She's Dating The Four Cousins

She's Dating The Four Cousins

book_age16+
37
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
HE
opposites attract
arranged marriage
badboy
heir/heiress
blue collar
like
intro-logo
Blurb

Isang simply at ordinary girl lamang si Sammie Lythe Lucero. Ngunit nag bago sa isang iglap ang buhay nya ng dumating ang apat na mag pipinsan. Si Harduel Miranda na ubod ng sungit. Pangalawa ay si Lawrence Gabriel Mores, ang ultimate crush nya. Pangatlo naman ay si Norphil Eloi Williams, the sweet one. And the last is Wyatt Nathan Abuena, the play boy.

Sa pag tira nila sa iisang bubong, magawa kaya ng apat na mapaibig ang dalaga?

Sino kaya ang magiging matimbang sa puso nya? Yung lalaking lagi nyang kaaway or ang lalaking nais ng puso nya ngunit laging wala sa tabi nya.

chap-preview
Free preview
Tagged
*Sammie Lythes Pov* Nakatutok ako ngayon sa cellphone ko habang nakahiga. Dito ko nililibang ang sarili ko hangang sa antukin ako. Hindi ako mashadong kilala sa social media lalo na sa University namin. Simpling mag aaral lang naman kasi ako at hindi mayaman ang pamilya ko. Ma swerte lang talaga ako dahil nakakuha ako ng full schoolarship dito sa Almodians University. Habang nag i-scroll ako sa account ko, biglang may pumasok na notification sa sss ko kaya napakunot ang noo ko. Pag check ko dito ay agad na lumabas ang salitang- "Harduel Miranda tagged you in a post" Napabangon ako sa nakita ko at agad na binasa ang naka-sulat dito. "I love you babe, can't wait to see you." Napatabon ako ng bibig dahil sa nabasa ko. Ilang sandali pa ay sunod sunod ng may pumasok na nitification sa sss ko. Sa isang iglap ay tumambak agad ang friend request, messages and comments sa tinag sakin ng Harduel Miranda na ito. Binasa ko ang ilan sa mga comments at karamihan dito ay= "Who's the lucky girl?" "Oh no, hindi to pwede!" "Seryoso, hindi naman maganda!" "Bakit biglaan naman ata, girlfriend nya na ba Yan?" "Sa Almodians nag aaral, puntahan natin bukas." Napalunok ako sa mga comment, hindi ko alam kung ano ba tong nangyayare, at sino ba tong Harduel Miranda na ito. Pinuntahan ko ang homepage nito para tingnan kung sino ba ito. Nang laki ang mata ko ng makitang gwapo ito. Marami itong followers sa f*******:, kaya pala sa isang iglap ay sumabog ang tahimik kong f*******:. Ang mas ikinagulat ko, bakit ko sya friend sa sss? Napabuntong hininga ako, nung kagagawa palang kasi ng f*******: ko, kahit sinong mag add sakin ay inaaccept ko nalang. Pero posible kaya na I-add ako ng ganito ka gwapo at kasikat na lalaki? Sinubukan ko tong i-message. "Hi, nag kamali ka ata ng Tag sakin, please paki untag nalang ako." Message ko dito pero naka offline na ito 1 minute ago. Hala, paano na to! Walang tigil sa pag iingay ang cellphone ko dahil sa sunod sunod na notification at messagges na narerecieve ko. Hindi ko na alam ang gagawin kaya nag log out nalang ako. Sa dami-daming mata-tag, bakit ako pa? *Kinabukasan* Pag ka gising ko ay kinuha ko agad ang cellphone ko para tingnan ang f*******: ko. Nag babaka sakaling panaginip lang ang lahat ng nangyare kagabi. Pag bukas ko, sunod sunod na naman ang pag pasok ng mga notifications. "Juice ko! Ano ba tong nangyayare sa f*******: ko!" Sigaw ko at napasabunot nalang sa sarili. Cheneck ko yung message ko dun sa Harduel, but until now hindi pa rin nito na si-seen ang message ko. Bago pa ako mabaliw sa nangyayare sa sss ko, naligo na ako at nag asikaso ng sarili para sa pag pasok sa school. Hindi na muna ako mag f-f*******: ngayon hangat hindi inaalis ng Harduel na yun ang pag kaka-tag sakin. Hindi mananahimik ang sss ko dahil sa pag kakamali nya. Ang shúnga nya naman para mag kamali ng tag, may kapangalan ba ako sa f*******: para mag kamali sya ng ganun?! Pag dating ko malapit sa gate ng school, napansin ko kagad ang mga babaeng nag kukumpulan sa gate. Hindi lamang students ng Almodians ang nandito pati na rin student ng Lift Up University. Anong ginagawa ng rival school namin dito? Dahil mukang may hinihintay sila sa gate, hindi na ako dun dumaan dahil baka maipit lang ako sa pag kukumpulan nila. "Ilabas nyo na ang Sammie Lythe Lucero na yan!" Sabay-sabay na sigaw ng mga taga Lift up. Hindi ako nabinge this time, malinaw ang pag kakarinig ko sa pangalan ko. Nag madali akong lumayo sa kanila, mukang gulo ang dala ng mga babaeng yun. Malinaw na sakin ang lahat kung bakit nila ako hinahanap. Nag simula lang naman ito dahil sa pag kaka-tag sakin ng Harduel na yun. Nang makarating ako sa back gate ng university namin, nakahinga ako ng maluwag ng mapansing walang tao dito. "Salamat naman at walang nag aabang sakin dito. Bwesít talaga ang Harduel na yun, bakit kasi hindi pa sya nag o-online! Hindi nya ba alam kung anong gulo tong ginawa nya!" Inis na wika ko at sinipa ang di kalakihang bato na nasa harapan ko. "Sabi na nga ba at dito ka dadaan." "Ay kabayong hubad!" Sigaw ko sa pag kakagulat. Napangiti si Lawrence dahil sa naging reaksyon ko. Sinong hindi makakakilala sa Lawrence na yan, sya lang naman ang sikat na captain ball ng basketball team ng Almodians. Isa pa, napaka gwapo nito, kaya sikat na sikat sya sa University. Hindi naman ako robot para hindi mag ka crush sa nilalang na yan. "A-ako ba yung tinutukoy mo?" Nauutal na tanong ko dito. Tiningnan ko ang paligid. Wala namang ibang tao dito kundi kaming dalawa lang. Nakangiti itong tumango sakin. My gosh, ito ang unang beses na nag usap kaming dalawa. Akala ko hangang pangarap nalang na makausap sya, pero ito ako ngayon at mag kaharap na uusap. "Ah eh, may kailangan ka ba sakin?" Nahihiyang tanong ko dito. Hindi ako malandi guys, pero ready na akong lumandi ngayon dahil kaming dalawa lang naman ang nandito. Pag bigyan nyo na ako! "About sa post ni Harduel, may relasyon ba kayong dalawa?" Tanong nito habang nakatingin ng seryoso saking mga mata. Sasagot na sana ako ng biglang- "Nandito sya!!" Sigaw ng isang babae. Napalunok ako ng makita ang mga babaeng tumatakbo ngayon papalapit sa pwesto ko. Sa sobrang kaba hindi ko na alam ang gagawin ko. Naramdaman ko nalang ang pag hawak ni Lawrence sa wrist ko at hinila ako nito paalis. Hindi ko alam kung san nya ko dadalhin, pero sige lang. Kahit saan pa yan sasama ako! Hays, nagagawa ko pang lumandi sa mga oras na to. Kung wala si Lawrence baka kung ano na ang nangyare sakin sa kamay ng mga babaeng yun. Tumigil na kami sa pag takbo ni Lawrence ng makarating kami ng parking lot. Binuksan nito ang pinto ng isang kotse, nag tataka ako kung bakit pero na pabuntong hininga ito at inalalayan nalang ako na makapasok. "Teka san tayo pupunta?" Tarantang tanong ko dito ng paandarin na nito ang sasakyan nya. "You're not safe here, bwesit na Harduel yun, sya dapat ang nandito para ayusin ang gulong ginawa nya!" Inis na wika ni Lawrence na halatang prostrated na din. Hays, bakit kahit problemado sya ang gwapo nya pa rin? Ito ang unang beses na mag i-skip ako ng class. Sa kalagayan ko kasi mukang wala na talaga akong ligtas dahil maging mga schoolmate ko ay hina-hunting ako. Habang palabas kami ng Almodians, kitang kita ko ang mga babaeng nag aabang sakin. Sa dami nila wala talaga akong laban sa mga ito. "Tatanungin ulit kita Sammie, may relasyon ba kayo ni Harduel?" Seryosong tanong nito habang nag mamaneho. "Wala nga, hindi ko nga kilala ang Harduel na yun!" Inis na sagot ko. "Good, let's find out kung bakit ka nya tinag ng ganun." Wika nito at mas pinabilis pa ang pag mamaneho. After 30minutes ay nakarating kami sa isang malaking gate. Hindi ko alam kung anong gagawin namin dito, pero kung ano man ang gawin sakin ni Lawrence hindi pa ako handa. Mahal ko pa ang sarili ko at hindi pa ako handang isuko ang pag ka babae ko. Wait, parang ang OA ko na sa part na yun. "Good morning Young Master Lawrence." Bati sa kanya ng guard bago kami pumasok ng gate. Nag patuloy si Lawrence sa pag mamaneho. Nang makapasok na kami sa loob, doon ko napag tanto na isang mansion na bahay pala ang nasa loob nito. Meron itong napaka lawak na garden at sa gitna ay may malaking fountain. "Nasan tayo, at anong ginagawa natin dito?" Tanong ko dito kasabay ng pag tigil ng makina ng sasakyan nya. "To clarify everything." Nakangiting wika nito at bumaba na ng sasakyan. Pag ka alis ko ng seatbelt ko, saktong pag bukas naman ni Lawrence ng pinto. "Kapag nasa loob na tayo, sabihin mo lang ang totoong dahilan kung bakit ka nandito." Wika nito kaya napalunok ako dahil sa kaba. Jusme Lawrence, i-uncrush talaga kita pag may nangyareng di maganda! Kinuha ni Lawrence yung kamay, as in holding hands mga bhe, kaya nakaramdam ako ng init sa muka ko. Ito ang unang beses na may humawak na lalaki sa kamay ko, tapos isang Lawrence pa! Kung na nanaginip lang ako, please wag nyo na akong gisingin! Pag pasok namin ng mansion, na wala ang kilig ko ng may tatlong lalaking nakatingin samin ni Lawrence habang nakatingin sa mga kamay namin. Babawiin ko na sana yung kamay ko dito pero mas lalong hinigpitan ni Lawrence ang pag kakahawak sakin. "Hindi nga ako nag kamali, I'm win!" Wika ng isang lalaki at may kinuha itong pera sa isa pang lalaki. Teka naguguluhan ako, sino ba tong mga gwapong nilalang na to. Tiningnan ko sila isa-isa at nang laki ang mata ko ng makilala ang isa sa mga ito. "Ikaw!" Malakas na sigaw ko ng makita si Harduel. Tumingin ito sakin at tinaasan nya ako ng isang kilay. "Mas mabuti pang maupo na muna kayo, parating na si Lolo." Wika nung lalaking nanalo kanina. Bumitaw na si Lawrence sa kamay ko, napansin kong nakatingin si Harduel sa kamay namin pero agad din itong umiwas. Hindi ko alam kung bakit ako napunta sa sitwasyon ko na to. Ang dapat lang talagang sisihin dito ay ang bwesit na Harduel na to!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Rewrite The Stars

read
99.7K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

Two Bad Boys Beside me (Tagalog) COMPLETED

read
272.6K
bc

THE RETURN OF THE YOUNG BRIDE

read
253.9K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
158.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
91.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook