bc

The Dragon and The Witch

book_age16+
250
FOLLOW
1K
READ
dark
powerful
witch/wizard
weredragon
mxb
evil
magical world
supernature earth
dragons
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Art cover by: Frédéric Borralho from Pinterest

Isa sa kilalang magiting na dragon si Barguso sa kanilang isla. Kaya nang maramdaman niyang unti-unti siyang nanghihina at tumatanda, nagdala iyon ng kahihiyan sa kanyang sarili.

Kaya naman noong sabihin sa kanila ng pinuno ng propesiya ang makatutulong sa kanyang nararamdaman ay hindi na niya pinalampas. Hinanap niya ang babaeng makapagwawala sa kanya mula sa malubhang karamdaman; ang babaeng mangkukulam sa mundo na nababalot ng itim na mahika— in the Witches Island.

Kaya naman walang pakundangan niya itong kinausap.

“I came from the land of the dragon. . . can you be my wife?”

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Nakatitig ako nang mataman sa salamin. Pinagmamasdan ang aking sarili mula roon. Tanging mga mata at kalahating katawan at mukha lang ang klarong makikita. Madilim ang buong silid, tanging mga itim na kandila lanang ang nagbibigay liwanag. Naghalo ang amoy ng kandila at ng mga herbal na aking isinasagawa sa ere, na wari bang sumabog sa apat na sulok ng bahay. Kumukulog sa labas at walang tigil ang pagbuhos nang malakas na ulan. Ganito ang kaganapan ng panahon mula pa kahapon. Ngumiti ako sa sariling repleksyon. Pinagmasdan ang sariling kabuuan. Isang fitted tube dress na itim ang sa ilalim, na napaibabawan ng itim din na hoddy cloak ang aking suot. Kinuha ko ang pulang lipstick sa ibabaw ng mesa at ipinahid iyon sa manipis at hugis puso kong mga labi. Pinitik ko ang aking dalawang kamay upang lumikha ng itim na mahika para makabuo ng isang magandang sapatos. Hindi kokompleto ang suot kapag wala ang mga iyon at ang mahiwaga kong walis. Biglang may narinig akong tatlong katok mula sa pinto. Ngumiti muna ako sa salamin bago tumungo sa pintuan para buksan ang pinto. Sumalubong sa akin ang nakangiting katuwang ko sa bahay na si Alesa. Isa siya sa mga kalahi namin na gustong matutong lumikha ng itim na mahika. Nasa ilalim siya ng aking pamumuno at paggabay. “Madame Elenor, handa na po ang lahat para sa pagdiriwang na gagawin.” Tumango ako saka ikinumpas ang aking kamay para patayin ang sinding apoy sa mga kandila. Sa paglabas ng silid, inihanda agad ni Alesa ang aking itim na sumbrero. Ngumiti ako para pasalamatan siya. "Hindi ka ba sasama sa pagdiriwang?" tanong ko nang matapos suotin ang itim na witch hat. Umiling siya saka pinakita sa akin ang black magic book. Binigay ko iyon sa kanya nang makita ko siya sa isang balon noong araw na humihingi ng tubig. Binigyan ko siya ng pagpipiliian, kung gusto niyang maging isa sa mga tuturuan ko at umanib sa aming angkan o ang maging palaboy na lamang habang-buhay. And then she is ended up in right decision. She chose to be my apprentice and learn about black magic. "I am going to do my work, Madame. Isa pa po wala naman akong gagawin sa pagdiriwang sa witches island." Tinapik ko ang kanyang balikat. "If that's what you want, watch my home while I'm gone, Alesa." Tiningnan ko muna ang aking sarili sa salamin sa sala ng aking hindi kalakihang itim na bahay. Kinuha ko ang aking magic broom, para maghanda nang umalis papunta sa witches’ island. "Alesa. . ." Tawag ko sa kanyang nang may maalala na lamang ako bigla. "Kapag may humanap sa akin, sabihin mong hintayin ako ng dalawang araw sa labas ng bahay. Huwag mo silang papasukin. I also put some barrier, so that, if ever they’ll force to enter the house it will protect you." Tumango siya bilang tugon sa akin. "Yes, madame." Pinitik ko ang aking dalawang daliri nang dalawang beses upang lumikha ng pananggalang sa buong paligid ng bahay. Kung sino man ang magtangkang masamang elementong pumasok sa teritoryo na iyon ay may nakalaang parusa para sa kanila. My adversary also known my abilities, huwag lang silang magkamaling kalabanin ako. "That's it. Watch our house, Alesa. I'm going now," I said, before leaving my house. Hinatid muna ako ni Alesa hanggang sa labas, saka pumasok siya loob at isinara ang pinto. Napatingin ako sa maliwanag na pulang buwan. Lumunok ako ng ilang beses. Pinakiramdaman nang mabuti ang bawat dampi ng simoy ng hangin sa aking balat. Hindi maganda ang pakiramdam na nadaraman ko mula roon. The nature is telling me that there's something perilous events will showed up. Tanging kami lamang na mga nilalang ang makakikita ng pulang buwan, at ang ibang mga diwata. Ngunit ang normal na nilalang ay walang kaalam-alam sa mundo naming may kakaibang kapangyarihan. "May nagbabadyang panganib sa lupain ng Verdona." Ang Verdona ay siyang mundo ng mga iba't ibang elemento at mga nilalang na may kakaibang kapangyarihan at abilidad, bukod sa normal na taong nabubuhay. Nahahati sa limang dimension ang Verdona; Island of the Dragon sa north, sa South ay ang Witches Island. Ang namamahala naman sa West ay ang mga Sorcerers, sila ang mahigpit naming kalaban pagdating sa mahika, lalo na kapag gagawa kami ng mga hakbang na taliwas sa kanilang paniniwala. Ang panghuli ay ang East side, rito naman matatagpuan ang Fairy Island, mga iba't ibang klase ng elemento na siyang kinatatakutan ng mga tao kung pupunta sa mga kagubatan. Hindi nila alam na may iba pang mga masasamang nilalang sa mundo. Iba naman ang mundo ng mga kalaban namin, ang mundo ng Arasor. Mga masasamang elemento at nilalang ang nakatira roon, at iyon ang gampanin naming talunin sila oras na maghasik sila ng kasamaan sa mundo ng mga tao at sa mundo ng Verdona. Tulad ng Verdona, nahahati rin sa apat na dimension ang Arasor. Iyon nga lang, iba't ibang mga nilalang. Sa bahaging North ng Arasor naninirahan ang iba't ibang mga Black Fairy's, sila ang mahigpit na kalaban ng mga nakatira sa Verdona ng mga nakatira sa Fairy island. Sa South naman ay ang katulad naming mga black witches, iyon nga lang mas masama sila at matindi kung maglagay ng sumpa. Sa parteng East naman matatagpuan ang lupain ng mga black mages, sila ang mahigpit din na kalaban ng mga Sorcerers. Sa West naman nakatira ang mga masasamang elemento na kinatatakutan ng mga tao. Masama kapag magtagpo ng iisang oras ang mundo ng Verdona at Arasor. Malaki ang pasasalamat namin at nanatiling payapa ang mundo namin matapos ang isang madugong labanan noong isang daang dekada ang nakararaan. At sa mga oras na ito, hindi ko alam kung ano ang ibig ipinapahiwatig ng pulang buwan; kung ano ang nagbabadyang panganib sa Verdona at kung saang dimension iyon sasalakay. Huminga ako nang malalim. Huwag naman sanang sirain ng kung anong panganib ang pagdiriwang na gaganapin ngayon sa witches’ island. Tumingin muna ako sa bahay, hindi maiwasang mag-alala para kay Alesa. Pero alam kong sapat na ang barrier na nilagay ko bilang proteksyon mula sa aking mga kalaban. Isa pa, mas ligtas sa mundo ng mga tao ang manirahan kaysa sa sarili naming mundo. Kaya't hindi na nakapagtataka, na ang ilan sa aming mga nilalang mula sa Verdona ay mas piniling mamuhay at magpanggap bilang isang normal na nilalang sa mundo ng tao, kaysa ang manirahan sa sarili naming mundo. But some of us are still living at Verdona to keep the world in balance.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
197.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
698.5K
bc

The Forbidden Desires (R-18) (Erotic Island Series #5)

read
328.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook