bc

LOVE MAZE

book_age12+
6
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Underground Organization

- ito ay isang lihim na organisasyon kung saan ay binubuo ng mga pinakamapanganib na mga tao. Sila ang mga bihasa sa pagmamanipula at mga patayang nagaganap o ang mas matindi pa nito ay ang pagpapabagsak ng sino mang tao na magtangkang sumalungat sa kanila. They are ruthless and merciless. Their fearless leaders that was dominating the underground are still humans because they also fall in love with the woman that will carry the next generations leaders. Sa ayaw nila at sa hindi,dalawa lang ang pagpipilian nila,ang magmana ng katungkulan, o ang tumiwalag at harapin ang kamatayan. Magulo,mapanganib at puno Ng pangamba ang mundong tinatahak nila. Magagawa nga bang hanapin ang pag ibig sa gitna ng pangamba? O pangamba lamang ang dulot ng pag-ibig?

"the truth is everyone might hurt you,you only need to find the one worth fighting for"

chap-preview
Free preview
EDU
Isang gabi sa isang magulo at napakaingay na kalye ay may isang babaeng tahimik at kalmadong naglalakad habang nagmamatyag sa mga taong lagi nalang sunod ng sunod sa kanya. Halos dalawang linggo na din ng magsimula ang klase at halos dalawang linggo na ring sunod ng sunod sa kanya ang mga ito. Kailangan niyang malaman kung sino ang nag uutos sa mga ito para sundan siya. Wala namang ginagawang masama ang mga ito sa kanya pero hindi siya kumportableng lagi nalang may kung sinong nakatingin sa bawat galaw niya. Pasimple ngunit mabilis siyang lumiko sa isang madilim na eskinita para Doon ay malaya niyang maobserbahan ang mga ito. Nakikita niyang lumingon lingon ang mga ito sa paligid malamang ay siya ang hinahanap ng mga ito. " Pare nakita mo ba yung babae? nakita mo ba kung saan Yun pumunta?"tanong nung isang lalaki "Ewan pre,bigla na lang nawala na parang bula eh." sagot nung isa pa "Hays!bumalik na nga lang tayo!"inis at pasigaw na sagot ng parang pinakalider nilang apat. Napilitan ang mga ito na bumalik na lang ngunit ito lang naman ang pagkakataon na hinihintay Z. Walang kaalam alam ang mga ito na siya na pala ang sumusunod sa kanila. "Teka Lang,parang pamilyar tong direksyon na tinatahak namin ah"isip isip ni Z at habang tumatagal ay lalong lumilinaw sa kanya ang lahat. Alam na niya kung sino ang nag uutos sa mga ito at napangiti siya. "Bakit kaya niya ako pinasusundan?"tanong niya sa sarili ngunit huli na ng mapansin niyang nasa kanya na pala ang atensyon ng mga kalalakihang laging nakabuntot sa kanya. "Uy,andiyan ka lang pala,kanina ka pa namin hinahanap ah." sabi ng lalaking lider na nakangisi sa kanya. "Ah oo,hello kumusta kayo?"nakangiwi niyang bati dito "Kung dito na kaya natin gawin yung binabalak natin? Hindi din naman siguro malalaman ni boss eh." sagot naman ng isang halos hubaran na siya kung makatingin. "Gagu! malilintikan ka kay bossing! papatayin ka nun!" sagot naman nung isang cute na lalaki sabay batok ng malakas doon sa lalaking manyak. Z's POV "Aray!ang sakit nun ah!" akmang susugurin na nito ng kanyang kamao yung cute na lalaki ng biglang magsalita yung nasa unahan na siya yata talaga yung lider nila,lagi nasa unahan eh malay ko ba. "Pwede bang tumigil na kayong dalawa! Pag uuntugin ko kayong dalawa eh."napayuko nalang ang mga ito samantalang yung dalawa pa ay tumawa na lang ng mahina.Pagkatapos nun ay humarap na siya sakin. "Uy miss,Hindi ko alam kung anong kaugnayan mo kay boss pero ang utos ay utos. Kailangan ka namin dalhin sa kanya kaya't sa ayaw at sa gusto mo,sasama ka samin ngayon."sinabi niya yun habang sinusuyod ako ng tingin mula paa hanggang ulo. Sa sinabi niyang yun ay napaisip ako. Gusto ko din naman siya makita pero hindi sa pagkakataon na to. May kailangan pa ko gawin eh saka kaya ko naman siyang puntahan kahit kailan ko pa gusto. "Naku! hindi ako pwede ngayon eh,may gagawin pa kasi ako." sagot ko habang inaayos yung eyeglasses na suot ko. "Pwede ba miss,wala kaming pakialam sa schedule mo."pagkatapos niyang sabihin yun ay walang sabi-sabi agad na nila akong lahat na sinugod. Makalipas ang ilang minuto........ "A-aray ko..." "Tulunngan niyo ko..na-nabalian ako ng mga buto....." "Maawa ka na samin...gusto pa namin mabuhay..." "Yung mga mukha niyo andaming dugo...ka-kadiri.." Sabay sabay na napatingin lahat doon sa cute na lalaki dahil sa sinabi niya maging si Z na nakatayo at nagpapagpag nung mga oras na yun ay napatingin din sa kanya. "Teka nga! uy lalaking cute! bakla ka ba?" tanong dito ni Z na halatang hindi makapaniwala.Napalingon yung apat kay Z at sunod na nilingon yung lalaking cute...nagagawa nila yun kahit sa sitwasyong hirap na hirap pa sila gumalaw dahil bugbog sarado sila kay Z at kapwa silang lima nakahandusay sa kalye. Tumingin ng masama yung cute na lalaki sakin pero nagpatay malisya lang ako. "Gusto mo ba subukan yung p*********i ko miss?"seryoso nitong tanong sakin pero saglit lang,nagtatanong lang naman ako eh.Tsaka kanina cute lang siya,ngayon pogi na?pero syempre hindi ako nagpahalata...nag- iiba talaga yung mukha natin depende sa aura na bumabalot satin.Nagkibit balikat lang ako ang dahan dahan naglalakad papalayo sa kanila. "Pakisabi sa boss niyo,magkikita din kami hindi dahil gusto niya akong makita......magkikita kami dahil sa gustong gusto ko siyang ....makasama." yun lang at patuloy na akong naglalakad papalayo. "Ano ba yan,si boss talaga pinapahirapan tayo. Syota niya ba yun?" "H-hindi ko alam...basta ang alam ko lang madaming buto yung nabali sakin..maawa kayo dalhin niyo ko sa Ospital.." "Amasona yata yun eh...grabe ngayon lang ako nabugbog ng ganito.." "A-aray ko..." Sa hindi kalayuan sa kanila ay may isang taong kanina pa pala nakamasid. Nasaksihan niya ang nangyaring g**o at kung paano nagawa ng misteryosong babae na lumaban ng mag isa at manalo. Isang babae laban sa limang lalaking nagtangka itong gipitin. "Ang buhay nga naman....puno ng surpresa."bulong nito sa sarili bago tuluyang lisanin ang lugar na yun. Makalipas ang ilang araw....... Z's POV Mga ilang minuto na din akong naghihintay dito sa tapat ng classroom niya. Matagal pa yata bago matapos pero sige ...maghihintay ako kahit gaano pa katagal.."patience is virtue" ika nga nila. Ilang segundo pa ay nakikita ko nang nagsisilabasan na yung mga estudyante mula sa loob. Agad akong pumwesto doon sa may gilid ng pinto. Napangiti ako ng papalapit na siya at lalong lumapad ang ngiti ko noong napangiwi siya dahil napansin niyang nakaabang ako doon sa may pinto. Napansin ko na nag aalinlangan siya kung tutuloy ba sa paglabas o hindi pero wala naman siyang choice kasi maraming mga estudyante ang tumutulak sa kanya mula sa likuran dahil nagmamadali din ang mga ito na lumabas.Pagtapat na pagtapat niya sakin ay agad kong hinila yung kamay niya at kumawit ako dito. "Alam mo bang namiss kita ng sobra?"nakangiti kong sabi sa kanya kahit hindi ko siya tinitignan habang naglalakad. "Ahy naku,kailan mo ba ako titigilang babae ka..kahit kailan talaga ang kulit mo." Pagmamaktol nito. Binitiwan ko ang kamay niya at namewang sa harap niya. "At sino kaya yung taong nagpapasunod sakin sa mga tauhan niya araw araw kahit saan ako magpunta?"mahinahon kong tanong sa kanya. "Aba malay ko." sagot niya sakin habang nakatingin sa ibang direksyon. "Wag nga ako. Tingnan mo hindi ka nga makatingin sa akin ng diretso.For your information..I already know you so you can't lie to me okay?"sagot ko sa kanya ng may ngiting wagi at noong hindi siya nakakibo ay hinila ko na siya pauntang canteen. "Pwede ba Z tigilan mo na yang pagkaladkad sakin?"pakiusap niya sakin na mahahalata mong naiinis na siya pero wala akong pakialam.Nakakita ako ng bakanteng lamesa kaya agad kong hinila yung isang upuan para paupuin na siya. Napangiwi naman siya sa ginawa ko. "Huwag mo nga akong gawing babae! Naku po,saan ka ba ipinaglihi ng nanay mo!"Hindi ko padin siya pinansin pero itinulak ko nalang siya sa upuan kasi hindi pa siya naupo. Oh di ba ang sweet ko? "I'll take our order ok?Just relax. I'll be back..mabilis lang to."mabilis akong nag order at bumalik sa mesa dala dala yung mga healthy foods na dapat kinakain para maging malakas at matikas ang ating pangangatawan. Inilapag ko ang mga pagkain sa mesa kasama ang dalawang mango shake at nakangiti ko itong inihain sa kanya. Gusto kong matawa sa itsura niya pero ayokong magalit siya lalo sakin kaya't pinigil ko ito sa abot ng aking makakaya. "Seriously Z? You're not torturing me are you?"Honestly,mukha talaga siyang diring diri sa pagkain. "Come on Jin, what's disgusting about eating vegetables? Please tell me at least one valid reason." sabi ko sa kanya at sinimulan ng lantakan yung pagkain ko. I'm actually aware that he's only staring me in disbelief but he can buy his own food if he want. I'm really hungry. "Tss" Maya maya pa ay kinain na din niya yung pagkain niya. Alam ko na pilit niya akong itinutulak palayo sa kanya pero alam kong ayaw niya akong nasasaktan. I smiled unconsciously while looking at him eating the food. "Uhmn, excuse me guys...can I join you?" Napalingon kami pareho sa lalaking nakatayo. "Come,join us." aya sa kaniya ni Jin. "Thanks" Naupo na ito at nagsimulang kumain ng tahimik.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
316.3K
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

He's Cold Hearted

read
160.6K
bc

My Secretary, Sex-etary [Lee Saunders]

read
273.4K
bc

Reckless Hearts

read
256.5K
bc

The Young Master's Maid

read
749.5K
bc

Seducing My Wife (R-18)

read
338.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook