bc

Writingcamp + Why Not Try Fantasy

book_age12+
9
FOLLOW
1K
READ
adventure
billionaire
powerful
independent
bxg
mystery
soldier
another world
rebirth/reborn
supernatural
like
intro-logo
Blurb

This will be my first time writing fantasy about immortal characters. I want to explore world-building and develop characters different from my other stories. I long dreamed of joining a writing course to test myself to finish writing a story with a timeline. This course will surely help me a lot in my writing journey. Padayon!

chap-preview
Free preview
Week 1 How to Create an Initial Outline: PAKAWALAN
This is an exercise book only for my first story in the fantasy genre. Most part of it will be written in the Filipino language. Thank you for joining me in my writing journey! Long live readers and writers! UPDATE: I uploaded the actual book of this exercise. Please check my story entitled "IMMORTAL ENCOUNTER" IDEAS Si Sebastian na kabilang sa sinaunang tribo ay isinumpang hindi mamamatay hanggang hindi tinatanggap ng sagradong lupa ang kanyang katawan. Nang makatagpo niya si Jada at nakita niya dito ang mga pananda na nagsasabing ang buhay nito ang makakatulong para maalis ang sumpa at makawala sa imortalidad, gagawin niya ang lahat ng paraan para madala ito at maialay sa sagradong lupa. Buong buhay ni Jada ay kontrolado ng kanyang pamilya. Nang magtagumpay siyang makalayo ay nakatagpo siya ng isang misteryosong lalake. Ang inakala niyang nahanap na kalayaan ay hindi din pala magtatagal dahil hangad ng lalake ang buhay niya. *Character names are tentative. WRITING PLOT USING THE IDEAS Bakit isinumpa si Sebastian? Kabilang si Sebastian sa sinaunang tribu na pinaniniwalaang tagapagtanggol ng sagradong lupa. Nang hindi siya magtagumpay sa kanyang tungkulin na nagresulta sa pagkabura ng tribu sa kalagitnaan ng pananakop ng mga dayuhan, siya at ang ilang mga kasamahan ay isinumpang maging imortal hanggang hindi tinatanggap ng sagradong lupa ang kanilang katawan. Bakit gusto ni Sebastian na maglaho ang tribung imortal? Sa ilan daang taong pamumuhay ay nasaksihan ni Sebastian ang pagbabago at pagkawatak-watak ng tribung imortal. Sa halip na ipreserba ng mga kapwa imortal ang nakalimutang sinaunang tribu ay nakisabay sila sa pagbabago at nakontrol ng mga imortal ang bansa nang hindi namamalayan ng mga ordinaryong tao. Itinalaga niya ang sarili sa misyon sa paghahanap ng susi kung paano makakabalik ang tribung imortal sa sagradong lupa ayon sa propesiya. Bakit mahigpit ang proteksyon ng pamilya ni Jada sa kanya? Hindi sang-ayon ang nakakarami sa tribung imortal sa misyon ni Sebastian kaya para pigilan ito ay itinago ng grupo ang babaeng mortal na pinaniniwalaan nila na kailangan upang mabuksan ang sagradong lupa, si Jada. Walang ideya si Jada na ang pamilya niya ay may kaugnayan sa tribung mortal at sa propesiya.  SCENES, SUPPORTING CHARACTERS AND LOGIC Scene 1: Nasangkot sa aksidente sa kalsada si Jada sa pagtakas niya sa inaakala niyang pamilya. Nang magising sa ospital ay nakilala niya si Dra. Florence na nagpakita ng labis na interes na makilala siya at nag-alok ng tulong kung kailan niya kakailanganin. Walang tiyak na pupuntahan at marami pang hindi nalalaman sa pakikipamuhay sa lungsod kaya pinuntahan niya ang address na nakalagay sa business card ng doktora. Nalaman niyang bahagi ito ng isang humanitarian organization at nagpaunlak siyang sumama sa isa sa mga programa na gagawin ng grupo. Scene 2: Si Sebastian, Dra. Florence at ilang tribung imortal ang lihim na nagtatag ng isa sa pinakamalaking humanitarian organization sa bansa. Dahil sa imortalidad ay limitado lang ang pakikisalamuha nila at iilang pinagkakatiwalaang tao ang namamahala ng organisasyon. Nang malaman ni Sebastian na nakipagkilala si Dra. Florence sa isang mahinang babae at binigyan ito ng trabaho sa organisasyon ay tumutol siya. Nang makita niya si Jada sa unang pagkakataon ay naunawaan niya kung bakit ganoon na lang ang interes ng ginang sa dalaga, taglay nito ang mga pananda na makakapag-alis ng sumpa sa kanila. Scene 3: Nagustuhan ni Jada ang unang araw kasama ang grupo ni Dra. Florence, sa unang pagkakataon ay naramdaman niya ang kalayaan sa paggawa ng mga bagay nang hindi dinidikta ng pamilya. Nang dumating ang gabi at naulit ang mga panaginip ay kinalma niya ang sarili sa pamamagitan ng nakagawian niyang paglalakad sa ilalim ng buwan. Doon niya nakilala si Sebastian, ang pangalan na naririnig lang niya mula sa mga kasamahan. Ang inaasahang mainit na pagtanggap nito sa kanya sa grupo katulad ng naranasan kay Dra. Florence ay hindi nangyari. Sa halip na gabayan pabalik sa tinutuluyan ng grupo ay dinala siya nito sa pusod ng gubat at tinangkang patayin...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook