bc

Love Confession (Cougar Series #14)

book_age18+
2.0K
FOLLOW
8.3K
READ
one-night stand
fated
second chance
goodgirl
aloof
independent
drama
twisted
bxg
serious
like
intro-logo
Blurb

Cougar collaboration. This is not suitable for young age, this is erotic and spg story.

She's thirty four

and still single. She's never been kiss, never been touched. And when true love hit her heart, she can't believe that this man is younger than her. It's awkward but, she can't help herself to fall in love with this man. What would she do? Will she admit it or confess her feelings?

chap-preview
Free preview
Chapter One: The first time they met...
CHAPTER ONE Napapangiwi si Celine sa mga hinaing ng kaibigan nilang si Shaina. Isang kahon na ng tissue ang naubos nito sa kakaiyak. Para na ngang rinambol siya ng pitong demonyo sa hitsura nito. "Tama na, marami pang iba riyan!" pang- aalo ni Dana sabay haplos sa likod ng dalaga. Sumisinghot- singhot naman si Shaina na napapatango. Nakatingin lamang siya rito at napapailing. "Oh, bakit hindi ka nagsasalita riyan?" Baling sa kanya ni Shaina na himihikbi pa rin. "Paano naman ako magsasalita, buwan- buwan na lang na ganyan ang problema mo!" nakasimangot kong sagot. Mas lalong umatungal nang iyak si Shaina. "Ansama mo, Celine!" umiiyak na sabi nito. I rolled my eyes and but I didn’t talked. Kaya nga parang nasusuya ako magkaroon ng kasintahan. Saksi siya mga hinaing at atungal ng dalawang bruhang nasa kanyang harapan. Ang kanyang mga magulang, maagang nagkahiwalay. Dahil din sa lalaki ng kanyang ina, sa ama naman niya dahil din sa babae. Hay! Buhay nga naman kaya parang nadala na siya. "Ayoko na talaga sa kanya! Kahit maglumuhod pa siya sa harapan ko, hindi ko na siya tatanggapin!" wika pa rin ni Shaina habang pinupunasan ang ilong nito. "Siguraduhin mo lang dahil naririndi na ako sa'yo!" tugon ko. "Celine naman!" irap sa akin ni Dana. "Isa ka pa!" Pandidilat ko. Natahimik si Dana. Hinaplos- haplos na lang nito ang likod ni Shaina. Well, siya lang naman kasi ang single sa kanilang tatlo. Puwedeng sabihing isa sa siya mga NBSB o No Boyfriend Since Birth. "Palibhasa kasi hindi ka pa nagka- boyfriend kaya hindi mo alam ang feeling ng isang nasaktan,” ani naman ni Dana. "Tao ako kahit wala akong lintik na lalaki alam kong masakit. Kaya para hindi na kayo lumuha mga bruha, huwag kayong magka- boyfriend. Simple lang para hindi kayo aatungal diyan, buwan- buwan," sermon niya. "Bitter ka kasi," turan naman ni Shaina. Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. "Bitter na kung bitter, atleast hindi ako umaatungal na parang wala nang bukas. Ilang beses mo nang sinabi na ayaw mo na sa kanya, konting kalabit niya lang sa'yo bumibigay ka kaagad!" patuloy niyang sermon. Hindi nakasagot ang dalawa. "Gusto niyo akong magsalita, hindi ba? Konting lambing, hayun! Kinabukasan, kinikilig na naman kayo! Kinikilig ilang linggo, isang buwang umaatungal!" sermon niya ulit. "Eh, nagugutom ka na ba?" Pang- iiba ni Dana sa kanilang usapan. "Umiiwas ka ngayon, samantalang gusto mo ako magsalita kanina?" Pandidilat niya rito. Hinawakan siya nito sa kamay at pilit na ngumiti. "Huwag ngayon malungkot si Shaina, bukas na lang ha?" muling turan ni Dana. Tinitigan ko ang bruha, nakikiusap pati ang mukha nito. Alam nitong hindi ko sila matitiis. Kaya napa-buntonghininga na lamang siya. Niyakap niya ang dalawa at saka inalo ang mga ito. "Sa uulitin kasi makinig na kayo sa akin. Hindi porket kinindatan kayo, bibigay na kayo kaagad. Magpakipot naman kayo, kaya nga ayoko ng ganyang relasyon eh! Sino na magtatanggol sa inyo kung pati ako broken hearted din?" wika niya. "Oo na, mother superior!" magkasabay na sagot ng dalawa. Sabay- sabay silang nagkatawanan. Maya- maya pa'y magana na silang kumakain at nagkukuwentuhan. Ganito naman sila palagi, drama muna bago comedy. Pero sa totoo lang, natutukso na rin siya minsan. Parang gusto na rin niyang magka- boyfriend pero, natatakot siya talaga. Matapos silang kumain ay namasyal sila sa paborito nilang Mall. Naglibot- libot muna sila at nanood ng sine. Ganito ang off days nila, get together buong maghapon. Isang teller sa isang bangko si Dana, nagtatrabaho naman si Shaina sa isang fashion agency. At siya, may sarili na siyang flower botique. Naitatag niya ito sa kanyang hirap at dedikasyon. "May bibilhin ako sa jewelries shop, sasama ba kayo?" Baling niya sa dalawa. "Susunod na lang kami, may nakita kami na bagong dating at usong damit," sagot ni Shaina. "Hayan na naman kayo, sige na nga!" tugon niya. Malawak na ngumiti ang dalawa at nagpaalam na ang mga ito. Sa pagsusuot, parehas ang dalawa mga modern girls. Siya, kung anong mapulot niya 'yun na! Wala nang maraming kuskos balungos, lalo na sa kanyang mukha. Kuntento na siya sa kung anong meron siya. Umiiling- iling siyang nagtungo sa jewelries shop. Gusto niyang bilhan ng regalo ang kanyang pinsan, kaarawan niya ito sa susunod na araw. Lagi nga siya nitong kinukulit na dumalo siya, since matagal na silang hindi nagkikita. Pumayag naman siya dahil gusto niya rin itong makita. Alam niyang, makikita niya ang kanyang mga magulang na may kanya- kanya ng mga pamilya. Mapait siyang napangiti, masaya na rin siya kahit papaano. Nakapili siya ng isang simpleng wrist watch na kulay puti pero, bongga kung tingnan. Tiyak niyang bagay ito sa kanyang pinsan, hindi naman kasi siya marunong pumili ng bonggang- bongga. Kung nagustuhan niya, tiyak magugustuhan naman ng kanyang pinsan. Papunta na siya sa counter nang mabangga siya sa isang matipunong dibdib. Natigilan siya at napatingala, napakatangkad kasi nito. Mukha ng guwapong lalaki ang kanyang nakita, mga matang nangungusap at labing tila nag- aanyaya palagi. Napakurap- kurap siya, ano ba ang kanyang mga iniisip? Nagkakasala tuloy siya, bigla siyang namula. "Ahm, sorry!" tanging nasabi niya. Ngumiti ang lalaki, at may biloy pa pala ito! Ang sarap ng kanyang ngiti, kahawig ng pinapanood nina Dana at Shaina. Hindi nga lang niya alam kung ano ang pangalan ng artistang Koreano na iyun. "Sorry din, Miss!" narinig niyang sabi ng lalaki. Muli siyang napakurap, pati boses nito kakaiba. "Okay ka lang ba?" untag ng lalaki saka hinawakan ang kanyang baba. Napalunok siya sa ginawa ng binata. Napagtanto niyang nakanganga pala siya, kaagad niyang tiniklop ang kanyang bibig. Tumikhim siya ng ilang ulit. "Oo! Okay lang ako, sorry ulit," wika niya. "It's okay! My fault, I'm Xander!" ani nito sabay lahad ng kamay. Napatingin siya sa mga kamay ng lalaki. Nag- alangan siya, parang nakita na niya ang senaryo na iyon. "Ah, excuse me! Nakikipagkilala ka? Tapos, hihingiin mo ang number ko? At pagkatapos, tatanungin mo kung saan ako nakatira, makikipagkaibigan ka. Kapag nahulog na ang loob ko sa'yo, iiwan mo ako at ako naman ay luhaang iiyakan ka!" mahaba niyang litanya. Gulat ang nakarehistro sa mukha ng lalaki. Nakakunot- noo ito na bahagyang nakataas ang sulok ng labi nito. "Are you okay?" muli nitong tanong. "Yes, I am!" taas- noo niyang sagot. "What are you saying?" tanong ulit nito. "I'm just telling the truth, I'm sorry but hindi ako gano'ng klaseng babae. Now, if you don't mind excuse me!" tugon niya sabay iniwan ang lalaki. Ni hindi niya ito nilingon. Okay na sana, eh! Pero kaagad niyang naamoy ang balak nito. Saka, lumang litanya na ng mga lalaki nang gano'n, gasgas na nga sa tainga. Naiwan naman ang lalaking iiling- iling at napapangiti na lamang.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.5K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

The Sex Web

read
130.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
35.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.2K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
31.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook