bc

Love Made in the Palace

book_age16+
802
FOLLOW
4.4K
READ
age gap
arranged marriage
confident
princess
drama
twisted
sweet
bxg
humorous
city
like
intro-logo
Blurb

Love Made in the Palace

This is the twisted love story of Ervir and Baby. A forbidden love against all odds.

Politics, status, age gap and lies will get in their way.

Ang pag-iibigang nabuo sa palasyo, sa simbahan ba matutuloy? O haharapin ang mapait na katapusan?

Romantic Comedy muna tayo Nerinians! Sana po kayo ay mag-enjoy at kiligin sa kwentong ito!

Please follow me on Youtube and get a chance to win Dreame coins!

Get to know me, my real life characters and other mechanics in my social media accounts!

Facebook: Neri Joy Jayson

Instagram: Neri Joy Jayson

Youtube: Neri Joy Jayson

Thank you! I love you all!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter One   "Yaaaaaah! Hayaaaaaah!"   Ambang sisipa at pumormang susuntok si Jeany Mae o Baby sa karamihan ng tatlong lalaki na pare-parehong puting polo ang suot, naka-itim na slacks at nakasuot din ng shades at kung anong gadget ang nakasalpak sa tainga ang sumulpot sa kanilang bahay sa Makati. Hindi siya sa gawing Ayala kundi sa may Guadalupe Nuevo. Simple lang ang buhay niya pero hindi naman sila nagipit ng kinagisnang lola na si Fely. Mahigit isang buwan na ng pumanaw ito. Mag-isa nalang siya sa buhay. Sakto naman at naka-graduate na siya ng kursong Secondary Education Major in English bago pa pumanaw ang kanyang lola Fely dalawang buwan na ang nakararaan. Kasalukuyan na siyang naghahanap ng trabaho. Nahihirapan siya dahil pasukan na sa mga paaralan. Sa sobrang abala niyang maghanap ng trabaho at para na rin makalimot ng kahit saglit sa pagkawala ng kanyang lola ay wala siyang kaide-ideya kung anong masamang hangin ang nagdala sa tatlong wirdong lalaki sa kanyang bahay.   "Miss gusto ka lang naming makausap. Sana ay sumama ka na sa amin ng matiwasay." Saad ng lalaki sa gitna na tila pinakabata sa tatlo. Pansin niya ang makinis at maputing kutis nito. Matangos din ang ilong ng lalaki. Pare-pareho silang matatangkad. Sayang at nakaterno ito sa dalawa nitong kasama.   "No way! Hindi ko nga kayo kilala eh! Yaaaah!" Nag-iba siya ng porma. Naging snake kung fu style.   "Magpapakilala nga kami eh." Tila sarkastikong tugon ng lalaki.   Sa totoo lang ay dati pa siyang nakakakita ng tulad ng tatlong lalaki. Ilang beses na niyang nahuli na may kausap na lalaki ang kanyang lola na kapareho ang suot sa mga lalaking dumating noong nabubuhay pa ito. Magkakaibang panahon naganap iyon. Sa tuwing tatanungin naman niya ang matanda ay kung anu-anong dahilan ang ibinibigay nito. Nariyan na yung security lang daw na nagtanong, bodyguard ng isang kilalang tao na napadaan lang at minsan pa'y namalik-mata lang daw siya ayon sa kanyang lola. Hanggang sa wala siyang nakuhang matinong kasagutan. Mabilis lang kasi ang mga pangyayari. Tila lumalapit lang ang lalaki sa kanyang lola tapos ay mawawala na. Wala siyang solidong pruweba para komprontahin ang kanyang nakatatanda.   "No need! Kilala ko na kayo!" Nagtinginan ang tatlo sa kanyang tugon.   "Yun naman pala eh! Kilala mo naman pala kami!" Ngumiti na ang lalaki sa gitna. Halos tunawin siya ng ngiti nito. His lips was indeed kissable. Gusto niyang tanggalin ang shades nito para makita ang buong mukha ng lalaki.   "Oo! Kayo ang Rogelio! Rogelio! Rogelio!" Bulalas niya.   Nagtawanan naman ang tatlo. "Hahaha! Hindi si Nidora ang boss namin!"   Natural na komedyante si Baby. Sa pagtawa niya dinadaan ang pagwaksi sa mga problema. Habang nagtatawanan ang tatlo ay kinuha niya ang pagkakataon upang dali-daling tumakbo papunta sa pinto sa likod ng bahay. Maliit na eskenita iyon papunta sa palengke ng Guadalupe. Agad naman siyang sinundan ng tatlo kaya binilisan niya ang pagtakbo. Mas malakas man ang mga ito ay mas kabisado naman niya ang lugar. Kailangan niyang maisahan ang mga humahabol sa kanya. Ang lulusutan niya sa dulo pagkaliko niya sa kanan ay tatlong lagusan. Ang unang dalawa ay sa isang pang kalye ang tagos samantalang ang huli ay daan patungo sa mismong Guadalupe market. Doon siya papasok. Pagliko niya sa kanan ay saktong hindi siya makikita ng mga ito dahil matatakpan na siya. Pagkakataon na niya iyon upang makatakas.   "Yes!" Bulalas niya ng makalabas sa ikatlong lagusan. Paglingon niya ay wala ng nakasunod sa kanya. Pumasok na muna siya sa palengke para magpalipas ng oras. Naisip niyang sa puti ng damit ng mga lalaki ay baka hindi pumasok ang mga ito sa palengke. Mahirap kayang maglaba.   "Pilipinas. Tulad ng hiniling ninyo. I will continue to fight!" Naagaw ang kanyang atensyon ng tv ng isa sa mga stall sa gulayan section. Ang kanyang idolong senadora na si Abelle Villones ang nagsasalita. Nakasulat sa ibaba ng tv na breaking news iyon live sa Mendiola sa Maynila. "I will run for Vice President sa darating na eleksyon. I know that this country needs me. Isang gobyernong matapang at may paninindigan! Walang tiwali ang makakalusot!"   Napanganga na naman siya habang pinagmamasdan ang 'Stone Lady', bansag kay Senator Villones ng karamihan. Masyado itong bato pagdating sa pagpapatupad ng batas at sa paglaban ng katiwalian. Laging seryoso at galit ang Senadora. Lahat ng kumalaban dito ay napapahiya. Kinatatakutan ito ng mga masasamang loob mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na antas ng lipunan. Lagi itong nasa gitna sa bilang ng mga nanalong senador sa dalawang beses nitong pagtakbo. Marahil ay nahahati ang mga taong may gusto sa bato nitong pamamahala at sa may ayaw. Likas na sa senadora ang pulitika. Nag-iisang anak ito ng dating sikat at pumanaw ng Senador na si Ruben Villones. Nang mamatay ang ama nito ay saka ito sumabak sa pulitika.   "Iboboto talaga kita idol!" Halos sumigaw si Baby sa pag-cheer. Sa tingin niya kasi ay malakas na babae ang senadora. Tulad ng kanyang lola na mag-isa siyang tinaguyod kaya labis ang paghanga niya sa mga babaeng matatapang. Maganda din si Senator Villones. Matangkad na babae. Kayumanggi ang kulay ng balat pero pang-beauty queen. Bilugan ang mukha. Matangos ang ilong. Tatak nito ang nunal sa kanang pisngi. May mga nagsasabi ngang kahawig niya ito. For her that was a compliment because she was her idol. Minsan niya ngang pinangarap na sanay naging kapatid niya ito o kahit myembro ng kanyang pamilya. Kasi naman ay alam niyang ampon lamang siya ni Lola Fely. Patay na raw ang kanyang mga magulang at iniwan lang daw siya ng isang kaanak sa labas ng simbahan ng Guadalupe. Sinubukan naman niyang hanapin ang mga kaanak pero nabigo lang siya. Kahit anino ng mga ito ay hindi niya natagpuan. Nakuntento na siya sa pagmamahal ng kinagisnang lola.   "Kapag kaya ako ang tumakbo sa puso mo? Iboboto mo kaya ako?" Isang lalaki ang yumakap mula sa likod niya saka ito bumulong sa kanya. Dama niya ang matigas nitong mga braso. Ang amoy nito ay lalaking-lalaki.Hindi masangsang kundi amoy palang langhap-sarap na. Parang ang hininga nito na amoy mint ng dumampi sa kanyang pisngi. Idagdag pa ang banat nito na napapanahon.   Nilingon niya ito. Isang gwapo at makalaglag-panty na lalaki ang tumambad sa kanya. Madali lang naman kung tutuusin na maka-appreciate si Baby ng gwapo. Mga gwapo naman ang kanyang mga naging manliligaw. Though at the age of twenty ay wala pa rin siyang sinagot. Wala pa siyang nagiging nobyo. Masyado siyang pihikan. Nakuha niya sa mga pangangaral ng kanyang lola Fely na hindi na nakapangasawa. Maganda pa naman din daw siya ang sabi nito. Pero ang hot- mataas ang standards niya. Ang hot para sa kanya ay hindi lang basta gwapo. Dapat nag-uumapaw ang s*x appeal. Yung titig palang halos tunawin na siya. Eh ang lalaking nakayakap sa kanya ngayon ang mga itim na mata ay nangungusap. Napakahaba rin ng pilik-mata nito. Ang ilong nito ay matangos. Hindi matatawaran ang mga kanto sa mukha nito. Diamond shaped kung tutuusin. Para itong modelo sa kinis ng balat. The s*x appeal plus the looks plus the smell plus the muscles equals a guy she couldn't resist. Choosy pa ba kapag ganyang klase na ng lalaki ang yumakap? Dahil dyan mag-stay nalang ako sa arms ni hotness overload.   "Ah eh Mister Biglang Yakap?" Pabebe niyang pagtawag ng pansin dito. "Kandidato ka ba? Kandidatong tatakbo sa puso ko? Kasi promise mananalo ka." Sinakyan naman niya ang paandar nito at siya na mismo ang kumapit dito saka ito binaling sa ibang direksyon. Paano kasi'y namataan na niya ang dalawa sa mga lalaking naghahanap sa kanya. "Diyan ka lang Mister Bigyang Yakap huh? May tinataguan ako. Itago mo ako sa iyong mga muscles." Bulong niya.   "Napansin ko nga eh kaya talaga kita niyakap. Ang panget nung mga humahabol sayo. Ayaw ko namang mapahamak ang isang napakagandang dilag na tulad mo sa mga panget na 'yon." Mabulaklak ang mga pananalita ng lalaki. Pero agad naman siyang nadala nito.   "Totoo ba? Thank you ah!" Mas lalo pa niyang hinigpitan ang pagkakakapit sa mga braso nito. Mas nadama niya ang matitigas na maskels na tila pinaghirapan ng lalaki. "Hindi ko nga kilala ang mga 'yon eh pero mukhang plano nilang kidnap-in ako. Maganda lang ako pero hindi ako mayaman no. Hindi ako anak o kapatid ng pulitiko. How I wish!"   "Mabuti pa. Halika na muna. Dadalhin kita sa mas safe na lugar." Pang-eenganyo ng lalaki. Agad naman siyang nitong nakumbinse dahil tila tinatago at pinoprotektahan nga siya nito. Inakbayan siya nito. Napatingin siya sa malaki at maugat nitong mga kamay. Mukhang masipag sa buhay. Husband potential si Mr. Biglang Yakap.   Palihim silang lumabas ng palengke sa isang tagong eskenita papunta sa EDSA. Tinuro nito ang isang puting van na naka-hazard sa kakalsadahan. "Sa akin yang van. Mabuti pa'y sumakay ka na at ihahatid kita sa inyo. I'll protect you." Hindi na siya nagdalawang isip pa sa alok nito. Ang itsura ng lalaki ay talaga namang mapagkakatiwalaan. Ibang klase ang pang-eenganyo powers nito. Ang hirap tumanggi.   "Okay sige." Binuksan niya ang van. Agad naman itong sumunod. Napansin niyang may katabi na siya sa gawing kaliwa niya. Sandwich siya ni Mr. Biglang Yakap sa kanan at ng isa pang lalaki sa kabila. Agad tumakbo ang sasakyan.   Paglingon niya sa kaliwa ay napanganga siya sa nakita. Isa sa tatlong lalaking humahabol sa kanya kanina ang katabi niya. Ang nagmamaneho ay ang isa pa. Binalik niya ang tingin kay Mr. Biglang Yakap. Nakasuot ito ng black t-shirt. Nakabakat ang maskulado nitong pangangatawan. Binaba niya pa ng kaunti sa baywang nito ang kanyang tingin. Nakatali sa belt nito ang puting polo. May dinukot ito sa bulsa. Shades. Saka nito iyon sinuot. Si Mr. Biglang Yakap at ang gwapong humahabol sa kanya ay iisa.   "Pakawalan niyo ako!" Sigaw ni Baby. Saka siya nagpumiglas sa loob. Nariyan na ang paghahampasin niya ang mga ito. Pero tila bato ang katawan ng mga ito. Siya ang nasasaktan sa pinaggagagawa niya. Hanggang sa nakalayo na sila at naubusan na siya ng lakas. Siya na mismo ang huminto.   "Saan niyo ako dadalhin?" Tanong niya habang humihingal. "Wala akong pera. Kung katawan ko ang habol niyo... please naman wag oh!!! Maawa kayo!"   "Tulad ng sabi ko kanina ihahatid kita sa inyo. I'll protect you. Tumahimik ka nalang." Tugon ni Mr. Biglang Yakap. Binaling niya ang atensyon niya rito. Tinitigan niya ito ng masama. Pinagtaasan ng kilay at nginusuan.   "Sinungaling ka!" Binigyan niya ito ng isang hampas sa braso. "Dinaan mo ako sa charm mo! Nagpabola ako sa... sayo! Sa itsura mo at sa pick-up lines mo! Hindi ka pala dapat pagkatiwalaan! Akala ko pa man din concern citizen ka! Noon pala ipapahamak mo rin ako! I hate you! May payakap-yakap ka pa! Pangmomolestya lang pala 'yon! Manloloko!" Nabubulol pa si Baby. Palibhasa'y nagpadala talaga siya sa charm nito. Dinaan nalang niya sa sigaw ang lahat ng kanyang hinaing pati na ang kanyang kaba. Baka sakaling marindi sa kanya ang mga ito at ibaba siya sa kahabaan ng EDSA.   "Niyakap mo ang anak ni madam?" Tanong ng katabi niya kaliaa kay Mr. Biglang Yakap. Tila hindi man lang naapektuhan ang mga 'to sa pag-iingay niya.   "Pssssshhh... wag kayong maingay ah! Alam niyo namang hindi tayo pwedeng manatili ng matagal sa mata ng publiko kaya naghubad ako ng polo. Kinuha ko ang loob ni Mam Jeany Mae." Buong first niya ang sinambit nito. Umamin na rin ito na kinuha ang kanyang loob para makuha siya. Ibig sabihin ay nasundan talaga siya ng mga ito sa loob ng palengke. Siya talaga ang nalinlang. Anak ng tangeks ka Baby!   "I hate you talaga Mr. Biglang Yakap! You betrayed me! Bakit mo ako kilala huh?! Para saan to?! Isusumbong kita sa sinasabi mong madam dahil niyakap mo ako!" Naluluha na siya. Pagulo na ng pagulo ang lahat. May madam na. Naisip niyang baka sindikato ito ng human trafficking o kahit ano pa mang hindi magagandang bagay. Pati mga horror na posibilidad ay pumasok na sa kanyang bunbunan. Kung hindi siya gagawing babaeng bayaran ay baka gawin siyang burger patty.   "Safe ka Ms. Jeany Mae. For sure na-feel mo yan sa mga bisig ko kanina. Tama ba?" Kinindatan pa siya nito.   Anak ng... ang hot niya talaga! Oo! I feel safe. Not just safe, safe and sound. Gusto niyang ibulalas dito pero tinago niya ang paghanga sa lalaki. Haharot pa siya gayong wala siyang alam sa mga pangyayari? Wag na muna. "Ang kapal mo! Ang yabang mo!"   "In denial." He smirked. He was cute on that part. Cute and hot.   "In your wildest dreams!" Gigil niyang tugon.   "Kung hindi siya kapatid ni madam. Type mo siya no Jon?" Tanong na naman ng lalaki sa kanyang kaliwa na para bang wala siya sa tabi nito. Napatingin tuloy siya dito at pinagtaasan pa niya ng kilay.   "Oo eh pre. Maganda. Sexy. Matalino. Higit sa lahat matapang. Kayang sumabak sa takbuhan at maaksyong eksena. Madalang nalang sa mga babaeng mga pabebe na ngayon ang ganyan." Tugon nito. Hindi niya ito tinitigan pero sa loob niya'y natuwa siya sa mga magagandang bagay na lumabas sa bibig nito na pumapatungkol sa kanya.   "Hindi ako action star! Tse!" Kunyari'y sarkastikong komento niya.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Spending Night With The Millionaire (TAGALOG-18+)

read
398.0K
bc

His Precious Property

read
613.5K
bc

My Husband's Mistress

read
297.4K
bc

Unexpected Romance

read
38.0K
bc

Hired to Be Yours

read
2.9M
bc

Broken Angel

read
3.8K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook