bc

Ang istorya ito when the first time I fall in love ay tungkol sa dalawang taong nagmamahalan ng wagas. sa gitna ng mga pagsubok.

book_age18+
5
FOLLOW
1K
READ
kidnap
family
escape while being pregnant
second chance
first love
self discover
poor to rich
school
love at the first sight
discipline
like
intro-logo
Blurb

Ang pag subok ng dalawang tao na mag iibigan sa gitna ng isang pangarap ni Madison ricablanca o (Maddie) in here 'nick name' para sa kanyang pamilya at Ang wagas na pag ibig ni Javier tolentino isang computer shop owner malagpasan kaya nila Ang Maraming pag subok na magaganap?.

chap-preview
Free preview
mag uumpisa ng isang pangarap si Madison ricablanca ( Maddie) at hindi nya makakasama sa pangarap na iyon si Javier tolentino.
bata pa lamang si Maddie madalas na syang kasama ng kanyang ina sa pagtitinda ng gulay sa palengke. hanggang sumapit na sya sa edad na 18 dalaga na. marami na ding nagpapalipad hangin sa kanyang mga binata. sa kanilang pwesto ng gulayan isa na dito si Javier ang makisig na binata na may ari ng isang computer shop na malapit lang sa kanilang tindahan. hi Maddie good morning, bungad nito na pawisan ang buong katawan habang nasa tapat ng kanyang shop kakatapos lang nito maglinis hi; sambit ni Maddie habang naglalakad na nakangiti saan ka pupunta ?. wika nito.bibili lang ako ng pagkain namin ni mama hindi makatingin na sambit nya dahil walang suot na damit pang itaas si Javier at aminado sya na naakit sya sa malaking katawan nito ang sarap siguro yakapin nito pilyang naglalaro sa kanyang isipan.samahan na kita teka't magbibihis lang ako, wag na. dyan lang naman ako bibili sa tindahan ni aling Maria malumanay na sagot nya: o sige ikaw Ang bahala basta pag may kailangan ka wag ka mahiyang lumapit sa akin nakahanda ako tumulong sa inyo ni aling Lydia.hayaan mo pag dumating ang delivery ng gulay tatawagin agad kita para magbuhat. natatawa at nagbibiro nyang sagot... nagpatuloy na sya sa kanyang paglalakad samantalang si Javier ay pumasok na sa kanyang shop nang makapag tapos sya sa kursong I.T ay mas pinili nya nalang na magtayo ng sarili nyang computer shop. nakita nyang nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan habang nakatingin sa kanya papasok sa loob nakita ng mga ito na kausap nya si Maddie . alam mo yan si Javier malakas sa chicks yan.saad ni bricks, habang kausap si George nakatingin Ang mga ito sa kanya walang babaeng hindi kaya makuha yan basta ginusto nya.totoo yan naaalala mo si Sheila yung huling girlfriend nya halos lumuhod yun sa kanya makipag balikan lang sya.e ayaw na ni Javier wala nagawa ang chika babe na yun kundi umuwing luhaan ano bang Meron sayo pare masarap kaba? sabay tawanan ng mga lalake hoy! tigilan nyo ako ang pagkukumpara Kay Maddie sa mga naging babae ko ha. dahil ibang iba sya mapagmahal sya sa pamilya, at higit sa lahat maganda at seksi sya yung tipong house wife material. maghihintay ako sa kanya hanggang sa pwede na ako manligaw sagot ng 25 anyos ng binata. house wife material Daw oh .? hahaha libog lang yan pare. sabay tawanan nila bahala kayo sa buhay nyo naiinis nyang sagot aalis muna ako bibilhan ko ng bulaklak at cake si mama birthday nya ngayon pag papa alam nya sa mga ito sige wika ni bricks kami na muna dito ang magbabantay sagot naman ni George.samantalang kasalukuyan ng nasa bahay na si Javier happy birthday happy birthday happy birthday to youuu.... nakaabot pa sya sa birthday song ng kanyang ina happy birthday mama sabay halik sa noo at pag-abot ng bulaklak sa kanyang ina salamat anak o sya't Kumain ka na muna wika ng kanyang ina sige po magalang na sagot nya. na late ka ata ng uwi kuya?.tanong ng nakababata nyang kapatid na si Rhea oo ngat ang lakas ng ulan kaya sumilong muna ako sa may gasoline station madulas ang kalsada baka madisgrasya ako mahirap na mawawalan ka ng kuyang pogi na malakas pa ang appeal. tumigil ka nga dyan akala mo nakakalimutan ko yung ginawa mong pangloloko sa kaibigan ko. si Anna ang best friend nya na isa sa naging girlfriend ni javier ? pinaasa mo din at iniwan paano ba naman yung kaibigan mo masyadong selosa kung hindi nya inaway yung girlfriend ni bricks na napagkamalan nya na kasama ko habang naghihintay ke bricks di sana kami aabot sa hiwalayan nag boyfriend kasi sya ng gwapo. nakakaloko nyang ngiti sa kapatid sabay Tayo! sa kinauupuan at pumasok na sya sa kanyang kwarto.di parin maalis sa isip nya si Maddie ang Ganda nya kanina sa simpleng suot na white tshirt at maikling short na kulay gray ang puti puti nya. bakat sa kanyang t-shirt ang nakatagong kaseksihan nito ang kanyang dibdib. baka Tama nga ang mga kaibigan nya libog lang ang nararamdaman nya .hindi hindi. nilalabanan nya ang kapilyuhan na naiisip matagal na nyang kilala at nakikita si Maddie dahil malapit lang ang tindahan nito sa kanyang computer shop ngunit ewan nya ba kung bakit bahag ang buntot nya pag dating dito o. sobrang nirerespeto nya lang talaga ang dalaga dahil nakikita nya ang pagsisikap nito. sobrang napagod sya sa byahe hindi nya namalayan nakatulog na sya. samanta sa bahay nila Maddie hindi sila makatulog sa sobrang lakas ng hangin kumukulog at kumikidlat pa may bagyo ba? tanung ng kanyang ama na si Mang delfin Meron po sagot ni Maddie sabi ng pag asa signal no.3 daw po dito sa Leyte ay sya hindi Tayo nakapaghanda. sa sobrang pagtatrabaho natin nakalimutan na nating manood ng Balita sa telebisyon Kumain na Tayo singit ni aling Lydia baka mag brown out habang nagsasandok ng kanin sa bindihado Plato. mabuti pa nga sagot ni Mang delfin at maaga pa Tayo bukas. delivery driver ng mga gulay si Mang delfin kailangan nya gumising ng madaling araw para humango ng mga gulay mula sa katabing bayan dahil kung hindi madami ang mawawalan ng ititindang gulay araw araw marami ang nakikisabay sa kanya magpabili ng gulay paninda dahil sya lang ang may sasakyan sa kanilang palengke nagpapasalamat sya sa kanyang kumpare na pinayagan syang boundary han muna ang sasakyan Nitong L-300 habang nasa bakasyon ito sa ibang bansa nakatapos na Silang Kumain o sya papasok muna ako sa kwarto Saad ng kanyang ama ok po sige ako na Ang magliligpit ng mga pinagkainan sagot ni Maddie at maghuhugas.salamat anak sagot ni aling Lydia kamusta na pala ang pag aaral mo mag kokolehiyo kana sa susunod na taon wika ni aling Lydia habang nagtutupi ng mga nalabhang damit nagsusumikap kami ng iyong ama magtrabaho para sa pang kolehiyo mo Saad nito. Buti ngat nag iisa ka lang naming anak dahil kung may mga kapatid kapa baka di namin kayanin mapag aral ng kolehiyo ang mahal kaya magpa college ngayon ano ba ang Plano mo anak saan ka mag aaral dito parin ba sa atin o itutuloy mo ang plano mo sa manila? malungkot na sambit ni aling Lydia. sa manila nalang ako mag college ma, dahil mas maraming opportunity na makahanap ng magandang trabaho pag nakapag tapos at mataas na sweldo Saad ni Maddie ok anak basta mag iingat ka doon ha! maraming masasamang loob doon kaya hanggat maari bahay school ka lang ha. opo ma, syempre po at tutulungan ko pa kayo ni papa. bibilhan ng bahay at sasakyan sa maynila mataas na pangarap na aabutin ni Maddie. dumating na Ang pinaka hinihintay ni Maddie. ito ang araw ng kanyang pagtatapos bilang isang senior high school student na kumuha ng (STEM) Masaya ang kanyang mga magulang sa kanya. dahil sya ay magtatapos ng may karangalan. ito ang bunga ng kanyang pagsusumikap sa pag aaral habang tumutulong sa pagtitinda kanilang tindahan. isa isa nang tinatawag ang mga magsisipagtapos ng may karangalan madison Ricablanca sa wakas sya na Ang tinawag. punong puno ng ngiti ang kanyang mga labi habang umaakyat ng stage.isa isang kinamayan ang mga guro at principal sumasalubong sakanya lahat ng guro ay hanga sa kanyang sipag sa pag aaral at pagtulong sa magulang natapos ang seremonyas nakauwi na sila sa kanilang bahay may kaunti Silang salo-salo kasama ang ilang malalapit na kapitbahay congratulations Maddie wika ni berna isa nilang kapitbahay salamat po tugon ni Maddie sa maynila ka na ba talaga mag college?tanong ni maricel isa ding malapit na kaibigan ng kanyang ina at malapit na kapitbahay opo tita mas maganda ang opportunity sa maynila mas malaki ang chance na makapagtrabaho sa isang magandang kompanya pag nakapagtapos na po ako. sige kung buo na talaga ang loob mong doon mag aral hayaan mo kami na Ang bahala sa mga magulang mo nandito lang kami. maraming salamat po sa inyo nagpapasalamat ako at mababait ang aming mga kapitbahay. ay sus wala yon sino sino pa ba ang matutulungan kundi Tayo Tayo din . ngumiti si Maddie pasok muna po ako sa loob magpapalit lang ako ng damit.pumasok na sya sa kanilang bahay nadatnan nya umiiyak ang kanyang ina iiwan muna kami bungad nito.lumapit sya dito at sinabi. hindi ma; mag aaral lang po ako at pag nakapag tapos magtatrabaho at kukunin ko na kayo ni papa sa maynila para sama-sama na Tayo para sa atin din naman ito. para sa inyo ni papa at tsaka may one month pa ako dito si mama naman parang aalis na ako ngayon kung makaiyak sabay yakap sa kanyang ina.samantalang nakikinig lang sa isang sulok ang ama. bakas din sa mukha nito ang lungkot ngunit nagpapaka tatag. papa lumapit din sya dito mahal ko kayo ni mama kaya ko ito gagawin gusto ko pag nakapag tapos ako hindi na kayo magtatrabaho ni mama sa bahay nalang kayo lagi maghihintay ng pag uwi ko. bibilhan ko kayo ng bahay at sasakyan kakain Tayo sa lahat ng masasarap at sikat na kainan sa maynila,mamamasyal, lahat yun papa gagawin ko para sa inyo ni mama nakangiti nyang bilin sabi mo yan ha? habang nakangiti ang kanyang ama opo sabay yakap din sa kanyang ama nagpapasalamat ang kanyang mga magulang dahil binigyan sila ng anak na hindi mapaghanap sa mga materyal na bagay. ito na Ang huling araw nya sa palengke huling araw na matutulungan nya ang kanyang ina sa pagtitinda huling araw na masisilayan nya ang binatang si Javier di man nya sabihin aminado syang may pagtingin sya dito pero mas nangingibabaw ang mithiin nya na makatulong sa mga magulang. at bata pa naman sya makakapag hintay ang tunay na pag ibig. malayo palang sya natanaw nya na si Javier sa labas ng shop nito mababanayad sa mukha nito ang kalungkutan dahil di man nya sabihin alam Nitong luluwas na sya ng maynila bukas pano ba naman ang isa suki nito sa shop ay kaibigan nya na anak ni aling maricel na malapit ding kaibigan ng kanyang ina madalas Daw magtanong si Javier tungkol sa kanya ang chikadorang friend nya bihira man sila mag usap pero pag makausap naman nya halos dina maubusan ng kwento papalapit na sya sa kinaroroonan ni Javier ng bigla itong humarang sa daraanan nya sobrang lungkot ng mukha nito luluwas ka na pala bukas? malungkot na tanong nito 0o.tugon nya dito pwede ba Tayo mag usap mamaya.? kahit saglit lang. nagsusumamo Nitong tono tungkol saan ba ang pag uusapan natin nalilitong tanong nya? tungkol sa atin sagot nito ha? sagot nya sa atin? bakit Tayo ba? hindi. tugon nito pero may sasabihin ako sayo. basta hihintayin kita sa tabing dagat malapit sa arko mamayang gabi pag di ka pumunta hindi na ako mag papakita sayo kahit kailan malungkot na wika ni Javier. sumapit na Ang gabi nasa bahay na sila Maddie kakauwi lang nila galing sa palengke hindi parin mawala sa isip nya ang sinabi ni Javier. pupunta ba ako?. habang malalim na nag iisip.pero bakit ko kailangan pumunta mas lalo lang lalalim ang feeling's ko sa kanya ayaw nya ito ang maging dahilan ng hindi nya pagtuloy sa maynila di pa man nya batid subalit nararamdaman nya na may patingin din ito sa kanya hindi.hindi ako pupunta.buo na Ang loob nya habang inihahanda ang mga gamit na kanyang dadalhin para bukas . hahayaan nya na lamang ang kanyang nararamdaman .bata pa naman ako kung talagang mahal nya ako maghihintay sya. bulong nya nasa tabing dagat naman na si Javier dala ang isang bungkos na bulaklak handa na sya magtapat ke Maddie gusto nya na Malaman ng dalaga na seryoso ang kanyang nararadaman para dito umupo sya sa may rebultong arko kung saan nya hihintayin si Maddie pasado alas nuebe na ng gabi ngunit wala padin ang dalaga malungkot na maghihintay parin sya hanggang sa dumating ito.ngunit sumapit na Ang hating gabi mukha Malabo ng makapunta Ang dalaga pinili na lang ni Javier na umuwi dumaan muna sya sa isang tindahan upang bumili ng alak gusto nya makalimot gusto nyang mawala ang kirot sa puso nya na alak lang ang makakapag bigay noon tumuloy sya sa kanyang kwarto upang doon magpa kalunod kakalimutan na lamang nya si Maddie tutal kakalimutan din naman na sya nito dahil luluwas na ito ng maynila bukas upang doon na mag aral ng kolehiyo. napaparami na sya ng inom at nakakaramdam na ng pagkahilo banayad nyang inihiga ang katawan sa Kama hindi nya namalayan na nakatulog na pala sya sa sobrang kalasingan kinabukasan nakahanda na si Maddie lumuwas pa maynila isinasakay na ng kanyang ama Ang kanyang gamit sa sasakyan nito o. anak hanggang terminal lang kita maihahatid ikaw na Ang bahala sa sarili mo ha tumawag na ako Kay Nora sasalubungin ka na lang Daw doon sa bababaan ang nakababatang kapatid ng kanyang ama Ang tinutukoy nito dito sya pansamantalang tutuloy habang nag aaral sa maynila . kaya mo na yan malaki ka na mag iingat ka doon ha basta lagi Kang tatawag sa Amin ni mama mo. opo pa kayo din po mag iingat kayo ni mama tatawag ako pag nakarating na kami sa bahay ni tita Nora madalas din po ako tatawag sa inyo ni mama teka nasaan na ba si mama ? tanong nya sa kanyang ama silipin mo nga muna sa loob at magpa alam ka na hindi na daw sya sasama sa terminal ako na lamang Daw Ang maghatid sayo pumasok sya sa kanilang bahay nakita nya ang ina na namumugto Ang mata na nakaupo sa Sala bakit pa kasi kailangan mo doon piliin mag aral ei bakit hindi na Lang dito sa atin Galit na wika ng kanyang ina lumapit sya upang tumabi sa ina mama para sa atin din naman po itong pag aaral ko doon gusto ko din makapag aral sa isang malaking eskwelahan gusto Kong makapagtapos para magkaroon ako ng magandang future, trabaho tapos matulungan ko kayo ni papa si tita Nora naman ang kasama ko doon Ang tita nyang nasa 40's na ngunit dalaga parin masyado kasing mataas Ang standard nito pag dating sa pagpili ng lalake napag iiwanan na tuloy ito ng panahon sige na umalis ka na. dito na Lang ako baka di ko mapigilan sarili ko sa terminal hindi ka pa matuloy wag mo kalimutan tumawag pag dating mo doon sabay yakap ng ina mamimiss kita ma miss ka namin ni papa mo mag iingat ka doon wag ka magpapalipas ng gutom lagi Kang tatawag sa Amin ha? bilin ng ina opo.ma sige po aalis na ako sabay dahan dahang bumitaw sa pagkakayakap sa ina tuluyan na syang lumabas ng kanilang bahay at sumakay nang sasakyan. naging sobrang mahirap para Kay Javier na hindi man lang naipag tapat Ang nararamdaman sa dalaga sa buong buhay nya minsan lang sya nag seryoso hindi naging madali para sa kanya ang nararamdaman madalas na syang nag iinom gusto nya makalimot sa kirot na kanyang nararamdaman na hindi nya Rin mawari kung bakit Ganon na lang kalakas Ang impact sa kanya ng dalaga lasing na sya. pauwi na sana syang ng biglang dumaan si daved kasama ang mga barkada nito si daved Ang dati nyang kaklase na walang ginawa kundi Ang magbarkada ilang babae na din ang naging asawa nito at naanakan ngunit halos lahat ay sumuko dito sa pagiging pala barkada mas inuuna Ang barkada kaysa pamilya nito tol. gusto mong sumama sa Amin?happy,happy lang! chill,chill, yun ang kailangan nya sumama sya sa mga ito dinala sya ni daved sa isang malaking bakanteng bahay nila malayo palang sila rinig na nya ang malakas na hiyawan at ingay ng tugtog mula sa bahay na iyon mukhang nagkakasiyahan nga don pag Hinto ng sasakyan sinalubong na sila ng tropa ni daved hay pogi bati ng isang babae. habang lumilingkis sa kanya gusto mo yan tol.? yan si menerva malilimutan mo lahat ng problema mo dyan. ito nga pala si Javier kaibigan ko at ka batch mate nong high school pagpapakilala ni daved sa kanyang tropa welcome to the club pare sagot ng mga lalakeng sumalubong sa kanila pumasok na sila sa loob upang magpakasiya dito na tuluyang masisira Ang buhay nya. nakarating na si Maddie sa maynila kasalukuyan na syang nasa pantalan tinatanaw mula sa barko Ang kanyang tita Nora nahihirapan syang hanapin ito sa dami ng tao naghihintay o sasalubong sa kanila na dumating.biglang may umagaw ng pansin nya sa isang babae sa ibaba na kumakaway at tinatawag ang kanyang pangalan at nakangiti sa kanya MADDIE....! habang kumakaway . Ang kanyang tita Nora wala padin ipinag bago maganda parin sa edad na 40's Ang Ganda parin ni tita bulong nya sa sarili hindi mo nga mapagkakamalan na ito ay kwarenta na dahil marunong itong mag ayos sa sarili pagbaba Niya ay lumapit ito sa kanya ikaw na ba si Maddie namimilog na Mata nito at hinagod ng tingin Ang buong katawan Niya dalaga ka na natutuwang wika nito. dahil huling nakita nya ito ay walong taon lang siya Ang Ganda Ganda mo Rin Manang mama ka talaga sa tita mo sabay tawanan nilang dalawa. halika na iyon Ang sasakyan ko turo nito.alam mo Masaya ako sa wakas may makakasama na din ako sa bahay malungkot kaya mag isa ayaw ko naman pilitin Ang sarili ko mag asawa sa panahon ngayon ang hirap nang makahanap ng tall,dark and handsome.sa mga story books na lang Meron noon ngayon. kaya ikaw babantayan talaga kita wag ka mag boyfriend dito lalo na Yung mga tambay sa Kanto walang tigil na kwento nito. 0po tita nandito po ako para mag aral at makatulong kay mama at papa.yan Ang Tama pamangkin dahil ikaw lang ang aasahan nila kaya magsumikap ka para din sa iyong future. yes naman tita nakarating na sila sa bahay nito sa isang exclusive subdivision ito nakatira sa kanilang limang magkakapatid ng papa nya ito lang ang nakapagtapos ng pag aaral sa tulong din ng isa niyang Lola o tita din nito bukas na bukas ipapasyal kita sa mall upang mabilhan ng mga kailangan mo. sige po tatawagan ko po muna si mama at papa upang sabihin nakarating na po Tayo dito sa bahay nyo po. pag lilihis Niya sige tugon nito. kring,kring kring.o hello anak nasaan ka na nagkita na ba kayo ng tita mo? nag aalalang tinig ng ina mula sa kabilang linya ng telepono opo mama wag na kayo mag alala nandito na po kami sa bahay ni tita diba sabi ko po sa inyo tatawag ako kaagad pag nakarating na po kami. o sya mag iingat ka dyan nag aalala kami ni papa mo dahil unang beses mo malalayo sa amin magpahinga ka na at sigurado napagod ka sa byahe. tawagan mo kami ulit bukas ha. sige po. mag iingat din po kayo dyan ni papa at ibinaba na nya ang telepono kinabukasan magkasama Silang pumunta sa isang kilalang mall ng kanyang tita Nora pinasukat sa kanya ang ibat ibang mga seksing kasuotan na pinipili nito para sa kanya o ayan bagay ito sayo habang iniaabot Ang isang seksing bestida na uso sa mga katulad nyang dalaga ngayon. pumunta sya sa fitting room at isinukat doon lamang Niya nalaman na maganda pala Ang hubog ng kanyang katawan lalo na pag nabihisan ng magandang damit ngunit naiilang sya sa parteng dibdib nya dahil halos lumuwa na ito ganito ba talaga manamit Ang ibang kabataan ngayon. Turan nya sa sarili lumabas sya upang ipakita sa tita nya ang sarili habang suot Ang bestida. Ang Ganda perfect. bagay na bagay sayo Maddie na aamaze na wika nito pero. tita halos Makita na Ang dibdib ko dito hindi ako sanay magsuot ng mga ganitong klase ng damit. hay naku nasanay ka kasi sa probinsya na puro t-shirt short lang ang isinusuot hayaan mo masasanay ka din dito sa maynila. pumunta na sa counter Ang kanyang tita upang bayaran Ang lahat ng mga damit na napili nito para sa kanya mamaya samahan mo ako aatend ako sa birthday ng isa kung kaibigan isuot mo yung dress na pinili ko. kailangan mong masanay dito sa maynila kailangan mo makisabay sa uri ng pamumuhay mga tao dito. wag ka mag alala hindi kita pababayaan nandito lang ako kung may mga tanong ka I am willing to anwers. ok? Saad nito Opo tita sagot Niya nasa isang birthday party na sila ng kanyang tita pilit nya itinatakip Ang kamay sa may parteng dibdib dahil hindi sya mapakali halos lumuwa na kasi ito natutuwa sya sa kanyang mga nakikita Ang gagara ng kasuotan ng mga kababaihan sa birthday party na iyon Ang seseksi ng iba na halos sanay na sa mga damit na labas na halos kita na Ang mga ang dibdib katulad ng ipinasuot sa kanya Ang sasarap ng mga pagkain na nakahain sa isang lamesa may mga nagsisilbi pang waiter para sa mga bisita Ang Ganda ng venue ng birthday party sosyal ika nga ngayon lang sya nakaranas ng ganito dahil nasanay sya ng payak na pamumuhay mula sa kanilang probinsya at hindi mahilig dumalo sa mga malalaking salo- salo dahil para sa kanya mas mabuti ilaan Ang oras sa pagtulong sa mga magulang kaysa mag lakwatsa.sino Ang magandang kasama mo agaw Pansin na isang tinig mula sa kanilang likuran. oh hi aloha happy birthday sabay biso biso ng dalawang babae kanina pa kita hinahanap. here is my gift for you hope you will like it.thank you Nora nandoon lang ako banda roon kanina sabay turo nito sa isang dako. naroon kasi yung isang friend natin si Donna yung ka batch mate natin noon naalala mo? tanong nito oo naman sino ba hindi makakaalala ng minsan nakipag sabunutan yun sa room ng dahil sa ginupit nyang palda hahaha sabay tawanan ng dalawa. si Maddie nga pala pamangkin ko. pagpapakilala nito sa kausap sa akin na sya titira dahil dito na sya mag aaral ng college maikling kwento ng tita nya sa isang magandang babae. hello po bati nya abat maganda rin Ang iyong pamangkin Nora ha may pinagmanahan din mana sa tita. sabay ngiti nito sa kanya bye for now Maddie isasama ko lang muna si Nora hinihintay na sya ng grupo.mga ka batch mate nito Ang tinutukoy mag enjoy ka muna have some drinks sabay tawag sa waiter give him one glass of wine iniabot na ito ng waiter sa kanya wala na sya magawa kundi tanggapin tinignan nya ang kanyang tita nakangiti ito sa kanya sabay sabi ok lang yan Maddie just one glass hindi yan nakakalasing dito muna kami puntahan mo lang ako sa gawi roon kung may kailangan ka ok. sige po at tuluyan na syang iniwan ng mga ito hindi nya alam kung ano gagawin hindi sya sanay sa mga ganoong okasyon mas pinili nya pumunta sa lamesa puno ng pagkain namimilog Ang mga Mata nya ang sasarap may lechon, pochero,kare-kare Gordon blue,pininyahang manok,fried chicken, menudo, inihaw na mga isda may bangus,tilapia,at tambakol Ang ulam at merong fruit salad,Maja Blanca,Biko naman para sa dessert at Ang pinaka umagaw sa kanyang Pansin Ang malaking cake na puro bulaklak Ang design parang hindi mo gugustuhing kainin at pagmasdan na lamang ito kumuha sya ng isang Plato at sinandukan ito ng mga pagkain gusto. nais nya matikman ito lahat pumunta sya sa isang sulok at lumantak ng mga pagkain ngayon nya lamang ito makakain ang iba dito ay sa cellphone nya lang nakikita pero ngayon totoo na ito nasa kanyang harapan wala na syang pakialam sa suot nyang sosyal na damit lapang kung lapang na Ang peg nya napadami na sya ng kain. pagkatapos nya makain Ang lahat ay kumulo Ang kanyang tyan senyales na hindi maganda ang Lagay nito tinatawag sya ng kalikasan dumeretso sya sa Comfort room. mag iisang oras na sya doon ngunit masama parin Ang Lagay ng tyan nya mina buti nyang tawagan Ang kanyang tita Nora kring, kring, kring hello sagot nito nasaan ka ba kanina pa kita hinahanap?hello! tita nandito po ako sa comfort room masama Ang tyan ko pwede po bang umuwi na po Tayo. ok sige magkita Tayo sa sasakyan magpapaalam lamang ako sa kanila. Ang mga kaibigan nito Ang tinutukoy habang nasa sasakyan sila. bakit ba sumakit Ang tyan mo tanong nito? naparami po kasi ako ng kain sa party tita.sabay hagikgik nito ng tawa hahaha bakit ba kasi Kumain ka ng sobrang dami kaya pala parang naubos Ang pagkain sa lamesa kanina biro nito sa kanya ang sasarap po kasi di ko napigilan mapakain ng marami o sya dadaan Tayo ng botika para bumili ng gamot mo sa susunod kasi sasabihan mo ako para I pag take out na lang kita sabay tawa nito. nakauwi na sila ng bahay deretso na sya sa kanyang kwarto upang magpahinga nahihiya sya sa tita nya nag mukha tuloy syang Patay gutom kanina natawa sya sa katakawan nya medyo nawala na Ang pananakit ng tiyan nya pinili nyang humiga at matulog na. samantala sa bayan ng Leyte tuluyan ng nasira Ang buhay ni Javier madalas na ito kung uminom at lagi nasa bahay aliwan ng kabarkada nya ng si daved. o pare tagay pa. alok ng isang kabarkada. ok pare sabay kuha ng baso at lagok marami na rin syang babae na nakasiping ngunit hindi pa Rin mawala sa kanyang isip si Maddie damn that girl bakit hindi sya maalis sa isip ko habang lumalagok ng alak nilapitan Niya si menerva at hinalikan nya sa labi gumanti din ito ng halik dahil akala nya makakalimot sya ngunit sa halik na yun si Maddie parin Ang nakikita nya bwessiittt angil nya why? tanong ni menerva. nothing; sagot nya uuwi na muna ako sa bahay paalam nya sa babae iniwan nya ang mga barkada na nagsasaya nag iinom,nagsusugal at gumagamit pa ng ipinag babawal na gamot Ang iba. hindi sya titikim niyon kahit kailan itinaga nya na sa bato inom at kaibigan lang ang kanyang hanap. dumating sila daved at mga kaibigan nito nagtatawanan nagkakasiyahan Meron itong kasama na isang babae sa loob ng kotse umiiyak nakagapos Ang mga kamay pakawalan nyo ako....pakawalan nyo ako....nagsusumamo Nitong tono ibalik nyo na ako sa Amin at pilit na nagpupumiglas please maawa kayo sa akin habang umiiyak inilabas nila Ang babae sa kotse sige dalhin nyo sya sa loob sige boss sagot ng dalawang lalaking kasama ni daved sige boss. sagot ng isang malaking lalaki na kasabwat ni daved hindi alam ni Javier ang inside job ni daved nang hoholdap ito ng mga magandang babae at dinadala sa kanilang secret room para doon ikulong at ipapatubos sa mga magulang at pag hindi natubos ay gagawin nila itong parausan sa maynila sila madalas mag aabang ng mabi biktima at dinadala sa kanilang probinsya upang hindi agad makatakas at makapag sumbong. mayaman Ang pamilya ni daved kapitan ng kanilang barangay Ang kanyang ama at may sariling business Naman ang kanyang ina tatlo Silang magkakapatid ngunit sya lamang ang naiba ng landas. itinakwil na sya ng kanyang mga magulang dahil sa mga hindi maganda nyang nagawa sa kanyang pamilya isa na Ang pag nanakaw nya ng pera sa kaha de yero ng magulang na nahuli sya ng mga ito nalululong na sya sa masamang bisyo tuluyan na sya nag rebelde at pinasok na Ang mga trabahong masasama masustentuhan lang ang mga bisyo. lingid ito sa kaalaman ng mga magulang Niya sa isang sekretong kwarto may tatlong mga babae na naka piring Ang mga Mata,nakabusal Ang bibig at nakagapos Ang mga kamay nag iiyakan na pilit nag pupumiglas wag na kayo magtangkang tumakas hindi Rin kayo makakalayo malaking boses ng isang lalake nasa loob ng kwarto p...ka...walan... mo.. ka...mi... di...to.... pasigaw na sagot ng isang babae kahit naka busal at hinihingal na ay nagawa parin magsalita wag ka mag alala miss makakawala ka Naman dito basta maki pag negosasyon lang sa Amin ng maayos Ang mga magulang mo walang magiging problema. ngunit pag hindi magpapakasarap Tayo ha sabay hawak nito na sinasabunutan Ang babae at akma hahalikan sa leeg bigla bumukas Ang pinto at nakita ni daved akmang gagawin ng kabarkada sa babae pinigilan nya ito wag. mo muna gagalawin yan magkakapera pa Tayo dyan pag hindi natubos tsaka kana magpakasasa lalong humagulgol Ang babae sa narinig at lalong nagpumiglas lumabas na Tayo Aya ni daved sa mga lalake nasa loob.. iniwan nila Ang mga babaeng nag iiyakan sa loob ni locked Ang pinto. pumunta sila sa isang bakanteng kwarto at gumamit ng ipinagbabawal na gamot. sa bahay nila Javier ay kasalukuyang nag luluto Ang kanyang ina ng sinangag na kanin at pritong itlog at ham para sa almusal bigla bumukas Ang pinto mula sa kwarto ni Javier anak Kumain ka na wika ng ina mamaya Maya na po sagot ni Javier mag tooth brush lang po ako o sige tapos maupo ka na dito at ipaghahain na kita opo wika nya natapos na sya mag sipilyo at umupo na sya sa hapag kainan sinaluhan din sya ng kanyang ina sa pagkain, kamusta Ang shop mo,? ok naman po parang may napapansin ako sa iyong kakaiba Nitong mga nakalipas na linggo may problema ka ba anak wag ka mag atubili magsabi sa akin Malay mo may maitulong ako o maipayo sa iyo anak secret lang natin promise. pag bibiro ng ina hindi sya umimik dito, babae ba? tanong ulit nito natigilan si Javier gusto na nya magtapat sa ina Opo mama pero wala na sya rito nasa maynila na. ngayon lang ako nakaramdam ng ganito sa isang babae di ko man lang naipag tapat sa kanya ang nararamdaman ko bago sya umalis hindi nakipagkita sa akin sa huling gabi na sana makakapag usap kami bakit hindi mo sinundan doon sa maynila?sagot ng ina ayoko ma. bakit naman? tanong ulit ng kanyang ina dahil may pangarap pa sya at kailangan nya makapag tapos para makatulong sa kanyang mga magulang dahil nag iisa lang syang anak sya lang ang maasahan nila. mas mabuting makapagtapos na muna sya at paglilihis nalang Niya sa usapan o sya ikaw Ang bahala sagot ng ina n

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
71.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.4K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook