bc

Sweetest Lie

book_age18+
18.6K
FOLLOW
63.7K
READ
second chance
dominant
submissive
badboy
goodgirl
drama
tragedy
bxg
heavy
realistic earth
like
intro-logo
Blurb

(SPG R-18+)

--

Hans Victor Arevalo promised himself that he will never fall again. He’s been hurt a lot of times because of love, and now, he assures that his life won’t revolve because of a woman. Love changed him. But… does Victor have the right to hurt people just because he’s broken? What if… he repeatedly hurts the only woman who accepts and loves him despite his imperfections?

Aria Villegas is in love with Victor, who does not even know she exists. The only thing that she can do is to adore this man from a distance because she knew she can never have him. Aria has long accepted the fact that her feelings for Victor won’t be reciprocated. But… her life is about to change because of a night full of mistakes… and that mistake will lead her to lust, love, and lie.

chap-preview
Free preview
Prologue
[Please read Sweetest Downfall first to understand the flow of the story :)] -- "Ria, diba hiwalay na si Victor at 'yong girlfriend niya? Why don't you make a move na? It's your time to shine, girl!" halakhak ni Fin, ang kaibigan kong bading. Oo, alam ko kung ano nga ba ang tinutukoy niya. Matagal ko nang alam na hiwalay na si Victor at Aaliyah, ang pangalan ng kanyang girlfriend. Hindi ko alam kung ano nga ba talaga ang dahilan. Basta't ang alam ko lang, si Miguel, ang nakababatang niyang kapatid, at si Aaliyah na ngayon. Nakikita ko kung gaano kahirap tanggapin iyon para sa kanya. Nagpapakalasing siya gabi-gabi. Halos ubusin na nga niya ang lahat ng alak dito sa bar. Iniwan na rin niya ang kanyang banda. Nag away-away sila dahil sa biglaang pagbitiw ni Victor. Nakakalungkot dahil sinasayang niya ang kanyang buhay dahil sa ganoong bagay. Palagi siyang nagpapakalasing dito sa bar, kung saan ako nag ta-trabaho. Hindi ako kilala ni Victor, pero ako, kilalang-kilala siya simula pa noong nas kolehiyo kami. Hinahanggan ko siya dahil likas sa kanya ang pagiging gentleman. Mabait siya sa bawat babaeng nakakasama niya. Magkaklase kami sa iilang subjects noon. Irregular student kasi ako, kaya bihira ko lang siyang makita. Pero, kahit saan siya ay nakasunod ako. Hindi lang niya ako napapansin dahil nasa iba ang atensyon niya. Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon ng kaonting puwang sa buhay niya. Bakit nga ba niya mapapansin ang isang ordinaryong babaeng tulad ko? Bakit niya papansinin ang isang Aria Villegas? Isang ulila, nakikitira kahit kanino. Walang pamilya. Walang nagmamahal. Paano niya ako mapapansin kung nakatuon sa iba ang kanyang puso? Tanggap ko 'yon. Tanggap ko na hanggang tingin lamang ako sa kanya. Tanggap ko na langit siya, at ako? Dito lang sa lupa. Mananatiling nakatingin sa kanya. Mananatiling nakatingala at mangangarap na isang araw ay maaabot siya. Imposible, alam ko. "Lumapit ka na! Bigay mo na 'yang alak sa kanya!" tinulak pa ako ni Fin para ako na mismo ang magbigay ng kanyang order. Huminga ako ng malalim. Tinatagan ko ang loob ko bago ako lumapit sa kinauupuan ni Victor. "Here's your order, Sir," inilapag ko ang order niya sa mesa. Nagtaas siya ng tingin sa akin. Namumula ang kanyang pisngi at mga mata. Ngumiti siya sa akin. Ngumiti ako pabalik sa kanya. "Hi..." aniya. Tumigil sa pandinig ko ang musika dito sa buong bar. Ang tanging narinig ko na lang ay ang boses niya. Binalik niya ulit ang tingin sa mesa. Agad niyang nilagok ang matapang na alak. Parang tubig lamang ito sa kanyang kung inumin. Hindi na niya ulit ako binalingan ng tingin. Kinagat ko ang aking labi. Umalis na ako. Binalikan ko si Fin. Malaki ang ngiti niya sa akin, habang ako naman, halos bumagsak na ang aking puso sa sahig. "Anyare? Nakita kong kinausap ka niya. Ansabe n'ya?" excited na tanong ng kaibigan ko. Inilapag ko ang tray sa counter. Nagkibit balikat ako. Nakatingin pa rin ako sa direksyon ni Victor. Nakadukmo ang kanyang ulo sa mesa. Lasing na lasing na siya. Kailan ba mawawala 'yang sakit na nararamdaman mo, Victor? "Nag hi lang siya," sagot ko na lang sa tanong ni Fin. "Ohmygiiii! Totoo, te? Ansabe mo naman?" hinawakan niya ako sa balikat para harapin siya. Inalog niya ako. Pakiramdam ko ay lalabas na ang utak ko dahil sa kanyang ginagawa. Hinawakan ko ang mga kamay niya para patigilin siya. "Teka lang naman, Delfin!" awat ko. Agad naman siyang tumigil sa pag alog sa akin. Ngumiwi siya nang marinig niya ang kanyang buong pangalan. Tinanggal na niya ang kamay sa aking mga balikat. "Huwag mo ngang sabihin 'yang pangalan ko. Di ka ba kinikilabutan, sis?" reklamo niya. Natawa na ako sa kanyang reaksyon. "So... ano ngang sabi mo?" Napawi ang tawa ko nang bumalik ang usapan namin tungkol kay Victor. "Wala..." iling ko. "Mukhang wala naman siyang balak na makipag usap talaga. Nag 'hi' lang siya." "Sus! ang nega mo talaga Aria Villegas. Oh siya na, magtrabaho na nga tayo! Baka makita na naman tayo ni Kara at  magsumbong na naman sa boss natin. Sipsip masyado!"  Tumango na lang ako. Pinagpatuloy ko na lang ang aming trabaho. Bawat minuto ay sinusulyapan ko si Victor. Nasa mesa pa rin ang kanyang ulo. Mukhang nakatulog na yata siya. Gustuhin ko mang lumapit ay hindi ko magawa dahil maraming order ngayong gabi. Kailangan ko na rin palang maghanap ng ibang pang trabaho dahil hindi na sapat ang kinikita ko rito. Ang dami ko ng kailangan bayaran. Kapag hindi ako kumayod ng doble, baka wala na akong matirhan sa susunod na buwan. Alas dos na ng madaling araw nang matapos ako sa aking trabaho. Agad akong nagbihis para makauwi na. Pagod na pagod ako. Gusto ko nang humiga at matulog ng mahimbing. Naghanap pa kasi ako ng extrang trabaho kaninang umaga. Hindi ko nagamit ang oras na iyon para matulog. Pakiramdam ko tuloy ay matutumba na ako dahil sa sobrang antok. "Sis! Ingat ka, ah! Yung kutsilyo ba nand'yan sa bag mo? Para kapag may nagtangka sa 'yo masaksak mo agad..." paalala ni Fin paglabas namin ng bar. "Hindi ako mamamatay tao, 'no!" tawa ko. "Tsaka kaya ko ang sarili ko. Kilala na kaya ako doon sa 'min." Napailing siya sa aking sinabi. "Ba't ka ba kasi umalis sa bahay namin? Hindi ka naman pinapaalis ni Madir! Hay naku..." "Ano ka ba," hinawakan ko ang strap ng aking body bag. "Nakakahiya na sa inyo. Tsaka, gusto ko rin namang magsarili."  Kahit naman kasi hindi nila ako pinapaalis sa kanila ay nahihiya pa rin ako. Ang dami na nilang naitulong sa akin. Tsaka, kapag nakikita ko sila kung gaano kasaya ay naiinggit ako. Hindi ko na kasi naranasan iyon simula nang mamatay si Mama at Papa. Namatay sila dahil nahulog ang bus na sinasakyan nila papuntang probinsya. Siyam na taong gulang lang ako noon. Hindi ko makakalimutan ang pangyayaring iyon dahil doon nagsimulang magbago ang buhay ko. Kahit na bata pa lang ako, kinailangan ko nang maging matatag para mabuhay. Pinagpasa pasahan ako ng mga kamag anak namin. Hindi nila ako tinatanggap. Bakit nga ba nila ako tatanggapin kung wala naman silang makukuhang pera mula sa akin? Mabuti pa ang mga magulang ni Fin, tinanggap nila ako kahit na hindi naman nila ako kadugo. Nag-survive nga lang ako sa pag aaral dahil sa scholarship. Noong nag college ako, naging working student ako. Kumurap ako at pinilit tanggalin iyon sa aking isip. Tumingala na lang ako sa langit at pinagmasdan ang mga bituin. Mama, Papa, mahal ko kayo. Mahal na mahal na mahal ko kayo. Naunang makasakay sa akin si Fin. Ako naman ay nag abang ng jeep. Ang tagal kasi, baka nakadaan na 'yong last trip. Lagot ako kapag nakadaan na 'yon. Malayo ang lalakarin ko pag nagkataon. Kung magtataxi naman ako, masyadong malaki ang bayad. Sayang lang, maipangkakain ko pa 'yon. Napaurong ako ng kaonti nang may pumaradang kulay itim na sasakyan sa gilid ng kalsada. Nanlaki ang mga mata ko nang makita na si Victor ang lumabas mula sa driver's seat. Hindi siya tuwid maglakad, halos matumba na siya. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Mabilis akong lumapit sa kanya para tulungan siya.  "Sir," tawag ko. Mukhang hindi naman niya ako narinig. Yumuko lang siya sa may damuhan at nagsimulang magsuka. Nauubo pa siya sa bawat suka niya. Hinagod ko ang kanyang likuran.  "Sir... ayos ka lang?" nagpatuloy ako sa paghagod ng kanyang likuran. Tumayo siya kaya naman natanggal ang kamay ko sa kanyang likod. Nilingon niya ako habang pinupunasan niya ang kanyang bibig gamit ang likurang bahagi ng kanyang kamay. Mapupungay ang kanyang mga mata. Halos pumikit na ang mga ito dahil sa kalasingan.  "Hi..." hinaplos niya ang aking braso. Ang init ng kanyang palad.  "What's your... name?" ang kanyang boses ay hindi na rin gano'n kaklaro. Hinawakan ko ang kamay niya na nasa aking braso para alalayan siyang makatayo ng tuwid. "Aria po." "Aaliyah?" bumukas ang kanyang mga mata. Piniga ang puso ko nang marinig ko yun sa kanya. Hindi ako si Aaliyah. Umiling ako. Tinanggal ko ang hawak ko sa kanya. "Aria, Sir. Aria..." napalunok ako sa aking sinabi. "Iyon po ang pangalan ko." Nagkatinginan kami. Kumikintab ang kanyang mata, hindi ko alam kung dahil ba sa antok o dahil sa luhang pinipigilan niya. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa mapasandal ako sa pintuan ng kanyang sasakyan. "Oo nga. Ikaw si... Aaliyah," hinaplos niya ang pisngi ko. Napapikit ako nang maramdaman ko ulit ang init ng kanyang palad. Pinapagalitan na ako ng aking isip. Kailangan ko nang lumayo. Pero bago ko pa man magawa iyon, naramdaman ko na ang paglapat ng kanyang labi sa aking labi. Nanlaki ang mga mata ko. Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib para itulak siya. Kaya lang, sadyang malakas siya kahit na lasing. Hinawakan niya ang aking batok para bigyan ako ng mas malalim na halik. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko alam kung paano ko nga ba sasabayan ang bawat galaw ng kanyang labi. Mainit ang kanyang halik. Hindi pa ako nakakaramdam ng ganitong klaseng halik. Hinihigop niya ang lahat ng hangin sa aking katawan. Ibinaba niya ang isang kamay niya, binuksan niya ang kanyang sasakyan at marahan akong pinasok sa loob. Hindi pa rin napuputol ang halik niya sa akin. Hindi naman ako uminom, pero mukhang nalasing na din yata ako sa kanyang halik. "Fck..." tumigil si Victor sa paghalik. Nagmamadali siyang umikot para makapasok na rin sa loob ng sasakyan. Mabilis niya itong pinaandar pagpasok palang. Sobra ang kabog ng dibdib ko. Tama ba ito? Ang akala niya ay ako si Aaliyah. Alam ko sa sarili ko na mali itong pinapasok ko. Ako rin ang mahihirapan sa ginagawa ko. Napailing na lang ako. Bahala na. Mabilis kaming nakarating sa isang maganda at matayog na condominium. Malayo ito sa tinitirahan ko. Mabilis siyang bumaba, sumunod na lang ako kahit na nanginginig ang aking mga tuhod. Hindi na ganoon kalinaw ang paningin ko. Hindi na rin yata ako nakakapag isip ng tama. Ang tanging alam ko na lang ay naghahalikan na kami sa loob ng kanyang unit. Hinubad niya ang aking body bag, tinapon niya iyon sa sahig. Itinulak niya ako sa kama kaya naman mabilis akong napahiga. "Uhhh..." ungol niya. Mabilis siyang pumatong sa akin. Hinalikan niya ang aking leeg. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. Inangat niya ang mga ito at inipit sa aking unan. Napakagat labi ako dahil sa kanyang ginawa. Gusto ko siyang hawakan kaso ay hindi ko magawa. Nahihirapan ako sa paggalaw. "Matagal ko nang gustong gawin ito sa 'yo..." bulong niya. Umakyat ulit ang halik niya sa aking labi. Hindi para sa akin iyon, alam ko. Hindi ako ang tinutukoy niya. Iniisip niya na ako si Aaliyah. Iniisip niya na si Aaliyah ang kasama niya habang ginagawa ang ganitong bagay. Tinanggal niya kanyang mga kamay na nasa aking itaas. Pumasok ang mga ito sa kulay asul kong t-shirt. Bawat haplos niya sa aking balat ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam. Bago ang lahat ng ito sa akin. Ria, mali itong pinasok mo. Paalala ko sa sarili ko. Ngunit wala na talaga ako sa katinuan para sundin pa ang aking sarili. Sobrang bilis ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung paano nga ba tinanggal ni Victor ang mga saplot namin. Hingal na hingal ako habang nakatingin sa kanya. Bagay talaga sa kanya ang magulo niyang buhok. May butil ng pawis sa gilid ng kanyang ulo. "Are you ready?" tanong niya. Hindi ako sigurado kung kaya ko ba talaga ito. Tumango na lang ako sa kanyang tanong. Napapikit na ako nang marahan siyang pumasok. Ramdam ko ang sakit. Parang pinupunit ang buong pagkatao ko. Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang sarili ko sa pagdaing. Kinuyom ko ang mga kamay ko sa bedsheet. Bawat galaw niya ay parang tinutusok ang bawat ugat ng aking katawan. Nag iinit na ang gilid ng aking mga mata. Gusto kong umiyak. Ang sakit! Wala akong narinig na kahit ano mula kay Victor. Sinusob lamang niya ang kanyang mukha sa aking leeg. Nang magsimula na siyang gumalaw ay mas naramdaan ko na ang sakit. Gusto ko siyang sisihin sa sakit na nararamdaman ko pero ginusto ko naman ito. Sumama ako. Hindi niya ako pinilit. Pwedeng-pwede akong tumanggi at bumaba kanina sasasakyan niya, pero hindi ko ginawa. Unti-unting naging mabilis ang paggalaw niya. Napapalitan na ng kakaibang sensasyon ang kaninang sakit at hapding nararamdaman ko. "Oh, sht!" daing niya. Mas lalong bumalis ang kanyang paggalaw. May nararamdaman akong kakaiba, may gusto akong pakawalan at kailangan ko siya para magawa yun. Ilang galaw pag ang ginawa niya bago ko naramdaman iyon. "I... love you. A... Aaliyah," malinaw iyon sa pandinig ko. Kasabay ng pagsabog namin ay ang pagsabog ng puso ko. Napalunok ako. Huwag kang iiyak, Ria! Paalala ko sa sarili. Handa ako sa ganito. Pero masakit pa rin pala talaga kapag sa mismong bibig niya nanggaling ang mga salitang iyon. "I love you. too..." sagot ko. Mali ang pag sagot ko sa kanya, alam ko. Dahil hindi naman talaga para sa akin 'yon. Hindi para sa akin ang matamis na salitang yun. Para kay Aaliyah, hindi para sa 'yo Aria. But... I'm willing to hear and say that sweetest lie over and over again.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
71.1K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
86.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook