bc

Emily Tayler Anderson

book_age16+
273
FOLLOW
1.8K
READ
possessive
forced
pregnant
comedy
gxg
campus
rejected
school
gorgeous
wild
like
intro-logo
Blurb

Emily Tayler Anderson is head over heels with Aviel but Aviel is married. But when she meet Saddie or Sweet, she caught her attention. And now Saddie is her new obsession.

Is Saddie can escape from Emily?

*NOTE*

May mga iniba ako sa story pero ganun parin flow nito.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Saddie "Hindi ko alam kung matutuwa o maawa sa kaibigan natin, halos mga baliw ang nagkakagusto sa kaniya" Naiiling na sabi ko. Kasama ko ang dalawa dahil yung isa hindi namin alam kung nasan na. Palagi naman nawawala 'yun kaya nasasanay na kami simula ng magkakilala sila ni Miss Olivia. "Pero kahapon nakita ko si Emily umiiyak sa may garden" Binasted siguro ni Harley. "Bakit ba kasi ayaw ni Harley kay Emily? Hindi na nga siya luge don eh. Bukod sa maganda eh mayaman pa at talagang may ipagmamalake" Ani ni Ke. Binato ko siya ng chips sa mukha, manyak masyado. "Malay mo mas gusto ni Harley si Miss Olivia diba?" Sabat ni Cass. Tumango-tango ako dito, may point siya may mas ipagmamalake si Miss kaysa kay Emily. Pfft. "Change topic na nga, hayaan na natin si Harley sa lovelife niya" Hindi na namin natuloy ang pagke-kwentuhan dahil tumunog na ang bell, wala kaming prof ngayon dahil bagong panganak. Bukas pa darating yung papalit sa kanya pansamantala. Umalis na ang dalawa at ako na lang mag-isa. Makauwi na lang kaya, isa lang kasi klase ko ngayon tapos wala pang prof. Tumayo na ako at pupunta na sana sa cr ng makita ako ni ma'am Rose, agad na akong lumiko dahil alam kong uutusan ako nito. Napunta pa ako sa garden para lang makaiwas. Mahilig mag-utos ang guro na 'yon yung tipong isang libro dala niya tapos ipabitbit pa sayo. Mag-aaral ako dito hindi utusan. Umupo ako sa mga upuan dito, maganda nga talaga dito. Hindi maingay dito at pwedeng-pwede maglandian dito, pfft. Payapa akong nakaupo dito ng may naririnig akong humihikbi sa tabing upuan ko, may nakaharang puno sa gitna namin kaya hindi ko makita kung sino. Pero sure akong babae 'yon. Sinilip ko ito ng konti at nakita kong si Emily ito. Ka-drama naman nito. Napangiti ako sa naisip ko tignan natin kung iiyak pa ito. Tahimik akong umakyat sa puno hindi niya ako mapapansin dahil nasa bandang dulo siya ng upuan. Kinuha ko ang candy ko sa bulsa, hindi naman siya masasaktan dito dahil maliit lang 'to. Oa na lang masaktan. Tinignan ko muna kung makikita ako sa pwesto at ng maayos binato ko ito sa ulo. Hindi ito umimik kaya inulit ko ng maraming beses. Napatigil lang ako ng humawak ito sa buhok niya at lumingon sa paligid. Napatawa ako ng mahina dahil parang natakot siya. "Psst" Paswit ko dito at tinakpan ang bibig dahil muntik na akong matawa ng napatayo ito at tarantang lumilingon. "W-who the hell a-are you?!" Pasigaw nitong tanong pero bakas dito ang takot. Tumalikod ito sa gawi ko at aalis na sana ng magsalita ako. "Do you wanna play with me? Hihihi" Ginaya ko pa ang boses ni pennywise para mas nakakatakot at tingin ko umepekto dahil napatigil ito. Nakaka-enjoy pala 'to. "Let's play Emily" Dagdag ko. Napatawa ako ng malakas dahil tumakbo na 'to. Cute pfft. Nangangati na ako kaua bumaba na ako. Buti na lang walang higad at ayokong maligo ng suka. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagdesisyon ng umalis kaso napatigil ako ng may nagsalita sa likod ko. Akala ko tumakbo 'to? Ba't bumalik? "So it's you" Nakangiting humarap ako dito. Naka-crossed arm ito at masungit na nakatingin sakin. Luh attitude 'yan parang kanina lang parang kuting na takot. "Huh? Ano bang pinagsasabi mo?" Inosente kong tanong. "You know what i'm talking about! It's you the one who scaring me" "Makapag-bintang ka ha, may ebidensiya ka?" Depensa ko. Namumula na ang mukha nito dahil sa inis. "Yes and i saw you going out of the tree" "Hindi ako 'yun miss okay, at isa pa hindi lang po tayo ang tao dito" Gagalitin ko lang 'to sandali tapos kapag galit na takbo agad. "You! Liar! I saw you nga kase!" Inis nitong sabi habang pinapadyak ang paa. Parang bata. Okay hihinto na ako dahil naluluha na ito. "Okay ako nga, ano naman ngayon?" Hindi ito sumagot at tinignan lang ako ng masama at hahampasin na sana ako ng tumakbo agad ako habang tumatawa. Naririnig ko pa ang sigaw nito habang humahabol sakin. Dumiretso na ako palabas ng gate at saktong isa na lang ang kulang sa jeep kaya sumakay na ako. Nagtago pa ako sa mga katabi ko bang lumingon ito sa gawi ko. Nakakatawa talaga pag-tripan ng mga broken-hearted. Sa 7/11 ako bumaba dahil nagutom ako sa pagtakbo. Ano ba mas masarap? Siopao or hotdog? Wag na nga parehong mahal eh. Bumili na lang ako ng noodles at maiinom na halo-halo; coke, pepsi, royal, ice, at pepsi na blue. Binawasan ko muna at nilagyan ulit bago magbayad sa cashier. Mindset ba mindset ;) Humihigop ako ng sabaw ng tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at binuksan. Message pala galing kay Ke. Keki: Gago ka! Inano mo si Emily? Hahahha puta hinahanap ka. Lagot ka! Me: Gago ka din! Hindi 'yan inano! Manahimik ka. Keki: Wag ka muna pumasok bukas, pinahahanap ka sa f******k. Tignan mo. Mamaya ko na lang titignan at nagugutom ako. Inubos ko na ang noodles at naglakad pauwi habang iniinom ang halo drinks. Kinuha ko ang phone at hinanap ang sinasabi ni Ke. Sinearch ko pa ang pangalan ni Emily at may nakita akong isang post don. 'Whoever recognizes this woman, there is a reward to be had' at may picture ko pa tingin ko ito yung picture na pinasa ko assessment form ko. Cute ko naman dito. Dahil good mood ako nag-comment ako. Sawi Teñido: Ako!! Kilala ko 'yan. Emily Anderson: You b***h!! Napatawa ako ng malakas sa reply nito. Sawi Teñido: Kunin ko na lang reward ko bukas. Thank you. Nag-angry emoji lang ito sa reply ko. Luh grabe siya, ako na nga nag-adjust tas siya pa 'tong galit. Sayang din yung reward baka mapagawa ko pa phone ko. May c***k kase yung screen pero gumagana pa naman. "Nay, nandito na po ako! Ano ulam?" Sigaw ko pagpasok ko sa bahay namin. Walang sumagot sa loob kaya pumunta ako sa likod ng bahay, meron kami ditong taniman ng mga gulay. Mahilig kaseng magtanim sila nanay kaya imbes na palakihin ang bahay pinagawan na lang nila ng taniman which is good naman. Hindi na namin kailangan pumunta ng palengke para bumili ng gulay. Naabutan ko si nanay na inaayos ang mga tanim. Agad na nagningning ang mata ko ng makita kong marami ng bunga ang talong at okra. Nilapitan ko si nanay at nagmano. "Meron dyang buro anak, naubos ng tatay at mga kuya mo ang gulay. Kumuha ka na lang dyan kung ano ang gusto mo" Inabot sakin nito ang gunting at agad kong kinuha ang talong at okra, kumuha rin ako ng kangkong. Hinugasan ko muna lahat at naglagay ng tubig sa kaserola tsaka nilagay ang okra. Sunod naman hiniwa ko ang talong sa gitna at pinirito pati ang kangkong. Sanay na kaming magkakapatid sa gulay dahil bata pa lang ito na ang pinapakain samin ng magulang namin. Wala kaming reklamo dito dahil masustansya naman lahat kaya nga umabot ng 102 years old si lola Reti, kaso nahihirapan na siyang maglakad kaya naka-wheel chair siya ngayon. Nakatanggap kasi siya ng 100,000 pesos sa gobyerno dahil nga sa nakaabot siya ng 100 years old. Magana akong kumain habang nagse-selpon. May chat pala ang mga kaibigan ko. Keki: Tapang ng lola mo hahahaha, nag-comment pa talaga. Gago. Harley may talong: Papasok ka bukas? Baka awayin ka non. Buti pa 'tong si Harley maayos kausap, sanaol concerned. Maye: Hayaan mo 'yan Harley. Matanda na 'yan. Me: Sayang yung reward kaya sumuko na ako. Pera 'yon sure ako. Cass: Gago talaga! Maei: Basta tuloy tayo next month sa Palawan. Harley sama ka? Aki: Hindi ako makakasama sorry. May pupuntahan kami ni Miss Olivia. Keki: Masarap ba pupuntahan niyo Harley? Gagong Ke. Tignan natin ang isasagot ng isa. Aki: May masarap bang lugar? Sabihin mo para masabi ko kay Miss Olivia. Napatawa ako ng malakas sa sagot ng isa. Sabi na eh ang talino sa chemistry kaso may pagka-loading din minsan. Keki: Wala, kalimutan mo na lang. Magcha-chat pa sana ako ng may sumingit. Si Emily pala. Emily: You want your reward? Luh! Parang hindi galit ha, parang kanina lang sasabog na siya sa galit. Me: Oo naman. Gcash mo na lang mhiee. Emily: No. Come here at my pad. Sosyal may pa-pad pa. Tinignan ko ang oras at pagabi na pala tsaka alam kong malayo bahay nito tapos sa pad pa. Me: Ayoko nga! Ano ka chix Emily: Take it or leave it? Me: Bukas na lang pwede ba, excited much? Emily: No, i want now! Me: Bukad na lang kase Emily: Now Me: Kulet mo naman, wag na nga. Hindi kona kukunin reward ko. Emily: What?! Okay tomorrow. Kita mo 'to papayag din pala ang dami pang sinabe. Nakakatamad kayang gumala kapag nasa bahay na. Tipong stress sa school tas pag-uwi mo kakain at hihiga ka na lang ganun ang gusto ko. Hindi ako mahilig gumala mababawasan pa ipon ko, sayang lang ang pagti-tiis ko ng gutom kung gagastos lang ako sa wala. Hindi ko na ito nireplyan at niligpit ko na lang ang pinagkainan tsaka hinugasan. Naglinis ako ng katawan at nagsuot ng pantulog, mamaya pa pala uwi nila tatay. Sabay palaging umuuwi sila tatay at kuya's ko, dahil isa lang ang sasakyan na ginagamit nila. Sila kuya ang madalas nag-aantay kay tatay na matapos sa trabaho niya. Ayaw naman mag-commute nila kuya dahil male-late lang daw sila. Malayo rin ang palengke dito samin at doon lang ang sakayang jeep, kaya swerte ko kanina ng may humintong jeep sa school. May school service naman ang school namin kaso ang mahal ng babayaran. Tsaka medyo malapit lang bahay namin sa school pwede ng lakarin pero pag tinatamad akong maglakad nag-aabang ako ng jeep at kung wala nanghihiram ako ng bike sa school. Nanood na lang ako muna ako ng tv. Walang magandang palabas kaya nauwi ako sa balita. Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang dumating sila tatay. Nagmano ako dito at binatukan ang dalawa kong kuya. Napangiwi naman sila sa ginawa ko at nagtago sa likod ni tatay. "Bakit bunso nambabatok?" Tanong ni kuya Addy. "Kayong dalawa, inubos niyo shampoo ko. Diba sabi ko senyo sakin lang 'yon dahil pambabae 'yon!" Sermon dito. Napakamot silang dalawa sa ulo at tumayo sa harap ko. "Sorry na bunso, hindi kami nakabili ng shampoo kasi nagmamadali kami" Sabi ni kuya Olie. "Ibibili ka na lang namin mamaya, promise" "Sige na nga" Ngumiti ang dalawa at hinalikan ako sa noo. Pumunta na sila kwarto nila habang si tatay pinuntahan si nanay sa likod. Hindi naman talaga makulit ang dalawa kong kuya. Nagmana sila kay tatay na mahinahon lang at ang pagiging mabait kay nanay. Naalala ko ang sinabe non ni tita Sha sakin kung kanino daw ba ako nagmana. Mahinahon at medyo madaldal si tatay at si nanay naman mabait at tahimik lang. Siguro sa kay tita Sha. Sinabe ko sa kanya 'yon na sinang-ayunan niya. Silang dalawa kase ni nanay ang nag-alaga sakin pero madalas na kay tita ako. May trabaho non sila nanay kaya palaging kay tita Sha ako naiiwan. Madaldal, makulit at warfreak si tita na medyo namana ko ang pagka-warfreak niya. Magkapatid sila ni nanay at siya ang sakit sa ulo nila lolo. Palagi kasing napapaaway si tita dahil inaaway ang nanliligaw kay nanay non. Sabihin na nating may pagka-brusko si tita Sha. Mababait sila lolo at lola na hindi namana ni tita, siguro may naligaw na sperm kay lolo na makulit kaya 'yon ang nakuha ni tita. May asawa siyang babae at anak pa ni mayor 'yon, swerte ni tita. Natatawa ako nung kinuwento sakin ni tita ang first meet nilang dalawa. Magkakilala sila bata pa lang at palagi niyang inaaway si tita Eula dahil bungi ito sa harap ng ngipin, yung malaking ngipin sa ibabaw. Madalas niyang mapaiyak ang asawa nong bata na hindi man lang inaawat ng magulang dahil nakakatuwa daw. Sabi kasi ni mayor maldita daw ang anak niya at wala pang nakakatalo dito o napapaiyak, kaya nong nakahanap ng kaharap ang anak nila hindi nila ito inaawat. Not in a bad way naman. Ang away bata ay nadala hanggang sa pagtanda. Mapang-asar kasi tita Sha. Pero nang hinalikan nito si tita Eula ayon don na nagsimula ang love stroy nila. Hindi naman masyadong masakit ang story nila dahil matapang si tita Sha, may isang lalaki kase na pinipilit si tita Eula na magpakasal sa kanya. Magjowa na sila tita Eula at tita Sha non. Hindi alam ng lalaki na masakit manlait si tita Sha. Kaya umuwi siya ng luhaan at depressed sa kanila. "Andenggg!!!" Speaking of tita nandito na siya. Binuksan ko ang pinto at unang bumunga sakin ang magandang mukha ni tita Eula na kalong ang bunso nilang anak na 4 years old. "Hi tita Eula" Masaya kong bati. Kinuha ko si baby Evin. Cute talaga nito. "Hey Saddie" Bati rin nito at hinalikan ako sa pisngi. Nakakakilig naman hihihi. Pinapasok ko ito at umupo kami sa sofa. Hindi ko makita si tita Sha pero narinig ko kanina ang boses niya. "tita nasan asawa mo?" Tanong ko dito. "I think pinuntahan si ate Sandy" Kawawa naman ang nanay ko nito. Lalo't na ilang taon silang hindi nagkita. Pumunta kasi silang England dahil don nag-aaral ang dalawa pa nilang anak. "tita pasalubong ko?" Sabay lahad ng kamay dito. Napatawa naman siya at binigay ang chocolate na gusto ko. Mamaya ko na lang kakainin kaya nilagay ko muna sa ref syempre nilagyan ko ng pangalan ko. Baka kasi may kumuha mas mabuti ng secured na. Nagkwentuhan muna kami ni tita Eula bago namin narinig ang daing ni nanay at pangungulit ni tita. Pumasok silang dalawa sa bahay, si tita nakaakbay kay nanay na mukang naiirita na sa ingay ni tita. "Sige na ate pumayag ka na. Aampunin ko lang saglit si Saddie wala kasing kasama si Sharyn sa bahay" "Alam mo naman ayokong nalalayo sakin ang mga anak ko" "Ibabalik ko rin naman pag-uwi namin. Ayaw kasing umalis ni Sharyn sa bahay tsaka close naman sila ni Saddie" Pangungulit ulit ni tita. "Aalis kayo 'ta" Tanong ko dito. "Yes, we have a company problem in England. Sharyn doesn't want to go with us mas gusto niya sa bahay" Sagot ni tita Eula. "Nay pumayag na kayo, ayos lang sakin. Tsaka mas malapit bahay nila sa school" Sabat ko sa dalawang babaeng nagtatalo na. "Yehey! Pumayag na ate anak mo kaya tahimik ka na dyan" Lumapit agad si tita sakin at niyakap ako. "Sigurado ka anak?" Pag-aalalang tanong sakin ni nanay. Ayaw niya talaga kaming nawawala sa paningin niya ng matagal. "Opo nanay tsaka para may kasama si Sharyn sa kanila" Sagot ko dito. Nagbuntong-hininga lang ito bago tumango. Niyakap naman siya agad ni tita at pinaghahalikan ang mukha. "tita Sha?" Napalingon kami sa nagsalita. Sila kuya at tatay. "Kaya pala maingay, tita Sha tita Eula" Niyakap nila kuya sila tita at kinuha din si baby Evin. Babae si baby Evin, ewan ko ba kay tita Sha bakit ganon pangalan. "Kelan ba kayo aalis tita?" "Sa isang araw na kaya mag-impake kana dahil bukas susunduin ka na namin" "Sige 'ta" Sang-ayon ko. Excited na tuloy ako pumunta sa kanila, meron kasi silang gaming room at cinema room. Lahat ng movies na gusto kong panuorin nandon na mahirap kasing mag-download online nagkaka-virus selpon ko. "Aalis ka bunso?" Tanong ni kuya Addy. "Oo kuya, walang kasama si Sharyn sa kanila" Sagot ko. Hindi rin nagtagal ang kwentuhan namin dahil nag-aya na si tatay na kumain. May uwing manok sila tita, hindi kase mahilig si tita Sha sa gulay kaya bumili siyang manok. 'Yan palagi ang pinag-aawayan nila nanay dahil nong bata pa sila at gulay ang ulam nagagalit si tita o aalis na lang at kila mayor makikikain, diba tapang ng hiya kila mayor pa nakikain. Mabait naman si mayor kaya ayos lang tsaka bestfriend sila ni tatay. Minsan sa kanila kami nakikitulog non habang nag-aaway sila tita Eula at tita Sha kahit na sila na non. Sa kwarto kami ni tita Eula natutulog non pero madalas ako ang katabi niya dahil ang ingay nila kapag nagkatabi. Magigising ka na lang na may nagliliparang mga unan o remote at iba pa. Pero ngayon sadyang nasa mood si nanay makipag-bardagalan kay tita dahil nilagyan niya ng gulay ang plato nito. Sumimangot ang mukha ni tita at binalik ang gulay. Habang kami ay natutuwang nanonood lang. "Isa pa ate, ihahagis kita" Banta ni tita. "Kumain ka ng gulay kahit minsan" Sagot ni nanay. "Ayoko nga! Hindi masarap. Hindi ako kambing" "Tumigil ka Sharlot, kahit isang pirasong okra lang" "Iww ate. Ayokong kumain ng okra, last time na kumain ako niya nasuka ako" Pero nilagyan pa rin ni nanay ng isang talong si tita. Ibabalik sana ni tita ng pandilatan siya ng mata ng asawa. Kaya nakanguso siyang kumakain. Pinapanood siya ni baby Evin kaya pinapakita niya ditong kunwari nasasarapan siya sa pagkain ng gulay. Natatawa naman ang anak niya sa itsura ng ina. Hindi kasi namin malaman kung ngiwi ba o ngiti ang ginagawad ni tita sa anak. Nang matapos kumain ay nagkaroon pa rin ng pagtatalo kung sino ang maghuhugas. Si tita Sha ang naghugas na dahil asawa niya mismo ang nag-utos. Matapang nga si tita pero pagdating sa asawa tiklop siya agad at parang maamong aso na sinusunod ang lahat ng utos. Uuwi rin sila pagkatapos mamahinga. Iniwan nila ang mga pasalubong bago sila umalis ng bahay. Pumasok na ako ng kwarto at agad na nag-impake para ayos na lahat bukas. Konti lang ang dinala ko dahil may mga damit naman ako sa kanila dahil minsan natutulog ako sa kanila kapag wala sila nanay sa bahay at wala akng kasama. May nagtext sa selpon ko pero hindi ko ito tinignan dahil inaantok na ako. Dala na rin ng busog kaya dinalaw agad ako ng antok. Nagdasal muna ako at humiga na. Binuksan ko ang aircon at pinatay ang electric fan bago matulog na ng tuluyan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
127.1K
bc

NINONG II

read
619.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
68.2K
bc

NINONG III

read
363.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
91.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.9K
bc

DELA COSTA EMPIRE SERIES 1: DEBT

read
12.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook