bc

Ang Fiance kong Basagulero

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
HE
opposites attract
badboy
heir/heiress
drama
bxg
highschool
like
intro-logo
Blurb

Si Aeris ay isang illegitimate daughter ng isang mayaman na Chairman mula sa Manila. Sa edad na 17, nahanap siya ng papa nito at pinapunta na sa Manila. Sa hindi inaasahan, ang Aeris na probinsyana ay magiging isa sa mga tagapagmana ng Yishin Empire.Si Rain naman ay tinuturing na black sheep ng pamilya nila. Lumaking bad boy at walang patutunguhan sa buhay.

chap-preview
Free preview
Prologue
''Aye, anak!'' ''Po, nay?'' Nagtaka naman ako sa mga bisita namin sa loob. Nakasoot sila ng maitim na damit na tila ba mga agents sa mga napapanood kong movies online. Medyo nag-alala naman ako kasi baka kako binenta o sinanla ni inay ang taniman namin sa kanila. ''Sino po sila?'' Pansin kong umiiwas nang tingin si inay. Nagtaka naman ako sa mga gamit na nasa lapag. Papalayasin na ba kami? ''Good morning, younglady,'' yuko nila. ''I'm Mr. Dela Fuente, secretary ng papa mo, nagpunta kami dito para sunduin ka,'' saad nito. ''Papa?Matagal ng patay ang papa ko.'' ''Anak, patawarin mo sana ako kung nilihim ko lahat sa'yo, ang totoo niyan ay nagtaksil ako sa itay mo nung namasokan akong katulong sa Yishin Empire.'' Nanginginig naman ang mga kamay kong naiiyak sa mga nalalaman ko. ''Tinanggap pa rin tayo ng itay mo, ginusto kong ayusin lahat nang pinagsamahan namin ni Jojo.'' ''Pero bakit nay?!'' Sana hindi mo nalang ako binuhay kasi sa puso at konsensya ko parang ako ang dahilan sa pagkamatay ni itay. Napaiyak nalang ako. ''Nahanap tayo ni Chairman at kailangan mo ng sumama kung saan ka nararapat anak.'' ''Nararapat?'' Pilit naman niya akong niyayakap ngunit pumipiglas ako. ''Paano ko maihaharap ang sarili ko, ngayo't nalaman ko na isa pala akong bunga ng kasalanan mo,inay?!'' Isang malutong na sampal naman ang natanggap ko mula sa kanya. ''Umalis ka na, ayoko nang makita ka dito.'' Kumirot bigla ang puso ko, gusto kong mawala nalang bigla. Lumabas ako ng bahay at nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luha ko. Naramdaman ko naman na may humawak sa'kin. Hindi na ako nagpumiglas pa at sumama nalang sa kanila. Sumakay na ako sa loob nang nakita ko si inay na napaluhod sa damuhan at umiiyak. ''Inay!'' Dali-dali naman akong bumaba at niyakap siya. Naiinis ako sa sarili ko kung bakit nasabi ko 'yun. ''Aeris, anak, sumama ka na sa kanila, iba ang buhay na gusto ko para sa'yo at handa ang totoo mong ama na punan lahat ng pagkukulang niya sa'yo,'' iyak niya. ''Paano ka inay?'' ''Dadalaw ka naman, hindi ba?'" Niyakap ko naman siya ng sobrang higpit at napahagulhol na kami. ----- ''Younglady, nandito na tayo.'' Matapos ng ilang oras na byahe ay pumasok na kami sa isang malaking gate. Natatanaw ko naman ang isang malawak na lawa. ''Wow.'' ''Mahilig mag fishing sina youngmaster diyan.'' ''Ilan po pala ang kapatid ko?'' ''Lima sila.'' Bigla naman akong nauntog sa biglaan pagpreno ng sinasakyan namin. Agad naman may kalabog mula sa bintana. ''Pasensya na po, sir, hindi ko po sinasadya,'' sabi ni manong. ''WHAT THE HECK?'' ''We will settle this,'' sabi naman ni secretary Dela Fuente. ''Shame on you!'' Napakunot noo naman ako at ang bastos naman ata niya. Bumaba na nga sila. Sumilip naman ako mula sa bintana. Pogi nga pero antipatiko! Hindi ko na marinig ang pinag-uusapan nila. Bababa na sana ako pero 'di ko alam kung paano. Naku naman. Pinindot ko naman ang button at biglang bumukas ang bintana. Nagkatinginan naman kami nung lalaki. ''So you are my stupid fiance?'' inis niya. Fiance? ''In your dreams, I will not marry you!'' ''HOY, AT BAKIT NAMAN KITA PAPAKASALAN?'' sigaw ko. Sa sobrang gigil ko ay nabuksan ko ang pinto. ''I will not marry a cheap woman like you!'' Sa inis ko agad ko naman siyang sinipa dahilan para masubsob siya sa motor niya. ''Mamamatay akong dalaga kaysa makasama ka, ulol!'' Bigla naman akong natigilan nang yumuko sina secretary na tila ba may kakarating lang mula sa likuran ko. "Ha-ha-ha, wow just wow!" boses mula sa likuran ko kaya lumingon na ako. Tumambad sa akin ang isang pogi na lalaki. "Nice to see you, my daughter," aniya. "Po?" Pansin kong tumayo na ang antipatiko kaso pinigilan ko siya. Hinawakan ko siya sa polo niya. "Huwag mo munang isipin ang sinabi ni Mr. Rashin, uhm, how's your trip?" "Po? Ah.." "Hahaha, okay let's go first sa diner kasi kanina pa ako nagugutom." "Bitawan mo nga ako," mahinang sabi niya. Napangisi naman ako. Tiklop pala siya kapag kaharap na niya ang chairman. Binitawan ko naman siya. "You will pay for this!" "Tsk!" Nakarating na kami sa mismong bahay. Ewan ko ba kung bahay ba 'to o mall. Ang laki! "Well I' m glad to meet you in person, anak," aniya. "Ako din po." "Namamaga ata ang mata mo? Well, honestly, it's my fault and kasalanan ko naman na hindi ko kaagad kayo nahanap." "Alam na po ba nila na anak po ako sa labas?" tanong ko. "Hmm, oo pero don't talk like that hijah." Napangiti naman siya. Medyo naging awkward naman. "So what's the point of having her?'' tanong ng isang lalaki na kababa lang mula sa hagdan. Aaminin ko, hawig ko ang lalaki na nasa harap ko. "Enough, hijo!'' Pansin ko ang mapang-inis na ngisi ng kapatid ko at halatang nainis ang mayabang na 'yun. ''So you will marry that hopeless guy?'' tawa pa niya. Aakmang susugurin na sana niya si kuya nang biglang nasipa siya nito dahilan para matumba siya papunta sa'kin. Masama naman ang tingin niya sa'kin. Pero natigilan nalang ako nang marealized ko na ikakasal ako sa mukong na 'to! ''What a couple!'' "An illegitimate daughter and a bastard black sheep son," hagalpak niya nang tawa. Napakuyom naman ako ng kamao ko kasi napansin kong napatawa saglit ang mga maids. Sumugod ulit ang mukong pero nasuntok siya ni kuya at dahil dun agad akong rumesbak at sinipa siya bigla. Napasapo naman siya sa bibig niya dahil sa pagputok ng labi niya. Inawat naman nila kami nang aakmang sisipain sana ako ng kapatid ko. Matatamaan na sana ako nang umilag ako at sinipa siya sa banndang tagiliran niya dahilan para mapahawak siya sa bewang niya. Sinamantala ko naman 'yun at pinilipit ang kamay niya. ''AH!" sigaw niya. Binitawan ko naman siya. "Sorry po," yuko ko sa harap ng papa ko. "Uhmm, ihatid niyo muna si Ayeris." nangangatal na utos ni papa. "Teka paano po siya?" tanong ko sabay turo sa mukong. "Don't worry hija," ngiti ni papa.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Her Triplet Alphas

read
7.6M
bc

The Heartless Alpha

read
1.5M
bc

My Professor Is My Alpha Mate

read
475.3K
bc

The Guardian Wolf and her Alpha Mate

read
522.4K
bc

The Perfect Luna

read
4.1M
bc

The Billionaire CEO's Runaway Wife

read
614.4K
bc

Their Bullied and Broken Mate

read
473.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook