bc

The CEO's Sister

book_age18+
3.2K
FOLLOW
12.7K
READ
drama
tragedy
comedy
twisted
sweet
humorous
heavy
lighthearted
serious
like
intro-logo
Blurb

Escaping a tragedy, Selena Saavedra found herself in the small village where in from being the heiress of a big corporation she ended up as a waitress of a small cafe.

However, destiny is playful, Selena returned to the person who had been looking for her all these years.

Kenzo Riego, claims to be single and not married to his ex-fling, after he found out that he was adopted.

Is that reason enough for Selena to give him a second chance despite the fact that Selena broke herself for Kenzo? She ripped her own heart to protect Kenzo’s image.

chap-preview
Free preview
Simula
Simula Selena Cortez "Excited na ako sa pagdating ni Señorito!" sabi sa akin ni Clara. Ngumiti naman ako sa kanya at nagpatuloy na lang sa pag-aayos ng mga sangkap na kailangan sa mga iluluto ni Aling Sanya. "Ang tagal ko na siyang hindi nakikita," dagdag pa niya, pano naman pa kaya ako? Hindi ko pa nga siya nakikita eh. Gusto ko sanang isagot sa kanya kaso ayaw ko namang sirain yong pag-iimagin niya kay Señorito kaya hinayaan ko na lang. "Alam mo hindi lang siya sobrang gwapo! Ang bait-bait din!" kinikilig na sabi niya habang naghihiwa siya ng sibuyas, ako tuloy 'yong nag-aalala, baka mamaya eh masugatan siya. "Lena! Clara! Asan na yong mga pinapahiwa ko sa inyo! Kayo talagang mga bata kayo, nagchichismisan pa kayo kaya napapatagal yong trabaho eh!" masungit na sabi ni Aling Sanya. Sigh. "Eto na po!" sagot ko naman at saka ko nilagay ng nahiwa ko sa plato para dalhin sa kanya. "Unahin ko na 'to, balikan ko na lang pagtapos mo d'yan," sabi ko naman sa kanya at tumango siya bilang tugon. "Aling Sanya, eto na po." Binaba ko dalawang plato na puno ng hiniwang sibuyas at binalatang bawang. "Lena, tandaan mo, madami ka pang gagawin sa rancho kaya huwag kang masyadong makipagtsismisan diyan kay Clara!" "Opo," sagot ko na lang sa kanya para hindi na humaba pa 'yong usapan. "Balikan ko lang po 'yong iba pa do'n na tapos na ding hiwain." Hindi naman kasi ako dito talaga nakatoka sa kusina ng mansion, don talaga sa Rancho ang trabaho ko kasama ng mga kabayo sa kuwadra. Nagkataon lang na ngayong araw wala si Celestine at Samantha. Meron kasi silang pasok at mukhang araw pa ng pagsusulit nila na gustuhin man nilang makatulong, syempre mahalaga pa din ang pag-aaral nila lalo na't nasa college na. At dahil wala din naman masyadong gagawin ngayon sa rancho imbis na ang nanay sana ang pupunta dito para tumulong sa paghahanda ng mga pagkain, dahil my katandaan na din sila ni Tatay ako na lang ang nag-volunteer. Gusto ko din kasing makita 'tong si Clara, isa sa mga classmate ko. Pareho na kaming Grade 10 pero halos hindi kami magkita dito sa mansion ng mga Saavedra. Malaki kasi 'to at madami pa ring trabaho kahit na wala ang mga may-ari dito, wala kang oras na magpetiks dahil magkalayo pa ang mansyon, kung saan nagtratrabaho si Clara, at sa rancho, kung san naman ako nagtratrabaho. "LENA!" Napalingon naman ako kay Marco nang bigla niyang tawagin yong pangalan ko. Isa sa mga katrabaho ko dito sa hacienda at schoolmate ko pero mas matanda siya sa akin ng tatlong taon. "Bakit?" nagtatakang tanong ko sakanya. Pahiwasan siya at mukhang tumakbo mula sa rancho hanggang dito sa mansion. Okay, so anong meron? Urgent ba 'to? "Manganganak na si Julia!" hinihingal niyang sabi sa 'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko at agad na kinalas ang tali ng apron sa likuran ko. Si Julia ang pinakapaboritong kabayo ko kasi no'ng baby pa lang ito, ako na halos ang nag-alaga rito. Namatay kasi ang nanay nito sa panganganak. Tapos lumipas ang ilang taon, syempre natuto na rin itong lumandi hanggang sa nabuntis na nga at heto na! Manganganak na! "OMG!" sigaw ko at hindi ko man lang napansin na nakuha na rin pala namin ang atensyon ng mga tao sa loob ng kusina. Agad kong inabot kay Clara 'yong apron ko at napatingin ako kay Aling Sanya. Sumimangot naman siya sa 'kin pero alam kung wala siyang choice kundi payagan ako. Kahit naman kasi sabihin na lumaki sa tao si Julia mailap pa din siya sa mga taong nakapaligid at sa 'kin lang halos maamo. "Pasensya na po at mauuna na ako!" sabi ko nalang sa kanila at saka ako sumama kay Marco para magpunta na ng kuwadra. "Tumako ka ba papunta dito?" tanong ko kay Marco habang papalabas na kami ng kusina. Magkakasunod naman yong ginawa niyang pag-iling na kinataka ko at muli ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa. Marumi ang damit at puno ng pawis! "Eh bakit ganyan ang itsura mo?" Hanggang sa makarating kami sa likuran na bahagi ng dirty kitchen. Don ko nakita yong kabayo niya. Bago pa man din ako makapagtanong nasagot na niya.  "Kanina pa namin sinusubukan na paanakin si Julia pero mailap talaga, no'ng umalis ka, biglang hindi siya mapakali, saka lang din namin napansin na manganganak na pala siya. Taltong beses akong muntik na masipa, agad mabuti at nakakalayo ako sa kanya. Ayaw din niya umamo kay Mang Simon. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko sa kanya. Tumango naman siya at inalalayan akong makasakay sa kabayo niya. Hindi din naman nagtagal at nakarating kami ng rancho, medyo malayo pa kami ay nakita ko na 'yong iilang taong nagtitipon don sa kuwarda at medyo maingay na din sila. "Nay! Tay!" tawag ko sa magulang ko ng makita ko sila sa labas ng kuwadra, tulad ni Marco ay madumi din si Tatay. "Anak mabuti naman nandito ka na. Pinasundo ka na namin at nag-aalala na kami kay Julia mukhang kanina pa nahihirapan sa panganganak," sabi ni Nanay tumango naman ako at nagsabi na tiningnan ko na muna si Julia. Nang lumapit ako sa kuwarda niya naroon nga siya at nakahiga at mukhang nahihirapan nga base na din sa ginagawa niyang tunog. Lumapit ako sa kanya medyo nag-alangan pa ako nang pigilan ako ng mga kasama namin syempre, medyo aggressive daw ngayon si Julia pero alaga ko 'to si Julia kaya my tiwala naman ako sa kanya. Umamo naman siya at lahat kami ay tuluyang nakahinga nang maluwag. Pinalipas muna namin yong ilang minuto at saka ako tumulong kina Tatay sa pagpapaanak kay Julia. Hindi naman na bago sa 'kin ang pagpapaanak ng kabayo o kahit na anong hayop dito sa rancho kasi eto na ang kinalakihan kong trabaho kasama sila Nanay at Tatay. Noong bata pa lang ako ay nakakasama na ako dito sa rancho, aun nga lang madalas lang kami dito sa kuwarda dahil dito sila nakadistino. Kung bibisita man ang mga amo namin, kung hindi sa pagdating nila ay sa pag-uwi namin sila nakikita.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Belles and Saints 1: RAVISHED R-18

read
36.4K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

The Sex Web

read
131.2K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.0K
bc

THE BILLIONAIRE'S AMNESIA (COMPLETED)

read
90.8K
bc

NANNY FOR THE BILLIONAIRE'S TWINS

read
66.4K
bc

Escaping My Mafia Boss Fiance

read
33.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook