bc

Asyanna

book_age16+
85
FOLLOW
1K
READ
adventure
powerful
royalty/noble
twisted
female lead
swordsman/swordswoman
medieval
magical world
superpower
war
like
intro-logo
Blurb

Asyanna, the bastard of Puerre finally introduced in Karr. Everyone was into her. But, her fate changed because of the crime in the Azthia tournament. Now, Azthamen is after her. The Rebels, on the other hand, are planning to conquer the whole Azthamen. And, they successfully took the Seven Kingdoms with the help of Asyanna, who became their ally. The wrath of the bastard young Ladynne stabbed them to their downfall.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Nakaupo siya sa malaking sanga ng punongkahoy na Ariktus na malapit sa kagubatan ng Eshner. Nakatulala lang ang Magium young Ladynne. Tila ba malalim ang iniisip. Ang mahaba at kulay kape niyang buhok ay nakalugay at malayang tinatangay ng hangin. Tila batid nito ang bagay na bumabagabag sa kaniyang isipan. "Young Ladynne pinapatawag ka ng iyong ama," sabi ni Illyós, ang kabalyero ng kaniyang ama. Nilingon niya ang kabalyero at binigyan ng nagtatakang tingin. Pagkatapos ay binalik din ang tingin sa kagubatan ng Eshner. Medyo may kadiliman sa bahaging iyon. Pero, balewala sa kaniya kahit pa na nakakatakot doon. "Young Ladynne, magagalit ang iyong ama kapag hindi ka pa pumunta roon. Naroon ang mga kapatid mo," dugtong pa nito. Nilingon niyang muli ang kabalyero at nagsalita, "Hindi naman ako kailangan doon," "Young Ladynne," maawtoridad na tawag ng kabalyero kaya napabuga na lang ng hangin ang Magium young Ladynne. Tumalon siya mula sa pagkakaupo at pinahid sa kaniyang kasuotan ang mga kamay na dumikit sa lupang binagsakan niya. "Teka, bakit sugatan ka? Nakipaglaban ka na naman ba? Kapag nalaman ito—" "Magagalit siya? Pagbabawalan niya ulit akong lumabas ng kastilyo? Wala akong pakialam at wala rin naman siyang magagawa," bagot na sabi ng Magium young Ladynne. "Dahil likas na tumatakas ka naman talaga, young Ladynne," turan ni Illyós na ikinasama niya ng tingin. May bahid ng katotohanan ang binitawang salita ng kabalyero dahil minsan na itong naging saksi sa mga pinanggagawa niya. Ang kabalyero rin ang palaging sumusundo o humahanap sa kaniya sa tuwing nawawala siya sa loob ng kastilyo. "Gusto ko lang naman libutin ang buong Gránn at Azthamen. Pero, hindi ako pinahintulutan. Kaya, siya rin ang dahilan kung bakit ako tumatakas," depensa niya. Simula pagkabata hindi na siya pinahintulutang lumabas. Dahil na rin sa ayaw ni Ornelius na pag-usapan siya ng lahat. Nang tumuntong lang siya sa edad na kinse, doon siya unang nagtangkang tumakas. Hindi iyon nalaman ng mga Puerre, lalo na ni Ornelius. Pero, hindi nagtagal nabuko din ng kaniyang ama ang palihim na pagtakas niya. Ngayong dise-otso na siya pinapayagan na lumabas. Pero, sa loob lang ng Gránn. Kaya, pakiramdam niya hindi pa rin siya malaya. "Dahil alam mong bawal kang lumabas. Batid mo naman kung ano ang dahilan," katuwiran ni Illyós. Anak siya sa labas ni Ornelius. Sa madaling salita, bastarda. Anak siya ng Magium Lorde sa isang pangkaraniwang Magium. Kaya, ang dugong nananalaytay sa kaniya ay isang bughaw at isang ordinaryong Magium. Ganoon pa man trinato pa rin siya ng mga Puerre bilang isang pamilya. Maliban kay Onaeus, ang panganay na anak ni Ornelius at Alyanna. Ang pagiging bastarda ay isang malaking kahihiyan sa buong Azthamen. Bukod sa kahihiyang dulot nito, isa rin itong malaking insulto sa isang angkan. "Anong hindi ko naabutan?" tanong niya pagkapasok sa silid-tanggapan ni Ornelius. Napalingon silang lahat sa kaniya. Maging si Onaeus ay tiningnan din siya pero may halong pagkasuklam. Halatang ayaw nitong sumali siya sa usapan nila. "Saan ka nanggaling, young Ladynne?" tanong ni Ornelius. Bakas sa mukha nito ang pagiging seryoso. Pero, hindi iyon inalintana ng Magium young Ladynne. Sanay na siya roon. Ang mga kapatid niya ay tahimik lang habang nakatingin sa kaniya. "Eshner Forest," walang takot na sagot niya. Nagulat ang mga kapatid niya sa sinagot niya sa ama nila. Pero, si Onaeus walang pakialam. Hindi naman ito interesado sa bastarda niyang kapatid. "Ilang beses ko bang sasabihin na bawal kang pumunta roon! Batid mo namang mapanganib ang kagubatan na iyon kagaya ng Mysta!" sermon ni Ornelius. Nakatingin lang siya sa Magium Lorde. Walang halong takot o pangamba ang mababakas sa mukha niya. Wala siyang pakialam kahit sinisermunan na siya. "Asyanna, bakit palagi mo akong sinusuway? Kaligtasan mo lang naman ang hangad ko. Ayokong pag-usapan ka na naman ng ibang lahi o mapahamak ka at mabihag ng mga rebelde," sermon nito. "Paumanhin, Lorde Ornelius. Pero, hindi na ako bata! Kaya ko na ang sarili ko," diing sabi ni Asyanna at umalis. Hanggang ngayon hindi niya pa rin matawag na "ama" si Ornelius. Pakiramdam niya kasi hindi naman niya ito ama. Dahil na rin sa paghihigpit nito sa kaniya. "Yanna!" tawag ni Onessa pero tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. Uminit na naman ang ulo niya sa sagutan nila ni Ornelius. Wala yatang araw na hindi sila nagkakasagutan. "Akala niya siguro bata ako na dapat bantayan, tsk!" inis niyang usap sa sarili. Magkasalubong ang mga kilay ng Magium young Ladynne at masamang nakatingin sa mga bulaklak na nakatanim sa pabilyon na kinaroroonan niya ngayon. Tila malaki ang galit niya rito dahil halos patayin na niya ito ng tingin. "Yanna, tanggapin mo na lang. Tsaka, totoo naman ang sinabi ni ama. Gusto mo ba na pag-usapan ka na naman ng Azthamen? Isa pa, ang dami na ng rebelde, isang batalyon. Sa tingin mo kakayanin mo sila?" sabi ni Onessa at umupo sa tabi niya. Nilingon niya ang nakatatanda nilang kapatid na babae at binalik din kaagad ang tingin sa mga bulaklak. "Batid kong galit ka kay ama dahil hindi niya binibigay sa iyo ang nais mo. Pero, sana maintindihan mo na para rin iyon sa kapakanan mo," wika nito. Muli niyang nilingon at inis na tiningnan ang Magium Ladynne. Hindi niya nagustuhan ang sinabi ng nakatatandang kapatid. Tampo, galit at lungkot ang nararamdaman niya sa tuwing maiisip ang dahilan kung bakit siya lumaki sa ganoong sitwasyon. "Para ba sa kapakanan ko ang makulong nang mahabang panahon sa loob ng kastilyo? Para ba sa kapakanan ko na itago ako dahil lang ayaw ninyong pag-usapan na naman ako sa Azthamen? Para ba sa kapakanan ko na sa tuwing lumalabas ako ng kastilyo kailangan ko pang baguhin ang wangis ko, ang kasuotan ko para lang hindi makilala ng iba? Para ba sa kapakanan ko itong lahat? Hindi. Dahil para ito sa inyo! Dahil ayaw niyong madamay sa suliranin ko! Dahil pinangangalagaan niyo ang estado ng pamilyang ito at pangalan ninyo! Pero, hindi niyo manlang inisip ang mararamdaman ko!" mahabang litanya ng Magium young Ladynne. Hindi nakaimik si Onessa sa sinabi ni Asyanna. Nagulat siya sa sinagot ng kapatid. Hindi niya alam na matagal na pa lang kinikimkim ng Magium young Ladynne ang mga bagay na iyon. "Yanna, patawad. Patawad kung iyon ang naramdaman mo sa mga panahong iyon at sa kasalukuyan. Pero, ito lang ang masasabi ko. Mahal kita. Kahit kailan hindi kita tinuring na iba sa amin," pagpapagaan nito ng loob niya. Mapait na ngumiti si Asyanna sa Magium Ladynne. Kahit pa na tanggap siya ng iba pa niyang mga kapatid. Hindi pa rin nito maaalis ang tunay na pagkatao niya. Na siya ay isang hamak na bastarda lamang ng mga Puerre. "Tara na sa loob, mag-aalmusal pa tayo," paanyaya ni Onessa. Sa Dining Hall... "O siya, mauna ka na sa loob at may kukunin lang ako sa silid ko," sabi ni Onessa nang tumapat sila sa pintuan ng dining hall. Tumango naman si Asyanna at pumasok na sa loob. "O, Yanna halika na at umupo sa tabi ko. Maya-maya darating na si ama. May kinausap lang kasi siyang panauhin," bungad na sabi ni Alisiah, ang isa sa kambal ng Puerre. Lumapit naman siya sa nakatatanda niyang kapatid at umupo. Pilit siyang ngumiti rito at tinuon na ang atensyon sa hapag-kainan. "Ali, wala pa rin si Nessa. Baka maabutan ni amang wala siya sa hapag-kainan," bulong ni Aissa, ang kambal ni Alisiah. Pasimple ring bumulong si Alisiah sa kaniya, "Baka nakipagkita lang sa mahal niya," "Sino?" singit ni Asyanna kaya napalayo si Alisiah sa kambal niya. "Wala," tarantang sagot nito. "Sinungaling," turan niya na hindi naniniwala sa sinabi nito. Pinanliitan niya ng mga mata ang nakatatanda niyang kapatid na parang malaki ang kasalanan nito. "Tumahimik ka nga Yanna maririnig tayo ni Onaeus!" mahinang suway nito. "Sabihin mo muna," bulong ni Asyanna. "Mamaya," sagot nito para tumigil na si Asyanna. Pero, hindi siya nagpaawat. Nais niya talagang malaman kung anong mayroon kay Onessa. "Anong mamaya? Ngayon na!" pagpupumilit ni Asyanna. "Oo, sige na nga. Kaya wala pa rin si Nessa kasi pinuntahan niya ang...alaga niyang kuwago! Oo, si Neos may sakit kasi 'yon ngayon," kabadong sagot ni Alisiah. "Talaga?" tanging sagot ni Asyanna at umayos siya ng upo. Nagsisinungaling si Alisiah. Batid niya iyon dahil ang paalam sa kaniya ni Onessa pupunta lang ito sa silid nito at may kukunin. Pero, iba ang sinagot ni Alisiah. At isa pa, ang hawla ng alaga nitong si Neos ay nasa kabilang wing. "Ehem!" Napaayos sila ng upo nang tumikhim si Ornelius na kararating lang. Kasama nito ang asawa na si Alyanna. Umupo si Ornelius sa tabi ni Desinee, ang bunso nitong anak. Habang si Alyanna ay sa harapan naman nito. "Kumain na tayo," sabi lang nito at nagsimulang kumain. "Nasaan si Onessa?" biglang tanong ni Ornelius. Napansin kaagad nito na wala si Onessa. Magkatabi kasi ang upuan nina Onaeus at Onessa kaya madali nitong napansin na wala ang Magium Ladynne. "Ah—" Magsasalita na sana si Alisiah nang sagutin ni Asyanna ang tanong ni Ornelius. "Pinuntahan ang kuwago, may sakit daw si Neos," aniya at nagpatuloy sa kinakain. "Paumanhin at nahuli ako!" humahangos na sabi ni Onessa. Tumango lang sa kaniya si Ornelius. Agad namang umupo si Onessa sa tabi ni Onaeus. "Kumusta pala ang kuwago mo? Magaling na ba?" tanong ni Ornelius kaya nagtatakang tumingin si Onessa rito. "Ho?" tanging sagot lang ni Onessa. "Nakarating sa akin na nagkasakit daw ang alaga mong kuwago, kumusta na ito?" sabi ni Ornelius. "Ah...maayos na po ang kalagayan niya ama," sagot ni Onessa at nagtatakang tumingin kina Alisiah. "Mabuti. May mahalaga nga pala akong sasabihin," ani Ornelius. "Ano po iyon ama?" tanong ni Onaeus. "Sa mga susunod na araw ay tutungo na tayo ng Karr," sabi nito. "Kung ganoon, panalangin ko na ligtas at maayos kayong makarating doon," sabi ni Asyanna Pilit niyang pinasigla ang boses niya. Kunwari natutuwa pero nalulungkot talaga siya. Sapagkat hanggang pangarap na lang niya ang Karr. Karr, ang sentro ng Azthamen. Dito nakatira ang mga Azthic. Sila ang nagbabantay sa High Castle na kinalalagyan ng Argon, ang makapangyarihang libro ng Azthamen. "Tayong lahat," pagtatama ni Ornelius. Nagulat siya sa sinabi nito maging ang lahat. Sa sobrang inis ni Onaeus binagsak niya ang hinahawakang kubyertos. "Ama, hindi ba't bawal lumabas ang bastardang 'yan?" protesta ni Onaeus. "Ama sigurado po ba kayo sa desisyong iyan?" tanong ni Dhavene. "Ama, baka mapahamak si Asya roon," dagdag pa ni Daneve. "Panahon na para opisyal nang makilala ng lahat ang isa ko pang anak," tanging sagot lang ni Ornelius. Napangiti siya sa isip niya. Sa wakas, makakapunta na siya ng Karr. Sabik na sabik na siyang makita ang rikit nito. "May tournament po ba? Maaari po ba akong sumali?" tanong ni Asyanna. "Hindi ka sasali," sagot ni Ornelius na ikinabagsak ng mga balikat niya. Pero, ayos na rin iyon sa kaniya. Hindi man makakasali sa tournament makakatapak na rin siya ng Karr. "Hindi ka maaari sa tournament dahil maraming malalakas doon at bihasa na sa pakikipaglaban. Sumali ka na lang sa Seeker Game," dagdag pa nito kaya padabog na umalis si Onaeus. Hapon sa training room... "Masaya ako para sa'yo Yanna. Pinayagan ka na ni ama!" tuwang sabi ni Onessa. Nasa training room silang magkakapatid at nag-eensayo maliban kay Onaeus at Desinee. Hanggang ngayon hindi pa rin bumabalik si Onaeus samantalang si Desi ang bata pa niya para sa pag-eensayo. Limang taong gulang lang siya kaya hindi pa niya kaya ang pagkontrol ng mahika niya. "Oo nga eh. Hindi ako makapaniwala," masayang sabi niya. "Hindi talaga kapani-paniwala," sabi ni Onaeus na kararating lang. Masama ang tingin nito sa kaniya. Halos patayin na siya sa talim nito. Nakadagdag pa sa sama ng loob nito ang desisyong ginawa ng ama nila, ang pagsama niya sa Karr at ang permiso na sumali sa patimpalak. "Anong problema mo?" mahinahong tanong ni Asyanna. "Tinatanong pa ba 'yon. Ikaw lang naman ang problema rito," maangas na sagot ni Onaeus. Tiningnan niya ito nang masama. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Napakuyom siya ng kamay at ano mang oras maaari niya itong masuntok. "Sabihin mo nga sa'kin. Bakit ba ang laki ng galit mo sa akin Onaeus? Sa pagkakaalam ko wala akong nagawang mali sa'yo para tratuhin mo ako nang ganito!" giit ni Asyanna habang pinipigilan ang galit na nagbabadyang lumabas sa kaniyang katawan. "Dahil salot ka sa pamilyang ito! Alam mo bang ang pamilya lang namin ang may bastarda?! Kapag nalaman ng lahat na totoong may bastarda sa Puerre mapapahiya ang pamilyang ito!" ani Onaeus. "Yanna, Onaeus, huminahon kayo," suway ni Onessa. Umigting ang panga niya sa binitawan nitong salita. Alam naman niyang isang kahihiyan ang pagiging bastarda. Pero, hindi naman tama na isisi sa kaniya ang lahat. Dahil nadamay lang din siya. Si Ornelius at ang namayapa niyang ina na hindi na niya nakilala ang puno't dulo ng lahat. "Hindi ko kasalanan na naging bastarda ako!" sigaw ni Asyanna at hinugot ang espada sa likuran niya. "Ano? Kakalabanin mo ako? Talaga lang ha. Baka hindi ka na makarating pa sa Karr," sabi nito at hinugot din ang espada. "Onaeus, kapatid natin siya. 'Wag mo siyang sasaktan," puna naman ni Alisiah. "Hindi...natin...siya...kapatid. Hindi ko siya kapatid!" nanggigigil na sigaw ni Onaeus. "Tumigil na kayo, magagalit si ama 'pag nalaman niya ito," suway din ni Dhavene. "Onaeus," sabi rin ni Daneve. "Dhavene, pigilan mo sila!" tarantang sabi ni Onessa. "'Wag kayong makialam!" galit na sabi ni Onaeus at gumawa ng harang para hindi sila makialam. "Hindi ako natatakot," matapang na sabi ni Asyanna at pumosisyon. Matalim lang niyang tiningnan si Onaeus. Walang sabing umatake ito sa kaniya. Mabuti na lang at naisangga niya ang espada nito. "Itigil niyo na 'to parang awa niyo na! Makinig naman kayo!" pagmamakaawa ni Onessa pero hindi siya pinakinggan ng dalawa. Parehong nabubulag ng inis at galit ang kanilang mga puso. Magkapatid pa rin naman sila kahit papaano. Pero kung tratuhin nila ang isa't isa parang magkaaway. "Makupad," bagot niyang sabi pero hindi pa rin naaalis sa mukha niya ang galit. "Bastarda," ganti rin ni Onaeus. Lalong sumama ang tingin niya at umatake nang mabilis. Pero, nasusundan naman ito ni Onaeus. Parehas silang magaling sa pakikipaglaban pero hindi sa diskarte. "Arogante," asik niya dahilan ng pagtalim pa lalo ng tingin ni Onaeus. "Mahina," inis nitong sabi at sumugod. Pumunta ito sa likuran at inatake siya. Napahiyaw si Asyanna sa hapding naramdaman niya. Umagos sa likuran niya ang kulay lila na dugo. "Onaeus! Papatayin mo ba si Asyanna?!" galit na sabi ni Alisiah. "Tsk!" reaksyon lang ni Onaeus. "Traidor," asik ni Asyanna at biglang naglaho. "Oo, mahina ako pero ito ang nagpapalakas sa akin," dagdag pang sabi ni Asyanna nang lumitaw sa harapan ni Onaeus. Naisangga ni Onaeus ang espada niya kaya napigil ang atake niya. "At, malakas ka. Iyan ang nagpapahina sa iyo. Masyadong malaki ang tiwala mo sa sarili mo," sabi ni Asyanna at nagsimula ang kislapan sa mga espada. Kakaiba ang espada ni Asyanna. Kapag dumikit ito nang matagal sa ano mang uri ng armas, may lumalabas dito na kakaiba ring enerhiya. At, kapag nakaramdam nang matinding emosyon ang may-ari nito. Lalo itong lumalakas at kaya nitong sirain ang isang armas. Kasabay din ng pagsira ng katawan ng kalaban. "Anong nangyayari?!" tarantang tanong ni Alisiah. "Yanna, itigil mo iyan!" sigaw ni Onessa. Tanging si Onessa lang ang may alam kung ano ang mangyayari 'pag nakaramdam ng matinding emosyon ang may hawak ng espada. "Onaeus! Huwag mo nang kalabanin si Yanna!" utos ni Alisiah. "Pwede niyo bang sabihin sa akin kung ano ang nangyayari dito?" biglang salita sa pintuan. Doon lang natigil ang kislapang nagaganap sa silid. Inilayo ni Asyanna ang espada at nilagay sa likuran. "Ama!" sambit ni Onaeus at nilayo rin ang espada. "Onaeus, Asyanna, ipaliwanag ang iyong panig," walang emosyong sabi ni Ornelius. "Nagalit po si Asyanna sa akin. Siya po ang nag-umpisa ng gulo. Muntik na niya akong mapatay gamit ang espada niya," paliwanag ni Onaeus. "Ininsulto niya ako. Kailangan lang niyang maturuan ng leksyon," matapang na sabi ng Magium young Ladynne. "Onaeus, humingi ka ng tawad sa kapatid mo," utos ni Ornelius. Nagtatakang tumingin si Onaeus sa ama niya. Hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. "Si Asyanna na anak pa talaga sa labas ang kinampihan nito," galit na bulong ni Onaeus. "Hindi ko iyan gagawin," matigas na sabi ni Onaeus at umalis ng training room.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook