bc

Magic Paradise: To The Other Books

book_age16+
617
FOLLOW
1.6K
READ
time-travel
shifter
powerful
brilliant
magical world
another world
secrets
superpower
kingdom building
slice of life
like
intro-logo
Blurb

Nagbago ang lahat sa buhay ni Hailey Prime nang mapasok siya sa loob ng isang fiction book at palitan ang buhay ng karakter doon na magnanakaw at makilala ang prinsipeng si Aries Miarr na galing din sa loob ng isa pang libro. Join them as they leap between different worlds inside the books they enter and hope to find the exit door leading to the real world.

FANTASY-ROMANCE-ADVENTURE

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE
C H A P T E R 1 Ang sabi nila kapag daw sobrang hilig ng isang tao sa mga libro na fictional o walang katotohanan ang istorya ibig sabihin daw ay hindi masaya sa reality 'yung tao na 'yon. Napaisip ako kung applicable ba sakin ang sabi-sabi ng ibang tao na 'yon. Kasi kumpleto naman ang pamilya ko, nakakapag-aral ako sa isang unibersidad sa kursong medical-related pa at may mahal na tuition fee. Nakukuha ko rin ang lahat ng kailangan ko, basically mga luho ko. Pero siguro nga hindi ako masaya sa reality.  Itinapat ko, eye level, ang hawak kong hardback fantasy book. Kung papabilangin mo ako, pang-hundred and fifty-five fantasy books ko na 'to na bili at basa.  Iginala ko pa ang tingin ko sa buong silid na kinalalagyan ko ngayon, my mini library inside our house. I spend a lot of my time here. Hindi ko naman napapabayaan ang pag-aaral ko, actually ito nga ang motivation ko para matapos agad lahat ng paperworks - na kailangan gawin ko na ang mga review ko sa Human Anatomy and Chemistry subjects ko para mag- 'Me Time' at 'bonding time' na ako with my books.  Effective naman. Top student ako.  I always congratulate myself whenever I'm achieving something, kahit small wins pa.  When you already know why, please come back here and congratulate me.  "Hailey, kumain ka muna ng maayos. Mamaya na 'yan," saway ni dad sa 'kin. He's holding a cup of coffee at kasalukuyang umuupo sa harap ng hapag, with mom and me na kanina pa handa na kumain for brunch dito sa dining area. "Oo nga kumain ka muna, parang pumayat ka rin. Kumakain ka pa ba sa oras o mas inuuna mo pa ang pagbabad na naman sa library mo?" sermon ni mom habang nagsasandok ng food sa plato ko. Cutting my words, she immediately added another question. "How about your grades? Hindi mo ba pinapabayaan?" Ang tinutukoy kasi nila ay ang ginagawa kong pagbabasa ng libro habang hinihintay siyang matapos magsandok ng food sa plate ko. I just can't help it, gusto ko na malaman kung ano ang ending ng bida sa book at male lead niya, hay! "Right, sorry, mom and dad." Napilitan, ibinaba ko muna ang libro sa gilid at bakanteng upuan. "Top 3 po ako in our whole department last term, still maintaining good grades pa naman po." walang gana kong pagbabalita sa kanilang dalawa. "What? Walang level up? Top 3 ka rin nung nakaraan pa," sabi ni mom while cutting the bacon on her plate. "Love, I know you can do better than that. I mean level up, push higher, Top 1. You can do it pa," aniya habang minumwestra pataas ang isang kamay sa ere. Huminga ako nang malalim, hindi gaano ka-halata, saka nagtutok na lang ng atensyon sa pagkain at kumain.  'Yan din ang sinabi nila noong second to third year ko sa college. Isang beses ko lang sila nakitang natuwa, naging proud at naging sobrang saya sa achievements ko sa school. Nung first year lang, nung first sem na first time ko rin makapasok sa top list, the rest ay wala na, I always felt na hindi na enough palagi.  Kasi gusto higher pa. I know I must do better, I understand my mom and dad kasi balak nilang pag-work-in ako sa tertiary hospital na pagmamay-ari ng business partner nila kapag tapos na ako sa studies ko, but I thought they would be happy about me being the top 3 in the whole department. Small pa ba 'to? Thousand students kaya kami doon at mahirap ang inaaral.  I feel exhausted all the time. No congratulations, just 'do more, work for more, be more'. "For you to do that, quit reading fictional books muna." si dad ang nagsalita. Those words were like lightning that strucked my head up to my heart.  "Dad, kaya ko naman po pagsabayin. Ito lang po ang pahinga ko, hobby," explain ko, controlling my voice not to over-react kahit gusto ko na gawin. "Hailey, hindi naman 'to dahil sa grades lang at kaya mong pagsabayin." pagpapaliwanag ni dad, his words were making my forehead frowned more and more. "Matagal na namin napag-usapan 'to ng mommy mo, look at you, fourth year ka na sa college pero wala kang social life. No friends? Ang gusto ko ipunto, gusto ko marunong ka na makihalubilo sa ibang tao. Hija, nasa ganoong field ang business natin ngayon." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni dad! Binalingan ko ng tingin si mom para hingian ng tulong na ipagtanggol ako kay dad, kaya lang, bumagsak ang balikat ko nang ngitian lang ako nito. A sorry smile. "Hailey, my love, remember the party last week? Kailangan mong masanay sa maraming tao at magsalita sa harapan kasi marami pa tayong pupuntahang ganoong event sa future. Ikaw ang maghahandle ng business natin in time." That morning nawalan na ako ng gana pa makinig sa kanilang dalawa. No, don't worry I didn't talk back. Hindi ako ganoong klase ng anak.  Bago sila umalis ng bahay papuntang work ni-locked muna ni dad ang mini library ko pagka-tapos namin ni mom na ilagay roon ang lahat ng books na nasa kwarto ko pa. I wanted to cry, really! Pumasok ako ng classroom nang pumatak ang orasan sa oras na 1:30 PM. I have no close friends here, casual classmates lang na kakausapin kapag may groupings at questions ako regarding announcements na hindi ko alam. "Hailey, Hailey!" tinawag ako ni Roxanne bago pa man ako makalabas ng classroom. She's with her whole girl squad, popular sila sa buong campus kasi... uh bakit nga ba, hindi naman dahil sa grades, they often cut classes and may back subjects pa nga. Siguro dahil pretty sila and siguro sexy, marunong mag-make-up. Ganon. "Bakit?"  "Uh, gusto lang namin itanong kung gusto mo sumali sa 'min." she smiled joyfully, ngumisi naman ang iba sa kanila. "Sa friendship namin." Sa totoo lang, ayoko. Puro kayo kalokohan. "Oo naman, why not."  But on the other hand, kailangan ko pala matuto makipag-socialize. Maybe this would help. Kahit puro night outs lang ang alam nila, I won't conform naman.   T O B E C O N T I N U E D

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.5K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook