bc

Seven Days in Prague

book_age16+
145
FOLLOW
1K
READ
friends to lovers
goodgirl
tragedy
twisted
bxg
mystery
ghost
city
small town
first love
like
intro-logo
Blurb

Death. An inevitable cessation of a life process. No one can escape death but what will you do if your bestfriend s***h love of your life is fighting against this cessation right in front of you?

Daniel is a 21 years old man who grew up with her bestfriend, Margaret. Daniel secretly loves his bestfriend but every people around them knew, he just kept on denying it as he is so focused in achieving his dreams.

Margaret, the 19 years old bestfriend and lover of Daniel is the entire opposite of him. She was showy and loves expressing herself. Her savior is Daniel. Daniel is her everything that is why when he decided to leave and pursue his dreams in his favorite place, Margaret felt like her world crushed.

She had a hard time accepting the fact that her bestfriend and her long time crush is leaving to Prague, a city in Czech Republic. Everything went smoothly at first until Margaret decided to follow Daniel. A uncertain incident happened which led to their world crushing apart.

It seems surreal for Daniel. To know that his bestfriend is currently fighting for her life. He couldn't do anything and what made his world crumble is the fact that, Margaret was with him the whole time and yet, he didn't notice that something is not right.

chap-preview
Free preview
Chapter One: Childhood Bestfriend
Natatawang nakatingin ang lahat sa dalawang batang nag-iinisan sa hapag-kainan. Nakakagiliw pagmasdan ang pitong taong gulang na si Margaret at walong taong gulang na si Daniel na pawang abala sa pakikipag-argumento sa isa’t isa. Makikita ang inis sa mala-anghel na mukha ni Margaret o Mara kung tawagin ni Daniel.  Tanging si Daniel lamang ang pinapayagan ni Margaret na tumawag sa kaniya ng Mara. Karamihan ay Marga ang tawag sa kaniya subalit dahil hindi mabigkas ni Daniel ang Marga ay naging Mara ito. Sadyang mapang-asar na batang lalaki si Daniel. Paborito nitong asarin si Mara. Natutuwa ito pag nakikitang asar-talo ito subalit sa araw na ito ay nagulat siya dahil tila sumobra ang kaniyang pang-aasar dahil umiyak si Mara. Di malaman ni Daniel kung papaano niya papatahanin si Mara. “Tahan na,” ika niya sa dalaga sabay ng malambing na paggulo nito sa buhok ng dalaga na lalo lamang nagpaiyak dito. Nagulat si Daniel sa biglang pagtawa ng mga taong nasa paligid nila. Nakatingin halos lahat ng tao sa kanila. Pumula ang bilugang pisngi ni Daniel. “Hala ka Dan-dan! Kiss mo si Marga para di na umiyak pa,” mapanuksong saad ng kaniyang ama. Ang pisngi naman ng batang si Mara ang pumula. “Napaka-cute ng dalawang ito, Mare,” wika ng Ina ni Margaret. “Oo nga Mare, palagay ko ay sila ang magkakatuluyan balang araw,” wika namn ng ina ni Daniel. Sabay na napatingin ang dalawang bata sa kanilang mga ina. “Naku hindi po,” mariing pagtanggi ni Daniel. “Hindi ko po tipo ang katulad ni Mara. Ayaw ko po sa iyakin at makulit.” Gulat na napatingin si Margaret kay Daniel. “Hindi rin ikaw ang tipo ko ‘no! Ayaw ko sa mapang-asar at matabang katulad mo!” inis na wika nito. Nag-inisan na naman ang dalawa na nagpatawa ulit sa lahat. “Oh siya at kami ay mauuna na. Maraming Salamat sa pag-imbita sa amin maghapunan dito.” Nakangiting saad ng ama ni Daniel. “Walang anuman kumpare at kayo ay hindi na iba sa amin. Baka nga ay maging mag balae pa tayo nito.” pabirong wika ng ama ni Margaret sabay tingin sa dalawang bata na magkasundo na naman. Parehong tutok na tutok ang dalawa sa pinapanood nilang paboritong programa sa telebisyon. “Daniel, anak halika na at uuwi na tayo.” Pag anyaya ng ina ni Daniel. Alanganin man ay tumayo na rin ang batang lalaki at sumunod sa ina. Tutok na tutok pa rin sa palabas si Margaret ng tawagin naman ito ng kaniyang ina upang magpaalam sa pamilya ni Daniel. “Marga anak, halika at magpaalam ka na kina ninang at ninong pati na rin kay Dan-dan.” Malambing na tawag ng ina ni Margaret. Sumunod naman ang bata at magiliw na nagpaalam sa mga magulang ni Daniel. ”Paalam po tito at tita. Pati sayo pangit.” “Hindi ako pangit! Cute ako kasi mataba ako. Ikaw pangit kasi iyakin.” Ganting asar naman ni Daniel kay Margaret. ”Hala, hala! uuwi na lang ay mag-aasaran pa kayong dalawa.” Nangingiting saway ng mga magulang nila. Pagkauwi ng kalaro ay nagpatuloy sa panunood ng telebisyon si Margaret. Seryoso siyang nanunuod habang umiinom ng gatas na inihanda ng kaniyang ina ng mapansin niya ang isang pulseras. Naalala niyang suot ito ni Daniel kanina. Marahil ay hinubad nito ito at nalimutang isuot muli. Pinulot niya ito at itinago sa kanyang silid. Nagpasya siyang ibibigay ito kay Daniel bukas kapag nagkita sila sa paaralan. Napapangiti si Margaret tuwing tinititigan ang pulseras. Natatawa siya dahil alam niyang paborito iyon ni Daniel. Bigay ito ng lolo nitong namayapa na. Lolokohin muna niya ito bukas bago isauli ang pulseras. “Marga, matulog ka na anak at maaga ka pang susunduin nina Dan-dan bukas.” “Opo ‘ma.” Magalang na sagot niya. Mahinhing inilagay ng bata ang baso sa hugasan at pagkatapos mag-sipilyo ay nagtungo na ito sa kaniyang silid upang matulog.  “Margaret anak, ano ka ba malelate ka na!” Sigaw ng ina ni Margaret dahil gaya ng dati ay tanghali na namn itong gumising. Pupungas-pungas pa ang dalaga ng magulat siya at nakitang nandon na si Daniel at naiinis na nag-hihintay sa kaniya. “Nakung bata ka at ‘di ka na nahiya kay Dan-dan. Hala at bilisan mo. Dalhin mo na lang itong sandwich at kainin mo habang papunta ka ng paaralan.” Natatarantang sumunod si Margaret sa kaniyang ina. Mabilisan siya nitong niliguan at binihisan. Nang matapos makapag bihis ay kinuha na niya ang tinapay sa ina at mabilis na niyaya si Daniel na umalis na. “’Yan ang napapala ng taong tanghali kung gumising.” Pangaasar ni Daniel sa kaibigan. “Naku bilisan mo na at mamaya na lang ako makikipag asaran sayo,” wika naman ni Margaret. Lakad-takbo ang ginawa ng dalawa habang kagat-kagat ni Margaret ang tinapay. Hindi siya magkandaugaga sa pagnguya at halos mabilaukan na. “Saglit lang,” wika ni Daniel at huminto sa tapat ng isang puno. “Heto oh, inumin.” Sabay abot ng bote ng juice kay Margaret, “Baka mabilaukan ka.” Alala nito. Hindi maipaliwanag ni Margaret kung bakit bigla siyang nakaramdam ng tuwa basta ang alam niya ay masaya siya ng inabot ni Daniel ang inumin sa kaniya. Hindi muna sila agad nagpatuloy dahil ninais ni Daniel na ubusin muna ni Margaret ang kinakain. Eksakto namang pagtunog ng bell ay nakarating sila sa kanilang silid-aralan. Pareho silang nakahinga ng maluwag. Kapwa sila nasa ika-anim na baitang at magkaklase kaya araw-araw ay sabay silang pumapasok. Nasanay na si Daniel sa pagiging tanghaling gumising ni Margaret. Madalas din tuloy siyang mahuli sa klase dahil ayaw naman niyang pabayaang mag-isa itong pumasok. Muntikan na kasing masagasaan ito noong nasa ika-apat na baiting sila. May pagka-malamya kasi ito kung kumilos. “Psst! Dan…” Narinig niyang bulong ni Margaret. Ang kanilang upuan ay pinapagitnaan ng isa nilang kaklase na mukhang liliban nang araw na yaon. “Bakit?” Tanong niya. Subalit sa isip niya’y alam na niya kung ano ang ninanais sabihin ni Mara. “Pa-“ bago pa matapos ni Margaret ang nais sabihin ay biglang inabot ni Daniel ang notebook kay Margaret. “Alam ko na ang sasabihin mo Mara.” Yamot na sambit ni Daniel. “Eh, kasi ‘di mo naman pinaalala sa akin kahapon na may takdang-aralin pala tayo ngayon,” nahihiyang sabi ni Margaret. “Kumopya ka na. Dami mo pang alam sabihin,” inis na sabi ni Daniel. “Opo mahal na hari,” ganting sagot ni Margaret. “Sungit.” Pahabol pa nito. Habang nagsusulat ay ‘di mapigilan ni Margaret na mapangiti dahil alam niyang kahit masungit sa kaniya si Daniel ay ‘di siya nito matitiis. Matapos kumopya ay ibinalik na niya ang notebook kay Daniel. Eksakto namang pagpasok ng kanilang guro. Mabilis na lumipas ang araw. Mabilis na nagsipaghandaan sa pag-uwi ang mga estudyante ng marinig ang bell na hudyat ng oras ng pag-uwi. Mabilis na tumayo si Margaret at napansin niyang tulog pa rin si Daniel. “Aga kasi kung gumising ayan tuloy, tulog sa klase. Buti matalino,” sambit sa sarili ni Margaret. “Iwanan ko kaya?” pilyang wika niya. Nagulat siya ng biglang magsalita si Daniel. “Matapos kitang sunduin araw-araw ay iiwanan mo lamang ako?” “Ah, eh, biro ko lamang iyon,” tarantang wika ni Mara. Mabilis na tumayo si Daniel at pabiglang nilapitan si Margaret. Napaatras naman ang nagulat na si Margaret. “Wala kang karapatan na iwanan ako, Mara,” wika ni Daniel sabay hila sa kamay ni Margaret. Hawak- hawak pa rin ni Daniel ang kamay ni Margaret hanggang sa makarating sila sa labas ng paaralan. Nakagawian na nilang mamasyal muna sa may ilog bago umuwi sa kani-kanilang tahanan. Malapit lamang ang kanilang paaralan sa ilog. Sadyang napakalinis nito at maraming puno at halaman ang nakapaligid rito. Presko at masarap tambayan. Palagi silang nagpupunta rito upang maglaro. “Mara,” tawag ni Daniel sa kaibigan. ”Ano?” sagot naman nito. “Paglaki ko nais kong magpuntang Prague.” “Saan yung Prague?” inosenteng tanong ni Margaret. “Isa itong maliit na siyudad sa bansang Czech Republic na matatagpuan sa Europa,” sagot naman ni Daniel.  “Ibang bansa?” Gulat na sabi ni Marga. “Oo. Napakaganda ng lugar na iyon, Marga.” Mapangarap na sambit ni Daniel. “Ano namang nakain mo at bigla mong ninais na maparuon? Ayaw mo na ba dito sa atin?” nalulungkot na tanong ng dalaga. “Hindi naman sa ayaw,” sagot ni Daniel habang nakatingin sa kawalan. “Sadyang naibigan ko lamang ang Prague. Nakita ko ito sa telebisyon at napukaw ang aking interest kaya’t pinagaralan ko ang lugar at ang history nito. Balang-araw pupunta ako doon at makikipagsapalaran.”  ”Naku, umuwi na tayo,” sambit ni Margaret. Hindi maipaliwanag ng murang isipan ni Margaret ang lungkot na nararamdaman niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.9K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
128.2K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
95.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
158.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook