bc

The Policewoman: Bree Bautista

book_age18+
2.8K
FOLLOW
11.1K
READ
spy/agent
revenge
possessive
sex
small town
betrayal
cheating
crime
reckless
naive
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kagustuhang makaahon sa hirap at maranasang umibig. Nakuha ni Bree na sumama sa lalaking nakilala niya sa Social Media, isang negosyante sa Cavite. Unang beses na umibig. Unang beses din na masasaktan. Hanggang ang pag-ibig na nararamdaman ay magiging galit at pagkasuklam.

Mabubuhay si Bree ng dahil sa kagustuhan nitong makapaghiganti. Iyon ang tanging laman ng isip niya hanggang sa maging isa na nga siyang ganap na pulis. Si Bree na gagawin ang lahat para makamit ang katarungan sa ginawa sa kanya ilang taon na ang nakakaraan.

chap-preview
Free preview
SIMULA
TAHIMIK ako habang naghuhugas ng plato sa lababo. Umuwi si Tita Zela na lasing na lasing at ako na naman ang nakita. Nagalit siya ng malaman nito na umalis ako ngayong araw para mag-enroll sa kolehiyo. Tambak ang hugasin at madumi ang bahay kaya galit na galit siya sa akin samantalang kauuwi ko lang din galing sa University. Apat ang anak ni Tita Zela at puro babae. Pare-pareho na hindi din kumikilos sa bahay at inaasa ang lahat sa akin. "Hoy, inday! Pati paghuhugas iniiyak-iyakan mo pa! Tigilan mo umiyak! Tigilan mo, nakakairita!" sabi ni Tita Zela at tinuktukan pa ako sa ulo. Mas lalo lang akong naiyak sa ginawa niya. Kumikirot ang dibdib ko dahil awang-awa sa sarili. Gustong-gusto ko ng umalis dito. Ayoko na dahil sa trato nila sa akin. Kaya lang para naman akong walang utang na loob kung gagawin ko 'yon. Wala din naman akong trabaho. Katatapos ko lang sa Senior High. Ang iba kong kasama nakahanap ng trabaho ako, umaasa na makapasok sa kolehiyo para maging isang pulis. "Luh? Magpupulis 'yang ganyan? Iyakin! Naku, tigilan mo 'yang pangarap mo , inday!" sabi ng panganay na anak ni Tita Zela na si Mary. Suminghot ako at lumunok. Pilit na tinatagan ang loob. Ilang beses na nila akong pinagtatawanan dahil sa pangarap ko. Mukha kasi akong mahina at iyakin pa. Malambot daw ako maging sa pananalita. Inday ang tawag nila sa akin. Noon, akala ko simpleng nickname lang dahil naiinis sila sa pangalan kong Bree na sosyal daw. Habang lumalaki ako, naiintindihan ko na kung anong iba pang ibig sabihin ng tawag na iyon kundi alipin. Utusan. Ganoon ang tawag sa mga katulong na kakilala ko. "Subukan mo ituloy ang aral-aral na 'yan malilintikan ka sa akin! Alagaan mo si Honey at ng may pakinabang ka!" sabi ni Tita na muling dinuro ang aking sentido. Si Honey ay isang taong gulang na anak niya. Sa totoo lang, hindi ko sila kamag-anak. Hindi ko sila kadugo. Pinaampon ako ng Mama ko sa kanila. Kaibigan ni Mama si Tita Zela. Lumaki ako na ganoon ang tawag sa kanya dahil ayaw niyang tinatawag kong Mama Zela. Nahihiya siya at mabilis niyang sinasabi na hindi ko siya Mama. Nabubugbog pa ako noong bata ako. Kahit wala akong ginagawa nasisigawan ako, napagbubuhatan ng kamay. Kahit kumilos na ko sa bahay, pinag-iinitan pa rin nila ako. Hanggang sa dumating ang punto na nagsasawa na ko. Gusto ko ng umalis. Kung hindi ako makakapasok sa school, maghahanap ako ng trabaho at mag-iipon para may pangsuporta ako sa pag-aaral. Ang mga planong iyon ay nilihim ko sa kanila dahil alam kong sila ang unang-una na pipigil sa akin. Ang gusto nila sa bahay lang ako at maglinis, mag-alaga ng bata at magluto. Sa madaling salita, katulong. Gusto kong umahon sa hirap. Gusto kong makaalis dito sa lusak. "Aba, ang laki-laki naman ng dibdib mo, inday." Napatingin ako sa dibdib ko. Lahat ng suot kong blouse kahit na malaki sa akin napapansin pa rin ang malulusog kong dibdib na hindi normal para sa mga ka-edaran ko. Nailang ako sa sinabi ng Tito Abel. Naabutan ko siyang malagkit ang tingin sa akin. Ilang beses ko na iyong napapansin at kinikilabutan ako sa tuwing naabutan ko siyang nakatitig sa dibdib ko at puwitan. Kaya nagtiya-tiyaga na lang akong magsuot ng maluluwag na damit para hindi niya ako mapansin. Kaya lang iba na ang kutob ko ng masagi ng kamay nito ang dibdib ko. "Pasensya na nasangi." Natatawa nitong sabi at tinalikuran ako. Mabilis na nag-init ang buong mukha ko at gusto ko siyang sigawan dahil pakiramdam ko sinadya niya iyon. Sinubukan kong sabihin kay Tita Zela ang ginawa ni Tito. "Kasi si Tito po..." panimula ko. Natigil si Tita Zela sa pagbalasa ng baraha at iritadong nag-angat ng tingin sa akin. Bumuga muna ito ng usok bago nagsalita. "Anong pinagsasabi mo?" "Si Tito po kasi kanina 'yong ano ko po kasi na ano niya..." ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko maituwid ng maayos ang mga salita dahil natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Sakto pang pumasok si Tito, katatapos lang yata sa pamamasada. Bumaling si Tita Zela sa kanya kaya mas namutla ako. Hindi na lalo makapagsalita. "Ano bang ginagawa mo dito? Sinusumbong ka sa akin?" sabi ni Tita Zela at humithit na ng sigarilyo. Wala ang tatlo nilang anak kundi nasa school. Si Honey tulog pa sa kwarto. Kaya nga ngayon ko naisip na kausapin siya dahil siya lang mag-isa pero dumating naman si Tito. "Anong sinasabi mo kay Zela? Na alin? Nadagi ko 'yang dibdib mo? Eh, kasalanan ko bang paharang-harang ka sa daan? Ang laki kasi niyang dibdib mo. Sa susunod kasi umiwas ka! Pinag-iisip mo sa akin? Pinagnanasaan kita? Tamo 'tong alaga mo, Zela. May saltik 'yan!" Napailing si Tito Abel sa akin at nagdire-diretso sa kusina para buksan ang mga nakasarang pagkain. Nagulat ako na nakuha niyang sabihin ang totoo pero nagmukha namang ako pa 'yong mali. Napakurap-kurap ako para pigilan ang luha na namumuo na sa gilid ng aking mga mata. "Hoy, abel! Sigurado ka bang hindi mo sinadya?!" Napatayo si Tita Zela. Nagulat din ako sa kanya. Iyon ang dahilan kung bakit nag-away ang dalawa. Tsaka ko nalaman na ang tingin sa akin ni Tita Zela ay maganda talaga. Kahit na hindi man mamahalin ang sabon ko at minsan hindi nakakashampoo. Makinis daw ako at maganda iyon ang sabi din ng mga kapitbahay namin. Kaya pinagdududahan niya si Tito at simula noon mas lalo na niya akong pinag-iinitan dahil inaakit ko daw si Tito kahit hindi naman totoo. "Hoy, huwag mong akitin si Papa porket maganda ka! Kapag nasira ang pamilya namin dahil sa'yo uubusin ko lahat ng buhok mo!" sabi ni Marisol. Iyong pangalawang anak ni Tita Zela. Matanda pa ako ng dalawang taon. "Hindi ko naman inaakit si Tito. Hindi naman ako—" "Sinasabi mo bang Papa ko ang may gusto sa'yo? Inaakit mo kasi siya!" sabi niya at pinandilatan ako ng mga mata. Hindi pa nakuntento. Tinulak pa ko ng malakas kaya tumama ang balakang ko sa lamesa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
73.9K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
151.9K
bc

His Obsession

read
63.3K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
64.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.1K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook