bc

The Dating Game (Cougar Series #41)

book_age18+
2.9K
FOLLOW
17.3K
READ
sex
others
drama
sweet
city
virgin
model
like
intro-logo
Blurb

"Why I can't control myself to you, Liberty?" anas na tanong ni Justice sa dalaga habang hawak niya ito sa baywang. "I really can't get enough of you," dagdag pa nito habang tinatawid ang pagitan ng kanilang mga labi.

chap-preview
Free preview
KABANATA 1
(The sudden news) KAHIT NA PUYAT ay maagang nagising si Liberty. Ending na lang ang kulang at matatapos na ang kasalukuyan niyang isinusulat na nobela. Matagal na niyang trabaho iyon kaya may deadline siyang sinusunod sa pagpapasa ng manuscript sa publishing company na nagtiwala sa kanya. Tumunog ang mobile phone niya na nasa ibabaw ng kanyang kama. Inaantok na inabot niya iyon saka mabilis na sinagot. “Hello?” “Liberty, good morning! Kumusta?” boses ng kanyang editor. “Good morning, Miss Rohan. Kagigising ko lang po pero isang chapter na lang tapos na ang manus ko.” “That’s great! Talagang inaabangan namin ang nobela mo. Bakit ba kasi hindi mo tanggapin ang alok ng kompanya sa iyo? Mas malaki ang kita, nasa office ka pa!” Ang matagal na inuungot na tinutukoy ng editor niya ay ang offer na maging regular employee siya ng ABC Publishing Company na pinakatanggi-tanggihan niya. Mas gusto pa niyang makapagsulat ng hindi nakukulong sa isang lugar. Pakiramdam niya ay lililiit ang mundong ginagalawan niya kung tatanggapin niya iyon. “Miss Rohan, pasensiya na pero hindi ko talaga matatanggap. Okay naman po sa akin na kahit sa bahay lang ay makapagsulat ako.” “Ano pa nga ba ang aasahan ko sa iyo? Talagang pinaninindigan mo ang desisyon mo. Anyway, kapag nagbago ang isip mo ay laging bukas ang offer para sa iyo ha? Anytime.” “Maraming salamat, Miss Rohan. Next week ko po ipapasa ang manus ko. Under editing na starting tomorrow,” aniya. “All right. Hihintayin namin iyan. Tawagan mo na lang ako or expect a call from me ha? Sige, bye na!” Bago pa man siya tumugon ay wala na ito sa linya. Pabagsak niyang itinapon ang mobile phone sa kama. Mag-aalas sais na ng umaga kaya naman nagmadali na siyang pumasok sa banyo at naghilamos. Binilisan niya rin ang pagto-toothbrush dahil tiyak na may magwawala na naman sa pinto niya kapag tinagalan pa niya ng ilang minuto. “Ate! Ate!” Hindi nga siya nagkamali. “Ate! Kakain na ng agahan! Tulog ka pa ba?” Patuloy pa rin ito sa pagpukpok sa pinto niya. Napailing na lang siya. Hindi na siya magtataka kung sa mga susunod na araw ay masira ang pinto ng silid niya. Ginagawa itong punching bag ng kapatid niyang si Brix. Nagmumumog na siya kaya hindi niya masagot ang tawag nito. “Ate Liberty! Tulog ka pa ba? Sabi ni Mama gumising ka na para sabay-sabay tayong kumain!” malakas na sigaw na naman nito. “Palabas na ako!” Kinuha niya ang maliit na towel sa drawer ng kanyang tokador at lumakad na sa pinto. “Ano ka ba naman, Brix!” tili niya nang muntik na siyang tamaan ng kamao nito pagbukas niya ng pinto. “Sorry, Ate. Hindi ko naman alam na lalabas ka na,” apologetic nitong sabi. “Kung tinamaan talaga ako, makakatikim ka sa akin.” “Sorry na. Hindi ko naman sinasadya.” “Iyong totoo? Teacher ka ba talaga? Para ka kasing isang bata na gustong makipagsuntukan sa pinto ko e.” Humakbang na siya pababa ng hagdanan. “Ate naman, nagre-release lang ako ng stress kapag nandito ako sa bahay. Sa school kasi alam mo na, puro mga bata ang halos kausap ko roon. Nahawa na yata ako.” Nakasunod ito sa kanya. “Wala bang matinong teacher sa school ninyo at lumuluwag na yata ang turnilyo mo?” “Grabe ka naman sa akin, Ate. Hindi ka na nasanay sa akin. Kung may kapatid sana akong lalaki – “ “Ano?! Magsasapakan kayo? Kasi babae ako kaya hindi mo ako magawang masapak no?” “Ate naman! Ka-sparring lang naman ang iniisip ko. Ang dami mo ng ni-rebat sa akin.” Nadatnan nilang nakaupo na ang mga magulang sa mahabang mesa samantalang ang dalawang kasambahay nila na naghahanda ng pagkain sa hapag kainan. “Good morning, Ma. Good morning Pa,” bati niya kasunod ng paghalik sa mga pisngi nito. Umupo siya sa dati niyang pwesto sa tabi ng kanyang Mama. “Inistorbo ka na naman ba ng kapatid mo?” malambing na tanong ng Papa niya. Isang siyang Papa’s girl at hindi niya ikinakahiya niyon. Mas madalas na pinapaboran siya ng kanyang Papa kaysa sa kapatid na lalaki. Matapos magdasal ay nagsimula na silang kumain. “May gusto sana akong sabihin sa inyong lahat,” halos sabay-sabay silang napalingon nang magsalita si Brix. “ “Ipa-prank mo na naman ba kami? Lumang tugtugin na iyan, mahal kong kapatid,” aniya habang patuloy sa pagkain. “Hindi, Ate. Totoo na ito.” Sunud-sunod itong tumikhim waring kinakabahan. “A-ano kasi Ma, Pa, mag-aasawa na ako,” anito na nakatungo. Malakas at marahan siyang pumalakpak. Kung minsan talaga ay pang best actor ang kapatid niyang isip-bata pa rin kung mag-isip. “Bravo! Pwede ka na talaga mag-artista, Brix,” nakangiting sabi niya. Hindi niya pinansin ang pagpapawis ng noo nito. “Totoo ba, anak?” si Mama. “Nakabuntis ka ba?” Doon siya muling napatitig sa kapatid. Hindi ito agad nakapagsalita, ibig sabihin ay hindi ito nagbibiro. Mayamaya pa ay sunud-sunod itong tumango. “Buntis si Angela. Plano na po namin magpakasal bago pa lumaki ang tiyan niya.” Nak ng! Inunahan pa ako ng kapatid ko! “Seryoso, mahal kong kapatid?” “Oo, Ate.” Ngumiti na ito. “Ikaw ba, kailan ka magkaka-boyfriend?” tila nang-aasar na sabi nito. “Ilang taon ka na nga ulit?” “Papa, Mama o! Inaasar na naman ako ni Brix.” “Pag-usapan natin ang detalye pagkatapos nating kumain, Brix. And please, huwag na huwag mo ng aasarin ang Ate mo.” Tinaasan niya ng kilay ang kapatid dahil sa sinabi ng kanyang Mama. “Liberty, wala ka pa bang balak na mag-asawa?” “Ma naman!” Kasunod niyon ang paghalakhak ni Brix ng malakas. “Akala ko pa naman kakampi kita, Ma.” “Naku, ikaw talagang bata ka. Pareho lang naman kayo ng kapatid mo na parang isip-bata. Mabuti na rin at nabuntis si ang nobya niya dahil magkakaroon na ng tsikiting ang pamilyang ito.” “Thank you, Ma. Excited na nga rin ako e. Ganito pala talaga ang feeling kapag magiging isang daddy na. Kahit na pareho kaming nagulat ni Angela ay sobrang masaya kaming dalawa. Salamat sa suporta ninyo sa amin.” Bumaling ito sa kanya. “Ate, pagpasensiyahan mo na ako kung minsan napaka-childish ko sa iyo. Ikaw lang naman ang pwede kong asarin dahil ikaw lang naman ang kapatid ko.” “So, parang kasalanan ko pa dahil ako ang kapatid mo. Ganoon ba?” Inirapan niya ito. “Si Ate naman. Nagbibiro lang naman ako. Sa iyo sana ako magpapaturo kung paano maging mature, para maging responsible ako na asawa at daddy na rin.” “Ano naman ang alam ko sa mga iyan? Hindi pa naman ako – “ Natigil siya nang makitang nakangiti na ang tatlo sa kanya. “Brix! Inaasar mo na naman ako e!” Nagkatinginan ang tatlo saka sabay-sabay na tumawa. “Ate, joke lang. Pero sana kahit na mag-asawa na ako ay hindi ka pa rin magbago na sitahin ako o awayin ako kapag hindi na maganda ang ginagawa ko. Kasi kapag ikaw naman ang nagka-boyfriend, dadaan muna sila sa akin bago kay Papa. Kapag sinaktan ka nila ay mananagot sila ng labis,” seryoso ang pagkakasabi ni Brix. Tumangu-tango naman ang kanyang Papa bilang pagsang-ayon. Hay, ang tanong, makakahanap pa kaya siya ng magiging boyfriend na mapapangasawa?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
89.5K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
31.0K
bc

The Sex Web

read
127.3K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
117.6K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
65.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook