bc

EVANDER (The Wild Heart Tamer)

book_age12+
35
FOLLOW
1K
READ
fated
independent
dare to love and hate
boss
bxg
lighthearted
female lead
city
enimies to lovers
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Evander was the Front Office Head at lahat ng reklamo ng mga female guest nila ay agad nase-settle dahil sa kanya. He uses his charm to tame every woman pero hindi 'yong tipo na tine-take advantage niya ang kahinaan ng mga ito.

But not this time with Ira Celine Hizon. Mukhang mahihirapan siya sa isang ito. Nagrereklamo kasi ito about her room accomodation.

Fully booked pa naman ang hotel nila. At no choice siya.

Napilitan tuloy na ibigay ni Evander ang tinutuluyang suite para pagbigyan ang demand nito kahit pa nga labag sa kalooban niya.

Kaya na kaya niyang paamuhin ito gayong nasa kanlungan na niya ito?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 IRA CELINE ONTARIO, CANADA Nagso-scroll ako sa news feed ng f******k account ko sa phone ng biglang may nagpop-up sa screen. Nakita ko agad ang picture ng mukha ng isang babae. At kilalang-kilala ko iyon. Si Charina! Ang college best friend ko. Natuwa ako ng makita ang mukha niya. Medyo kinabahan din ako ng slight dahil sa biglaang pag-chat nito. Hindi ko alam kung anong dahilan nito. Pero sana mangangamusta lang ito. Uso pa naman ngayon ang nangangamusta sabay hirit na mangungutang pala. Pero alam ko namang hindi naman ganung tipo si Charina. Pagkakaalam ko pa ay may kaya ang pamilya nito sa probinsya. Kaya naambunan din ako noon pag pinapadalhan ito ng mga magulang nito ng kung mga anu-ano. Matagal-tagal din ang pinagsamahan naming dalawa nung nag-aaral pa kami sa kolehiyo at nang magsama kami sa isang kwarto ng boarding house na inuupahan namin noon. Naging malapit kami sa isa't-isa. Magkaramay sa mga hirap at problema. Kaya hindi lang bestfriend ang turing ko sa kanya kundi parang kapatid ko na rin. Medyo matagal na kaming walang komunikasyon sa isa't-isa simula ng mag-migrate kami ng buong pamilya ko dito sa Canada at bihirang-bihira na lang kami nakakapag-usap. Naiintindihan ko naman iyon. Baka busy din kasi ito. Though updated naman ako sa mga ganap sa buhay nito dahil sa mga post nito sa social media na nakikita ko. Hindi nga lang ako masyadong nagre-react sapagkat medyo busy din ako sa pagiging volunter ko sa isang NGO o Non-Government Organization na nagsusulong ng mga Filipino rights. At natutuwa akong makita itong masaya at nag-e-enjoy sa buhay. Huminga muna ako malalim saka pinindot ang chat nito. Agad kong nabasa iyon. Kamusta? 'Yun ang nakalagay sa chat nito. Napangiwi ako. Napilitan akong magreply dito. Magta-type na sana ako ng bigla naman itong nag-video call. Hindi ko na natuloy ang balak kong pagsagot sana. Sa halip ay sinagot ko iyon. Bahala na talaga. "Uy, Bessy! Kamusta ka na?" bungad agad ni Charina sa akin ng makita namin ang isa't-isa sa screen. Halatang masaya ito at mukhang blooming sa itsura nito. Hindi ko alam kung dahil sa nagkita kaming muli o baka may iba pang dahilan. At infairness naman talaga mas gumanda pa ito. "Uy, Bes!" wika ko. "Eto, ayos lang. Ikaw ang kamusta? Antagal mong walang chat, ah." "Oo, nga, eh. Pasensya ka na. Medyo busy lang talaga sa work," ani Charina. "Okay lang," saad ko. "Naiintindihan ko naman. Pasensya ka na din, hindi na rin ako nakakapag-chikahan sa'yo," sabi ko pa rito. "Ano ka ba! I know naman na busy ka din diyan. May kanya-kanya na tayong priority. Basta 'wag lang tayong magkakalimutan, ha?" saad ni Charina. "Oo, naman," sang-ayon ko. "Ikaw pa ba? Eh, bff kita, eh. Oo, nga pala ba't napa-video call ka ng ganitong oras?" pag-iiba ko. Hating gabi na kasi dito sa Canada at nagpapa-antok lang ako kaya napa-open ako ng f******k ko. Baka kako may masagap akong mga latest chika mula sa Pinas. Napansin ko agad na abot-tenga ang ngiti ni Charina. Bigla akong na-curious. Bukod sa biglaang napatawag ito ay mukhang may iba pang dahilan pa ito. Mukha namang hindi rin ito mangungutang ng gaya ng naisip ko kanina. "Bessy!" aniya na halatang excited at dahan-dahan inangat ang kaliwang kamay. Natuon ang tingin ko doon at tinignan ang kamay nitong nasa screen. Inilapit pa niya iyon para makita ko ang sing-sing na nasa daliri nito. "Wow! Suot mo pa din ang friendship ring natin?" sabi ko kay Charina. Meron kasi kaming friendship ring noon at palagi namin iyong sinusuot bilang tanda ng pagkakaibigan naming dalawa. Nakita kong mabilis na inilayo ni Charina ang kamay nito sabay tingin sa singsing na suot. "Sira! Hindi 'to ang friendship ring natin dati," ani Charina na halatang na-disappoint. Nawala na kasi ang ngiti nito sa mga labi. "Ay, hindi ba? Sorry!" hinging paumanhin ko. "Akala ko kasi suot mo pa rin, eh. Hindi ko na kasi maalala kung nasaan na 'yung akin," sabi ko sa kanya. Hindi ko kasi alam kung mahina lang ba ang internet connection kaya medyo nagla-log ang usapan namin at medyo naging blurred si Charina sa screen o 'di kaya inaantok na ako kaya pagkakita ko sa singsing nito ay naisip ko agad ang friendship ring namin dati. Hindi ko na kasi chineck pa iyon ng maayos. Nag-assume na lamang ako kahit hindi rin ako sigurado. "Tignan mo kasing mabuti," aniya at muling inilapit ang kamay. Nanlaki na lamang ang mata ko ng ma-realize ko ang ibig sabihin nito. Hindi lang pala simpleng sing-sing ang nasa kamay nito kundi isang mamahaling diamond ring iyon na may kumikinang-kinang pang bato. Hindi ko na namalayan na napanganga ako dahil dun. "So, you mean?" tanong ko na hindi makapaniwala. "Yes, Bessy!" sagot ni Charina na muling na-excite. Bumakas muli ang ngiti sa mga labi nito. "Wow, Bessy! Congrats! Hindi ko alam na endorser at model ka na pala ngayon ng mga sing-sing. Magkano bayad sa'yo? Beke naman," biro ko pa dito. Nakita kong tuluyang sumimangot si Charina. Nawala na naman ang mga ngiti maging ang excitement nito. "Ewan ko sa'yo, Bessy! Niloloko mo naman ako, eh." ani Charina na may himig ng pagtatampo. "Bakit ba?" pagtataka ko rito. Imbes na sumagot ay tumahimik ito at hindi na umimik pa. Halata talaga na nawala na ito sa mood dahil sa akin. "Uy, Bessy! 'Wag ka nang magalit diyan. Hoy! Sorry na! Niloloko lang kita," suyo ko sa kanya. "Nakakainis ka naman, Bessy, eh!" ani Charina na nagpahid ng mga mata. Naluha na yata ito sa panloloko ko sa kanya. "Joke lang!" wika ko. "Alam ko naman kung anong ibig sabihin niyan." Napangiti pa ako. "I'm getting married, Bessy!" biglang saad ni Charina. At ang ngiti at excitement nito ay tuluyang napalitan ng tears of joy. Hanggang sa tuluyan na itong napaiyak. "Congrats, Bessy!" bati ko. "Ba't umiiyak ka?" tanong ko pa. Pati tuloy ako ay hindi ko na napigilan pang maging emosyonal. Namasa na ang mga mata ko dahil sa pag-iyak nito. Nagpahid muna ito ng mga luha bago muling nagsalita. "Masaya lang ako, Bes! Antagal kong pinangarap ko ito. And this is it!" "I know. And I'm so happy for you, Bes! Finally, nakita mo na ang Mr. Right mo," masaya kong saad dito. Pero deep inside ay nakadama ako ng slight na inggit sapagkat nahanap na nito ang soul mate nito samantalang ako ay hanggang ngayon nganga pa din. Wala pa ding boyfriend. At lalong walang nagkaka-interes. Malapit ko na ngang patulan ang mga dating apps kaso tamad din akong magkulikot niyon. Wala din akong time na magbabad sa mga apps. "Thank you, Bessy," ani Charina. "Ano ba 'yan, Bes! Nag-iyakan pa tayo," saad ko sabay pahid ng mata ko. "Oo, nga, eh. Kasalanan mo 'to. Pinaiyak mo pa ako." Napangiti na lamang ako. "Oo, nga pala whose the lucky guy?" curious kong tanong. Hindi ko alam kung sino ang boyfriend nito at ang lalaking nagpa-oo sa kanya. "Si Randolf!" sagot nito. "Randolf?" ulit ko. "Yes! Si Randolf. Siya 'yung dating engineering student. 'Yung sinasabi ko sa'yong crush ko," paliwanag pa ni Charina. Napa-isip ako bigla at inalala kung sino nga ba si Randolf. Hindi ko na kasi matandaan at ayaw pang gumana ng utak ko. Nung college kasi kami ay madaming naging crush si Charina. At hindi yata ito nawawalan. Bawat course yata sa university namin ay may natitipuhan itong lalaki. Bilib na bilib pa nga ako sa kanya dati sapagkat napaka-vocal nito at hindi ito nahihiyang mag-express ng pagka-crush sa mga ito. Tuloy ay may ilang nag-crush back sa kanya at naging boyfriend pa niya pero mayroon ding ilan na deadma ang beauty niya. Kaya ayun hagulgol ang loka. At sa dami ng naging adventures nito sa mga lalaking naka-date, naka-MU at naging jowa nito ay lahat ay naging kasabwat at kasama pa niya ako. Side kick kumbaga. Kaya kung mas may nakakakilala man kay Charina pagdating sa pakikitungo nito sa mga lalaki ay malamang ako na iyon. Bukod kasi sa maganda talaga ito noon na mas gumanda pa ngayon ay nag-uumapaw din ang confidence nito. At iyon ang kinulang ako. Pero hindi ko naman sinasabing pangit ako at wala akong confidence sadya lang talaga na maarte at choosy ako pagdating sa mga tipo kong lalaki na gusto kong maging jowa. Kaya rin siguro hanggang ngayon ay single pa din ako. Sad life! Ganun talaga siguro. Ayoko din naman kasing magmadali. Hindi pa naman ako ganun katanda. Willing pa naman akong maghintay hanggang sa dumating ang lalaking maglalagay ng icing sa ibabaw ng cupcake ko ika nga ni Kim Chiu sa kanta nito. For now ine-enjoy ko pa naman ang pagiging single. Masaya pa naman ako kahit walang love life. At sa ngayon ay ayoko na munang isipin iyon. "Tanda mo na ba, Bes?" muling tanong ni Charina sa akin. "Hindi, Bes, eh," sabi ko. Wala talagang pumapasok na imahe sa utak ko ng Randolf na soon to be husband nito. "Memory gap, Bes? Memory loss? Amnesia?" reaksiyon ni Charina. "Sorry talaga, Bes. Hindi ko talaga matandaan. Baka may picture ka na lang diyan patingin na lang ako. 'Wag mo na akong pahirapang mag-isip," sabi ko. "Okay, fine! Ambata mo pa pero makakalimutan ka na," aniya at nagkalkal ng picture sa phone nito. "Jusko naman, Bes! Sa dami naman ng naging crush mo, eh hindi ko na matandaan lahat. Lahat na lang yata ng cute sa paningin mo ay crush mo na. Wala kang patawad." "Hoy! Grabe ka! Hindi naman. Marunong lang talaga akong mag-appreciate at mangilatis ng mga may itsura," depensa ni Charina. "'Di sana nag-star agent ka nalang. 'Yung bang nagdi-discover ng mga pwedeng maging artista." . "Oo, nga noh. Pero late na, Bes, eh. Nakita ko na ang star ko. At 'yun ay walang iba kundi si Randolf," aniya na kinikilig-kilig pa. In love na in love na talaga ang lukaret. At kitang-kita iyon sa kinang ng mga mata nito habang nakatingin sa picture ng jowa nito. Napapangiti pa ito dahil dun. Pero kung sabagay ba't nga nito tinanggap ang alok ng lalaki kung hindi niya mahal ito. Patunay lang talaga na ready na ang bessy kong lumagay sa tahimik kasama ang love of my life nito. "Sana all!" nasaad ko na lamang. "Ito na!" ani Charina at pinakita ang picture ng lalaki na nasa phone nito. Parang may bombilyang umilaw sa taas ng ulo ng makita ang itsura ng Randolf na tinutukoy nito. Naalala ko na ito. Natatandaan ko na. Ito 'yung sinasabing crush ni Charina dati na dumedma sa beauty niya na iniyakan talaga niya ng bongga. Ang pogi din naman kasi nito at madami pa ang nagkakagusto. Kaya ganun na lamang ang inarte ng bessy ko. At saksi talaga ako dun. Halos mabaliw-baliw ito dahil dun. Ilang araw din siyang hindi pumasok sa klase nito dahil sa na-ichapwera siya. "Ah, okay!" reaksyon ko. "Ang pogi 'di ba?" aniya na 'di maitago ang kilig. "Ginayuma mo noh?" "G*ga! Wala ka bang tiwala sa beauty ng bessy mo?" At umasta pang modelo sa harap ko. "Maka-g*ga wagas?" "Sorry naman. Pinagdududahan mo pa yata ang alindog ko, eh. Ganun talaga. Pag may gusto madaming paraan," ani Charina. "So, Inakit mo nga?" "Hindi, ah. Siya mismo ang lumapit at nakipag-communicate sa akin. At eto pa, nag-sorry pa siya sa pande-deadma niya dati sa akin. Na-realize niya daw na maganda daw talaga ko." "Wow! Eh, 'di ikaw na ang maganda." "Talaga. Inggit ka noh? Galaw-galaw din, Bessy. You're not getting younger. Sayang naman ang matres mo." "Boyfriend nga wala ako ang matres ko pa kaya?" saad ko. "Kaya nga! 2021 na, Bessy. Ano na? Ikaw na ang gumawa ng way. 'Wag ka nang maghintay kay Prince Charming na magliligtas sa'yo o 'di kaya kay Mr. Right na manghaharana sa bintana niyo." "Alam ko, Bessy. Darating din ako diyan. Pero hindi pa ngayon. Kaya 'wag kang atat," sabi ko dito sabay ismid. "Bahala ka, Bessy. Basta pinaalalahanan lang kita, okay? Kaya 'wag ka nang bitter diyan." "Bitter? Sino? Ako bitter? Bessy, naman. Hindi ako bitter. At sa totoo lang masaya ako para sa'yo." "Alam ko at gusto ko lang na maging masaya ka din. Kaya hindi ka pwedeng wala sa wedding ko dahil isa ka sa brides maid ko. Kung hindi magtatampo talaga ako sa'yo at magkalimutan na tayo," banta pa ni Charina. "Ano 'to? May takutan? Banta?" reaksyon ko. "Oo! Para wala kang choice kundi ang umuwi dito ng Pilipinas." "Sige, pag-iisipan ko," nasabi ko. "Wala nang isip-isip pa. Basta hihintayin kita sa wedding ko. Hindi pwedeng wala ka. Seryoso talaga ako. Kalimutan mo na ako pag 'di ka dumating." Umikot ang mga mata ko. Napilitan. "Oo, na! Kailan ba 'yang kasal mo?" napilitan kong tanong. "Two months from now. May time ka pang mag-ipon ng pamasahe. Basta I will update you about sa details. See you!" saad ni Charina. "Leche ka!" "Love you, Bessy!" anito at saka tuluyang pinutol ang video call na ikinagulat ko. "Bastos!" nasabi ko na lang sa ginawa nito. Bwesit talaga 'tong lukaret kong bessy. Kung hindi ko lang talaga ito tinuturing na kaibigan at parang kapatid ay ewan ko nalang. Mapapauwi tuloy ako ng Pinas ng wala sa oras.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
63.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
152.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
74.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.0M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
65.0K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
15.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
9.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook