bc

LORKAN (The Way To Man's Heart)

book_age16+
244
FOLLOW
1.0K
READ
love-triangle
confident
dare to love and hate
boss
comedy
bxg
lighthearted
female lead
office/work place
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

Lorkan was the responsible in all guest ordered food. At talaga namang binabalik-balikan ng mga customers ang restaurant niya dahil sa sarap ng mga pagkain na niluluto at sine-serve niya.

And then isang araw, isang babaeng nagngangalang Cirlyn ang dumating sa kanyang restaurant at hinahanap siya. Mula kusina ay lumabas siya para harapin ito at sa unang kita niya pa lang dito ay mukhang tinamaan na siya.

Nagpakilala itong coordinator ng isang event na gaganapin sa Hotel Trevino. And she was asking him kung pwede raw na siya ang mag-provide ng pagkain para sa lahat ng participants. So, he agreed and they have a deal. Gusto niya kasing magpasikat dito.

During the conference ay isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap --- someone's sabotage the food dahilan para magkagulo ang lahat at na-food poison ang ilan sa mga participants.

Dahil do'n nagbanta ang company nila Cirlyn na kakasuhan siya. Nalagay sa alanganin ang reputasyon niya. Gano'n din ang negosyo niya.

Paano niya papatunayan na wala siyang kasalanan? At paano na ang pag-ibig niya para sa dalaga gayong galit at bad shot na ito sa kanya?

May pag-asa pa ba siya?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CIRLYN "Okay, then we have a deal!" saad ng kausap kong nasa harap at tumatayong representative ng Hotel Trevino sabay lahad ng kamay nito para makipag-kamay sa akin. Agad kong inabot iyon at saka ngumiti. "Thank you, Sir!" tugon ko naman dito. "I will send you the contract for you to check and sign," pahabol pa nito. "Okay, Sir!" Saka ako tuluyang tumayo mula sa pagkakaupo ko at lumabas ng opisina nito. Napatigil ako saglit saka bumuga ng malalim na hininga. Muli ay nabuo ang isang magandang ngiti sa aking mga labi. Finally, solve na ang isa sa malaking problema ko. Naghahanap kasi ako ng isang malaking venue para sa inoorganisang conference ng kompanyang pinagtatrabahuhan ko. Madami-dami kasi ang confirmed na participants ngayon kaya kailangan namin ng lugar na mas malawak at kayang mag-accomodate ng maramihan. And Hotel Trevino was a perfect one. Bukod sa sikat siyang hotel ay maganda rin ang reputasyon nito. At isa pa madami rin akong factor na ikononsidera kung bakit ako nandito at kung bakit sa Hotel Trevino maganda i-held ang conference. Una, ay ang location nito. Along the way lang kasi siya at malapit sa mga iba pang establishment in the area. Pangalawa, capacity. Kaya nitong mag-hold ng maramihan sa isang upuan lang. Pangatlo, accessible siya sa lahat. Pang-apat, parking. Pang-lima at ang pinaka-importante ay ang services at ang ambience nito. Sure ako na makakapag-concentrate talaga ang lahat ng kasali. For sure rin na marami silang matutunan mula sa mga speakers na kinuha namin. Bukod sa napaka-informative na ay siguradong mag-e-enjoy pa ang mga ito. Napatigil ako sa pag-iisip nang magulat ako sa biglang pagtunog ng phone ko. Agad kong kinapa iyon sa bulsa ko at mabilis na tinignan ang tumatawag. Pangalan ni Mary Grace ang nakarehistro sa screen na katrabaho ko. Katulad ko ay isa rin siyang event coordinator. Agad kong sinagot iyon. "Hello, bakit?" bungad ko agad sa kanya. "Kamusta na 'yong venue?" tanong nito mula sa kabilang linya. "Okay na! Nakausap ko na. Ipapadala na lang daw 'yong kontrata para ma-check at mapirmahan," sabi ko. "Hays!" Narinig kong reaksiyon nito na para bang nabuhayan ng loob. "Mabut naman. Jusko! Kanina pa akong 'di mapakali rito," dugtong pa nito. Sobrang dami kasi ngayon ng mga interesadong umattend sa conference. Hindi namin akalain na lalagpas iyon sa target number of participant namin. At sobra kaming natuwa dahil do'n kaya tuloy napalipat kami ng mas malaking venue. Pahirapan pa ang paghahanap namin ng kayang mag-accomodate ng madami. Bukod sa unavailable ang mga naunang na-inquire namin ay medyo maliit din ang venue. Kaya tuloy napunta kami sa Hotel Trevino. At mukhang hindi naman kami nagkamali. "Ano ka ba?! Wala ka bang tiwala sa akin?" confident kong sabi. "Ikaw na talaga, Girl! Sa 'yo na ang korona!" aniya. "Baliw!" "Pinupuri ka na nga. Sinabihan pa akong baliw. Ayos ka rin, no?" "Oo na! Siya at tama na muna. Mamaya na tayo mag-chikahan pagkabalik ko diyan," pag-iiba ko. "May pupuntahan pa akong isa pa." "At sa'n ka naman pupunta? Maglalakwatsa ka na, no?" "G*ga!" mura ko sa kanya. "Anong maglalakwatsa? Pupuntahan ko pa ang pwedeng mag-serve ng pagkain sa mga participant natin. Alangan namang gutumin mo ang mga iyon. Tiyak puro reklamo ang aabutin natin do'n pagnagkataon. Isa pa baka nakalimutan mo na kasama sa babayaran nila ang lafang." Tanging venue, projector, sound system at accomodation lang kasi ang kasama do'n sa napagkasunduan namin ng representative ng hotel. Wala pa ang pagkain doon na kakainin ng mga participants. Nag-suggest naman ito na kung gusto kong may mag-provide ng pagkain ay puntahan ko na lamang daw ang restaurant dito mismo sa hotel at kausapin ang chef regarding sa pagkain. Hindi daw kasi under ng hotel ang restaurant. Iba raw kasi ang may-ari doon. Kumbaga hindi na nila sakop iyon. "Ay, oo nga pala. Sorry naman, Girl! Na-carried away lang," hinging paumanhin ni Mary Grace nang ma-realize ang sinabi ko. "Kaloka ka! Sige na, ng matapos na ito. Sana lang talaga pumayag at wala na tayong po-problemahin pa," saad ko. "Okay, sige, Girl! Goodluck! Aja!" "Okay, bye!" pagtatapos ko saka ko pinatay ang phone at binalik sa bulsa ko. Muli ay humugot ako ng isang malalim na hininga saka ibinuga iyon. Kailangan kong makalma. Kahit pa na sanay na akong makiharap sa ibang tao at mga nagiging katransaksyon namin ay hindi ko pa rin maiwasan na hindi kabahan. Ewan ko ba sa tagal ko nang ginagawa iyon ay hindi pa rin nawawala ang pagiging kabado ko. Hindi naman kasi laging okay ang kinalalabasan ng mga pakikipag-usap ko. Minsan kahit anong gandang paliwanag ang gawin ko ay hindi pa rin nagiging good deal. Minsan din ay may ayaw talagang makipag-usap or minsan naman ay marami pa ang demands bago tuluyang pumayag. Kaya kailangan kong i-accomplish iyon at sana ay maging okay ang magiging kalabasan. Makakahinga ako ng maluwag pagnagkataon pag naging okay. Iyon na lang talaga at okay na ako. Inayos at chineck ko muli ang sarili ko saka nagtuloy sa sadya ko ang --- Century Grill. Nakatayo ako sa harap ng restaurant pero hindi na muna ako lumapit doon. Mula sa kintatayuan ko sa labas ay pinaikot ko ang mga mata ko sa kabuuan niyon. Binasa ko rin ang pangalan ng resto na nasa logo nito. Medyo may kalakihan ang lugar. At halatang sosyalin base na rin sa ambience nito. Madami akong nakitang mga mesa at upuan mula sa loob. Maging mga empleyado na paroon at parito. Mga nagse-serve at may bitbit na mga tray. Mukhang konti pa lang ang nakikita kong mga kumakain doon. Napansin ko ring halos mga foreigners ang mga iyon. Malamang ay mga guest iyon ng hotel. Nang matapos kung mag-obserba ay saka lang akong lumapit para magtanong sa receptionist nasa labas at nakapwesto. "Hi, Ma'am! Table for how many po?" nakangiting tanong sa akin ng babae. Ngumiti ako bilang tugon dito. "Am, Miss, sorry pero hindi ako kakain," nahihiya ko pang saad sa babae saka luminga sa loob. "Ah, gano'n po ba? Pasensya na po," hinging paumanhin nito. "Okay lang," saad ko pero hindi ko pa rin inaalis ang tingin ko sa loob. "May hinahanap po ba kayo, Ma'am? Kailangan po?" muli nitong tanong. "Ah, Miss andiyan ba 'yong chef niyo or kung sinong pwede kung makausap?" "Regarding po saan, Ma'am?" "Regarding sana sa mga pagkain na sineserve niyo. If pwede sanang ang resto niyo na lang ang mag-provide ng food para sa gaganaping conference namin dito sa hotel?" paliwanag ko dito. "By the way I'm Cirlyn Ramos from Prime Lead Events," pakilala ko pa. "Ah, gano'n po ba, Ma'am?" "Yes!" "Wait, lang po Ma'am, ha? Pa-check ko lang po." "Okay, sige," sagot ko saka ngumiti. Maya-maya ay tumawag ito gamit ang radyo na hawak nito. Hindi ko inintindi ang pakikipag-usap nito sa halip ay muli kong itinuon ang mata ko sa loob. Sa totoo lang ay naa-amaze talaga ako habang pinapanood ang mga server na nagbabalanse ng mga hawak na tray na may mga laman. Ang gagaling nila. Para bang maning-mani lang sa mga ito ang pagbubuhat. Kaya bilib na bilib talaga ako sa mga ito kasi mahirap din ang magbalanse niyon. Hindi rin dapat pasmado ang mga kamay kung hindi basag o tapon ang laman niyon. Pinagsawa ko ang mga mata roon habang naghihintay. "Ma'am, pahintay na lang daw po sabi ni Chef. Palabas na raw po siya," muling saad ng babae sa akin. "Gano'n ba? Sige thank you." "Upo na lang po muna kayo diyan, Ma'am," alok ng babae sa mga upuang nariyan sa may gilid. Agad akong naupo sa isa sa mga iyon at naghintay. Medyo masakit na rin kasi ang paa ko. At feeling ko ay may paltos na yata ako. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip na tanggalin ang suot kong heels para i-check. Kanina ko pa kasi iyon nararamdaman pero binabalewala ko lang. Napangiwi pa ako ng makita ang paltos at sobrang laki niyon. At natanggal na talaga ang balat. Mahapdi na talaga siya. Wala pa naman akong dalang band-aid na pantapal doon. Pagminamalas talaga, oo! "Rica! Asan na 'yong naghahanap sa akin?" Dinig kong tanong ng baritonong boses na iyon. Agad akong napaangat ng mukha para tignan ito. "Siya po, Chef," sagot ng babaeng nagngangalang Rica pala sabay turo sa akin. Agad na nagtama ang mga tingin namin ng lalaking kakalabas lang at nakatayo sa may unahan ko. At infairness mukhang yummy si Chef. Bagay na bagay dito ang suot nitong kulay itim na chef uniform na nakatupi hanggang braso. Mas umangat din ang kaputian nito dahil do'n. Ang linis din nitong tignan. Agad akong napatayo mula sa pagkakaupo ko pero nawala sa isip kong suot ko pala ang isang pares ng heels ko. "Aahhh...!!!" Napatili na lamang ako ng nawalan ako ng balanse. Expected ko nang babagsak ako sa sahig kaya napapikit na lang ako pero bago pa ako tuluyang sumayad ay may isang pares ng mga malalakas na braso ang bigla na lamang sumalo sa akin dahilan para hindi ako pulutin sa sahig. Agad akong nagmulat ng mata. Nakita kong hawak ako ng lalaki at nakatingin ito sa akin. "Ayos ka lang ba?" tanong nito sa akin. Napatango ako imbes na magsalita. Ang lapit-lapit kasi ng mukha nito sa mukha ko at naamoy ko na ang hininga nito. Mabango iyon. Amoy pagkain na hindi ko alam kung ano. Basta hindi siya mabaho. Bigla akong nahiya sa sitwasyon naming dalawa nang mapansin ko ang ilang mga foreigners na nakatingin sa amin na papasok sa loob ng restaurant at kasalukuyang iniistima ni Rica. Mabilis akong inangat ng lalaki kaya napakapit ako dito. Ramdam ko ang tigas ng mga bisig nito. Inalalayan pa niya akong makaupo muli sa upuan. "Thank you!" saad ko sa lalaki. "No worries," sagot nito. "Ano ba kasing ginagawa mo at naghuhubad ka ng heels mo?" tanong muli niya. Sa halip na sagutin ang tanong nito ay mas inintindi ko ang kumikirot kong paltos sa paa. Hinaplos ko pa iyon dahilan kaya nakita ng lalaki ang dahilan kung bakit ko hinubad ang isang heels ko. "Kaya naman pala!" anito. "Kaya pala ano?" "Kaya pala naka-paa ka dahil may paltos na pala ang paa mo." At bigla na lamang lumuhod sa harap ko na labis kong ikinagulat. Hindi ko alam kung anong gagawin nito. Kaya agad kong inayos ang suot kong palda gano'n din ang pagkakaupo ko at dumistansya ng konti rito. Ayokong masilipan at lalong ayokong maging kampante gayong hindi ko alam kung bakit na lang ito lumuhod. Baka masipa ko siya ng wala sa oras pag may balak itong gawing hindi maganda. "Akin na 'yang paa mo," muling saad nito. "Ha?" Na lalong nagpagulo sa utak ko. Napakunot pa ang noo ko. "Bakit?" naguguluhan ko pang tanong. "Lalagyan natin ng band-aid," sagot nito saka may kinapa sa bulsa ng chef uniform nito. Nakita kong may inilabas itong band-aid mula roon. Wala na akong nagawa pa ng bigla nitong kinuha ang paa kong may paltos at humahapdi. Hindi na ako naka-kontra pa dahil sa pagkabigla sa ginawa nito. Pinanood ko na lamang siya habang inilalagay nito ang band aid sa paa ko. Nakadama ako ng kakaibang pakiramdam nang dumampi ang mga palad nito sa paa ko. At hindi ko maipaliwanag iyon. Ramdam kong medyo malambot din ang kamay nito at hindi magaspang katulad ng iba. Maingat din ang bawat paghawak nito sa paa ko. Bago nito lagyan ng band-aid ay chineck pa nito ang paltos ko. Hinipan-hipan pa niya iyon. "Mahapdi pa ba?" tanong niya saka umangat ng mukha para tignan ako. "Ha?" reaksyon ko nang makita kong nakatingin ito. Natigilan ako saglit. "Sabi ko kung mahapdi pa ba?" ulit pa nito. "Ayos ka lang ba talaga?" muling nitong tanong may bahid ng pag-aalala. "Oo! Ayos lang ako." Saka umiwas ako nang tingin. Aminado akong medyo naasiwa ako sa pagtitig nito. "Next time kasi dapat may baon kang band-aid sa bag mo. Para kung sakaling magkapaltos ka ulit at kailangan mo pa ring mag-heels ay hindi ka na mahihirapan pa. May pantapal ka kaagad para komportable ang paa mo pagnaglalakad ka," paalala nito. "Ayan na! Okay na!" aniya ng matapos lagyan ng band-aid ang parte ng paa kong may paltos at humahapdi. Maingat at marahan nitong ibinaba ang paa kong may nakadikit ng band-aid. I feel relief. Medyo nawala na ang mahapding pakiramdam ko. Kahit paano ay naging komportable na ako. "Feeling better?" tanong nito. Tumango ako. "Salamat!" sabi ko rito. "Walang anuman," sagot naman nito at ngumiti pa. Mabilis itong tumayo at muli ay kumuha pa ito ng ilang piraso ng band-aid sa bulsa nito at ibinigay sa akin. "For emergencies." Nag-alangan pa ako pero tinanggap ko rin iyon at nilagay sa bag ko. Nakalibre pa ako ng band-aid. Hindi ko na kailangang bumili pa. Agad ko na ring sinuot ang heels ko. At habang sinusuot iyon ay medyo nakadama ako ng hiya dahil maganda naman pala ang intensyon nito. Late ko na na-realize iyon. Kung ano pa tuloy ang naisip ko. At parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa kagagahan ko. May dahilan naman pala ang pagluhod nito. At hindi sa kung ano pa naman na naisip ko. Ngayon ko rin naisip na mabait naman pala ito at mukhang gentleman pa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook