bc

The l**t Bet

book_age18+
3.0K
FOLLOW
34.1K
READ
escape while being pregnant
dominant
manipulative
independent
heir/heiress
bxg
small town
abuse
betrayal
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

MONTEVISTA SERIES#2

Sa isang simpleng pagkakataon habang nagpapakain si Heina ng mga itik ay siyang bigla namang pagsulpot ng tila haring umasta na binata- Dylux Montevista-Arogante at sobrang yabang na tagapagmana ang napadpad sa kamalig sakay ang itim na kabayo nito. Tinawag pa siyang dukha at alipin. Kasabay niyon ang pagyaya nito ng karera ng kabayo sa kanya.

Ngunit ang paligsahan na ito ay hindi lamang simpleng karera kundi isang pustahan sa pagitan nilang dalawa. Laking panibugho ng dalaga sapagkat natalo siya sa labanan nilang iyon.

Lumipas ang maraming taon at muling bumalik si Heina sa probinsya bilang isang ganap na Doctor ng mga hayop. Ang akala niyang pustahan na binaon na ng taon ay siya pa muling magiging dahilan ng pagtatagpo nila ni Dylux upang singilin siya sa pagkakatalo niya sa karera. Subalit, hindi isang simpleng bagay ang gusto nitong kabayaran, kundi ang maging ina ng magiging anak nito. At siya lang daw ang tanging gamot sa pagiging impotent nito dahil siya lang ang tanging nakakapagpatayo ng sandata nito.

Pero paano kung matuklasan niya ang nililihim nito sa kanya? Magagawa ba niyang diktahan ang pusong na muling magtiwala sa lalaking sa una palang, ginawa ng laro ang pagibig.

chap-preview
Free preview
SIMULA
ALL RIGHTS RESERVED 2020 This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious, unless otherwise stated. Any resemblance to real person, living or dead, or actual event is purely coincidental. All rights reserved. No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, without the prior permission of the Author. PLAGIARISM IS A CRIME. "Hoy! Anak ng alipin!" Dagli akong napalingon mula sa pagpapakain ng mga itik nang marinig ang pamilyar na boses na iyon. Gumapang kaagad ang kilabot sa aking buong sistema nang makilala ang nagmamay ari niyon. Isang binatilyo na animo'y isang hari na nakasakay sa kabayo. Si Senyorito Dylux Montevista Litaw sa kanya ang pagiging dugong bughaw. Mula ulo hanggang paa. Hanggang sa kabuuan niya, patunay ang kanyang porselanang kutis sa dugong dumadaloy ng kanilang lahi. Hindi maikakailang nagmula ito sa angkan ng mga Montevista. Pulidong hugis ng labi at panga. Napakagagandang lahi talaga ng mga ito. Kasing edad ko lamang siya. Disiotso anyos. Subalit iba ang ugali niya dahil kung umasta ito ay tila panginoon na dapat naming sundin at sambahin. "H-Heina senyorito. Heina ang pangalan ko." Hindi ko maiwasang makaramdam ng pangangatal sapagkat bihira lamang siya mapadpad dito sa kamalig. Bilang lamang iyon sa daliri. Masiyadong mataas ang tingin niya sa sarili kaya hindi ang isang tulad ko ang sasadyain ng isang Montevista upang kausapin. "Heina? It doesn't suits you. You're just to poor to be given that name." Matapobre niyang komento at sinundan iyon ng insultong pagak. Mabilis ang hagupit sa'kin ng binitawan niyang mga salita. Mainit init pa sa dibdib. Humigpit ang aking hawak sa balde na may laman na dinurog na bigas. Ngali-ngaling ibato ko ito sa kanyang ulo. Pero hindi ko iyon gagawin. Malaki ang takot namin sa pamilya niya. Masiyado silang makapangyarihan para tangkain ko'ng saktan ang tagapagmana ng hacienda. Nakontento na lamang ako sa lihim na pag-irap sa kanya. "A-ano ang kailangan mo Senyorito?" Sa halip ay tanong ko na lamang at hindi na pinansin pa ang pagkulo ng aking dugo. “I'm f*****g bored as hell. At hindi ko sinasadyang marinig sa mga kawaksi ang paguusap nila tungkol sayo. Sinanay ka raw ng tatay mo mangabayo. Totoo ba?” Patanong iyon na may bahid duda. “Oo...” Tugon ko sa nahihiyang tinig. Pumasada ang kanyang mga mata sa aking pigura bago muling nagsalita. “Hindi na masama para sa katulad mong dukha. Mag karera tayo.” "H-huh?" Saglit akong nalito. “Hindi ka lang dukha, bingi rin pala.” Gusto ko na talagang mairita sa pagiging arogante niya. Kung hindi lang siya isang Montevista ay baka nailaglag ko na siya sa kabayo. “Narinig ko ang sinabi mo Senyorito. Nagtataka lang ako bakit kayo makikipag karera sa'kin. Isa lang naman akong anak ng tagasilbi ninyo.” Paglilinaw ko. Pumunta siya rito sa mabahong kulungan ng mga hayop para lang makipag-karera sa isang tulad ko na tagapakain lang ng hayop. Gusto ko matawa ngunit pinagalitan ko ang aking sarili. “Why not? Aside from your father, you‘re the only one who knows how to ride a horse in this place. Regardless if you're poor or not. Magpasalamat ka nga at natuto ka sa libreng pamamaraan.” May kalakip panguuyam ang bawat bigkas niya. Nalulon ko ang aking dila at hindi na umimik. Napaatras ako nang palapitin niya ang kabayong sinasakyan sa aking pwesto. Mas lalo nang ilahad niya ang mapuputing kamay sa akin. Nagtataka ko iyong tiningnan. “Humawak ka sa kamay ko at iaangkas kita.” Paglaon ay dominanteng utos niya habang kunot noong nakatunghay sa akin. Napipil ang aking bibig at wala sa loob na nailapag ang hawak na balde. Napipilitan ang mga kamay kong hawakan ang palad niyang nananatili paring nakalahad. Kakaibang pakiramdam agad ang namayani sa aking sistema nang mapagsiklop ang aming mga palad. Hindi ko maipaliwanag ang maliliit na kuryente na tumutusok sa kailaliman ng aking puson. Parang may maliit na paro parong nagsasaya roon. Nang sa wakas, makasakay na ako sa kabayo ay saka lamang niya hinagupit ng latigo ang pobreng hayop. Kapagkuwa'y nagsimula itong tumakbo palayo sa kamalig. Sumasabay sa hangin ang amoy ng kanyang pabango. Nakakagaan iyon at nakakahalina. Para sa isang ordinaryong teenager, hamak na mas malaki ang bulas niya kumpara sa iba. Mula sa kanyang likuran ay matindi ang paninitig at panunuri ko rito. Naiintindihan ko na ngayon ang mga kadalagahan dito sa amin kung bakit gustong gusto nilang mapansin ng isang Montevista. Punong puno kasi ng karisma at kapangyarihan ang angkan nila. Matayog ang pangalan pati narin ang kayamanan. Hindi ko tuloy maiwasan maikumpara ang itsura ng aking mga manliligaw sa kanya. Pulos patpatin at animo'y kulang sa sustansiya ang mga ito. Hindi gaya ni Senyorito Dylux, tindig at abilidad pa lamang ay markado ng pagiging matikas na lalaki. Agaran ang paghinto ng kabayo dahilan upang muntik na akong mapasubsob sa kanyang likod. May duda pa akong sinadya niya iyon. "Baba na. Pumili ka ng kabayong gagamitin mo." Ma-otoridad niyang saad. Sinilip ko ang paligid at napagtanto kong nasa labas kami ng kwadra ng mga kabayo. Hindi ko napigilang mapangiti habang pababa. Sinuyod ko ng pansin ang loob ng kwadra. Ilang linggo na akong hindi nangangabayo dahil ang turan ni tatay ay may sakit ang mga ito. “Pero senyorito...hindi ba at may sakit ang mga kabayo?” Tumaas ang gilid ng kanyang labi. Dumaan ang aliw sa mga mata niya ngunit agad ring nawala. “Only few of them are sick. So be quick to choose. ” Tulad ng sabi niya pumasok na ako kaagad sa kwadra upang mamili ng kabayo. Kilala ko ang lahat ng pangalan nila sapagkat lumaki akong kasa-kasama ni tatay sa pagpapakain ng mga ito. Tinakbo ko ang dulo kung nasaan ang paborito kong kabayo na si Natalia. Natatangi ang kulay nito at lahi. Isa itong American Quarter Horse. Inangkat pa ito ng mga Montevista galing sa karatig bansa. Kulay abo ang balat nito at makintab. Pantay ang tabas ng buntot. Nagiiba rin ang kulay ng mata nito kapag nasisinagan ng liwanag. “Kamusta ka na Natalia? Ang tagal nating hindi nagkita.” Hinaplos ko ang mukha nito at hinalikan sa tungki ng kanyang ilong. Kahit namamasa iyon ay hindi ko ininda. Malapit talaga ako sa mga hayop at masarap lumaking kasama sila. Ang buong pagkabata ko ay umiikot lang sa mga hayop. “You look like a fool when you talk to animal.” Sa aking gilid ay hindi ko namalayan ang pagsulpot ni Senyorito Dylux. Prenteng nakasandal sa kahoy habang pinagmamasdan ako. Pormado pagtiklop ng mga braso sa harapan ng kanyang dibdib. Nakasunod pala siya sakin. Akala ko ay sa labas lang siya maghihintay. “Hindi lang sila animal. Madalas sila pa ang may puso kaysa sa mga tao.” Lihim akong nagdasal na sana ay tamaan siya sa aking sinabi. Subalit bato nga ata talaga ang kalooban niya at mapang-asar lang na tumawa. “Damn. You believe in that?” “May kanya kanya tayong paniniwala Senyorito. At pinipili kong paniwalaan ang gusto ko.” Litanya ko bago binuksan ang kandado ng kulungan ni Natalia. May liwanag sa mukha ni Natalia habang hinihimas ko ang balahibo nito. Kahit hindi nito sabihin, dama ko na masaya ito sa pansamantalang laya. Marahan kong hinila ang tali nito at pinalakad palabas ng kulungan. “I see. You think they can understand us?” Tanong ni Senyorito Dylux habang sumusunod sa akin palabas ng kwadra. Maingay ang uri ng pagtapak niya sa mga dayami. Parang nagdadabog at naiinis. “Oo naman.” Nasisiguro ko ang bagay na iyon. “You're indeed a stupid girl.” Utas niya bago ako nilampasan. Ano pa kayang klaseng panlalait ang madadagdag sa bokabolaryo niya? Ipinagkibit balikat ko na lamang ang mga walang kasawaan niyang panlalait at inisip kung paano matatalo sa paligsahan ang isang tulad niyang napakataas ng tingin sa sarili. Habang iniisip iyon ay nasaksihan ko ang maangas niyang pagsakay sa kanyang itim na Friesian Horse. Kalkulado ang kanyang bawat galaw. Katulad ng isang mandirigmang sasabak sa digmaan. Nanghihinayang ako. Kung hindi lang sana siya arogante at mapanglait na tao ay baka ikonsidera ko ang sarili na mahulog sa taglay niyang kakisigan. Nang akmang babaling siya sakin ay mabilis kong pinadapo sa ibang direksyon ang tingin. Mahirap ng mahuli at baka madagdagan na naman ang bokabolaryo niya. Itinuon ko nalang ang pansin sa paghimas ng ulo ni Natalia. Isa iyong uri ng pampakalma nila. Sa ganoong paraan ay nakukundisyon sila at nakakaramdam ng kaligtasan. “Stop baby-ing the horse!” Singhal niya. “Sundan mo ako sa dulo. Doon ang starting point natin!” Kapagkuwan ay lumagatik ng malakas ang latigo sa kabayo at mabilis na tumakbo patungo sa dulo. Halinghing mula sa kabayo ang maririnig sa malawak na hacienda. Napangiwi ako sa klase ng pagtrato niya sa kabayo. Para siyang walang puso sa mga ito. Narating ko ang starting point habang lulan ni Natalia. Pinihit ko ang tali nito upang tapatan si Senyorito Dylux na hindi ko mabasa ang mukha dahil para iyong galit na hindi. Mataman ang pagtitig niya sa akin nang salubungin ko iyon. “I'm warning you, this is just not an ordinary race of horses. Isa itong pustahan.” “Pustahan? P...pero—” "It's not about money if that's what you want to say." Pagputol niya sa aking linya. “Ikaw na rin ang nagsabi senyorito, bukod sa mahirap pa ako sa daga ay wala akong ibang bagay na maaring ipusta sa‘yo.” Anas ko. “Maraming pwedeng ipusta..” “Ano naman?” “Anything that you can cherish the most. Something that you cannot give it to the person right away.” Banayad ang diretsong ingles niya. “Maari bang ikaw nalang Senyorito ang magsabi.” Suhestiyon ko na lamang. Hindi ko talaga maisip mabuti kung ano ba ang dapat kong ipusta. Bukod sa mga hayop na alaga ko sa kamalig ay wala na akong maisip na maaring ibigay sa kanya. Kung ipupusta ko ba sa kanya ang mga itik, sasaya siya? Naglalaro ang inis sa kanyang mata kasunod ng pagsuko. “Fine. If you win this game, I'm willing to shoulder your tuition fee until you finished your college... you can either choose any program you want...” Napalakpak ang tainga ko sa narinig. Natatakam ako sa mga inilatag niyang proposisyon at parang gusto ko ng sunggaban iyon. Pero parang may kulang. Tumikhim ako.“P-paano naman kung ikaw ang manalo. Anong ibibigay ko sa iyong kapalit?” Makahulugan tingin ang natanggap ko. Bigla ay parang nakikinita ko na ang paparating na delubyo sa kanyang awra. "You will only know it, once you lose." Makahulugang pahayag niya. Napaismid naman ako. Makikita natin kung sino ang mananalo at kakain ng alikabok sa oras na ito. Hindi ako ganun kasanay sa ganitong larangan ng karera ngunit maalam naman akong magpaamo ang mga hayop. Sabi ni Tatay, malakas daw ang karisma ko sa mga ito. Napapaamo ko miski isang agresibong hayop. Sapat na iyon para panalunin ako ni Natalia. “Are you ready?” Kampanteng tanong ni Senyorito Dylux pagkaraan ng sandali. Bigla akong kinurot ng kaba. Ito ang unang beses ko kaya normal lang na maramdaman ito. “H-handa na...” Humugot ako ng sapat na hangin dahil pakiramdam ko ay kakapusin ako ng hininga. “Backing out? You have three minutes to think.” Aniya na nakitaan ko ng pagngisi. Marahil ay naramdaman niya rin na tensiyonada ako. Napalunok ako at umiling. “Ngayon pa? Wala ng atrasan 'to Senyorito.” Lumapad naman ang ngisi niya. “Mabuti.” Binagsak niya sa lupa ang dulo ng latigo. “Kapag hinampas ko na ang latigo sa lupa, that will be our sign.” Segundo lamang ang hinintay at inihampas na nga niya ang hawak sa lupa. Senyales nang pagsisimula ng paligsahan. Magkasabay naming hinila ang tali ng kabayo at sumigaw ng Yah! Kasing bilis ng hangin ang pagtakbo ni Natalia at ganu'n rin ang kay Senyorito Dylux. Nanatiling magkapantay kami sa isat isa. Subalit nasa kalagitnaan palang ng karera ay biglang huminto si Natalia sa pagtakbo. Malakas na humalinghing at nagsimulang maging agresibo ang kanyang galaw. “Natalia...may problema ba?” Sinubukan kong himasin ang balahibo nito ngunit napatili ako nang umangat ang katawan nito sa ere. Nagmistula akong isang cowgirl na nakasakay sa kalabaw at iwinawasiwas. Nakaramdam ako ng takot. Sobrang higpit ng kapit ko sa tali nito upang hindi ako malaglag. Sinubukan kong tingnan si Senyorito Dylux upang hingan ng tulong ngunit nauuna na siya sa finish line. Hindi niya ako maririnig kahit sumigaw ako. Sinubukan kong kontrolin si Natalia ngunit ang lakas nito ay higante kaysa sakin. Kung magtatagal pa sa ganitong estado si Natalia ay baka tumalsik ako sa malayo. Mababalian ako ng buto o pwede ring mamatay. Hindi ko na talaga kontrolado si Natalia dahil mas lalo pa itong nagwala. Kapagkuwan ay kasing bilis ito ng kidlat na tumakbo sa masukal na parte ng hacienda. Inatatake ako ng nerbiyos. Napapikit nalang ako at lihim na nagdasal na sana ay hindi ako malaglag. “Hold on tight Heina! Hold on tight!” Napadilat ako sa sumisigaw sa aking likuran. Napahagulgol ako bigla nang makita na si Senyorito Dylux iyon. Nagkaroon ako ng pagasa. Hinahabol niya ako sakay ng kanyang kabayo. Animo'y katipunero itong nakaangat ang bahaging pwetan sa katawan ng kabayo. Hinahangin ang kulutan niyang buhok at seryosong nakatingin sa akin. “Senyorito! Hindi ko makontrol si Natalia!” Balik sigaw ko. Nakakahiya ang umiyak pero kahit sino namang malagay sa sitwasyon ko, pagiyak nalang ang magagawa. “It's okay! f**k! Don't cry! I'm gonna find ways to help you!” May kung anong humaplos sa puso ko sa kanyang sinabi. Hindi naman pala ito ubod ng sama. Nabawasan ang kaba ko. Mas mabilis na ngayon ang takbo ni Senyorito Dylux kumpara samin ni Natalia. Kasalukuyan siyang nauuna. “Kapag sinabi kong talon, tumalon ka!” Narinig kong sabi niya mula sa malayo. Napanganga ako. Parang mas delikado ata ang tunog ng sinabi niya kaysa malaglag sa kabayo. “Huwag ka ng mag-inarte! Sasaluhin kita!” Singasing niya nang mahalata ang pagkabahala sa aking mukha. “Si-Sige!” Alanganin kong tugon. Ilang metro nalang ang layo namin kay Senyorito Dylux. Nang maging hibla nalang ang pagitan, inihanda ko na ang sarili. “Jump, Heina!” Sa wakas ay sigaw niya. Dahan dahan kong binalanse ang katawan at buong pwersa na itinapon ang sarili sa kanya. Para akong dumaan sa alapaap at bumagsak sa isang matigas na mga bisig. Nag-angat ako nang titig upang mabanaag ang mukha niya. Malapad na ngisi ang sumalubong sakin. “Paano ba ‘yan? Talo ka.” 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.6K
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Love Donor

read
86.6K
bc

DELTA MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
3.6M
bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.4K
bc

Be Mine Again

read
98.6K
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook