bc

Lust or Love

book_age18+
1.1K
FOLLOW
2.9K
READ
dark
possessive
pregnant
submissive
CEO
billionairess
tragedy
comedy
bxg
porn star
like
intro-logo
Blurb

"Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sa kanya, kung pagmamahal ba o hinahanap lang siya ng katawan ko, upang punan ang pangangailangan ng p*********i ko. Maraming bagay ang dapat ko pang matuklasan patungkol sa tunay niyang pagkatao," Leon Elias Baker

An office girl in the morning at isang stripper tuwing gabi? Alin nga ba sa dalawang ang tunay niyang pagkatao?

Is it Audrey the office girl or Kater the Stripper?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
LUST or LOVE? Written by: Heavenknowsflo ONLY ON WATTPAD Wattpad username: Heavenknowsflo Genre: Romance/ Light Drama "Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko para sakaniya kung pag mamahal ba o hinahanap lang siya ng katawan ko upang punan ang pangangailangan ng pag ka-lalaki ko. Maraming bagay ang dapat ko pang matuklasan patungkol sa tunay niyang pag katao o ang kanyang nakaraan" Leon Elias Baker Chapter 1 Ala'Una na ng umaga at halos kakalabas palamang ng trabaho ni Kate. Napadako siya sa isang 24 hours convenience store sa Angeles, Pampanga upang kumain ng kaniyang hapunan. "Kate! Nako inumaga kana naman ng pag-kain mo, tapos noodles lang kakainin mo?" wika ng binatilyong cashier. "Nako Kate sagutin mo na kasi ako tatanggapin pa kita kahit ano ka" malanding sinabi ng binaltilyo sa dalaga na pawang wala naman pakialam. "Alam mo boy, wala kong paki sayo. Basta ako gutom ako no? " wika nito habang hinihigop ang sabaw ng Cup Noodles."Hindi talaga tumatalab ang kagwapuhan ko sayo no?" sagot ng binatilyong cashier. Marami pang sinabi ang binatilyo at tumabi pa sakaniya habang kumakain. Ngunit umalis agad si Kate at pawang nag mamadali. Initsa lamang nito ang pinag kainan sa basurahan na parang basketball player. "Shoot! O siya boy! Bye! Siguraduhin mong may milyon ka bago ka manligaw saakin " patawang sambit ng dalaga at tuluyang lumabas ng convenience store. 2: 30 am na ng makauwi ang dalaga sakaniyang bahay na pawang dahan dahan na binubuksan ang pintuan para hindi magising ang kanyang nakakabatang kapatid na si Maybeline. Kinabukasan, Aligaga ang mga empleyado mag mula noong nakaraang araw dahil sa paparating na isa sa mga may ari ng kompanyang pinag tatrabahuhan niya mula ito sa ibang bansa. "Drey! Yung Financial Report daw sabi ni Sir Joj! Naku hinahanap kasi ng mga dealer at ng Admin Office kailangan malaman para more investors to come!" Wika ni Baste sa dalaga, kapwa Finance Staff nito sa Car Company. Ito ang pumapangalawa sa Headoffice nila sa Manila. Dahil sa Congested na sa Manila, nag karoon ng Isang Branch ang kompanyang pinag tatrabuhan sa Angeles Pampanga dahil ito na ang sinasabi ng lahat na THE NEXT MANILA. Audrey Laura Del Mundo ito ang pangalan ng babae sa umaga, tila mapanlinlang ang kaniyang itsura dahil sa mahinhin at mukhang hindi makabasag pinggan na dalaga. Pero ang hindi alam sa kabila ng balot na pananamit ay may tinatagong pag katao ang babae. Kinababaliwan ito ng mga kalalakihan sa Cloud9 Bar kung saan mas kilala siya sa tawag na Kate. Maraming gustong gusto na mahawakan at matikaman ang babae. Ngunit isa siya sa mga pinangangalagaan sa Bar. Kaisa isang tao lamang ang nakakaalam sa kaniyang Buhay. TRIXIE siya ang crossdresser gay bestfriend ni Audrey na nag pasok sakaniya dito sa Bar. Mayaman ito kaya hinikayat nalang niya ang kaibigan na maging Stripper/ Dancer, bukod sa awang awa siya sa kaibigan niyang hirap makaipon. Sakto lamang ang pamumuhay ng mag kapatid. Pinanganak na mayaman si Audrey lalong may mga ari-arian sila sa TARLAC. Dumating sa puntong silang dalawa nalang ng kaniyang kapatid na si Maybeline ang natira sa buhay. Kung kaya't ginagawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya upang mairaos sa pag aaral ang kapatid niyang si Maybeline. Ngayon na balak niya itong pag aralin sa isang University sa Manila. Napabalikwas mula sa pag kakaupo at napatakbo sa Stock room si Audrey kung saan nandoon lahat ng Financial Documents na kinakailangan ni SIR JOJ . Kasa-kasama niya sa pag mamadali si Sebastian Ax Reyes o mas kilala sa tawag na Baste. Numero unong crush ni Audrey pero tahimik lang ang dalaga dahil ayaw naman niyang mag assume na magugustohan din siya pabalik ng lalaki. "Oh my Goodness Baste! Bakit may kagat ng daga?" Nanlaki ang mga mata ni Aurey at ni Baste ng makita ang butas butas na Dokumento. "s**t si Manong yata hindi pa nahuhuli yung alaga sa office" Problemadong sinabi ni Baste. "Paano niyan? Ikaw ang mag pepresent niyan?" Dagdag ulit ng binata. "Seriously? Wala naman saakin ang soft copies niyan alam ko nag bubura sila kapag limang taon na ang nakalipas pag tapos ito namang naka imbak biglang hahalungkatin? Ano bang gustong hanapin ng mga investors nayan!" Problemadong sinabi ni Audrey at napasandal sa Pintuan. "Audrey Stock holder din ang nag hahanap. Teka subukan ko munang mag hanap, baka sakaling may ibang copy Audrey." Saad ng lalaki at nag halungkat pa ng pupwedeng mapag lagyan ng dokumento. Napatingin siya kay Audrey habang kinukumpuni ang mga nasirang papeles. "Sa lahat ng kakainin ng pesteng daga nayan yung DOCUMENTS pa na gagamitin ko!" Galit na sinabi nito napatingin naman ang lalaki sakaniya ngunit nag iwas tingin ito dahil sa butones ng kaniyang blouse na nakabukas. "Bukas ang butones mo." Saad ng lalaki at doon biglang tumalikod si Audrey upang ayusin ang kaniyang damit. Hindi niya alam kung papaano hihinga ng maayos dahil sa sobrang kahihiyan sa lalaki. "Huwag kang malungkot kaya mo yan. Kilala kita kahit anong problema sa company kaya mong ayusin, pakiramdam ko nga ikaw lang ang magaling mag balanse." Pag bibiro ng lalaki at nahihiya padin tumingin si Audrey sa lalaki." Audrey naman, kilala kita magagawan mo ng paraan yan ikaw pa? Ni gaano kaliit na butas o malaki kaya mong gawan ng paraan. Isa pa pwede namang sabihan yung Dealer at Admin na i-follow up mo yung attachments sa Report nayan. Tutulungan naman kita" Pag ulit ng lalaki sakaniya. "WAIT? Hindi ba ngayon yang presentation?" Pag papanic bigla ni Audrey. "Oh s**t! Oo nga pala! Bakit naman ngayon pa nag kaganiyan? Sasamahan nalang kita?" saad ni Baste. "Hindi, kaya ko ito! Para sa ikaka-increase ng Sweldo ko!" Ngumiti ang babae kahit na kinakabahan siya na mag prisinta na ganito ang itsura ng mga attachments niya. Isa pa dito nakaharap ang CEO ng company pag tapos makikitang sira sira ang mga documents. Tumakbo ang dalawa papunta ng elevator habang bitbit naman ni Audrey ang Files na may kagat pa ng daga. "Bahala na, kaya ko namang 'tong lusutan" bulong ni Audrey at pilit pinapalakas ang loob. Napasinghap naman si Audrey ng bigla siyang hinalikan ng binata sa noo. Sumaktong bumukas ang elevator napatakbo papasok si Audrey at agad pinindot nito ang Close button sa elevaor. Nag iwan lamang siya ng Awkward smile sa binata. Hindi alam ni Audrey kung naka libre siya ng blush on dahil sa kilig na naramdaman sa halik ng lalaki sakaniya. Pag bukas ng elevator tumungo siya sa kaliwa at pumasok sa conference room para mag present. Inilahad niya ang graph at samut saring Financial statement sa mga Dealers, CEO at Investors. Nailahad niya ng maayos at nasagot lahat ng katanungan ng mga ito halos madugo dugo na ang ilong niya kaka English, dahil hindi pa siya gaanong nakapag ready at impromptu ang nangyari sa presentation niya. "Well said Ms. Del Mundo" Wika ng matandang nakaupo sa Harapan ni Audrey ito ang CEO ng Car Company na kanyang pinag tatrabahuhan " umh Excuse me my dear friends. Before we end this Presentation. I would like to introduce our Stockholder and he will hanlde the Finance Department Mr. Leon Elias Baker your new Boss, say goodbye to your Sir. Joj" Saad ng matanda at napanganga si Audrey. Ngayon lang niya napansin ang lalaking nandoon sa dulo at walang reaksyon ang mukha nitong nakatingin sakaniya. Napangiti nalang siya dito pero may halong kaba at lungkot dahil nasanay siyang si Sir Joj ang boss niya kahit na sandamak-mak ang inuutos nito sakaniya. Samut-sari din ang nasa isip nito dahil sinenyasan siya ng kanilang CEO at gusto siyang makausap nito. Tumayo ang mga kalalakihan na kaharap ng dalaga at lumapit ang CEO kay Audrey. "Next time Ayusin mo ang mga Attachments mo. Nakakahiya Ms. Audrey akala pa simpleng stock room hindi natin maiayos. Well anyway good job!" Saad ng matanda at nginitian nalang siya. **

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
226.0K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.4K
bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
275.3K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

The Billionaire's Last Heir (Tagalog)

read
325.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook