bc

Tough Hunks Series 11 : Taylor The Valor

book_age18+
1.6K
FOLLOW
4.4K
READ
adventure
spy/agent
alpha
kickass heroine
brave
bxg
mystery
sniper
friendship
brothers
like
intro-logo
Blurb

Tatlong taon na ang nakalipas simula ng mailigtas ni Taylor Mortiz si Cindy Soler sa nangyaring palpak na misyon noon. At magmula no'n, palagi nalang ipinapahamak ni Cindy ang buhay nito sa tuwing meron silang mga misyon. Sobra kasi itong nagluksa sa pagkamatay ng kapatid niya at hindi alam ni Taylor kung nakapag-move on na ba ito. Basta binabantayan niya palagi ang bawat galaw ng dalaga at sinusundan ito kahit saang lupalop man ng mundo ito magpunta. Lihim kasi niyang iniibig si Cindy kahit alam niyang nobya ito ng kapatid niya. Hanggang sa pareho silang dalawa na nahulog sa isang gabi na puno ng pananabik at pagnanais. Kinabukasan ay pinatawag na lamang sila sa isa na namang misyon sa Mindanao, at sa parehong lugar pa mismo naganap ang nangyaring rescue mission kung saan nasawi noon ang kapatid niyang si Slater na mapapangasawa ni Cindy.

Working side by side back in Mindanao, the heat between Cindy and Taylor is hotter than ever - and so are the threats to their lives. Ngunit sadyang mapaglaro lang talaga ang tadhana. Paano kung magbalik sa buhay ni Cindy ang isang mahalagang tao sa buhay niya? Ngayon pa na may magandang balita pa sana siyang sasabihin kay Taylor. Paano pa niya sasabihin sa lalaki na dinadala niya ang anak nito?

chap-preview
Free preview
Prologue
The thunder of gunfire erupted around her as Cindy Soler ran through the remains of the enemy's camp. Voices were calling out, screaming, but she didn't stop. She couldn't. Ang tanging pokus niya ay ang lalaking nasa harapan niya. Ang lalaking nakahandusay sa lupa sa gitna ng isang bangungot na senaryo. "Slater!" Her own scream joined the others as she fell to her knees beside him. She grabbed for his shoulder and rolled him toward her. Nababalot ng dugo ang katawan nito. Nakapikit na rin ang mga mata nito. "Slater?" Namamalat ang boses niya sa kakasigaw. Hindi! Hindi 'to dapat mangyari. Dapat sabay silang makalayo sa lugar na iyon. Napagkasunduan na nila iyon ng lalaki na magbabagong buhay sila pagkatapos niyon. At higit sa lahat ay magpapakasal na sila. "Ilalayo kita rito." Magiging okay lang si Slater, malakas ang pananalig niya na malalampasan ito ng nobyo. Ang kailangan lang ay maisakay niya ito sa chopper. At lilipad sila palayo sa lugar na iyon. He'd get patched up, and everything would be just as they'd planned. Umusbong muli ang matinding putukan. Napapilipit naman siya sa sakit nang biglang may tumagos na bala sa kanyang balikat. The pain burned her, terrified her. Kung matindi nga ang tama niya malamang hindi na niya kakayaning dalhin si Slater sa ligtas na lugar. Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay nito, saka sinimulan niya itong hilahin. More gunfire erupted. This time, the bullet hit her in the side. She stumbled but refused to fall. Kailangan kasi siya ni Slater sa mga oras na iyon. Hinding-hindi niya ito bibiguin. "Cindy!" The roar of her name had her jerking up her head. Nakita niya si Taylor Mortiz na tumatakbo papalapit sa kanya at sa kapatid nito. Taylor at Slater. Magkaibang magkaiba talaga sila. Si Slater kasi 'yong palangiti na tipo at saka outgoing na tao. Si Taylor naman maangas, nakaka intimidate ang aura nito kung hindi mo ito kilala. Pero alam niya na gagawin ni Taylor ang lahat para sa kapatid nito. "Bilis, tulungan mo siya!" Cindy called as her knees buckled. She hit the ground, still holding tight to Slater. Bakit tila hindi na niya maigalaw ang mga binti niya? Bakit bigla na lang siyang nakaramdam ng panlalamig? Eh sobrang init naman dito sa gubat. Then Taylor was there. He was curling his body around hers, shielding her from the hail of gunfire that just wouldn't stop. Sa tingin niya isang bitag ang kinasasadlakan nila. Pumunta kasi sila sa lugar na 'yon para iligtas si Slater. Kumbaga isa iyon na rescue mission. They'd had to take the risk of infiltrating the area, against orders. Pinulsohan naman ni Taylor ang kapatid nito sa leeg. At nakita niyang napamura na lang ito. Hindi! Hindi! His hand pulled back. She grabbed his fingers. Held tight. "Kailangan mo akong tulungan," paanas niyang sabi rito. "Taylor, please, kailangan na nating makalayo rito!" Nagpaulan muli ng mga bala ang mga kalaban. Taylor curled his body even tighter to hers. She heard the thud of the impact and knew he'd just taken a bullet. For her. "Wala na siya." Malungkot na pahayag ni Taylor. "Wala na si Slater." Mariin siyang napapailing sa kanyang ulo. The rat-a-tat of gunfire came again. Binunot naman ni Taylor ang baril mula sa beywang nito. He began to fire back, even as the fingers of his right hand twisted and locked with hers. "Kailangan na nating makalayo rito!" "Hindi pwede kung hindi natin kasama si Slater." Uggh! Sumasakit na talaga ang tagiliran niya. Mukhang napurohan nga ang tama niya. Pero kakayanin niya 'to, sabay sila ni Slater na makakaalis sa lugar na 'to. Malakas ang pananalig niya dahil wala pa silang misyon na hindi napagtagumpayan. "Ilang beses ka nang natamaan?" Tanong sa kanya ni Taylor. Dalawa? Tatlo? Mahalaga pa ba 'yon sa pagkakataong iyon? "Slater..." Then she heard the roar of engines. Coming toward them. Mukhang malapit na sa kanila ang mga kalaban. Wala ng sapat na oras. "Bilis, dalhin mo na siya, please." Pakiusap niya kay Taylor dahil hindi siya sigurado kung kakayanin pa ba niya. Hindi niya na kasi maigalaw ang mga paa niya, kaya kusa na lamang siyang bumitaw kay Taylor. Naubusan na rin siya ng mga bala at pati yata dugo niya ay papaubos na rin. "D-dalhin mo...na siya, please." Pakiusap niya ulit dito sa basag-basag na boses. Baka sa susunod na minuto ay siya naman ang nakabulagta sa lupa. Magpakatatag ka lang, Cindy. Hanggang sa masiguro mong ligtas si Slater. Ngunit nagtaka siya kung bakit hindi pa rin kumikilos si Taylor para buhatin ang kapatid nito, at sa halip siya ang binuhat nito. Nagpupumiglas siya at nagsisigaw sa pangalan ni Slater. Pero mahigpit siyang hinahawakan ni Taylor. The bullets were hitting the ground around her, sending chunks of dirt flying into the air. Wala pa naman silang cover, ni back up, at mukhang mas paparami ng paparami ang mga kalaban nila. Paano ba pumalya ang mga plano nila? Tuloy mukhang kilala na sila ng mga kalaban kung sino talaga sila. "Taylor, wag mong gawin 'to." Pilit niyang itinulak ito. "Hindi tayo pwedeng umalis dito na wala si..." Another bullet hit her. Driving through her upper shoulder and sinking into Taylor. She choked, barely managing to breathe as the pain swamped her. "Patay na siya." Sabi sa kanya ni Taylor. He was holding her tight, bruising her. "At ikaw, kailangan mong mabuhay." Linabanan naman niya ang lalaki sa natitirang lakas niya, ngunit hindi pa rin niya ito kaya. Sugatan din naman si Taylor, pero hindi ito naging hadlang para tumigil ito. So he ran right through the gunfire, holding her in arms like he's the man of steel. He ran and ran, and they were in the heavier part of the jungle, evading the men who chased them. Tila wala ngang plano si Taylor na bitawan siya, kahit pa ilang beses siyang nakiusap dito. Ni hindi na nga ito nagsasalita sa kanya. And behind them, in that nightmare, Slater remained in the dirt. Nakahandusay sa lupa at patay na. Ang Slater niya, hindi na ulit sila magkikita pang muli. ------ Matagumpay siyang nailabas ni Taylor sa gubat. Patched her up. Napatigil din nito ang pagdaloy ng dugo sa mga tama niya. Ngunit mas pipilin niyang mamatay nalang sana kaysa sa mabuhay. Lalo na't para na rin siyang namatay kasabay ni Slater. "Maraming dugo ang nawala sayo." Ani Taylor at hinawakan nito ang mukha niya. Hindi niya alam kung nasaan na rin sila. Basta sa nakikita niya sa paligid parang bahay-kubo ang pinagdalhan nito sa kanya. Talagang magaling si Taylor pagdating sa paghahanap ng pwede nilang masisilungan. "Pero hindi ka mamamatay." Ngunit wala talaga siyang ibang naiisip kundi si Slater, kaya ang pangalan nito ang lumalabas sa bibig niya. "Slater..." Taylor's fingers tightened on her. "Wala na siya." Kusa namang dumaloy ang mga luha sa mga mata niya. Napatiim-bagang si Taylor. At bumalik ulit ang matigas na aura nito. "I've got you, Cindy. Hayaan mo nalang akong alagaan ka." She was breaking apart on the inside. The mission was over. They'd failed. Niyakap naman siya ni Taylor ng mahigpit. "I've got you." Sabi nito ulit. And it was there, in his arms, that she finally let herself go. Nagpatuloy lang siya sa pag-iyak hanggang sa wala ng luhang lumalabas sa kanyang mga mata. *****

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

Dangerous Spy

read
297.3K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook