bc

Paupahang Sinapupunan (R18+)

book_age18+
116.1K
FOLLOW
1.0M
READ
billionaire
love-triangle
contract marriage
one-night stand
escape while being pregnant
pregnant
playboy
dominant
CEO
single daddy
like
intro-logo
Blurb

(Warning: This story contains explicit and mature contents that is not suitable for minors.)

Apat na story po ang napapaloob sa PAUPAHANG SINAPUPUNAN;

CAMILA & KEVIN

BOOK 2: AMANDA & FRANCO

BOOK 3: LILY & DARIUS

BOOK 4: GEORGINA & LEO

Kapalit ng pagpapaupa ng kaniyang sinapupunan, ay ang isang milyong halaga na magdudugtong sa buhay ng kaniyang kapatid.

"Para sa operasyon ng kapatid ko."

Ito ang nasa isip ni Camila nang tanggapin niya ang alok ng matandang estranghera, na maging isang baby maker para sa amo nito.

Nakipagniig siya sa estranghero. Dinala ng siyam na buwan sa kaniyang sinapupunan ang sanggol.

Pero nang manganak siya, kinuha agad ang bata sa kaniya. Hindi man lang niya nakita ang mukha, nayakap o nahagkan.

Nasaktan siya ng husto. Pero naging matatag siya. Nagsumikap siya sa buhay.

Lumipas ang maraming taon. Maayos na ang kaniyang buhay, pero hindi niya magawang maging masaya ng lubos.

Labis siyang nangungulila sa kaniyang anak.

Paano kung magkrus ang kanilang mga landas?

Makilala niya kaya ang kaniyang anak at ang lalake na minsa'y nakasalo sa isang mainit na magdamag pero hindi niya nasilayan ang mukha?

chap-preview
Free preview
Prologo
Nang marinig ko ang busina ng sasakyan mula sa labas ng mansyon ay agad akong nagtungo sa maindoor. Matamis ang ngiti ko sa aking mga labi nang makita ko siyang pababa sa kaniyang sasakyan. Seryoso ang kaniyang mukha habang naglalakad papunta sa akin. Marahil ay pagod siya at may problema pa din sa pinapatakbo niyang kompanya. Agad akong humakbang palapit sa kaniya upang yakapin siya. Maghapon lang naman kaming hindi nagkita pero miss na miss ko na agad siya. Lagi niyang sinasabi na ang makita ako sa tuwing umuuwi siya ang nakakatanggal ng kaniyang pagod at nagbibigay kasiyahan sa kaniya. "How's your day, babe?" tanong ko. Tumingkayad ako para mahalikan siya sa kaniyang mapupulang labi pero iniwas niya ang kaniyang mukha. Marahas din siyang bumuntong hininga. Tama nga ang hinala ko. Hindi pa din naaayos ang problema sa kompanya kaya mainit ang kaniyang ulo. Naglakad siya papasok ng mansiyon na hindi man lang ako iniimik o kaya ay tinatapunan ng tingin. Sumunod ako sa kaniya hanggang sa makaupo siya sa couch. Mabigat niyang binagsak ang kaniyang katawan sa couch. Sinandal niya ang kaniyang likod habang ang kaniyang kamay ay nakalapat sa kaniyang noo. Marahan niyang hinihilot ang kaniyang noo. Panay din ang buntong hininga niya na para bang napakabigat ng kaniyang dinadalang problema. Hindi naman siya ganito kanina nang umalis siya. Malambing pa nga siya sa akin at may mga ngiti sa labi. Magana din siyang kumain ng almusal kanina. Ang sabi niya ay unti-unti ng umaayos ang takbo ng kompanya. Ilang araw lang daw ay tataas na ulit ang sales. "Ano'ng problema, babe?" tanong ko at nilapitan siya. Mariin niyang pinikit ang kaniyang mga mata. Nang marinig niya akong nagsalita ay nagmulat siya ng mata. Malalim ang mga tingin na pinukol niya sa akin. Ito ang uri ng titig na hindi ko kayang salubungin. Kumunot ang noo ko sa inaasta niya. "Who are you?" tanong niya. Mas lalo pang napakunot ng noo ko. Lito ko siyang tinignan. Sinuri ko pa ang kaniyang mukha at ulo. Hindi naman siguro siya naaksidente at nagka-amnesia. Bakit parang hindi na niya ako kilala? "Anong tanong 'yan, babe?" maang kong tanong sa kaniya. Wala talaga akong maunawaan sa kaniyang sinasabi. Umiling-iling siya. "f**k!" I heard him cursed. Tinitigan niya ulit ako bago ako tanungin sa parehong tanong niya kanina. "Who are you?" seryoso niyang tanong. May diin ang bawat pagkakabigkas niya ng salita. "Camilla?" I answered with furrowed eyebrows. Kitang-kita ko ang pagtalim ng tingin niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay may mali sa inaasta niya. May mali sa tanong niya. Kinabahan ako at naestatwa ng bigla siyang tumayo. Walang babala niya akong hinablot. Madiin ang pagkakahawak niya sa aking palapulsuhan. Natitiyak kong mag-iiwan ng marka at pasa sa aking balat sa diin ng pagkakahawak niya. "Ano ba, Kevin! Nasasaktan ako!" impit kong tili habang pilit tinatanggal ang kaniyang kamay. Pero kahit ano'ng pilit ko ay nanatili ang pagkakahawak niya sa akin. Mas malakas siya kompara sa akin. "Masasaktan ka talaga sa panloloko mo sa akin, Camilla!" sigaw niya sa aking mukha. "Ano ba'ng problema mo? You're acting strange." Pilit kong binabawi ang kamay kong madiin niyang hawak. Naluluha na ako dahil sa sakit. Ano ba'ng problema niya? Hindi ko siya maintindihan. "Sino ka para isiksik ang sarili sa buhay namin ni Rehan, huh?!" sigaw niya. Naestatwa ako sa sinabi niya. Kita ko ang galit sa kaniyang mga mata at pagngangalit ng kaniyang mga ngipin. Namumula din ang kaniyang leeg at tenga, nagpapahiwatig ng matindi niyang galit. Alam na niya. Paano niya nalaman? Sino ang nagsabi sa kaniya? "You're just the woman I paid and f****d, Camilla. Wala kang karapatan kay Rehan. Anak ko lang siya! Hindi mo siya anak! In case you forgot. We made an agreement. I can sue you for breaching the contract! " banta niya. He can really do that? Of course she can do that, sagot ng isip ko. Unti-unting tumulo ang masaganang luha sa magkabilang pisngi ko. Hindi ako agad nakapagsalita. Nasaktan ako sa salitang binitawan niya. Nanginig din ako sa takot dahil sa galit na nakikita ko sa kaniyang mga mata. Natatakot din ako na baka mawala na ako sa buhay nila at nang anak namin. May gumuhit na kirot sa aking dibdib. Pabalang niya din akong binitawan kaya napaupo ako sa sahig. "Hear me, please!" pakiusap ko sa kaniya sa gitna ng aking mga hikbi. "Leave!" utos niya habang ang kamay ay nakaturo sa maindoor ng mansiyon. "Wala kang puwang sa buhay namin ni Third. I hate you, Camilla. I hate you for lying to me." Puno ng pait ang kaniyang tinig. Pagkamuhi at suklam ang nakikita ko sa kaniyang mga mata. Tinalikuran niya ako at nagsimula nang humakbang paakyat ng hagdanan. "Kevin, pakinggan mo ako, please!" pakiusap ko pero ni hindi man lang niya ako nilingon. Nilapitan ako ng mga bodyguard at agad hinarangan ng magtangka akong sundan si Kevin. Tinignan ko sila ng may pagsusumamo pero tanging iling lang ang sagot nila sa akin. Tumutulo ang aking luha habang palabas ako ng mansiyon. Pakiramdam ko ay pinagsakluban ako ng langit at lupa sa mga sandaling ito. Mabuti at hindi pa dumadating si Rehan. Ayaw kong makita niya kami ng daddy niya na nag-aaway. Ayaw kong magalit siya sa akin o sa daddy niya. "Rehan, anak. Mahal na mahal ka ni mommy," bulong ko. "Remember what I told you?" Nag-angat ako ng tingin nang marinig ko ang boses ni Krisha. Nakangiti siya at pailing-iling habang nakatingin sa akin. "Hindi ka nababagay kay Kevin, Camilla. Isa kang bayaran. Walang class. Ako lang ang nababagay sa kaniya!" Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Tama naman siya. Isa lang akong bayaran. "Huwag kang mag-alala. Aalagaan at ituturing kong parang tunay na anak si Rehan. Titiyakin kong makakalimutan ka niya." Nagpakawala siya ng malademonyong tawa. Pagkatapos ay mapang-uyam akong tinignan bago niya ako tinalikuran. Bumuntong hininga ako at pinasadahan ng tingin ang mansyon na nasa harapan ko. Mukhang dito na matatapos ang lahat. Kahit masakit, nagpapasalamat pa din ako dahil nabigyan ako ng pagkakataon na makilala si Rehan. Masaya ako na nakasama siya. Naranasan kong maging isang ina. Masaya din dahil naramdaman ko ang pagmamahal ni Kevin. Huminga ako nang malalim at mabigat kong ihinakbang ang aking mga paa palayo sa mansyon. Palayo sa aking mag-ama. Agad kong pinara ang taxi na dumaan pagkalabas ko ng gate. Habang nasa biyahe ay panay pa din ang pagbuhos ng aking mga luha. Pati ang sipon ay tumulo na din sa labis na pag-iyak ko. Sobrang sakit palang mabigo sa pag-ibig. Huminga ako ng malalim at pinalis ang aking mga luha gamit ang aking palad. Pagkatapos ay dinukot ko ang pregnancy kit na may dalawang pulang guhit sa bulsa ng suot kong blouse. Ipapakita ko ito dapat kanina kay Kevin pero ganito naman na ang nangyari. Bumuntong hininga ako at pinunasan ang panibagong luha na namalisbis sa aking mga pisngi. Mas mabuti na din na hindi ko nasabi kay Kevin. Baka kunin lang niya ulit sa akin ang anak ko. Hinaplos ko ang impis kong tiyan at pinilit na ngumiti. Magiging masaya tayo, kahit tayo lang dalawa. Bubusugin kita ng pagmamahal, anak.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Sexytary |SPG|

read
535.2K
bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
697.2K
bc

His Precious Property

read
612.8K
bc

Spending the Night with a Bachelor

read
1.8M
bc

Loving The Billionaire |SPG

read
248.3K
bc

Unloved by the billionaire

read
396.3K
bc

Married At Eighteen ( R18+ )

read
759.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook