bc

I LOVE YOU.. GOODBYE

book_age16+
1.4K
FOLLOW
6.0K
READ
forbidden
aloof
mistress
drama
sweet
no-couple
cowboy
city
secrets
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

Nangibang bansa si Dolly para maiba naman ang landas niya na tinatahak at para lumayo sa mga masasakit na karanasan na nangyari sa kanya ng mga nakaraang panahon. Mula pagkabata ay nabatbat ng hirap at sakit ng kalooban ang kanyang puso. Sa totoo lang ay wala siyang naalala na naging masaya siya. Galing siya sa broken family at parehong magulang niya ay nagsipagasawa ng iba at kinalimutan siya. Kaya lumaki siya na laging nakikitira lamang, at dahil doon ay nakapag asawa naman siya ng maaga na naging isang sumpa sa pagkatao niya. Minalas siya dahil maling tao ang pinakasalan niya.

Nagkaroon siya ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa, na hindi niya sinayang at agad siyang gumawa ng pagkakataon na makalayo.

Maraming taon ang lumipas sa kanya, naging masaya din naman siya doon, nagkaroon siya ng maraming kakilala at mga tunay na kaibigan, naaliw siya at kahit papaano ay nakalimot sa kirot ng kahapon.

Isa pang dahilan kung bakit siya naging lubos na masaya ay dahil kay Vhins. Ang lalaki na itinangi niya sa buhay niya, ipinaramdam sa kanya nito na isa siyang mahalagang babae na dapat mahalin alagaan at ingatan.

Sa tulong nito ay tuluyan niyang nakalimutan ang lahat ng masasakit na karanasan at napalitan ng hindi mahalilip na kaligayahan sa piling nito. Walang oras na hindi siya naging masaya, dahil napakabuting tao sa kanya ng binata.

Pero sadyang ipinanganak na yata siya para masaktan at hindi pwedeng lumigaya kailanman.

Pero madali niyang natanggap iyon, isip niya ay naging masaya na rin naman siya kahit sa sandaling panahon na kasama ito dahil ang katumbas niyon sa kanya ay magpakailanman.

Ngayon ang iniisip na lang niya ay ang kaligayahan ng kanyang minamahal na lalaki. Nakahanda siyang iwan si Vhins kahit ang kapalit ay kalungkutan na habang buhay na yatang maninirahan sa puso niya. Pero para sa pagmamahal ay gagawin niyang lumayo dahil alam naman niya sa umpisa pa lang na hindi siya ang karapat dapat na mahalin nito

chap-preview
Free preview
Chapter 1
...All passenger from philippines.. Please get ready.. We are now landing at Beijing Capital International Airport.. Napatuwid siya sa kanyang pagkakaupo ng marinig ang announcement na nanggagaling sa speaker ng eroplano na iyon, gusto sana niyang mag unat at parang nanigas na ang kanyang mga buto sa mahigit apat na oras na pagkakaupo sa napakalamig na sasakyang panghimpapawid na iyon. First time niya na makasakay ng eroplano Sakay sila ng China Airlines na sagot ng kanilang kumpanya. May mga sumunod pang announcement pero sa ibang lengwahe na iyon, na kung hindi siya nagkakamali ay mandarin language, iyon kasi ang natutuhan niya sa seminar na dinaluhan nila bago ang kanilang flight, may kaunti naman na siyang nalalaman pero mga basic lang tulad ng sheishei at pangwo. Bale anim silang babae at dalawang lalaki na ipinadala ng Apple Company mula sa branch nito sa Pilipinas at doon na sila magtatrabaho sa bansang iyon ng China simula sa araw na iyon. Mga team leader kasi sila sa pinanggalingan factory at talagang may knowledge silang lahat pagdating sa iba't ibang klase ng mga makina na ginagamit sa production at ang lalong mahalaga ay sa semiconductor products. Hindi nga siya halos makapaniwala ng araw na iyon na isa siya sa mga ipatawag sa opisina para nga kausapin at alukin kung gusto ba niyang magtrabaho sa Apple Company na nakabase sa Shunyi District of China. Marami rami na rin kasi ang mga naipapadala doon bago pa siya. Ang iba doon ay ang mga kaibigan niya kaya nakakabalita siya tungkol sa uri pamumuhay na mayron doon. At eto na nga ang pinakahihintay niya pagkalipas ng maraming taon ay isa na siya sa mga napili para doon na madestino, talagang masasabi na pinagbuti niya ang kanyang trabaho at inalagaan niya ang kanyang magandang performance. Agad agad siyang nag oo ng siya na ang tanungin ng Chinese Manager na nagmula pa sa bansa nito at nung araw na iyon ay pumirma na siya ng kontrata. Matagal na rin kasi siya sa kumpanya doon na inabot na ng sampung taon. Twenty one years old siya ng swertihin na siya na matanggap doon bilang operator na naging regular after six months. Pagkalipas naman ng limang taon ay napromote na siya na maging line leader sa isang station at naging team leader. Hindi niya pinalampas ang pagkakataon na panuorin ang paglalanding nila sa lugar na iyon, talagang halos ilabas na niya ang mukha sa kakatingin sa maliit na bintana na nasa tabi niya lang. Hindi talaga siya doon dapat nakaupo, nagpaubaya lang ang kaibigan niya na si Len na magpalit na nga sila ng upuan. Amazed na amazed siya habang nakikita ang tanawin mula sa itaas. Pababa na ang eroplano kaya nakadama siya ng konting kaba dahil sa medyo umugong ng malakas ang makita tapos ay para siyang nalulula, dama niya na bumababa din ang katawan niya mula sa mataas na pwesto pabulusok paibaba. Pero kung medyo kabado siya, si Len na katabi niya ay nananatiling tulog. Ayon dito ay sanay na ito, dahil kapag umuuwe ito sa Cebu ay nakaeroplano din ito kaya sanay na sanay na ito sa ganoong biyahe. Naging matalik na kaibigan niya ito dahil din siguro sa magkaedad lang sila, matanda lang siya ng tatlong buwan dito, unang salta kasi nito doon ay dama na niya na magaan ang loob niya dito, nauna lang siya ng dalawang taon sa kumpanya dahil tinapos pa nito ang four years course nito, kaya sa tingin nga niya ay isa din ito agad sa mga napili dahil nga graduate ito ng Bachelor course, samantalang siya ay two years vocational course lang ang tinapos niya. May long distance boyfriend ito na nasa Taiwan nagwowork, iyon nga ang nagsabi daw dito na subukan nito na magtrabaho sa mga Semiconductor Company. At take note ten years na ang relasyon ng mga ito pero hindi pa nagpapakasal. Marami pa itong gustong magawa sa buhay at makapagpundar, naipagawa na nga daw nito ang bahay ng mga magulang sa Cebu at ngayon ay may hinuhulugan itong bahay sa Batangas. Same daw ng boyfriend nito na ganoon din ang pananaw sa buhay, madali lang naman daw magpakasal kapag pinagkasunduan na nila iyon. Natutuwa siya sa mga ganoong relationship na may respeto sa isa't isa at nagkakaunawaan sa lahat ng bagay. Childhood sweetheart kasi ni Len ang boyfriend nito kaya talagang magkakilalang mabuti ang dalawa. Hindi katulad niya na basta na lamang nagpakasal sa maling tao. Sabi nga nila ang pagsisisi ay nasa huli at iyon nga ang nararanasan niya. Ang asawa niya ay sa una lang siya pinakilig at pinasaya para lang pala makuha siya, siya naman dahil sa sabik na makadama ng pagmamahal dahil sa lumaki siyang walang magulang at kapos sa pagmamahal at pag aaruga ay inakala niya na totoo ang nakikita niyang pagmamahal at pagmamalasakit na ginagawa ni Toby. Pero kalaunan ay nalaman niya na isang palang huwad ito, sobrang pagsisisi niya na nagpakasal siya dito sa Huwes, ang akala niya na iyon ang pinakamasayang araw niya sa buhay niya, pero nagkamali siya dahil nagmistula iyon na isang bangungot at pader para matali siya sa isang legal na pagsasama na wala ng lalabasan. Limang taon silang nagsama na punong puno ng pagdurusa, iniisip niya nung una na magbabago din ito at makakapag isip naman ng tama. Pero napapagod din siya. Sa wakas ay nagising na siya sa kanyang kahibangan dahil wala na talaga siyang aasahan na pagbabago mula sa asawa niya. Ang tingin na niya dito ay isang siraulo na wala talagang kautak utak. Lahat ng bisyo ay taglay nito, pambabae, pag inom, paninigarilyo, barkada at ang pinakapanget ay isang drug addick din ito. Taglay din nito ang lahat ng panget na ugali katulad ng pagsisinungaling, pagpapanggap, pagnanakaw, lagi siyang nawawalan ng pera na ito ang may gawa kahit na siya na nga lang ang gumagastos sa maliit nilang bahay na inuupahan ay wala pa rin itong puso na naaatim na bawasan ang pera niya, hindi pa niya kasi alam na gumagamit ito ng bawal na gamot, wala din kasi siyang ideya sa bagay na iyon. Minsan ay madadatnan niya ito na nasa loob ng silid at nagpapausok ng kung ano, nagtataka siya pero hindi siya nagtatanong dahil sobrang pagod na rin siya sa trabaho niya tapos ay bukas ay may trabaho siya ulit. May trabaho din ito bilang maintenance sa isang exclusive condominium pero walang silbi iyon dahil kulang pa sa bisyo nito ang pera na sinasahod nito. May mga babae din na nakikita niya na nagtetext dito kung minsan ay tumatawag pa, pero napakagaling kasi nitong mag alibi at gumawa ng kwento kaya kalaunan ay nauuto pa rin siya at napapaniwala. Naalala pa niya minsan ay tinawagan niya ito dahil sasabihin niya na gabing gabi na siya makakauwe dahil nagkabulilyaso sa kumpanya at kailangan talagang irework at tapusin iyon dahil urgent, pero sa gulat niya ay babae ang sumagot sa phone ng asawa niya, pero agad ding pinatay. Pag uwe niya ay agad niyang tinanong ito, pero ang nangyari ay takang taka pa ito kuno na walang alam. Kaya parang gusto niyang magpasalamat na hindi na sila nagkaanak ni Toby dahil magiging kawawa lang ang anak nila for sure. Ewan lang niya kung wala pa itong nabubuntis na ibang babae. Hindi nga siya nagagalit kung mambabae man ito dahil ang nadarama niya ay pagkaawa sa mga babae na mauuto pa nito na tulad niya. Isa lang kasi ang masasabi niya sa asawa niya napakaexpert nito pagdating sa pambobola at pagpapaikot ng mga babae sa palad nito, talent talaga nito ang ganoon. Malas lang dahil nagpakasal siya dito ngayon wala na siyang kawala. Kung darating man yung taong magmamahal sa kanya ay hindi na siya maaaring magpakasal pa muli. Ganap nang lumapag ang kanilang sinasakyan kaya naging payapa na ang pakiramdam niya, nakita niyang nagtayuan na ang mga kasama nilang pasahero, kanya kanya na ng kuha ng mga dala dalang mga gamit. "Len." Mahinang tawag niya dito, ginigising na niya ito, pansin niya ay napasarap talaga ang tulog nito. "Oh!.." Bigla itong nagmulat ng mga mata at napatingin sa mga taong nakatayo, nakahanda na ang mga ito sa paglabas ng sasakyang iyon. "Nandito na pala tayo, nakatulog ako! Nasaan na sila?" Nag unat pa ito ng dalawang braso. Lumingon siya sa bandang likod dahil alam niya na nandoon ang mga iba pa nilang kasama, nakita niyang abala na rin ang mga ito sa pagkuha ng mga handcarry. Sumenyas siya kay Len na nasa likod ang mga kasama nila. "Tara na.!" Sabi nito kya naghanda na rin sila para tumayo. Gandang ganda siya sa mga nakikita niya sa paligid. Napakalaki pala nang lugar na iyon, may napakalaking Shopping Mall na kadikit mismo ng Airport na nilapagan nila, kaya ang mga tao na galing sa kanya kanyang biyahe ay deretso na doon para makapamili ng mga ipapasalubong siguro at para makakain, marami siyang natatanaw na mga Chinese Restaurant. Gusto man nila na pumasok pa doon para makapasyal ay mas pinili nila na maupo na lang muna sa mga bakanteng bench. May susundo kasi sa kanila na taga pabrika at baka magkasalisi pa, filipono-chinese daw iyon kaya huwag silang mag alala at marunong iyon na magtagalog. Nakatulala siya sa kanyang malaking maleta na nakatayo sa harap niya. 30 kilos lahat iyon, actually ay 28 kilos lang iyon ng timbangin kanina sa airport sa Pinas, kaya nagpalagay ng ilang mga gamit doon si Len dahil lumagpas ang dala nito sa 30 kilos at baka magbayad pa ito ng baggage fee. "I can't imagine Dol na nasa ibang bansa na tayo.! Na wala na tayo sa Pinas." Napalingon siya sa katabi, bahagya itong nakangiti at bakas sa mukha na masaya talaga ito, palinga linga din ito sa paligid. "Oo nga! Kaya natutulala pa ako. Medyo hindi pa maabsorb ng utak ko na nandito na tayo sa China." Napangiti din siya saka tumingin sa paligid. "Bago ang lahat, saka hindi na natin maintindihan yung mga karatula." Inginuso niya ang mga nakikita niya sa harapan niya. Nasabi niya iyon dahil sulat chinese na ang lahat ng nakikita niya sa buong paligid. "Oo nga.. Nakakapanibago Dol." Kasunod niyon ay buntong hininga ng kaibigan niya. "Ang saya nga nila Mama kasi daw hindi nila maimagine na makakapag abroad din ako." Ngumiti siya habang nakikinig dito, bilib siya sa pamilya na mayroon ito, mapagmahal ang mga magulang nito ayon sa mga kwento nito sa kanya. "Todo paalala nga sila at sana daw ay makatawag agad ako sa kanila para alam nila na maayos ang kalagayan ko dito at hindi na mag alala si Mama ko." Napayuko siya, dahil sa kanya ay wala namang mag aalala na kagaya sa kaibigan niya. Wala siyang mga magulang dahil may kanya kanya na itong mga pamilya. Na kahit kasal naman sa isa't isa ay ewan ba niya bakit nagawa pa ring magpakasal sa iba. Pero alam naman niya ang ibig sabihin niyon na mapapawalang bisa ang kasal ng mga ito sa kanya kanyang asawa kung mauungkat ang tungkol doon o mayroong mag uungkat at ipapasiyasat talaga. Pero pareho namang naging tahimik na ang magkabilang panig, miski ang mga kamag anak ng bawat isa ay hinayaan na lang din. Ang tatay niya kasi ang unang nagloko talaga at nagkaroon ng maraming babae, may mga nabuntis pa itong iba kaya alam niya na may mga kapatid pa siyang iba pero hindi na rin niya nakilala pa. Maliit pa siya noon, hindi pa nga siya nag aaral, ng may pakasalan na itong muli at talagang kinalimutan na nito na may anak ito na siya nga iyon. Ang tingin niya sa taong iyon ay isang halimaw, sa murang edad niya ay nabuo na sa puso niya ang pagkasuklam dito. May eksena pa na hindi niya makakalimutan noong elementary days niya, pumunta kasi ito sa bahay ng nanay nito na lola niya para makikain. Tinawag siya nito para magbilin na huwag daw niyang tatawagin na tatay ito lalo at may tao na iba na makakarinig. Nung mga oras na iyon ay gusto niyang bumungahalit ng iyak, sobra siyang nasaktan sa sinabi nito, pakiramdam niya ay sukang suka ito sa kanya at gusto na talagang kalimutan nito na may anak nga ito at siya iyon. Ang nanay naman niya na tanging inaasahan niya at iyon na lang ang nagpapalakas sa murang edad niya ay nagawa na ring mag asawa ng iba kalaunan at katulad ng ginawa ng tatay niya ay kinalimutan na rin siya nito at bumuo ng ibang pamilya. Nung maliit pa siya ay hindi niya masyado dinadamdam, nagagawa pa niyang maging masaya kapag nakikipaglaro siya sa labas na kasama ang mga kaibigan niya. Pero habang lumalaki siya ay nagiging matigas na rin ang puso niya, natututunan niyang mag isa at hindi kailangan ng makakaramay. Isa pa ay naging bato na rin ang pakiramdam niya sa mga magulang niya, yung wala na rin siyang pakialam dito na katulad ng ginawa ng mga ito sa kanya. Miski kasi ang nanay niya ay hindi na rin siya ipinakikilalang anak kundi pamangkin daw siya nito. Habang lumalaki siya ay kitang kita niya ang pagiging walang mga kwentang tao ng mga magulang niya at nasasabi niya minsan sa sarili na napakamalas niya at mukha siyang kaawa awa dahil ang mga ito pa ang naging mga magulang niya. Natatawa siya kapag minsan ay nagkakakwentuhan sila ng mga kaibigan niya, sabi kasi ng mga ito na kung magkakaroon daw ng pangalawang buhay ay muli daw pipiliin ng mga ito na maging magulang ang mga kasalukuyang magulang ng mga ito. Kabaligtaran iyon sa mga sinasabi naman niya sa mga ito kapag nagtatanong. Sinasabi niya na sana ay huwag na huwag na niyang magiging magulang ang mga ito kung may second life pa, hiling pa nga niya ay ni makikita ay huwag na sana talaga. Tuluyan ng naging bato na kasi ang puso niya dahil sa mga dinaranas niyang sakit ng kalooban lalo na kapag nakikita o nababalitaan niya na yung mga anak ng mga ito sa kanya kanyang asawa ay maayos naman ang kalagayan, inaalagaan na mabuti at minamahal. Hindi niya kasi maiwasan na maikumpara ang kanyang abang sarili sa mga kalagayan ng mga anak ng mga ito. Nakitira kasi siya sa both side, una ay sa tatay niya at nakita niya kung paano siya itsapwera ng tatay niya at ng madrasta nito, nagmistula siyang yagit sa mga ito. Pati ang mga anak ng mga ito na puro mga lalaki ay napakasasama ng mga ugali sa kanya. Tulad ng basta na lamang siyang babatukan at babatuhin tapos ay tatakbo sa kwarto ng mga ito, nung una ay umiiyak pa siya pero kalaunan ay hinahayaan na lang niya na parang walang nangyari. Hindi rin siya pinapakain ng sapat at tapos ay kung utusan siya ay ganoon na lamang, tanda pa niya na grade three siya noon ay inuutusan na siyang pumunta sa malayong palengke para bumili ng limang kilo ng bigas at bubuhatin niya iyon pauwe bahay. Pumasok tuloy sa isip niya na kaya siya kinuha ng tatay niya ay para maging isang katulong ng mga ito. Hindi niya rin makakalimutan ang madrasta niya nang pakainin siya ng hilaw na manok, hindi niya pa kasi alam ang ganoon, at sa gulat niya ay tuwang tuwa pa ito na ikinuwento sa tatay niya na kinain daw niya yung manok sa kaldero kahit hilaw pa daw, hindi man lang nito sinabi ang gayon sa kanya dahil nandoon mismo ito ng kumukuha siya ng manok, gutom na gutom kasi siya noon galing sa eskwelahan niya. Napakalayo ng paaralan niya mula sa bahay na iyon at nilalakad lang niya iyon sa araw araw dahil hindi siya binibigyan ng baon ng tatay niya. Ganoon siya pinagmalupitan ng mga ito, kaya kaawa awa talaga ang naging kalagayan niya nung napunta siya sa poder ng tatay niya. "Dolly nariyan na yata yung susundo sa atin." Natigil siya sa pagbabalik tanaw sa nakaraan niya at napalinga sa kaibigan niya, gusto niyang batukan ang sarili at talagang doon pa sa bansang China niya nagawang balikan ang masasakit na bahagi ng kanyang kabataan kung kailang napakalayo na niya sa mga tao na iyon na walang ginawa para saktan lang ang kalooban niya. Ipinilig niya ang ulo para makabalik na siya sa kasalukuyan niya. "Nariyan na ba?" Tanong niya sa katabi niyang si Len. "Oo kausap ni kuya Alex." Sabay turo sa banda roon , na sinundan nga niya ng tingin. Nakita niya ang isang lalaki na nasa mga kwarenta na siguro ang edad, nakasuot ito ng blue na polo at maong pants, habang kausap ito nang katrabaho nila na si kuya Alex ay may nilalaro ito sa kamay na mga susi. Si kuya alex ang pinakaleader nila sa grupo na iyon dahil ito ang pinakamatanda at pinakamatagal sa kumpanya nila sa Pilipinas. May asawa na rin ito at tatlong anak. Nakatingin lang sila sa mga ito habang nag uusap ang dalawa, naghihintay pa sila ng go signal kay kuya Alex. "Nakakakaba ano." Narinig niyang sabi ni Len, tumango siya dito dahil sa totoo lang ay talagang kabado din siya, bago kasi sa pakiramdam ang lahat ng mga nangyayari sa ngayon. Pinuno niya ng hangin ang dibdib at inunat ang kanyang dalawang braso. Alam niya na dapat niyang labanan ang negatibong pakiramdam na pilit na kumakapit sa kanya, kung kailan nandito na siya sa pangarap niya saka pa siya magiging ganoon ba.? "Kaya natin to Len! Fight! Fight lang tayo." Ngumiti siya dito, gusto niya na maging kalma lang sila. Panget kasi kung papasukan siya ng negative mind talaga alam niya na hindi makakatulong iyon sa kanya. Natutuhan niya iyon sa naging kaklse niya noong College na naging malapit sa kanya, si Erich. Lagi nitong sinasabi na in every situation always have positive mind to be calm na naging isa na rin sa mga motto niya sa kanyang buhay. "Tama ka Dol.. Walang susuko kaya natin ito." Malakas na sabi nito, napansin niya na napatingin sa kanila ang iba pa nilang mga kasama, tahimik kasi ang mga ito at mga mukhang seryoso, alisto ang mga ito at baka tawagin na sila ni kuya Alex. Nasabihan din kasi sila sa briefing nila sa pinas na ayaw ng mga chinese person na aanga anga at parang lalanta lanta. Dapat daw ay maging alisto sila at laging bibo. Huwag daw nilang kalimutan na ang lugar na pupuntahan nila ay nakaugalian na ang first impression last.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mysterious Heart (Tagalog/Filipino)

read
888.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
245.6K
bc

Broken Angel

read
3.7K
bc

MELISSE: The broken wife ( TAGALOG) (Completed)

read
215.0K
bc

Be Mine Again

read
98.0K
bc

My Husband's Mistress

read
297.0K
bc

His Cheating Heart

read
39.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook