bc

How to be an Omega

book_age18+
390
FOLLOW
1.0K
READ
alpha
sex
pregnant
omega
sweet
bxb
city
turning gay
affair
seductive
like
intro-logo
Blurb

[Warning: R18. There are scenes/topics that are not applicable for ages 18 below. Read at your own risk.]

This is a BXB story | mpreg

Bilang isang Beta na ipinanganak sa pamilyang Alpha-Omega, isang malaking tanong kay Neil kung totoong kabilang ba siya sa pamilyang kinalakihan niya.

Sa kabila ng pagmamahal at suporta na natatanggap mula sa pamilya, hindi ito naging sapat para mapunan ang bahid ng pagkalito at kakulangan sa puso ni Neil.

Simula nang matutunan ang kaibahan ng bawat kategoryang maaaring kabilangan, isa lang ang naging tanong niya...

Paano maging Omega?

chap-preview
Free preview
Prologue
"You can use me," sambit niya habang nananatili ang titig sa sahig. Wala pa rin siyang saplot pang-itaas at bakas pa rin ang pangyayari sa kanyang buhok na magulo. Ang mga kalmot sa braso at halik sa leeg ay marka ng pinagsaluhan naming gabi. Natigilan ako sa pagbibihis, gusto kong matawa sa sinabi niya. Alam kong may pangangailangan ako bilang isang Beta na puno ng kuryosidad sa nararamdaman ng mga Omega. Pero hindi ganito, ayoko na ng ganito. Nakakasawa, nakakasuka, at nakakapanliit lalo. Umiling ako. "Salamat na lang," sagot ko at nagpatuloy sa naudlot na ginagawa. Hindi ko alam kung paano maibabalik sa kahapon ang bukas, nangyari na at wala na akong magagawa, ginusto ko rin naman. T*ngina, sinisisi ko pa rin ang karupukang naramdaman ko nang tangkain niya akong hawakan, hindi lang isang beses pero sigurado akong huli na ito. Inabot pa ako nang tanghali, ganoon nalang ba ako kababoy para hindi makuntento sa madaliang ginhawa? Tumayo siya at hinarangan ang sana'y paglakad ko patungong pintuan. "Neil." sinubukan niyang hawakan ang braso ko at binigyan pa ako ng mga titig na puno ng pagsusumamo at pag-aalala. Iyan, diyan ako nahumaling. Gusto ko sanang bigkasin pa 'yon, subalit magiging dahilan lang 'yon para magkaroon siya ng dahilan para pigilan akong umalis. "Ano? kulang pa ba?" tanong ko at humawak sa pantalong nakasuot na. Nag-iba ang ekspresyon ng mukha niya, mula sa pagsisisi ay nahaluan ito ng galit. Huminga siya ng malalim bago lumapit at idiniin ang sarili sa'kin. Naestatwa ako nang ipinulupot niya ang kamay sa bewang ko, pag hinga ko ay nalanghap ko ang pabango niyang kaakit-akit. Napapikit ako nang maramdaman ang kiliti. "Stay with me, hm?" bulong niya at tuluyang isiniksik ang mukha sa leeg ko. Napakagat ako ng labi, dama ko ang paghinga niya sa leeg ko at nagdudulot ito ng sensasyong pamilyar na siya lang ang nakapag-bibigay. Napaka-unfair ng buhay, bakit hindi pwedeng kami nalang? bakit kailangan ko pang ipanganak na hindi tugma sa kanya? Kasalanan. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman ko ang mumunting halik niya sa bandang leeg ko, habang ang mga braso niya ay nananatili ang pulupot sa bewang ko. I almost moaned, but I am reminded of who I am, and what we stand on each other's lives. We can't happen. "Stop," mariing sabi ko at kahit malalim ang paghinga ay marahan kong itinulak ang dibdib niya palayo sa'kin gamit ang mga palad ko. He distanced himself but his eyes still begs for touch, his sensual eyes always got me, and if I were an omega I would have fallen for it. For sure his pheromones are all over the place, as his eyes shines and his aura screams dominance. But I'm not, hindi ako Omega, hindi ako affected. It does not weaken me or affect me in any way. "Huli na 'to, ikakasal ka na," I blurted out. Natigilan siya, dahil kahit alam naming pareho na iyon nga ang itinakdang mangyayari ay hindi kailanman namin 'yon pinag-usapan. At hindi ko rin kailanman sinabi ang posisyon ko tungkol dito. Natahimik siya. Nakaramdam ako ng kirot sa damdamin, I signed up for this. Alam ko naman na hanggang dito lang kami, hanggang sa ganito lang siya. Surely, he will try to make me be his side lover, but he cannot deny his true identity. I'm the third party of their relationship, but it's not like they love each other anyway. It's not also like he can fight for us. Wala rin naman akong balak manatili. People may look at me with disgust dahil pumatol ako sa taong ikakasal na, hindi ko naman alam noon. My mind says, kung noon mo pa ba nalaman, lalayo ka? and that's what hits me because honestly, I don't know if I have the strength to walk away. Napangisi ako sa huling pagkakataon. "Be happy," iyon ang huli kong mga salita sa kanya. It's not encouraging, hindi rin naman iyon ang intention ko. I meant to insult him, dahil sigurado akong hindi niya makakamit ang kasiyahan hangga't hindi niya tinatanggap ang totoo niyang pagkatao. "Neil, please." Lumabas ako sa condo unit niya at tuloy-tuloy ang lakad papuntang elevator. I pressed the button and watch the numbers as I go down. Bago makarating sa pinakababa ay bumukas ang elevator, may lalaking pumasok, sa palagay ko ay Alpha. Hindi ko siya pinansin at patuloy ang pagtulala. "Sh*t," pabulong akong napamura nang makaramdam ako ng hilo. Hindi pa pala ako kumakain. "Are you okay?" tanong ng lalaki, dahil sa pagsasalita niya ay napalingon ako sa kanya. Nakumpirma ko na isa nga siyang Alpha, his aura is domineering, he looks charming but I cannot deny that he is hot. What the f*ck Neil, you just had s3x! "Yes, I'm good," tugon ko na lang habang tumatango. Makauwi lang talaga ako ay talagang lalamon ako. "Do you have a medicine with you?" he suddenly asked, mukha nga siyang nag-aalala, his dark brown eyes compliments his hair. What a good gene. "No, I'm okay. I'm just hungry," sagot ko para matigil na siya, wala ako sa mood para mag entertain ng mga gwapo. Sa tingin ko ay hindi kaaya-aya ang itsura ko ngayon. "Are you sure? I think you're going through a rut," sabi niya. Ako naman ang sgalit na natigilan. "What? I'm a Beta," nakangiti ko pang sabi, siguro napagkamalan niya ako. Probably because he finds me attractive. Hindi lang siya ang nagsabi sa'kin niyan, guys who tried to hit on me always compliments my face. I have a soft skin and barely have any body hair. Kumunot ang noo niya, bago pa man bumuka muli ang bibig niya para magsalita ay bumukas na ang elevator. Lumabas na 'ko at dumiretso sa pila ng taxi. Agad akong nakasakay, for some reason, lumuwag ang paghinga ko. "Good morning sir," bati ng driver, he's a Beta for sure. Ganito ang reyalidad, because the body of an Alpha or an Omega is so unpredictable and can change easily, Betas are the safest choice to have as a driver. Habang nasa daan ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. "Sir, nandito na tayo," sabi ng driver. Agad akong dumukot ng paper bill at hindi na hiningi ang sukli, it's enough that I am safe. Pumasok ako sa sarili kong apartment, ang sasakyan na hindi ko dinala ay nadaanan ko pa papasok sa loob. "Hi." "Ay, tipaklong!" gulat kong saad. "Grabe, ganyan pala ang tingin mo sa'kin," natatawang sabi niya. Napailing ako, "What are you doing here, Meg?" tanong ko, I barely got any rest at nandito ngayon ang matalik kong kaibigan na sigurado ay yayayain akong gumimik, wala akong energy para sabayan siya ngayon. She's a good friend na binalak pang i-pareha sa'kin ng pamilya ko, I'm a Beta so they thought I need an Omega to unleash my 'inner' Alpha. "You don't look good," puna niya habang nakanguso at hinuhusgahan ang itsura ko. "Kaya nga, ano bang kailangan mo?" "Grabe siya, sige na nga matulog ka muna!" singhal niya at tinaboy na ako. "Tanghaling tapat gigimik ka?" pabalang kong tanong. Umirap siya, "May sinabi ba akong gigimik tayo? well, oo mamaya pero hindi ngayon!" Napailing na lang ako at tuluyan siyang iniwan sa sala at gaya ng sabi niya, nagpahinga ako maghapon. As planned, we arrived at the bar at 9pm. Nagrereklamo pa 'tong isa na sana raw ay mas maaga kaming pumunta. "Kapag maaga tayo pumunta, mas maaga kang malalasing," sabi ko. "Edi better!" sagot niya. Napailing nalang ako, pagpasok sa bar ay agad siyang nag wild at dumiretso sa bar counter to ask lustfully for drinks. "Thanks babe," sabi niya sa bartender, sa tingin ko ay Beta naman. Napailing ako at naalala ang lalaking kasama ko lang kagabi. "Oh, dahan dahan naman!" saway ni Meg nang makita akong linagok ang isang basong beer. "It's just an appetizer," I replied, I wanted to get wasted. I wanted to forget that I slept with a taken man, I wanted to get rid of his imprints in me. I drank more than my limit, Meg was just laughing at me, she's wasted too but we're both carefree. "Whooo!" wasted, I danced and sway my hands up in the air while the neon lights dances with me. "A shot of tequila pleaseee," sabi ko sa bartender, he worriedly handed me a shot. Wala siyang choice dahil customer ako at normal na ibigay niya 'yon, magbabayad naman kami duh. "Hi." "Thanks!" inabot ko ang shot glass at nilapag muna saglit nang maalala na wala si Meg sa tabi ko, nasaan na ba ang wild na babaeng 'yon? Nilibot ko ang paningin ko only to see her dancing with the crowd, even though she's an omega I know she'll be safe dahil pribado ang bar na ito ang mga member lang ang pwedeng makapasok. There are tons of securities around as well. "Hi?" salita muli ng isang lalaki na ako pala ang kausap. Hilo ko siyang nilingon at nilagok muli ang alak na nasa shot glass. "Careful," he said when I lost my balance. Natawa ako dahil lasing na nga talaga ako, but this man...He's gorgeous as h*ll. He has this dimple but he looks so manly. Parang kusang gumalaw ang kamay ko at pinindot ang dimple niya, natauhan lang ako nang hulihin niya ang kamay ko bigyan ito ng isang mainit na halik. I feel like I was hypnotized, his eyes are piercing through my soul as he looks straight to my eyes, he's smiling like a prince. No, he's too hot for a prince, I'd say he's a daddy. "Take me with you." that's the last thing I heard before everything blurs out. What's shocking is that...that phrase came from me.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

NINONG II

read
618.1K
bc

NINONG III

read
362.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.0K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.7K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
11.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook