bc

The Walkers

book_age18+
14
FOLLOW
1K
READ
kickass heroine
powerful
self-improved
CEO
twisted
no-couple
icy
apocalypse
superpower
special ability
like
intro-logo
Blurb

Akala ko normal na araw lang, hindi ko aakalain na sa isang iglap pwedeng mawala ang lahat. Zombies.. Paano ako mabubuhay kung itong mga nilalang na ito ay nakapalibot sa akin? May mahahanap pa kaya akong survivors na handang tumulong at pagkatiwalaan ako? Ano kaya ang kaya kong gawin para sa mga taong mahal ko? Kaya ko ba isakripisyo ang buhay ko alang alang sakanila?

chap-preview
Free preview
Walkers One
ALIYAH's POV   Unat dito, unat dyan habang kinakapa kung nasaan ang cellphone ko. Nung nakuha ko iminulat ko ang aking mata upang makita kung anong oras na, “9am na” pumikit muli ako ng sampung segundo at saka dumeretso sa banyo upang maligo at mag ayos. Nang matapos ako mag ayos, bumaba na ako at kumain. “Good morning po” bati ko sa aming yaya na tila gulat na gulat sa pagbati ko sakaniya. Bihira lang kasi akong kumausap ng tao dito samin, kilala ako bilang snabera. Ako nga pala si Aliyah Smith, 23 years old, breadwinner ng aming pamilya. Mommy at bata kong kapatid na lamang ang kasama ko sa buhay ko. Si Dad? Pumanaw siya dahil sakin. Nagkaroon kami ng argument 4 years ago about sa company ng dad ko which is ako na ang humahawak ngayon. Sa sobrang lala noong pag sasagutan namin, inatake sa puso ang dad ko. Until now hindi pa rin mawala sa akin yung sakit na nawala dad ko. *riiiiiiiing* sinagot ko ang tawag galing sa bestfriend ko. “bakit?” aniya ko “wow! Wala man lang good morning bff, kamusta? Bakit agad?” sagot niya sakin at napatawa ako ng bahagya. “baliw ka.” Sagot ko naman sakniya. “so Aliyah, wala akong car ngayon. Pwede makisabay? Pleaaase?” gets ko na kung bakit tumawag sa akin to nang napaka aga. “hays, hindi naman ako makakahindi sayo. Sige nandyan na ako in 30 minutes.” Binaba ko na ang tawag at rumekta sa room ni mommy. Kumatok ako ng tatlong beses at saka ako pumasok. “hi ma, aalis na po ako.” Hinalikan ko siya noo at akmang aalis na ngunit hinawakan niya kamay ko. “nak, umupo ka muna saglit.” Malumanay na utos sa akin ni mommy at agad ko namang sinunod. Umupo ako pero hindi gaanong malapit sakaniya. Awkward padin ako sakaniya since nung incident ni dad. Hindi ko padin magawang kausapin si mommy ng harap harapan. Hiyang hiya padin ako sakaniya at kay Lia, kapatid ko. “nak, lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Alam ko mabigat padin sa loob mo yung nangyari pero nak apat na taon na nakalipas, kailangan mo nang patawarin sarili mo. Miss na miss ka na ng kapatid mo dahil sa hindi mo pagkausap sakanilang lahat.” Ngumiti lamang ako nang pilit at tumango tango. “Opo ma, subukan ko po. Mahal ko din po kayo ma.” Hinawakan niya kamay ko at pinakita niya sakaniyang mukha na nandito lang siya para sakin. Tumayo na ako “ma hinihintay na po ako ni Patrisha, sasabay daw po kasi sya sakin.” Agad agad akong lumabas at napasandal sa pader. Hindi ko parin talaga kayang pagusapan. Naninikip padin dibdib ko, nasasaktan padin ako. Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking kanang mata at dumeretso na sa kotse.   Wala pang 30 minutes nakarating na ako sa bahay ni Patrisha. I pushed the horn to give signal na nandito na ako. Kita ko na siya may dalang malalaking bag at isang box, bumaba ako to help her sa dala niya. “ano itong mga dala mo, naglayas ka ba?” sagot ko habang kinukuha ko ang isang bag na malaki. “gaga ka, nagpasuyo kasi si daddy na dalhin yung rifles sa gunshop.. sooo.. sasamahan mo din ako don.” At ngumiti siya ng napakalaki para maibsan yung inis ko dahil alam niyang maiinis ako kasi ginagawa nanaman niya akong driver. Wala na akong nagawa at inayos ang mga dala niya sa trunk. Si Patrisha Fletchero nga pala ay bestfriend ko since elementary and she knows everything about me kasi siya lang naman ang kaisa isa kong kaibigan buong buhay ko. Mas kilala pa niya ako kesa sa magulang ko because I share everything to her even the small things like color ng underwear ko ganon. We feel like we’re soulmates, kasi even the tiniest thing about sa amin similar kami, kahit sa family. She lost her mother when she was born and wala siyang kapatid, so dad niya lang ang kasama niya lumaki at ako. Stock holder din ang dad niya sa company ng dad ko at owner sila ng maliit ng gunshop.   Habang nasa byahe kami ni Patrisha tahimik lang kami. Napapansin ko talaga sa nadadaanan namin walang tao tas magulo. Ano bang nangyayare? "Pat may napapansin ka ba sa nadadaanan natin?" Tanong ko sakanya "Napansin mo din?" tumango lang ako sakaniya at nag patuloy sa pag ddrive. Nagpatugtog na lamang si Pat sa radio ngunit news lamang ang mga nasa radio ngayon. Pinatay na lamang niya, hindi kami nakikinig ng news dahil hindi na reliable ang mga nalabas sa news ngayon, madalas misleading or fake news, o di kaya kulang ang info na nirereport.   Nandito na kami ni Pat sa Gun Shop ng Dad niya. Pero di parin kami nababa ni Patty kase may kakaiba talaga sa nangyayare eh. Kinakabahan ako kase sa nakikita ko sa Gunshop parang walang tao. "Aliyah." Hinawakan niya yung kamay ko. Tumingin ako sakaniya. "Patrisha dito ka lang muna ah. Pahiram ng baril ni tito.” Sabi ko sakaniya "Teka san ka pupunta? Samahan na kita." Alok ni Patrisha "Wag na. Dyan ka na lang. Lock mo yung pinto. May kakaiba kasi talaga sa paligid eh." Iba yung kaba na nararamdaman ko habang palabas ng kotse. Magiging sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako natatakot ngayon. Pagkapasok ko.. “AAAAAAHHH!!” Nakita ko si tito nakahandusay at kita ng mga lamang loob. Nanginginig akong tumingin sa paligid upang makita kung sino ang may gawa sakaniya nito. Nilapitan ko ang katawan ni tito upang mas makita kung anong nangyari sakaniya. Nagulat ako sa sugat sa mukha niya, hindi siya hiwa, kundi kagat. Parang kagat ng tao.. Bago pa mag proseso sa utak ko ang nakita ko, biglang minulat ni tito ang kanyang mata at akmang kakagatin ako ngunit nakaiwas ako at sinusubukang makawala sakaniya. Habang pilit kong makawala, sinusubukan kong abutin ang pistol na dinala ko kanina at pinaputukan siya mula baba pataas sa kanyang bungo. *BANG* “NOOOOOO!” lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Patrisha na papunta sa amin at naiyak. Hindi padin ako makareact sa nangyayari, ni katiting walang napasok sa utak ko. Gulong gulo ako sa nakita ko, sa nangyari, at yung reyalidad na kung anong meron kami ngayon ni Patrisha. Napaatras na lamang ako habang hinahabol ang hininga ko. Tinignan ko ang bestfriend ko na yakap yakap si tito at napatingin sa kamay ko na kung saan hawak ko ang baril na ipinutok ko sa ulo ng tatay ng bestfriend ko. At saka lamang nag sink in lahat sa akin. “Fuck.” Bulong ko at napahawak sa ulo ko. Tangina ano itong nangyayari, anong meron, bakit? Mga tanong sa isipan ko na hindi ko alam kung sino makakasagot. Narealize ko na lang na naiyak na ako dahil sa mga nalaman ko. Zombies? Paano? Nakarinig ako ng kalampag ng mga gamit sa bodega ng gun shop ni patrisha, agad akong napatayo at itinapat ang baril sa gawi ng bodega. “Pat tara na.” aniya ko na may takot saking boses. “Hindi. Hindi ko iiwan si dad!” yakap yakap niya parin si tito. Sinubukan ko siyang hilain upang makaalis sa lugar na iyon pero nag lash out si Pat at sinigaw sigawan ako. “ANONG KARAPATAN MONG PATAYING ANG DAD KO?! MAY KASALANAN BA SIYANG NAGAWA SAYO? SIYA ANG TUMAYONG TATAY MO NOONG NAMATAY ANG TATAY MO! TAPOS ITO LANG ANG IPAPALIT MO SAKANIYA? TATAY PA TALAGA NG BESTFRIEND MO? BEST FRIEND BA TALAGA KITA? O CONVINIENT LANG AKO KASI AKO LANG YUNG KAIBIGAN MO?!” sigaw sakin ni Pat pero wala akong pinakinggan dahil rinig na rinig ko ang angil sa bodega. *bang* pinaputukan ko kagad ang zombie na lumabas galing bodega, ikinagulat naman ito ni pat at napalingon sa kanyang likod. Nakailang putok pa ako bago ko ito mapatay. Hinila ko kagad si pat palabas ng gun shop at nakita naming na may papalapit na zombies samin, sinubukan kong paputukan sila pero wala na akong bala. Naghanap ako ng pwedeng magamit panlaban sakanila. at sa may right side ng pinto may tubo na bakal na nakatabi, hinablot ko yon at sinubukan kong makipag laban sa zombies. Tinatry ko i-aim yung hampas ko sa ulo ng zombies dahil ito yung napapanood ko sa movies. Hindi pala ganon kadali kalabanin nag mga nilalang na ito. Napatumba ko na yung dalawa at tinignan ko kung na saan si Patrisha, naroon parin siya sa pinto ng gun shop nila na mayroong gulat na gulat na mukha. “PAT! TULUNGAN MO AKO!” sigaw ko sakaniya na nakapagbalik sakaniya sa reyalidad. Agad siyang pumasok sa loob, patuloy ko padin nilabanan ang zombie na gusto akong lapain. “ALIYAH TABI!” sigaw ni Pat, napalingon ako at napadapa. *bratatatat* tunog ng MK14 rifle na gamit ni Patrisha. Noong natigil ang pagbaril niya tinignan ko kung napatay na niya lahat. Tumayo na ako nung makita ko na nakahandusay na ang mga zombies. Agad kaming tumakbo sa kotse ko at umalis sa lugar na iyon.   Tahimik lang kami ni Patrisha habang nagddrive ako pabalik sa bahay nila, since yun ang mas malapit sa gun shop. “Sorry.” Paghihingi ng tawad ni patrisha sakin. Napakunot naman ako ng noo dahil hindi ko siya maintindihan, dapat ako yung nahingi ng tawad sakaniya dahil sa nagawa ko sa dad niya. “bakit naman? Ako dapat ang humingi ng tawad sayo Pat.” Sagot ko sakaniya, napailing naman siya. “Nagsosorry ako kasi nasigawan kita at nasabihan ng masasakit na salita. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit mo nagawa yun. Nadala lang ako ng emosyon at hindi ko kagad naintindihan ang sitwasyon na meron ka.” Paliwanag niya sakin. “Salamat sa Diyos at ligtas ka, wala kang kagat. Thank you at pinaglaban mo sarili mo kahit tatay ko yun. Hindi ko alam gagawin ko kung pati ikaw naging tulad nila. Natatakot ko Aliyah.” Itinabi ko muna ang kotse sa gilid at saka siya niyakap. “Sorry parin at thank you rin dahil niligtas mo ako kanina.” Matapos ang iyakan naming dalawa, nag drive na uli ako.   Bago pa kami makarating sa bahay ni Pat, sumagi bigla sa isip ko sila mommy.  “Pat, sila mommy.” Aniya ko at nagets naman niya ang ibig kong sabihin. Humarurot ako para makarating ng mas mabilis sa amin.   Malapit lapit na kami sa subdivision namin, when we saw a horde of zombies. Hindi naman gaano kadami pero mas lamang sa naencounter namin kanina sa gun shop. Since naka harang sila sa dadaanan namin, iniisip kong sagasaan na lamang sila kaso hindi naman gaanong matibay ang kotse na mayroon ako. I have no choice, so kinuha ko kagad yung rifle dahil papalapit na sa amin yung zombies. “Aliyah, ano gagawin mo?” tanong sakin ng bestfriend. Hindi ko siya pinansin at akmang bubuksan ang pinto ng kotse pero I hesitated. I’m scared, what if dito ako mamatay, walang pprotekta kay mommy, sa kapatid ko, at sa bestfriend ko. I let out a sigh at lumabas. Sinimulan ko silang paputukan ngunit napakalapit na nila, umatras ako nang umatras habang binabaril ang natitirang tatlong zombies. Natisod ako sa bangkay na nakahandusay sa kalsada dahilan nang pagkatumba at pagkabitaw ko sa baril. Patuloy ako sa pag gapang paatras at pumaibabaw ang isang zombie sakin. Pilit kong makabitaw sakaniya, full force ko siyang tinadyakan at agad akong tumayo, kinuha ko ang rifle at binaril ko uli sila. Nang maubos ko sila, napaluhod ako sa pagod at pilit kong hinahabol ang hininga ko. Pero nilabanan ko ang pagod dahil kailangan kong makauwi kagad sa amin. Pumasok ako sa kotse at nakita kong naiyak ang bestfriend ko, niyakap niya kagad ako. “Sorry sorry sorry sorry.” Tuloy tuloy niyang sabi. “Wala akong magawa, hindi kita natulungan sorry Aliyah, napangunahan ako ng takot ko. Sorry talaga.” Niyakap ko rin siya, dahil sa hingal ko tumango tango na lamang ako. “Mas mabuti nang hindi ka lumabas, baka hindi ko kayanin kapag may nangyaring masama sayo.” Aniya ko at nagsimula nang paandarin ang kotse.   Nakarating kami sa tapat bahay, magulo na ang paligid pero walang zombies. Kaya lumabas na kami ng sasakyan at dinala yung mga baril. Tumakbo ako papasok ng bahay, hindi gaano magulo, pero walang tao. "MA?!" Sigaw ko. Wala paring nasagot. Umakyat na ako sa taas. Chineck ko din lahat ng kwarto ganun din ginawa ni Patrisha pero wala sila sa mga kwarto. Narinig naman naming na may kumalabog sa basement ng bahay namin, nagkatinginan kami ni Pat at tumakbo papunta roon.  Agad kong binuksan ang pinto at bumungad sakin ang kapatid ko na si Lia. "Ate Aliyah! Buti dumating kana! Ang dami nila kanina. Sobrang dami.. natatako ako ate.” Naiyak na lang din ako sa narinig ko. Ramdam na ramdam ko yung takot sa boses niya, “Lia nasaan si mama?” tanong ko sakaniya. Lalo siyang umiyak. “Ate hindi ko alam, iniwan na lang niya ako rito tapos nag sosorry siya. Hindi ko maintindihan ate aliyah.” Niyakap ko siya at patuloy lang siyang umiyak. Naiintindihan ko kung bakit wala siyang naiintindihan sa nangyayari ngayon, bata pa ang kapatid ko, 6 years old pa lamang. Oo baby pa lang siya noong namatay si dad. Isa rin iyon sa kinagagalit ko sa sarili ko, hindi na gaano matandaan ng kapatid ko ang tatay naming dahil almost 2 years old palang siya noong nangyari ang incident.   "ALIYAAAH!"  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Stranger Husband

read
7.2M
bc

Flame Of Lust (R-18) (Erotic Island Series #2)

read
440.7K
bc

The Billionaire's Forced Marriage |COMPLETED|

read
324.6K
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

My Godfather My husband

read
268.7K
bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook