bc

In Denial King

book_age16+
4.6K
FOLLOW
10.7K
READ
HE
arrogant
drama
sweet
humorous
lighthearted
straight
bold
male lead
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

Paano nga ba mabuhay sa iisang bahay kasama ang mortal mong kaaway? Iyan ang delubyong haharapin ni Janred nang nagpasya siyang maging guardian ni Dianne, ang numero uno niyang kaaway noong high school palang sila.

Kayanin kaya ng powers ni Janred ang pasaway na si Dianne? Saan kaya aabot ang mala-aso't pusa nilang bangayan?

chap-preview
Free preview
1 Simula ng magulong sitwasyon na pinasok ni Janred
Umuusok ang ilong sa inis ni Dianne. Iyon kasi ang araw na lilipat din sa nilipatan nilang bahay ang stepfather niya kasama ang pamangkin  nitong si Janred na ubod ng sungit. Kumukulo ang dugo niya kay Janred dahil ito ang numero unong kaaway niya sa campus noong high school palang sila. Second- year high school siya noon at fourth-year naman si Janred. Presidente ito ng student council at siya naman ang isa sa mga sakit ng ulo sa school. Kasagsagan kasi ng pagrerebelde niya noon. "Ma, bakit ba kailangan pa nating makasama sa iisang bubong ang antipatikong 'yon? Hindi naman siya totoong anak ni Papa Kiko, ah," aniya na halos sumayad na ang nguso sa lupa. "Mabait naman 'yung si Janred. Hindi naman kasi iba ang turing sa kanya ng Papa Kiko mo. Hayaan mo na." "Pero Ma--" naputol ang usapan nila nang makarinig sila nang sunod-sunod na pagbusina mula sa labas. Nagmamadaling hinila siya ng mama niya palabas ng bahay para salubungin ang mga ito.  Hindi maipinta ang mukha ni Dianne  nang makita ang arroganteng lalake na noo'y hindi man lang siya tinapunan ng tingin. "Ang kapal talaga ng mukha," bulong niya. "Welcome home, Janred," masayang bati ng mama niya sabay yakap sa binata. Nakakunot lang ang noo ni Dianne habang pinapanood ang mga ito. Kahit kasi ilang taon na ang nakakalipas  kumukulo pa rin ang dugo niya kay Janred. Masyado kasi itong antipatiko at pabida. Sikat si Janred sa school noon, lalo na sa mga babae. Star player kasi  ito ng basketball. Kaya ang daming mga babae na nagkakagusto rito. Sa tindig palang kasi , dinaig  pa nito ang mga sikat na artista. May hawig nga ito sa  chinese actor na si Johnny Huang. Madalas nga napagkakamalan itong si Johnny kapag naglalakad ito sa mall. Mula sa taas, kutis, pati na sa porma, Johnny Huang ang dating nito. Idagdag mo na rin pati ang magandang kilay niyang kumukunot kapag naiinis na. Kung tutuusin perfect match silang dalawa ni Dianne. Mukha rin naman kasi itong artista. Medyo maliit lang ito nang kaunti sa kanya at mas maputi ang balat. Katamtaman ang haba ng manipis at makintab nitong buhok. At may katatamtamang  pangangatawan na bumagay sa mala-anghel at maamo nitong mukha. Lagi nga silang tampulan ng tukso noon. Love team daw sila, bagay na mariing tinututulan ni Dianne. "Excuse me, kahit na si Janred na lang ang nag-iisang lalaki sa mundo, hinding-hindi ko siya papatulan,"  nakangising sabi ni Dianne sa isang estudyante na tumutukso sa kanila. Naniningkit ang mga matang lumapit sa kanya si Janred atsaka bumulong. "Huwag kang mag-alala, hindi rin naman kita papatulan." Tumingin pa ito nang parang nakakaloko sa kanya bago ito tuluyang umalis. Kuyom ang mga kamay ni Dianne at tila nanginginig sa galit na tinanaw niya lang si Janred. Lalo pang kumukulo ang dugo ni Dianne nang maalala  niya ang tagpong  iyon. Isa kasi iyon sa nagpababa ng self-esteem niya. He makes her feel she is not worth it. Sinamantala ni Dianne ang pagkakataon habang nagkukwentuhan ang tatlo. Pasimpleng lumayo siya sa mga ito. Maingat niyang binubuksan ang gate nang bigla siyang mapaigtad nang magsalita mula sa likuran niya si Janred. "Saan ka pupunta?"   Matalim ang tinging ipinukol niya sa binata bago siya sumagot. "Ano bang pakialam mo, ha?"  Napangisi si Janred. "Wala ka pa rin palang ipinagbago." "Eh, ano ngayon sa'yo?" nakatulis pa ang ngusong sagot niya. Nangingiting napailing si Janred. "Hanggang ngayon papansin ka pa rin." Napakuyom ng palad si Dianne na tila ibig manapak. Padabog na binuksan niya ang gate atsaka siya humakbang palabas. "Hanggang ngayon ba naman galit ka pa rin sa akin?" nangingiting sabi ni Janred na noo'y lumabas din sa gate kasunod niya. "Wala akong paki sa'yo! Mind your own business!" galit na sabi ni Dianne atsaka agad na pinara ang paparating na taxi. Napabuntong hininga na lang si Janred habang tinatanaw ang papalayong sasakyan. Noon niya lang napagtanto na hindi ganoon kadali ang responsibilidad na iiwan sa kanya ng Tito Kiko niya. "Grabe, hanggang ngayon talaga sakit pa rin siya sa ulo," naiiling na sabi niya. "Tito, I don't think I can tame her," sabi ni Janred nang makabalik siya sa loob ng bahay. "What do you mean?" kunot ang noong tanong ng tito niya. "Sinabi ko naman po sa inyo na magkaaway kami noong high school pa. Galit pa siya sa akin hanggang ngayon. Kaya I'm sure hindi siya susunod sa akin." "Hijo, habaan mo pa sana ang pasensiya mo sa kanya.  Ikaw na lang kasi ang maasahan namin sa ngayon," malungkot na sabi ng tito niya. Sa kanya napagkasunduang pansamantalang ihabilin si Dianne habang nagpapagamot sa Amerika ang mama nito. Wala na raw kasing ibang kamag-anak na mapag-iiwanan kay Dianne na malapit sa Manila. Nasa malayong probinsiya kasi ang mga kamag-anak ng daddy nito at ang sa mama naman nito ay sa America na halos nakatira. Ayaw naman daw ng mga ito na patigilin sa pag-aaraal si Dianne dahil ilang taon na rin ang nasayang ng dalaga dahil sa pagloloko nito. Kung hindi ito bumabagsak bigla naman itong nagshi-shift ng course ng hindi nila alam. Mas marami pa kasi ang oras na ginugugol nito sa paglalakwatsa kaysa sa pag-aaral. At kung pumasok man ito sa school kadalasan nakatambay lang din ito sa study area. Swerte na nga raw na nag-pirmi ito ngayon sa kurso niya na Bachelor of Science in Business Administration Major in Management at umaasa sila na makaka-graduate na ito ngayong taon. "Hindi niyo ho ba sasabihin sa kanya na aalis kayo?" tanong ni Janred. "Bukas na lang siguro bago kami umalis," walang emosyong sagot ng mama ni Dianne. "Hindi ho ba parang unfair 'yon sa kanya, Tita?" alanganing tanong niya. Mapait na ngumiti ang mama ni Dianne atsaka umiling. " I know, pero kailangan kong patigasin ang loob niya. Mas okay na masaktan na siya ngayon para hindi na ganoon kasakit kung sakaling mawala ako," nangingilid ang luhang sabi ng mama ni Dianne. Bahagyang lumapit ang Tito Kiko niya rito atsaka marahang hinaplos ang likuran nito. " Huwag kang mag-isip nang ganyan. Maraming magagaling na doktor sa America, sigurado akong gagaling ka," malumanay ang boses na sabi nito. Ang Tito Kiko niya ang first love ng mama ni Dianne. High school sweetheart ang mga ito. Nawalan lang sila ng komunikasyon nang mag-aral sa America ang mama ni Dianne. Matiyagang naghintay ang tito niya sa pagbabalik ng mama ni Dianne. Kaya ganoon na lang ang pagkadismaya nito nang mabalitaang may bago ng karelasyon ang mama ni Dianne.  Sa kabila noon, hindi pa rin nawalan ng pag-asa ang tito niya, lalo't alam nito ang totoong sitwasyon ng relasyon ng dalawa.  At  nang makakita ito nang pagkakataon, muli nitong sinuyo ang mama ni Dianne. Hanggang sa muli silang magkabalikan. Hindi niya maiwasang mapabilib sa tito niya. Nagawa kasi talaga nitong maghintay para sa babaeng minamahal. At kahit pa may malubhang sakit ang mama ni Dianne, hindi nito sinukuan. Madaling-araw na nang bumalik sa bahay si Dianne. Bahagya niyang nasagi ang nakalawit na paa ni Janred na noo'y nakatulog na sa sofa kaya nagising ito. Pupungas na tumayo ito at binuksan ang ilaw sa sala. "Bakit ngayon ka lang, umaga na, ah?" madilim ang mukhang tanong nito. "At sino ka naman sa akala mo ha? Kung makapag-tanong ka daig mo pa ang mama ko," pabalang na sagot niya sa binata.  Napatiimbagang si Janred nang malanghap ang amoy ng alak na kumapit sa katawan ni Dianne. "Lasing ka ba?" kunot ang noong tanong niya. Tumaas naman ang kilay ni Dianne sabay napangiti. "Ayos ah. Dad, ikaw ba 'yan?" nakangisi pang sabi nito habang ngumunguya ng chewing gum.  Napakagat sa labi si Janred na tila nagpipigil ng galit. "Pasaway ka talaga!" singhal niya rito. Natatawa lang na umiling si Dianne at gegewang-gewang na pumasok sa kwarto. Napabuntong hininga na lang si Janred  at napapailing na naglakad papasok sa sariling kwarto. Alas-siyete na nang umaga pero hindi pa rin lumabas ng kwarto niya si Dianne. Kasalukuyan na noong naghahanda sa pag-alis ang mama ni Dianne at ang Papa Kiko nito. Tinangka siyang katukin ni Janred pero hindi pa rin siya tumitinag mula sa pagkakahiga. Wala kasi siyang ideya sa kung ano ang nangyayari sa labas. Nagulat na lang siya nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya na ginamitan na pala ng duplicate key ni Janred. "Male-late na sa flight ang mga mama mo. Hindi ka man lang ba magpapaalam?" seryoso ang mukhang bungad ni Janred. Napakunot ang noo ni Dianne habang unti-unting inilalapag sa kama ang cell phone. "What did you say?  "Paalis na sila. Tumayo ka na diyan," sabi ng binata atsaka siya tinalikuran. Halos madapa si Dianne sa kakamadaling bumaba ng kama. Patakbong lumabas ito ng bahay at hindi man lang nagsuot ng panyapak. "Ma, ano  'to? Saan kayo pupunta?" ma-ngiyak ngiyak na tanong niya matapos niyang maabutan ang mga ito na nagsasakay na ng mga maleta sa taxi. "Dianne, anak. Maiwan ka muna kay Janred. Kailangan kong magpagamot sa Amerika," malumanay ang boses na sabi ng mama niya. "Ma, sama ako sa inyo," aniya na halos maglumuhod na sa ina. "Hindi pwede, dito ka lang. Tapusin mo ang pag-aral mo. Tatawagan ka na lang namin parati ng Papa Kiko mo," sabi ng mama niya sabay kalas ng kamay niya na mahigpit na nakahawak sa kamay nito. "Mama, please. Huwag niyo akong iwan dito," hilam na sa luhang sabi niya habang pilit hinahabol ang ina na noo'y kasalukuyang sumasakay sa sasakyan. "Magpakatino ka, ha? Kailangan na naming umalis," sabi ng mama niya at tuluyan na itong bumitiw sa kamay niya. Wala nang nagawa pa si Dianne nang paandarin na ng taxi driver ang sasakyan. Unti-unti siyang napaluhod sa kalsada habang umiiyak na nakatanaw sa papalayong sasakyan. Awang-awa sa kanya si Janred na noo'y nakatanaw lang sa kanya. "Dianne, let's go inside,"  sabi nito na inabot pa ang isang kamay para alalayan siyang tumayo. Pero galit na iwinaksi niya ang kamay ni Janred.  "Don't touch me!" mariing sabi niya atsaka siya patakbong pumasok sa loob ng bahay. Napailing na lang si Janred habang tinatanaw niya si Dianne.  Alam niyang simula pa lang 'yon ng mga masalimuot na araw na pa pagdadaanan nilang dalawa. Pero pagbibigyan niya muna si Dianne dahil alam naman niyang masama pa ang loob nito. Pagkapasok niya sa loob ng bahay sarado na ang pinto ng kwarto ni Dianne. Aktong pipihitin niya ang door knob nang marinig niya si Dianne na humahagulgol sa pag-iyak. Unti- unti siyang bumitaw sa pagkakahawak sa door knob. Iyon ang unang beses na narinig niyang umiyak si Dianne. Sa maraming beses na nakaharap niya ito sa school noon, ni minsan hindi niya ito nakitaan ng kahinaan. Lagi itong nakikipagbabag at nangangatwiran. Sa dami ng reklamong kinaharap  nito sa school,  hindi man lang niya nakitang nangilid ang luha nito sa tuwing pinapagalitan ng guidance councilor. Kilala niyang matapang at pasaway si Dianne kaya naging mabigat din ang loob niya rito. Hindi na nga niya ito nakikita bilang babae sa kabi-kabilang gulong pinapasok nito. Kung saan kasi may gulo, siguradong nandoon si Dianne. At hindi lang siya basta nandoon, siya rin ang pasimuno ng gulo na iyon. Pero paano nga ba umabot sa ganoon si Dianne?  Dating mabait na bata si Dianne. Consistent honor student ito, mula elementary hanggang high school. Isa nga ito sa nagre-presents sa campus nila sa mga school competitions noong first year high school palang ito. Lagi itong  nag-e-excel sa kahit anong gawin nito. Pero biglang nagbago ang lahat matapos ang araw na iyon. "Dad, saan ka pupunta?" tanong niya sa daddy niya nang maabutan niyang pasakay sa kotse bitbit ang malaking maleta. Kababa lang niya noon sa school service. "I'm sorry, anak. Kailangan nang umalis ni Daddy," sabi ng daddy niya na mahigpit na yumakap sa kanya atsaka siya hinalikan sa noo. "Dad, what's wrong?" nanginginig na ang boses na tanong niya. Sinulyapan niya ang mama niya na noo'y seryoso ang mukhang nakatayo lang sa may bandang pintuan. "Ma," tila nagpapasaklolong tawag niya sa ina. "Pumasok ka na sa loob, Dianne," sigaw nito sa kanya. Napakunot ang noo niya at ipinagsalit-salit niya ang tingin sa dalawa. "Daddy, ano 'to?" umiiyak nang yumakap siya sa baywang ng ama. "I'm sorry, Baby. I need to go," sabi nito saka muli siyang niyakap nang mahigpit. Pagkatapos noon ay bumitaw na ito sa kanya at mabilis na sumakay sa kotse. Tinangka niya pa itong habulin pero pilit nitong kinakalas ang mga kamay niya sa pagkakahawak sa laylayan ng damit nito. "Ma, pigilan mo si Daddy," umiiyak na baling niya sa ina. Pero hindi siya nito pinansin, sa halip ay hinablot nito ang isang kamay niya atsaka siya marahas na hinila papasok ng  bahay.  Naghintay si Dianne ng tawag o videocall mula sa daddy niya pero hindi ito tumatawag sa kanya. Deleted na rin ang account nito sa social media kaya hindi na niya ito na-contact pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

His Obsession

read
70.2K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
17.8K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook