bc

The Glitch (truth reveal)

book_age16+
21
FOLLOW
1K
READ
like
intro-logo
Blurb

Nagdiwang ang kalooban ng mga correspondents ng marinig nila ang salitang not guilty, iyon ang pasya ng hukuman na sila ay napawalang sala sa krimeng kinasangkutan nila. Para silang mga nabunutan ng mahahaba at matatalas na tinik sa lalamunan dahil sa naging pasyang iyon.

Samantalang ang kampo ng pamilya ng biktimang namatay na si Angela Doce ay tumatangis at naghihinagpis dahil hindi nabigyan ng katarungan ang sinapit ng kanilang pinakamamahal na anak.

"Haayss. Atlast natapos din." Wika ng isang lalaki na nakatingin sa katabi. Lubhang napakahabang proseso at masasalimuot na paglilitis at pag iimbistiga ang kanilang mga pinagdaanan. At ngayon ay itinuturi na silang mga inosente sa kamatayan ng dalaga.

"That's good to us and better to them." Dagdag naman ng isa pa, pero ang mga tinginang iyon ay may kahulugan na sila sila lamang ang nakakaalam. Kung anuman ang totoong pangyayari at dahilan ng kanyang pagkamatay ay hindi na muli pang mauungkat, dahil tapos na.

Wala na kayang pag asa pa na mabigyan ng katarungan ang sinapit ni Angela Doce, ngayong tapos na ang kaso? Kung makakamit pa nito ang hustisya na nararapat dito ay panahon lamang ang nakakaalam.

Abangan..

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Hi kanina ka pa Ron?" Tanong ni Angela, kararating lang niya sa isang miniresto na iyon na tagpuan nila. Tinawagan kasi siya ng kaibigan at pinapunta siya doon, sakto naman na free siya, off niya kasi sa trabaho. "More than one hour lang naman girl! Hay nako.!" Malanding sabi nito with matching taas ng kilay kaya alam niyang medyo asar ito dahil sa paghihintay sa kanya ng matagal. Pero kilala naman niya si Ron, kaya hindi siya nagwoworry, dahil konting lambing lang niya dito ay mapapangiti na niya ang kaibigan. Saka isa pa ay ito naman kasi ang namilit na puntahan niya ito, kahit tinatamad nga siya. Naaamoy na niyang magsusumbong na naman ito ng mga hinnanakit sa buhay, specially sa mga nakakarelasyon ng kaibigan. Siya na ang naging takbuhan ng lalaki simula ng naging close friend sila. Dama daw kasi nito na isa siyang true and a loving person kaya nakipaglapit talaga ito sa kanya. "Nako naman kasi ang trapik ay hindi na talaga mawawala. Kasama nasa buhay." Nakangiting katwiran niya sa kaharap. Binalewala niya ang pagtataray nito. "Don't worry it's okay. Sanay na ako sa iyo girl." Tapos ay tinawag nito ang tagaserve saka siya inorderan ng snack. Narinig niyang isang baso ng strawberry juice and one order of special beef recipe ang sinabi nito sa waiter, kagaya pala ng kinakain nito, napansin niya lang. Siguro ay masarap iyon kahit na mukhang mahal yata. Ito naman ang taya. "Psst." Mahinang sutsot ni Ron sa kanya, kaya napaangat siya ng tingin, tinitignan niya kasi kung sino ang nagmessage sa kanya sa phone. Inginuso nito ang kakaalis lang na waiter. Nagtatanong ang tingin niya dahil nakatalikod na iyon, at hindi niya nakita ang mukha. "Ang pogi parang type ko!" Sabay kindat nito sa kanya, ang mga mata ay nilalabasan na naman ng mga heart. Ganito kasi ang kaibigan niyang ito, mabilis mafall, makakita lang ng gwapo at matipuno. Tuloy mabilis din maheart broken. Pareho silang nagtatrabaho sa bangko as a teller. Same company but different branch. Nagmeet sila ng magkaroon ng gathering ang lahat ng employees at compulsory na dumalo ang lahat. Kaya siya na laging hindi umaattend ay napilitang pumunta, pero ayos lang dahil marami siyang nakilala at isa na doon si Ron na naging sobrang close niya at naging matalik pa na kaibigan. Magkaedad sila halos matanda lang ang lalaki ng ilang buwan. Isa itong bading, as in gay. Pero mabait at nasasakyan niya ang ugali, tapos ay dama din niya na very welcome siya dito. Sabi pa nga nito na kailangan daw nitong dumikit sa mga magaganda na gaya niya para mahawa din ito ng kagandahan. Alam niyang biro iyon na may katotohanan. Kaya kailangan nilang maging friends na tinawanan niya ng bongga. Maganda kasi talaga siya. Maamo ang heart shape niyang face, cute din siyang tignan dahil sa maliliit lang na bahagi ng mukha. Binagayan pa iyon ng mahaba at straight na buhok. Alagang alaga niya ang kanyang smooth hair dahil alam niya na isa iyon sa nagdadala ng magandang aura sa isang babae. Maganda rin siyang magdala ng anumang klase ng damit dahil sa petite ang katawan niya. "Tama ka diyan lola, maganda talaga ako." Pinaarte pa niya ang tinig. Tanda pa niya na sinabi niya dito bilang pagsang ayon sa sinabi ni Ron. Nakarami na nga ng jowang si Ron, halos everymonth yata ay nagpapalit ito. Samantalang siya ay nag iisa na nga lang ay nawala pa, dahil naagaw sa kanya. Nasaktan siya ng una pero nakamove on na rin naman agad sa tulong ng mga kaibigan at malalapit sa kanya. Katwiran niya kung ayaw nasa kanya alangan ipilit niya pa ang sarili. Kahit kasi may pagkamaarte siyang kumilos ay dalagang pilipina pa rin siya. Naniniwala siya na ang p********k ay gagawin lamang pagkatapos ng kasal, turo iyon ng mga magulang niya mula pagkabata. Kaya siguro siya iniwan ng ex niya dahil hindi niya maibigay ang nais nito na natagpuan sa ibang babae. "Girl samahan mo pala ako bukas. I have something need to pick up." Turan ng kaibigan, napatingin siya dito, parang gusto niyang kabahan kung ano na naman kaya iyon? Dahil sa may pinagsamahan na sila ay may mga bagay na siyang natutuklasan sa lalaki, na ipinagtatapat nito sa kanya. Hindi naman niya kinukunsinti ang kaibigan at pinagsasabihan niya ito. Pero sadyang may katigasan talaga ito ng ulo. Ilang beses na rin silang nag away dahil doon. May dalawang beses na rin na nagpasama si Ron sa kanya at hindi niya nagustuhan ang bagay na pinick up nito. Kaso no choice na siya, naroon na eh. Gusto na lang niyang makaalis agad sa lugar na iyon. Pinag awayan nila ng matindi iyon ni Ron, puro sermon ang natanggap ng lalaki sa kanya, pero puno naman ng concern bilang kaibigan nito. Katapus tapusan ay iniyakan siya at hinihingi ang pang unawa niya. Kung talaga daw na kaibigan ang turing nito sa kanya ay maiintindihan niya ito, bagay na ginawa nga niya pero hindi niya ito kinukunsinti. Tapos eto nagpapasama muli sa kanya. Nag iisip siya ng alibi, ayaw niyang samahan ito. Iniisip din niya syempre ang kapakanan niya, baka mamaya niyan ay madamay pa siya. May inaalagaan siyang reputasyon sa pinapasukan niya lalo at nakapila na siya sa mga maaaring mapromote next year. And ofcourse ang pamilya niya. Ayaw niyang mabibigyan ng malaking kahihiyan ang mga parents niya kapag nasangkot siya sa anumang anumalya. Napansin ni Ron na nakatingin lang siya dito, hindi kasi siya sumasagot. Nagtatanong din ang mga tingin na natanggap niya sa kaibigan. "Why Angie?" Hindi ito nakatiis. "Hmm. Not so sure ako Ron baka aalis kami ng kasama ko sa room." Iyon na lang ang naisip niyang sabihin. Lumabi ito sa kanya na parang nagtatampo. Kaya nginitian niya lang ito. Napatitig siya sa mukha ng kaibigan. Ang gwapo kasi nito kahit saang anggulo na tignan. Kung naging totoong lalaki lang ito at lumapit lapit sa kanya, hay nako magiging jowa niya ito for sure. Iyon nga ang akala niya noong nasa party sila ang kaso ng lumapit at marinig niya ang boses nito na may pagkamalamya, ay nabura agad ang nararamdaman niyang atraksyon sa binata. Alam na niya na may something dito kahit na kilos lalaki ito ng time na iyon. "Mahina na pala ako sa iyo." Pinalungkot pa nito ang tinig. Talagang gusto siyang isama ng binata. "May ipakikilala pa naman ako sa iyong gwapo." Tapos ay nagbeautiful eyes na mukhang kinikilig. "Hay nako! Sa iyo na yang gwapo na yan. I don't need that." Mataray na sagot niya dito. Katapus tapusan ay hindi rin siya napilit nito. Ayaw niya, kapag sinabi niyang ayaw niya wala itong magagawa. Pero napapayag siya nito na pumunta sa pad nito at doon na matulog. Lulutuan daw siya nito paborito niyang spaghetti. Sa isang linggo ay may isa o dalawang beses na natutulog siya sa suite ng lalaki. Alagang alaga siya nito at sobrang pag aasikaso ang natatanggap niya. Magkatabi din silang matulog at niyayakap niya ito pero wala talagang epekto dito ang p********e niya. Feeling nito ay mas babae pa ito sa kanya. Nung minsan nga ay nagtititili pa ito ng r**e dahil nakatuwaan niyang hipuan ito. Tawa lang siya ng tawa sa kaartehan ng kaibigan. Tapos magyayaya itong manuod ng mga BL movies. At talagang nakikita niyang masaya ito at kinikilig pa, na kung minsan ay tinatayuan pa, nababakat kasi sa suot nitong boxer. Sumasakit ang tiyan niya sa kakatawa talaga sa kaibigan. May kaya ang pamilya ng kaibigan. Kaya nga nagagawa nito ang lahat ng bagay, yun nga lang may kapintasan ito, hindi ito straight na lalaki. Kahit ano daw ang gawin nito ay hindi ito naaattract sa mga babae kahit napakaganda pa na tulad niya. Pagdating daw talaga sa boys ay tinatayuan na ito. Iniisip na nga lang niya na iyon ang naging dahilan kung bakit nagagawa nito ang bagay na mali. Ang sabi pa ng kaibigan nasa pamamagitan niyon ay nararamdaman nito ang kakaibang satisfaction na hindi nito nakukuha sa pagkahaling sa lalaki na kinondena naman niya. Kaya tinanong siya nito kung kaya daw ba niyang maibigay ang pangangailangan nito kaya natameme naman siya dahil alam niya ang sagot. Hindi rin kasi alam sa pamilya ng lalaki ang malaking sikreto nito, kaya nga nagdesisyon ito na bumukod ng bahay para maging malaya. Pili lang din ang mga kaibigan nito na pinagkakatiwalaan ng tungkol sa pagkatao nito. Hindi ito basta naglaladlad. Maraming sikreto sa buhay si Ronald Silvanez. At parang natutuwa naman siya dahil pinagtiwalaan siya nito na ishare ang lahat ng mga sikreto nito sa buhay. Meaning katiwatiwala pala siya, at wala rin siyang balak na sirain ang tiwala na iyon. Naging mabuting kaibigan din ito sa kanya at nadama niya na totoo ang mga concern na ipinakikita nito. Pagdating naman sa pera ay hindi ito naging madamot sa kanya, ni hindi niya kailangan na magdalawang salita dito kapag nangangailangan siya ng tulong na kung minsan pa ay kinakalimutan na rin ng lalaki ang mga iyon at masaya daw ito dahil natutulungan nito ang isang totoong kaibigan. Bilang sa kamay na naisama siya nito sa malaking bahay ng pamilya nito sa Alabang, napagkamalan pa nga na girlfriend siya nito na hindi naman nila kinontra pa. Ayos lang naman kasi sa kanya kung ganoon man ang isipin ng magulang nito. Single naman siya, very much single, walang jowa as in. Saka natutulungan pa niya ang kaibigan na magmukhang lalaki sa harapan ng pamilya nito. Kung pag uusapan naman ang pagiging single niya ay ayos lang naman, hindi naman siya naghahanap agad agad ng makakarelasyon. Bata pa naman siya at katwiran niya ay kusang darating ang tao na iyon sa tamang panahon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

His Obsession

read
71.6K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook