bc

Prince Not-So-Charming

book_age18+
640
FOLLOW
2.3K
READ
possessive
one-night stand
badboy
goodgirl
sporty
drama
bxg
campus
basketball
athlete
like
intro-logo
Blurb

Princess Sofia was very heartbroken and wasted when she found out that her long-time boyfriend cheated on her with her best friend. The day she found him cheating on her, she immediately broke up with him.

She found herself alone, drinking in a bar to forget his cheater ex after days of breaking up with him. She's having a hard time moving on.

Prince Adrienne went to a bar one night to chill. One girl immediately caught his attention that night. He couldn't take his eyes off her.

Sofia's desperation to forget her ex, lead to a one hot night with a handsome stranger.

Only to find out later on that he will be her future stepbrother.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang isa sanang masayang bakasyon na naghihintay kay Sofia sa probinsiya ay napalitan ng isang masamang bangungot. Umuwi siya ng probinsya nila sa Batangas dahil sem break na nila sa school. Second-year college na siya next sem. BS Pyschology ang course niya sa Ateneo de Manila University. Nag-iisang anak lamang siya. Ang mommy niya ay nagtatrabaho sa bansang Singapore. Ang kaniyang daddy naman ay matagal ng pumanaw. Bata pa lamang siya ng ito ay pumanaw sa sakit nito. Plano niya na talagang umuwi ng Batangas para makita ang mga lolo at lola niya rito. Pero ang pinakadahilan ng pag-uwi niya rito, ay para surpresahin sana ang boyfriend niya. Matagal niya na kasi itong hindi nakikita. Pero sa halip na ito ang masurpresa, ay siya ang nasurpresa sa dinatnan niya nang puntahan niya ito sa bahay nito. "Please, baby. I'm begging. Give me a second chance. Please. I love you so much." "Don't leave me." "I'm sorry. I'm just a man, Sofia. Pero totoo ang sinabi ko na mahal na mahal talaga kita. I admit, kasalanan ko dahil bumigay ako kay Katrina. Pero willing akong magbago. Willing akong itama ang mga mali ko. Sana mapatawad mo pa 'ko. I love you so much, my princess." Nagpupuyos siya sa galit habang binabasa niya ang mensahe ng kaniyang cheater ex sa kaniyang f******k account. Napakasinungaling niya! He's a big, fat LIAR! Nakipaghiwalay siya sa kaniyang kasintahan nang madatnan niya itong kasama ang kaniyang best friend. Kitang-kita ng kaniyang dalawang mata ang kahalayang ginagawa ng mga ito. Parang sinaksak ng milyong beses ang kaniyang puso nang mga oras na iyon. Nagpupuyos siya sa galit ng maaktuhan ang mga ito sa gano'ng eksena. Ang mga ito lamang ang tao sa bahay ng kaniyang ex nang mga oras na iyon. Dahil nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nito. Ang mga nakakatandang kapatid naman ng hayop na lalaking 'yun ay may kani-kaniya ng pamilya. She immediately blocked him on her social media account. She also blocked his phone number. Nang sa gayon ay hindi na siya kailanman istorbohin nito. He still has some guts to talk to her after what he did. Galit na galit niyang ibinato ang kaniyang cellphone sa kama. Napakasama nila! Hindi niya lubos maisip na kakataluhin pala siya ng kaniyang best friend. She knew Katrina since they were a child. Their dads were best friend. Lingid sa kaniyang kaalaman na habang nasa Maynila siya ay pinagtataksilan siya ng mga ito. Itinuring pa naman niyang parang kapatid si Katrina dahil solong anak lamang siya. At ang walang hiyang lalaki ay pumatol naman sa ahas niyang kaibigan. Hindi niya mapapatawad ang mga ito sa ginawang kataksilan. Mahina siyang umiiyak sa kaniyang silid. Takot siyang makalikha ng ingay. Baka kasi marinig ng kaniyang lolo at lola. Ayaw niyang mag-alala ang mga ito sa kaniya. At ayaw niyang malaman nila ang ginawang pagtataksil sa kaniya nina Katrina at Gerald. Para na rin kasing kapamilya kung ituring ang mga ito ng kaniyang pamilya. Napaigtad siya nang makarinig ng ilang katok mula sa pintuan ng kaniyang kwarto. "Aba'y ineng, hindi ka pa naghahapunan, eh. Lumabas ka na riyan at maghapunan muna. Nagluto ako ng chicken curry na paborito mo," sambit ng kaniyang lola. "Sige po, la. Susunod na lang po ako," sagot niya habang pinupunasan ang kaniyang mga luha at mahinang sumisinghot-singhot. "Aba'y masamang pinaghihintay ang pagkaen, iha. Bilisan mo na riyan." "Opo, la. Susunod na po." Tiningnan niya muna sa salamin ang kaniyang hitsura. Namumula ang kaniyang mga mata pati na rin ang kaniyang ilong. Mababakas sa kaniyang mukha na kagagaling niya lang sa pag-iyak. Naglagay siya ng concealer para matakpan ang namumugto niyang mga mata. Inayos niya muna ang kaniyang sarili bago tuluyang lumabas ng kaniyang kwarto. Matamlay siyang nagtungo sa hapagkainan. Pinilit niyang ngumiti upang ikubli ang bigat ng nararamdaman niya ngayon. Bakit nila ito nagawa sa 'kin? Bakit nagawa akong lokohin ni Gerald? Dahil ba sa simple lang siyang manamit? Dahil ba sa para siyang manang kung manamit hindi katulad ni Katrina na liberated? Dahil ba sa mahinhin siya, hindi tulad ni Katrina na wild? Isang araw pa lang ang nakalilipas matapos ang eksenang kaniyang nasaksihan na dumurog sa kaniyang puso. She needed to be strong. It's her first ever heartbreak. Ang buong akala niya ay sila na ni Gerald hanggang sa huli. They already planned their future together. But she was trapped with his false promises. Puro kasinungalingan lang pala ang mga sinasabi nito sa kaniya noon. Ang sabi nito sa kaniya ay handa itong maghintay hanggang sa ikasal na silang dalawa. Sinabi nito na hindi siya nito minamadali na ibigay ang kaniyang sarili rito. Dahil iba raw ito sa mga lalaki sa panahon ngayon. Pero ang lahat ng mga sinabi nito ay pawang mga kasinungalingan. Inamin nito sa kaniya na matagal ng may namamagitan dito at kay Katrina. Simula nu'ng mag-aral siya sa Maynila ay siya ring simula ng kataksilan ng mga ito. "Lalaki lang 'yan, Sofia. Marami pa d'yang matino. Alam kong masakit ang nangyari. You guys have been together for seven years. But you deserve someone better," payo sa kaniya ni Loisa. Isa si Loisa sa mga matalik niyang kaibigan dito sa probinsiya. At alam niyang hindi ito katulad ni Katrina na kayang mang-ahas ng boyfriend ng may boyfriend. They were friends since they were in grade school. Pinuntahan niya ito sa bahay nila dito sa Nasugbu. She needed a shoulder to cry on. Hindi pa rin kasi niya matanggap ang nangyari. Mahal na mahal niya si Gerald. Pero bakit siya nagawang lokohin nito? At ang mas masakit ay sa best friend pa niya! She thought he loved her the way she loved him. "Ang sakit-sakit, Lois. Alam mo 'yun? Nagtiwala ako sa kaniya. Minahal ko siya ng sobra-sobra. Tapos lolokohin niya lang pala 'ko!" gigil na sambit niya. "Eh, makati rin naman 'yang si Katrina. Alam mo naman 'yung babaeng 'yun. Sikat sa lugar natin dahil sa kaharutan." Ang sabi sa kaniya ni Loisa ay napaka-playgirl daw talaga ni Katrina. Kadalasan ay mga guwapo lang daw ang pinapatulan nito. At wala raw itong pakealam kahit pa may girlfriend na ang mga nilalandi nito. Pati siya na best friend nito ay kinatalo rin ng haliparot. "Move on na, gurl. Sige ka, masisira ang beauty mo. Ang ganda-ganda mo pa naman. He doesn't deserve you. Tandaan mo, marami pang gwapo sa mundo. May makikilala ka pang mas hihigit pa riyan sa walang-hiya mong ex." Pilit niyang nginitian ang kaniyang kaibigan. Mabuti na lang nandito sa kaniyang tabi si Loisa para damayan siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook