bc

SEE BEHIND THE WALLS

book_age16+
1.0K
FOLLOW
2.4K
READ
adventure
fated
city
office/work place
supernatural
special ability
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Masaya si Marikit Trinidad nang mapasok siya sa trabahong matagal niya nang inaasam na makuha pero umiba ang ikot ng mundo para sa kanya nang malaman na may mga tao sa bayan nila ang nagtataglay ng kakaibang mga kakayahan at kapangyarihan na hindi nagagawa ng normal na mga tao, magtatrabaho siya para sa limang super heroes ng bayan na pinangungunahan ng leader na si Lethal at unti-unting matutuklasan ang mga pinakatatagong lihim sa likod ng mga ito.

FANTASY-ROMANCE-ADVENTURE

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
CHAPTER ONE   “Muli ito si-“ hindi ko naituloy ang sasabihin ko, nabitawan ko pa ang mikropono na hawak ko dahil sa gulat at takot! Mabuti ay nasalo ko agad ang mikropono banda sa tuhod ko. Napukaw ng kung ano ang tingin ko sa himpapawid. Para itong tao na... lumilipad at nag-aapoy? “Hija, ang panyo mo.” sabi ni kuya Alex. Binalingan ko ito at napangiwi ako nang makitang nahulog ito sa maputik na lupa. Pero nang ibinalik ko ang paningin kanina sa himpapawid ay wala na siya. Saglit ko lang inalis ang tingin doon, ilang segundo ko lang sinipat ng atensyon ang mikropong muntik na mahulog at ang panyo kong puti pa naman. Tapos wala na ‘yong nasa himpapawid. ‘Yung tinitignan ko kanina lang. Diyos ko po, nababaliw na ba ako o resulta ba ‘to ng pag-papagutom ko? “Marikit, ayos ka lang ba?” agaw-pansin sa akin ni kuya alex habang kinukuhanan ako ng bidyo sa kamerang bitbit nya. Nabalik ako sa realidad at inayos ang sarili. “Muli ito si Marikit Trinidad, nag-uulat Para sa Bayan,” I swear, mayroong lumilipad na tao sa ere kanina, tapos... tapos parang may apoy pa nga sa bandang upper part ng katawan! Hindi ako masyadong sigurado sa hitsura o kung talaga bang tao ‘yon... pero may mga binti! Lumulutang talaga! Lumilipad papunta sa malayo! “Ayos ka lang ba? Natulala ka bigla?” tanong ni kuya Alex. “O-opo, ano po... sumakit lang po yata ang ulo ko... pero okay na po.” Pagtatakip ko sa inasal ko kanina. Siguro namalik-mata lang ako, o nagugutuman nga. Baka matanggal pa ako sa trabaho at pumangit ang image. Napatulala ulit ako sa sahig, pero parang sure talaga ako na mukhang tao ‘yon e. Pero wala namang lumilipad na tao, Marikit. Agh! Tama baka eroplano lang! Ngumiti si kuya Alex saka ibinaba ang kamera. Nagthumbs up ito sa akin kaya iniba ko na lamang ang usapan, doon ko mas lalong nilawakan ang ngisi ko kagaya ng same energy na ipinapakita ko sa kanilang mga ka-trabaho ko sa araw-araw, “Ano kuya, ayos ba? Hindi naman ako mukhang ewan o haggard?” Nakangiting nangunot ang noo nito sa tanong ko. “Sus, ikaw naman bata ka. Ayos na ayos nga, bago ka pa lang sa field na ‘to pero ang bilis mong mag-improve.” Parang pumalakpak tuloy ang tenga ko kaya nagkunyari akong super proud, itinaas ko ang noo ko kay Kuya Alex saka pabirong hinawi ang buhok sa kaliwa. “Ganoon po yata kapag cute, mukhang nag-iimprove kahit hindi naman kasi dinadaan sa beauty.” Sabay kaming nagtawanan ni kuya Alex saka bumalik sa sasakyan hudyat lang na tapos na ang trabaho para sa lugar na ‘yon. “Saan ang sunod na schedule natin bukas? Balita ko pa naman paborito ka ng mga big boss natin,” biro ni kuya Alex habang nagmamaneho ng sasakyan. Nanlaki ang mga mata ko sa hiya. “Hala kuya naman.” Halos lahat sa trabaho ay ganiyan ang sinasabi. Hindi ko rin naman sila masisisi dahil alam ko ang dahilan, totoo rin naman ang dahilan na ‘yon kung paano ako napasok sa ganitong larangan ng trabaho. Tumawa si kuya Alex kaya pinalobo ko na lang ang dalawang pisngi ko. “Okay lang ‘yan, enjoyin mo ‘yung favor sayo ng mga boss natin. Paborito ka man nila o hindi, e, may talento ka naman din sa ganitong field.” Huminga ako nang malalim saka sinabi sa kanya ang mga inassign sa ‘kin ng big boss namin sa opisina. Field reporter ako ng bayan namin dito sa provincial news station, ito talaga ang dream job ko noon pa. Maliit lang ang sweldo, maliit lang din ang trabaho dahil probinsya lang ang cover pero para sa ‘kin hindi na ‘to masama. Pangarap ko maging news reporter at pakiramdam ko para na rin akong nanalo sa lotto nang matanggap ako sa job position ko ngayon. Akala ko talaga noon magiging imposibleng maipasok ako sa trabaho ko ngayon dahil napatunayan kong mataas ang standard nila sa pagpili ng empleyado. Kahit willing to improve ka at willing to learn naman ay hindi sapat. Isa pa, wala akong experience nang matanggap ako rito. Diba? Kahit sino mapapa-wow at mapapa-tanong kung paano. All thanks to someone. Siya ang dahilan kung bakit narito ako sa trabaho. Ibinaling ko na lamang ang atensyon sa bintana ng sasakyan. Hindi maalis sa isip iyong nakita kanina. Kung sakaling totoong tao man ‘yon, kailangan ko siyang maicover sa balita. Tiyak magkakaroon ako ng big break. Napabuntong-hininga ako. Pero wala pa sa one percent ang posibilidad na may taong kayang lumipad. Kung ibon man ‘yon, bakit kasi parang may mahahabang binti? Stressed kakaisip ay pinagmasdan ko na lang ang dinaraanan naming mga puno. Binabagtas namin ni kuya Alex ngayon ang daanan na pinag gigitnaan ng gubat, malayo kasi sa bayan ang pinagtrabahuhan namin kanina kung saan may ininterview akong opisyal sa baranggay ng lugar. Ipipikit ko na sana ang mga mata ko para matulog na lang nang may mapansin akong kakaiba sa langit. Kumabog ulit ang dibdib ko nang may makitang kakaiba na naman sa himpapawid. Parang... ‘yung kanina ulit. Mabilis kong binaba ang bintana ng kotse. “Hija, ‘wag mo buksan baka pasukin tayo ng aswang dito,” natatawang sabi ni Kuya Alex. Hindi kumukurap na sinusundan ko ng tingin ‘yung nasa langit. Halos ayoko ring magsalita at kumilos dahil pakiramdam ko anytime ay mawawala ito sa paningin ko. What to do? “Kuya, totoo ba ang aswang?” tanong ko. Hindi ba aswang ‘to? Pero hapon pa lang. Maliwanag pa ang langit. “Hindi, nagbibiro lang ako.” Natatawang sabi ni kuya Alex. “K-Kuya, ito po, tignan mo nga ‘t-to, parang may kung ano pong... l-lumilipad e,” dahan-dahan kong sabi sa kanya habang tinuturo ‘yong nasa langit. “Saan, hija? Hindi ba uwak iyan, uso pa naman dito sa gubat iyon.” “P-Parang hindi po. Kuya, ito, dali po.” Dumungaw si Kuya Alex pero inagaw ng malapit na checkpoint sa daan ang pansin namin. Hindi nya na nagawa pang pansinin iyong tinuturo ko, tumigil ang kotse niya kaya mabilis akong bumaba para hindi mawala ang titig ko roon. Pagbaba ko ng kotse abot pa rin naman ng paningin ko... pero masyado ng malayo at... TO BE CONTINUED...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

My Secret Agent's Mate

read
114.6K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.8K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.4K
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.4K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook