal ko. Sa ilang taon kong pinagdarasal na maghiwalay na sila, akala ko magiging masaya ako pero hindi pala. Ang dating masayahing si Zeus Uy ay ibang iba na. Gaya nang pagdagdag ng mga edad namin, palaki rin ng palaki ang mga problemang dumadagdag sa bawat isa. Hindi ko alam kung pano siya papatigilin sa pagluha dahil unang una ay hindi ko alam kung pano dahil ngayon lang ako nakakita ng lalaking iniiyakan ang babae. Lalo kong napatunayan na wala nga akong laban kay Phoebe. Tumayo ako sa kanyang harapan at hinayaang umiyak habang hagkan siya. ~~~♥♥♥~~~ Morning.... Idinilat ko ang aking mata ng maramdaman ko na may nakaragan sa aking bewang. "WAAAH!" Bumalot ang ingay sa buong kwarto ang aking sigaw. Nasan ako bakit katabi ko si Zeus at parehas kaming walang saplot?! To be continue..... ♥♥♥♡♡♡☆☆☆♡♡♡♥♥♥ Disclaimer: This is a Work of Fiction... This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
889.3K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

ZACH HOFFMAN

read
225.4K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
780.2K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
272.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook