bc

I Love You, b***h

book_age18+
993
FOLLOW
6.1K
READ
sex
scandal
bitch
twisted
bxg
humorous
city
abuse
prostitute
like
intro-logo
Blurb

Matagal nang prostitute si Zoey kaya naman sanay na siyang binabastos lang ng mga lalaki. Wala lang iyon sa kanya. Sanay na siya! Kaya naman niyang ibigay ang katawan niya sa kahit sinong lalaki basta may katumbas na halaga pero nagbago ang pananaw niya nang makilala si Gavin.

Akala niya, ito na ang babago sa buhay niya dahil ito lang ang nagmahal at rumespeto sa kanya. Akala niya, ito na ang maglalayo sa kanya sa madilim niyang mundo. Ang hindi niya alam, ito pa ang lalong maglalapit sa kanya sa impyernong matagal na niyang tinakasan.

chap-preview
Free preview
1: IDENTIFICATION
"You are awesome!" Napangisi siya sa papuri ng mga lalaking nakakatalik niya. Maraming beses na niya iyong naririnig sa mga ito at sa totoo lang sawa na siya kaya balewala na sa kanya ang ganoong mga salita. Para sa kanya, trabaho lang at walang personalan. Kung magpapadala siya sa ganoong mga salita, siya lang ang magiging talo. Dumukot ng malaking halaga sa wallet nito ang dayuhang katalik niya kani-kanina lang at inilagay sa kanyang malulusog na dibdib. Agad naman niya itong kinuha at nakangiting binilang. "20,000?" medyo gulat niyang tanong sa lalaki. Napakalaki ng tip nito sa kanya. Higit pa sa ipinusta nito kanina sa casa. Nakuha siya nito sa halagang 20,000 pesos sa bidding na nangyari kanina sa Desire’s Place at ang halagang iyon ay paghahatian pa nila ng manager at may-ari ng casa na iyon. Ilang porsyento lang ang mapapasakanya. Masuwerte na kung maka-walong libo siya sa halagang pinusta sa kanya. "Yes. You deserve it. You are extra ordinary. I hope we set a date again soon for the next round?" nakangising sabi ng lalaki at hinarap ang kanyang dibdib at hinalikan iyon. Mukhang gusto pa yata ng round two oramismo. Hindi naman siya tatanggi basta ba iba na ulit ang bayad. "Sure! Kung ganito ka ba kagalante, tiyak na uulit ka." sabi niya kahit alam niyang hindi iyon naintindihan ng lalaki. “What?” tanong pa ng lalaki pero hindi na niya ito pinansin sa halip ay inalis niya ang nakapulupot na braso nito sa kanyang bewang at saka tumayo. Isa-isa niyang dinampot ang kanyang mga saplot at madaling isinuot. Kinuha niya ang kanyang shoulder bag at inilagay ang perang binigay ng customer. "I think, we are settled now so I have to go. Bye." Kumaway pa siya at nag-flying kiss bago tuluyang lumabas ng pinto. Wala nang nagawa ang lalaki nang iwan niya ito. Awtomatikong nagbago ang reaksiyon ng kanyang mukha pagkalabas niya ng pintuan ng kuwartong pinanggalingan. Ang ngiti na kanina’y ipinakita niya sa dayuhang kasama ay napalitan ng simangot. Hindi talaga niya gusto ang kanyang ginagawa pero wala siyang pagpipilian. Malalim siyang napabuntong hininga bago muling inihakbang ang mga paa paalis sa lugar na iyon. “Oh, tapos na agad kayo? Na-solve ba?” tanong ni Chelsea sa kanya. Nakasalubong niya ito na paakyat pa lamang sa kuwartong iookupa nito at ng lalaking kasama nito ngayon. “Solve na solve!” nakangiting sambit niya saka iwinagayway ang perang inabot ng costumer niya kanina. “Wow! Ang laki ng tip mo a!” may halong inggit na sabi nito. “Naman!” Mas inilapit pa niya sa mukha nito ang malaking halaga saka muling ipinasok sa loob ng bag. “Give me so much tip also ha?” sabi naman ni Chelsea sa kasama nitong costumer. “Ofcourse. Just do a mind blowing job,” nakangising sabi naman ng lalaki. Napailing na lang siya. Halata sa mukha ng lalaki na sabik na sabik na itong makatalik ang kanyang kaibigan. Napakahigpit na ng hawak nito sa bewang ni Chelsea na halos ayaw na itong pakawalan. Bumababa pa nga ang kamay nito sa puwetan ng kanyang kaibigan na wala namang reklamo sa ginagawa niyon. “Hindi lang sasabog ang utak mo pati ang puson mo,” biro naman ni Chelsea at sumiksik pa sa dibdib ng lalaking costumer bago siya binalingan ulit. “Oh siya, magtatrabaho muna ako.” “Sige,” aniya sabay tango. Muling napawi ang ngiti sa labi niya nang makalayo na ito. Ka-plastikan lang ang mga ngiting ipinapakita niya sa ibang tao. Ang saya na makikita sa kanya ay nababalot lang ng purong kalungkutan. Malalim siyang bumuntong hininga bago inihakbang ang mga paa palabas ng casa na iyon. Nagpara agad siya ng taxi nang makalabas siya sa motel na tinuluyan nila ng dayuhang customer. Kinuha niya ang kanyang press powder na may maliit na salamin at doon tiningnan ang kanyang sarili habang komportableng nakaupo sa taxi. Nabura na ang lipstick niya sa tindi ng labanan nila ng kanyang customer sa kama kanina. Nagulo rin pati ang kanyang buhok. Hindi na kasi niya nagawang mag-ayos man lang ng sarili. Parang bigla siyang napaso sa lugar na pinanggalingan kanina. Alam niyang kapag nagtagal pa siya roon lalo lamang niyang sinusunog ang sarili niya sa apoy ng impyerno. Kating-kati na rin siya at gustong-gusto nang umuwi para maglinis ng katawan kahit pa nga alam niyang hindi naman maaalis niyon ang dumi sa kanyang pagkatao. But she have no choice. Ito ang ikinabubuhay niya. Wala na siyang alam na ibang trabaho kundi ang magbenta ng sarili. Doon na siya lumaki. Ni hindi nga siya naka-graduate ng highshool kaya alam niyang wala siyang matinong trabahong mapapasukan. Sinubukan naman niyang takasan ang ganoong klaseng buhay pero doon pa rin siya ibinabalik ng tadhana. Agad niyang kinuha ang suklay sa kanyang shoulder bag at sinuklay ang kanyang buhok. Kinuha rin niya ang kanyang lipstick at pinahid iyon sa kanyang labi. “Ay manong, ano ba iyan?” sigaw niya sa taxi driver nang bigla itong magpreno. Muntik na siyang mapasubsob sa upuan na nasa harapan. Nang tingnan niya ang mukha sa salamin ay lumagpas na ang kanyang lipstick. Naputol pa iyon dahil hawak niya iyon nang ituon niya ang kanyang kamay sa upuan ng taxi.  “Pasensiya na, hija. Bigla kasing may tumawid na lalaki. Mukhang nakadisgrasya yata ako,” kinakabahang sabi ng matandang taxi driver na sa tingin niya ay nasa singkwenta na ang edad. “Ho? Naku!” Agad rin siyang kinabahan at napatingin sa labas. “Nasaan na po ang nabangga ninyo? Nandiyan pa po ba?” tanong pa niya. “Sandali lang at bababain ko.” Agad namang bumaba ang driver. Hindi naman siya nakatiis at sumunod rin siya. Natutop pa niya ang kanyang dibdib nang makita niyang nakahandusay ang lalaki sa kalsada. Hindi naman ito duguan pero hindi siya sigurado kung patay na ba ito? “Hala! Manong, nakapatay po yata kayo,” bulalas niya. Napa-sign of the cross naman ang matanda. Bumakas sa mukha nito ang labis na pag-aalala. “Diyos ko, huwag naman sana. Kailangan pa ako ng mga anak ko,” maluha-luhang sambit nito. “Teka manong, mukhang buhay pa naman.” Narinig niya ang hilik nito kaya nilapitan niya ito at inilapit ang kanyang tenga malapit sa bibig nito. Gusto niyang kumpirmahin kung talagang sa lalaki nanggaling ang hilik na narinig niya. Muli itong humilik nang malakas malapit sa kanyang tenga. Para siyang nabingi at agad lumayo. “Confirmed manong! Buhay pa nga po. Mukhang nakatulog sa sobrang kalasingan.” Naamoy kasi niya ang alak sa bibig nito nang lapitan niya ito kanina. Para namang nabunutan ng tinik ang matanda nang marinig ang kanyang sinabi. Lumapit ito sa lalaki at binuhat iyon. Hinila iyon papunta sa gilid ng taxi. “Oo nga, hija. Lasing na lasing nga siya. Ano kayang puwede nating gawin sa kanya? Hindi naman natin siya puwedeng iwan na lang basta dito,” sabi ng matanda. Luminga siya sa paligid. Kaunti na lang ang sasakyang nadaan. Pasado alas dos na nang madaling araw at wala na ring katao-tao. Napakamot siya ng ulo. Hindi naman nila puwedeng dalhin sa hospital ang lalaki at doon iwan. Mukha namang wala itong bali sa katawan at basta na lang humandusay sa harap ng taxi na kanyang sinasakyan. “Isakay na lang po natin sa taxi ninyo at ihatid mo po kami sa apartment ko.” Alam na ng driver kung saan ang tinutukoy niya dahil nasabi na niya iyon pagkatapos niyang sumakay kanina. “Iuuwi mo sa inyo ang lalaking iyan?” paniniguro ng driver. Mukhang hindi ito sang-ayon sa kanyang suhestiyon. “Gusto ninyo ho bang iuwi sa bahay ninyo?” balik tanong naman niya. Sunod-sunod itong umiling. Napakamot pa ito ng ulo bago ipinasok ang lalaki sa loob ng taxi. Ipinatong naman niya ang ulo ng lalaki sa kanyang maputi at makinis na hita upang maging komportable ito. Doon niya napagmasdan ang kabuuan nito. Matangos ang ilong, mahaba ang pilik-mata, may kaputian at mapula ang medyo makapal na labi nito na animo‘y laging nag-aanyaya ng matamis na halik. Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Kahit na nakabaluktot ang posisyon nito ay alam niyang matangkad ito. Matipuno rin ang pangangatawan nitong bumakat sa fitted na printed T-shirt nitong kulay asul. “Infairness, ang gwapo niya,” bulong niya sa sarili. “Sino kaya ang lalaking ito?” Kahit curious sa katauhan nito ay nagpasya siyang mamaya na alamin ang identity nito. Siguro naman ay may dala itong identification card kahit sa loob ng bulsa. Titingnan na lang niya mamaya.   Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa kanyang apartment. Maliit lang ang inuupahan niyang iyon. Studio type room na kasya ang kanyang mga gamit, may isang cr sa loob at maliit na kusina. Nagpatulong siya sa driver na ihiga sa kama ang binata. “Salamat po, manong. Heto po ang bayad ko at ng lalaking ito.” Inabutan niya nang isang libo ang matandang driver. “Naku hija, wala ka bang mas maliit dito? Wala kasi akong panukli,” nag-aalalang sabi ng matanda. Pilit ibinabalik ang perang iniabot niya. Hinawakan niya ang kamay ng matanda at ngumiti. “Keep the change po. Tip ko na po sa inyo iyan.” Nagliwanag naman ang mukha ng driver. “Salamat hija, malaking tulong ito sa pagpapagamot ng anak ko,” tuwang-tuwang sabi pa nito saka ibinulsa ang isang libong piso. “May sakit po ang anak ninyo?” paniniguro niya sa narinig. Nakaramdam siya ng habag sa matanda. “Oo hija, bata pa lang may hika na siya. Kailangan niya lagi ng nebulizer para makahinga siya nang maayos. Kaya naman kahit mahal iyon, ibinibili ko siya. Mahirap para sa akin na makitang nahihirapan ang anak ko,” maluha-luhang saad nito. Dahil sa awa ay dumukot pa si Zoey ng apat na libo at ibinigay sa matanda. “Heto pa po, baka sakaling makatulong.” Nanlaki ang mata ng matanda nang makita ang halaga ng pera na iniabot niya. Hindi ito makapaniwala sa hawak-hawak na malaking pera. Tuluyan na itong umiyak at yumakap sa kanya. “Napakabuti mo, hija. Pagpalain ka nawa ng Maykapal.” Ngiti lang ang itinugon niya. Hindi naman siya nanghihinayang sa halagang iyon dahil sobra lang iyon ng tip na nakuha niya mula sa customer niya kanina. Sa isip niya, balewala naman ang perang iyon dahil galing iyon sa masama pero kahit paano nakatulong sa matandang higit na nangangailangan. Masaya na rin siyang makatulong. “Ito ang numero ng aking telepono, hija,” sabi ng driver na iniabot sa kanya ang maliit at lumang modelo na de-keypad na cell phone nito. “Tawagan mo ako kung kailangan mo ng masasakyan at libre na kitang isasakay. Makabayad man lang ako ng kahit kaunting utang na loob sa’yo.” “Naku manong,” “Tatay Damian na lang ang itawag mo sa akin.” “Ah sige po, Tatay Damian.” Kinuha niya ang cell phone ng matanda at kinopya roon ang numero nito sa kanyang cell phone saka ibinalik. “Tatawagan ko po kayo pero magbabayad pa rin po ako para sa driving service ninyo.” “Pero hija, nakakahiya naman sa iyo. Sobra-sobra itong binayad mo ngayon sa akin.” “Tatay Damian, hindi ko po iyan bayad sa inyo, bigay ko po iyan,” nakangiting sabi niya. Hindi niya maunawaan pero magaan ang loob niya sa matanda at alam niyang nagsasabi ito ng totoo tungkol sa anak nito. Lalo nang umiyak ang matanda dahil sa kanyang sinabi. “Napakabuti mo talaga. Hindi lang ako ang tinulungan mo pati na rin ang lalaking iyan.” Tumingin siya sa lalaking mahimbing na natutulog sa kanyang kama. Kahit siya ay hindi makapaniwala sa kanyang ginagawa ngayon. Hindi naman talaga siya mabuti tulad ng sinasabi ng matanda. Wala nga siyang pakialam sa mga tao sa paligid niya dahil alam niyang iisa lang ang tingin ng mga ito sa kanya. Isa siyang pokpok kung tawagin ng karamihan at marumi ang tingin sa kanya. Ngayon nga lang may pumuri sa kanya at nagsabing mabuti. Ang papuri lang na naririnig niya nang madalas ay kung gaano siya kagaling sa kama at magpaligaya ng mga costumers. “Sige na po tatay, baka hinahanap na kayo ng inyong anak. Umuwi na po kayo.” “Maraming salamat ulit, hija,” sabi pa ng matanda saka tinalikuran na siya. Naiwan siya kasama ang estrangherong lalaking nakahiga sa kanyang kama. Nilapitan niya ito at umupo sa gilid ng kama. Pinagmasdan niya ang itsura ng lalaki. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya malamang dahilan. Para bang nakita na niya ito noon pero hindi lang niya matandaan kung saan. Ipinilig niya ang ulo at sinubukang alisin sa isip ang isang hindi magandang alalahanin. Bumuntong hininga siya saka nagpasyang tumayo na at kumuha ng maligamgam na tubig at towel sa palanggana. Hindi niya maaaring pabayaan ang lalaki sa ganoong ayos. Tinanggal niya ang damit nito at pinunasan ang mukha at katawan nito. Tinitigan niya ang bawat daanan ng kanyang mga mata. Humahanga siya sa ganda ng katawan ng lalaking ito. Marami nang dumaang lalaki sa kanya pero kahit minsan hindi siya nagtangkang titigan nang matagal ang mga ito. Hindi siya interesado. Ang alam lang niya, pagkatapos ng sarap tapos na ang lahat. Hindi na niya kailangang alalahanin pa ang bawat hubog ng katawan ng lalaking kanyang nakatalik. s*x and forget. No commitment. Balewala niyang hinubad ang pantalon nito. Tumambad sa kanya ang nagtatagong kargada nito. Infairness, mukhang malaki. Halos pumutok na ang brief nito sa sobrang laki ng tinatago nito. Hindi na siya nagtangkang silipin iyon. Hindi rin siya interesado. Wala siyang mapapala sa lalaking lasing na nasa harap niya ngayon. Bukod sa lasing na, mukhang wala naman itong pera. Sinilip na lang niya ang laman ng pantalon nito. Kinuha niya ang black leather wallet na naroon. Tama siya, walang laman ang wallet ng lalaki kundi isang libong piso. Kulang pa para ipambayad sa katulad niyang prostitute. Kinuha niya ang identification card na nakasiksik roon at tiningnan ang pangalang nakasulat roon. Gavin Jameson. Nanlaki ang kanyang mga mata habang titig na titig sa pangalang nakasulat roon. Mabilis na naglandas ang luha sa kanyang mga mata. Hindi siya maaaring magkamali sa epilyidong nabasa. Katulad niyon ang epilyido ng lalaking lumapastangan sa kanya noon. “Hindi ito maaari. Baka magkatulad lang sila ng epilyido pero hindi related sa isa’t isa. Puwede namang mangyari iyon ‘di ba?” Pilit niyang kinukumbinsi ang sarili kahit pa nga parang ang lakas na ng kanyang kutob mula pa man ng makita niya ang lalaking ito kanina. Muli niyang pinakatitigan ang lalaki. "Malayo naman ang itsura niya sa mukha ng demonyong iyon,” mahinang usal niya. “Imposible talaga. Isa pa, mukhang anghel na walang pera ang lalaking ito. Hindi niya magiging kamag-anak ang demonyong iyon.” Muli niyang ipinilig ang ulo nang makailang ulit upang muling iwaksi ang nasa isip. Bumuntong hininga siya nang malalim upang makagaan sa kanyang pakiramdam. Tama na ang pag-iisip. Hindi iyon makabubuti sa kanya. Matagal na niyang kinalimutan ang lalaking iyon at ayaw na niyang maalala kailanman. Muli siyang tumayo at kinuha ang palanggana at towel. Ibinalik niya iyon sa kusina saka kumuha ng damit sa cabinet. Napakamot siya sa kanyang ulo dahil wala siyang makitang panlalaking damit na puwedeng isuot sa lalaki. Nakita niya ang kanyang white na garterized short at damit na V-neck na kulay puti rin. Medyo malaki iyon sa kanya at matagal na niyang hindi nasusuot. “Puwede na siguro ito,” aniya saka isinuot sa lalaki ang damit. Buti naman at nagkasya rin kahit medyo fitted. Nagpasya siyang maligo at magpalit ng damit. Kanina pa niya iyon gustong gawin dangan nga lamang at inuna pa niyang asikasuhin ang hindi inaasahang lasing na bisita. Kinuskos niyang maigi ang kanyang katawan na para bang diring-diri siya sa dumi niyon. Kahit sabihin pa niyang sanay na siya sa hanapbuhay niya, nananatili ang katotohanang hindi niya pa rin matanggap ang dumi ng ginagawa niya. Kailangan niyang mabuhay kahit sa maduming paraan. Naghikab siya nang makaramdam na ng antok matapos makapaligo. Pagod na rin siya sa buong gabi niyang pagtatrabaho. Kung trabaho bang maituturing ang kanyang ikinabubuhay. Itinulak niya ng kaunti ang lalaki sa sulok ng kama saka tumabi sa pagkakahiga. Kahit masikip ay pinagkasya niya ang kanyang sarili. Ayaw naman niyang matulog sa sahig o ‘di kaya ay nakaupong matulog sa mesa. Tiisin na lang muna niya. Ang mahalaga lang sa kanya ngayon ay makaidlip ng kaunti upang maibsan ang matinding pagod bunga ng pakikipagdigma niya sa kama kanina.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Sex Web

read
127.4K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
89.6K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
118.3K
bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
31.2K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
65.6K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
29.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook