bc

The Agent and The Runaway (A Novelette) (COMPLETED/UNEDITED)

book_age12+
2.3K
FOLLOW
11.6K
READ
FBI
opposites attract
arranged marriage
independent
brave
dare to love and hate
police
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

Ipinagkasundo si Sherri ng kanyang mga magulang na ipakasal sa isa sa mga anak ng mga kumpare nito. Pero hindi siya pumayag na ganun-ganun lang.

She ran away. Hanggang sa napadpad siya sa Boracay.

On her way to the island she meet Kean a gorgeous secret agent na may hinahawakang sekretong kaso sa isla.

She fall in love with him at naging sila.

Then one day bigla na lang itong nakipagbreak sa kanya. She didnt know it was just part of his plan.

Isang katotohanan ang gugulat sa kanya. Si Kean at ang lalaking ipanagkasundo at pakakasalan niya dapat ay iisa.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Alas dos na ng madaling araw. At halos kahihinto lang ng sariling sasakyan ni Sherri Madrigal sa tapat ng gate ng kanilang bahay. Napilitan siyang bumaba para pagbuksan ang sarili dahil wala ng magbubukas para sa kanya. Patay na ang ilaw ng buong kabahayan. Tanging ilaw na lang sa gate ang nakabukas. Minaniobra niya ang sasakyan pagkabukas niya ng gate. Pagkapasok ng sasakyan ay muli siyang bumaba para isara muli ang gate. Muli siyang sumakay at itinuloy na ang kanyang sasakyan sa garahe. Pinatay niya ang makina. Inaantok na talaga siya. Pero malinaw pa rin sa kanyang isipan ang mga pangyayari. Kagagaling lang niya kasi sa isang bar kasama ang kanyang mga barkada. They all have fun dahil birthday ng isa nilang kabarkada na si Cecile. They dance and drink all night. Enjoy na enjoy silang lahat. Hindi naman siya lasing talaga pero nakainom lang ng konti. Ayaw niya kasing magpakalasing dahil magda-drive pa siya pauwi. At ngayon heto na siya. Unti-unti ng umeepekto ang alak sa kanya. Ngayon ay hinihigop na siya ng antok. Napa-pikit na siya pero pinipilit niyang labanan ito pansamantala para bumaba bago tuluyang pumasok ng bahay hanggang sa kanyang kwarto. Umiikot ang kanyang mundo. Kahit saan niya idako ang kanyang paningin ang lahat ay umiikot. Kanina pa siyang gising pero parang hindi niya kayang bumangon. Masakit ang kanyang ulo. Meron siyang hangover. Pinilit niyang bumangon at kahit medyo nahihilo ay pakapa niyang tinungo ang banyo. Naghilamos siya at pinakatitigan ang kanyang sarili sa salaming nandoon. "Hay, Sherri! Wala ka talagang kadala-dala," aniya sa sarili sabay sapo ng kanyang noo. Hindi naman siya talagang umiinom pero dala ng mga kantiyaw ng mga kabarkada ay napilitan siyang tumagay. Para nalang sa pakisama at para kay Cecile na nagbi-birthday. Ayaw naman niyang maging kill joy. So she dare to drink. Kahit pa nga hindi talaga gusto ng kanyang panlasa ang lasa ng alak. Bumaba siya ng komedor para mag-agahan. Sapo pa rin ang noo ay nagtuloy pa rin siya doon. Nagulat siya ng datnan ang kanyang mga magulang na nag-aalmusal. Binati niya ang mga ito at agad na binawi ang naunang reaksyon. Pinasigla niya ang kanyang tinig. "Good morning Dad, Mom," bati niya at nagtuloy na umupo sa hapag. "Anong oras ka na naman umuwi kagabi? " seryosong tanong ng ama na hindi pa rin inaalis ang paningin sa binabasang diyaryo. "Dad..." nasaad niya. Hindi niya inaasahan iyon. "Kailan ka pa magtitino at titigil diyan sa kakalakwatsa mo ha, Sherri?" muling tanong ng ama nito. "Dad naman..." Wala siyang maisip na isagot. "Anong Dad naman? Nasa tamang edad ka na pero parang bata ka pa ring umasta. Wala ka nang alam kundi puro gimik. Sa halip na tulungan mo kaming magpatakbo ng negosyo natin ay nandon ka nagsasaya. Naglulustay ng pera. Ano pa't nagtapos ka ng Business Management kung hindi mo lang din gagamitin at ia-apply. Kung gayon ay mabuti na lang na mag-asawa ka. Sigurado ako kung hindi ka pa magtino pag may-asawa ka na," mahabang litanya nito. "What? Asawa? Dad naman walang ganyanan," bulalas niya. Lalo pa yatang sumakit ang ulo niya. "Mom..." Baling niya sa kanyang ina na humihingi ng kakampi dito. Na baka sakaling kontrahin nito ang sinabi ng daddy niya. Pero sa halip na magsalita at kampihan siya ay hindi ito umimik. Mukhang sumasang-ayon rin ito sa gustong mangyare ng ama. "Dad, please don't do this to me," pagmamakaawa niya. "No, my dear daughter pero nakapag-desisyon na kami ng Mommy mo. And that is final. Wala ka nang choice kundi pumayag at sumunod na lang. It's for your own good." "No!" At tuluyan nang napahagulgol. "I'm so sorry, Hija. Your engagement is supposed to be set at ikaw na lang ang hinihintay na makaalam. Everything was ready." "No! Mom, Dad. Please don't do this." mangiyak-ngiyak niyang pagmamakaawa. "Kung noon ka pa sana nagtino. Di sana tayo humantong sa ganito." "I can't take this anymore. How could you do this to me? I'm your daughter. Bakit kailangan niyong magdesisyon para sa akin. Kaya kong magdesisyon para sa sarili ko. I hate you both," Di niya napigilang sagot dahil sa emosyon. Parang siyang tinanggalan ng karapatan. "Hija, calm down. We already expect this na mabibigla ka, na magagalit ka sa amin. Na di mo agad matatanggap 'to pero wala ka nang magagawa. You will marry Keannu no matter what. He's a good man." "I don't care, mom. I don't want to get married. I really hate you both!" galit niyang saad at walang pakundangang tumayo ng hapag. Wala na siyang pakialam kung wala na siyang modo. Na bastos siya sa harap ng mga magulang. Tinalikuran na niya ang mga ito. "Bumalik ka dito, Sherri. Wag kang bastos!" Pero binalewala niya ang mga ito. Nagtuloy-tuloy siyang umalis. Nasaktan talaga siya ng husto. Hindi niya lubos maisip at akalain na magagawa iyon ng kanyang mga magulang sa kanya. They trying to manipulate her life without her knowings. They just only make decision without asking her opinion. They only think of theirselves. How about her? Her feelings? They are so selfish. She hated them so much. Lumipas ang dalawang araw. Hindi niya kinikibo ang kanyang mga magulang bilang tanda na hindi siya sang-ayon sa naging desisyon ng mga ito. Nasaktan talaga siya ng sobra at hindi niya lubos matanggap iyon. Hindi siya lumalabas ng kanyang kwarto. Hindi rin siya sumasabay sa pagkain sa mga ito kahit na pinapatawag siya sa mga katulong na kakain na. Umaasa siyang magbabago pa ang mga isip nito pero mukhang wala siyang aasahan sa mga ito. Mukhang buo na talaga ang pasya ng mga ito at mukhang di na magbabago pa. Ni hindi nga niya kilala ang nirereto nila sa kanya. Wala pa talaga siyang plano mag-asawa. Naiisip pa lang siya parang di na niya kakayanin. Kalayaan niya ang mawawala sa kanya. At ayaw na ayaw pa naman niya sa responsibilidad. At yung maging sunod-sunuran sa magiging asawa. Pero wala na siyang pakialam dun dahil kahit anong mangyare sisiguraduhin niyang walang kasalang magaganap. "Isinusumpa ko," aniya sa matigas na tinig. "Gagawin ko lahat wag lang matuloy ang kalokohang ito. Magalit na kayo, Mommy, Daddy but I will never get married," dugtong pa niya na buo na din ang pasya. Bumangon siya sa pagkakahiga sa kanyang kama. Isa lang ang kanyang naiisip na solusyon sa kanyang problema at iyon ang kanyang gagawin. Kinuha niya ang kanyang bag at sinimulang mag-impake ng mga gamit. Kailangan na niyang umalis. Kailangan na niyang tumakas at magpakalayo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secret Agent's Mate

read
114.7K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.5K
bc

YOU'RE MINE

read
892.9K
bc

Seducing My Gay Fiance [COMPLETED]

read
5.1K
bc

SILENCE

read
380.5K
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
69.1K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
469.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook