bc

AMARANTHINE LOVE

book_age16+
275
FOLLOW
1K
READ
reincarnation/transmigration
time-travel
friends to lovers
self-improved
student
drama
twisted
bxg
highschool
classmates
like
intro-logo
Blurb

[Tagalog Story]

Liahna Percival a girl who doesn't believe in love. For her, love only exist in a fairytale book. But then she will meet her long loss love in her past life. A transfer guy with a good personality, he is Yril (Eh-ril) Concepcion.

Will they fall in love again? Or this time they will end up being friends?

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
PROLOGUE Liahna POV" Nagising ako bigla nang makaramdam ako ng kakaiba, pagmulat ng mata ko ay nasa classroom pa ko ngunit wala ng ibang estudyante kung hindi ako na lang. Namatay naman bigla ang mga ilaw, napatingin ako sa bandang likuran nang marahan bumukas ang pinto kasabay pa ang nakakatakot nitong tunog. Para tuloy akong nasa horror movie. Huwag naman sanang biglang may susulpot na nakakatakot na nilalang dito. Mabilis akong naglakad papunta doon sa may pinto, paglabas ko naman ay biglang umihip ang hangin kasabay ng malakas ng pagsara ng pinto nababalot ang lahat ng katahimikan pagtapos no'n, medyo nakaramdam naman ako ng takot kaya nagmadali na kong malakad bibit ko na din ang gamit ko. Sobrang dilim na sa bawat building na natatanaw ko. Anong ginagawa ko naman dito sa school dis oras na ng gabi at hindi pa ko umuuwi panigurado ako nagaalala na si mama sa akin.Kinapa ko ang bulsa ko kung nandoon ang cellphone ko ngunit wala ito. Chineck ko rin ang bag ko pero wala rin ito doon. Hindi ko ma-tetext si mama uuwi na nga lang ako. Hindi ko rin suot ang wrist watch ko. Bakit parang ang daming kulang. Sa bawat paglayo ko ang mga nalalagpasan kong ilaw sa hallway ng school ay automatic na namamatay kaya paglumingon ako sa likuran ay madilim na daanan lang ang iyong makikita. Binilisan ko na lang ang paglalakad at hindi ko na lang 'yon pinansin, nagpatuloy na lang ko sa paglalakad hanggang makalabas na ko sa isang building kung nasaan ako. Sobrang dilim na rin sa labas gano'n ba ko katagal natulog at inabot na ko ng gabi nakakatakot pala dito sa school pag gabi. Buti na lang ay wala akong nakasalubong na multo sa akin paglalakad pababa. Pero meron pa rin  bumabagabag sa akin na 'di ko mawari kung ano kanina pa ito nung nasa classroom ako. kaonti na lang ay malapit na ko sa gate ng school ngunit napahinto ako sa may tapat ng stock room, may naririnig akong umiiyak. Hindi pusa, kung hindi isang tinig ng babaeng humahagulgol. Baka naman white lady ito ha? Ilan minuto ko muna pinagisipan kung pupunta pa ba ko sa likod no'n para tingnan kung sino ang umiiyak na 'yun. Huminga ako ng malalim at dumeretso na doon medyo kinakabahan pa  ko kung ano ang maari kong makita pero dahil sa curiosity ko titingnan ko na lang din. Sana makauwi pa ko ng ligtas pagtapos nito. Curiosity kills me for real!! Pagdating ko naman sa likod ng stock room may nakaupong isang babae hindi ko alam kung estudyante ba siya o ano dahil hindi naman siya naka-uniform na katulad ko at nakasubsob pa ang kanyang mukhang sa kayang tuhod kaya hindi ko rin makita ang kayang mukha. Tinawag ko ito pero hindi niya naman ako tiningnan nakayuko pa rin siya at patuloy pa rin sa malakas na pag-iyak. Siguro nagbreak sila ng jowa niya. Why naman ganon wag tayo iiyak sa tao lalo na kung walang SSS, Philhealth, etc. Pero for me good boys only exist in books. "Huwag kana umiyak please umuwi kana gabi na oh wala ng ibang tao sa school bukod sa ating dalawa."Sabi ko ng mas makalapit pa sa kanya, hindi ako marunong magpakalma ng umiiyak ano gagawin ko? Sarili ko nga 'di ko mapakalma pagumiiyak paano pa kaya siya? Should I give her some advices? Kahit wala akong naging jowa? Napatigil ako sa pagiisip ng magsalita siya. "Wala na si Cyril patay na siya."sabi ng babae nasa harapan ko. Cyril again? Nagulat ako ng bigla na lang lumabo ang buong paligid, kinusot kusot ko ang mata ko at pagmulat ko gano'n pa rin ang lahat maski ang babaeng nasa harap ko ay malabo na rin. Ano meron naka blur effect na naman. "Ikaw ba si Aelia?" Tanong ko ng marinig ko ang pangalang na Cyril. "Oo ako nga, tama ka." Sabi n'ya pa sa akin, dahan dahan n'yang inaangat ang kanyang ulo ngunit hindi ko na iyon nakita. "Ma eto na po gising na." Sabi ko kay mama na kumakatok sa pinto. Napabango ako dahil sa malakas na pagkatok sa labas ng pinto. Isa na naman pa lang panaginip. Binuksan ni mama ang pinto at sinilip kung gising na ba talaga ako "Sige maligo kana anak may pasok ka pa." Sabi ni mama sa akin, tumango naman ako bilang sagot sa kanya kaya sinara na ni mama ang pinto ng kwarto.  Hindi ko na naman natuloy yung panaginip ko. Lagi nauudlot ang mga pangyayari hindi ko alam kung bakit paulit ulit kong na lang silang napapaniginipan.  Kung hindi silang dalawa, siya ang napapaniginipan ko. Hindi ko pa rin magawang makita ang mukha ng babaeng 'yun na nasa panaginip ko basta ang alam ko ang pangalan niya ay Aelia kahit na rin ang lalaking lagi niyang kasama na si Cyril ay hindi ko rin magawang makita ang mukha. Kahit lagi ko silang napapaniginipan puro mga malabong imahe lang ang nakikita ko. Hindi ko maunawaan kung anong meron sa kanilang dalawa, kung bakit parati nila kong dinadalaw sa mga panaginip ko. Ka ano-ano ko ba sila? Is there any connections between us? Pero ano ba ang koneksyon na 'yun? Naguguluhan na ko. Pero simula ng mag 17 years old ako, nagsimula na rin ang mga kakaibang panaginip ko tungkol sa kanilang dalawa, masaya at malungkot na pangyayari ang paulit ulit ko nakikita sa panaginip ko. Epekto ba 'to ng kwento nung bata ako? Masyado ko atang isina puso ang kwento nilang dalawa kaya ngayon ginugulo ako. Pero nakakapanibago bakit ngayon lang kung kailan tumuntong ako sa edad na labing pitong taong gulang, Hays! Pero bakit parang totoong totoo sila. Matagal na ang kwentong 'yun pero ngayon ko lang sila napapaniginipan. Nakakapagtaka lang. Aelia at Cyril sino ba talaga kayo? Ang alam ko binuong kwento lang kayo ng matandang taga linis no'n sa lumang hardin ng eskwelahan nung bata pa ako, pero parang totoo talaga kayo sa mga panaginip ko. May gusto ba kayong sabihin sa akin ngunit ano naman iyon? Sino ba kayo? Bakit n'yo ako ginugulo sa bawat panaginip ko.          

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.7K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook