bc

Play With Fire

book_age18+
5.5K
FOLLOW
34.4K
READ
billionaire
spy/agent
possessive
powerful
bxg
virgin
sex club
prostitute
passionate
seductive
like
intro-logo
Blurb

Sa Casa Temptasyon mapapadpad ang kapalaran ni Lena Marie bilang isang Royal Escort. Nagtagpo ang landas nila ni Jacob matapos siyang bilhin ng lalaki sa annual auction ng Casa. Ang mission na sagipin lang ang dalaga ay mauuwi rin pala sa malalim na pagtingin at pakikipag relasyon niya kay Lena. Dahil sa hindi inaasahang pangyayari ay susubukin sila ng tadhana ng muling bumalik si Lena sa Casa. Ang nagaalab na pagmamahal ni Jacob para sa dalaga ang tunay na sasagip kay Lena.

chap-preview
Free preview
SIMULA
Disclaimer: This is a work of fiction. Name, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to an actual person, living or dead, or actual events is purely coincidental. SIMULA: "Lena! Takbo! Bilis!" Kahit na namimilipit sa sakit ng tiyan si Lena ay hindi ito naging dahilan upang siya ay huminto. Hingal na hingal na sa sobrang pagod at unti unti ng nararamdaman ang panghihina ng katawan. "H-hindi ko na k-kaya…" Hingal na hingal nitong sambit habang naglalakad sa malawak na kagubatan. Dahil na rin sa malakas at patuloy na pag-ulan ay nagdulot na ito ng pagputik sa kanyang dinaraanan. "Hinto! Huminto kang puta kang babae ka! Hoy!" Napaigtad sa gulat si Lena ng makarinig ng magkakasunod na putok ng baril at umalingawngaw na sa buong kagubatan. Kahit kinakain na ng takot ang buong sistema niya ay patuloy parin ito sa pagtakbo habang sapo sapo ang tiyan. "Lena, huwag kang sumuko… m-malapit n-na..." aniya sa sarili Tila ba nagkaron ito ng lakas at pag-asa ng makita ang liwanang na nagmumula sa poste ng ilaw sa tabi ng kalsada. Labis ang kanyang tuwa ng nakatapak ang kanyang paa sa gilid ng kalsada. Palinga-linga ito sa paligid. Nanginginig sa takot na baka maabutan ito ni Madam V at ng mga tauhan nito. "T-tulong... t-tulong..." hinang hina niyang sambit. Ang duster nitong sira sira ay naging dahilan para lalo pa siyang lamigin. Niyakap niya ang sarili para mabawasan ang lamig na nararamdaman. Ngunit ganon pa man ay hindi parin niya maiwasan mangatal sa tuwing umiihip ang hangin. Nagsimula itong maglakad sa kahabaan ng kalsada habang palinga linga. Nagpapasalamat na hindi na ito nakakarinig ng boses na humahabol sa kanya. Siguro nga ay sumuko na ang mga ito. Patuloy itong naglalakad habang nagdarasal na hindi ito mahuli ng humahabol sa kanya ngunit unti unting nanghihina ang mga binti ni Lena at parang naupos na kandilang napaupo sa gilid ng kalsada. Pilit man nitong tumayo ay hindi na nito magawa. Unti-unti ng umaagos ang luha sa kanyang mga mata. Ang kaninang matapang na si Lena ay tuluyang ng nanghihina... napapagod na… Lalo pa itong kinabahan ng makarinig ng papalapit na sasakyan. Alam ni Lena na imposible na makaalis sa sindikatong napuntahan niya pero nagbakasakali parin siya na makalaya. Hindi niya na nais pang manatili duon. Huminto sa tapat nito ang sasakyan at sunod-sunod na mga yabag ang narining ni Lena habang ito ay nakayukyok lang sa isang tabi habang umiiyak. Hindi na maigalaw ang buong katawan sa sobrang pagod at sakit na nararamdaman, "Walang hiya kang babae ka! Pinahirapan mo pa kami! 'Diba sinabi ko sayong hindi mo kami matatakasan! Gusto mo talagang masaktan?!" Napapikit lalo si Lena ng hatakin ni Madam V ang buhok nito. Dalawang tauhan pa ang humawak sa magkabilang braso ni Lena para lang maitayo siya. "Hala! Ipasok na yang puta na yan sa sasakyan! Ibalik yan sa Casa!" Napapikit siya habang sunod sunod na umaagos ang luha sa kanyang mata. At simula noon ay tanggap na ni Lena… Hindi na siya makaalis pa duon at tuluyan na siyang magiging babae sa Casa. This is work of fiction. Name, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the authors imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual person, living or dead or actual events is purely coincidental.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

Tainted Hearts (R-18) (Erotic Island Series #4)

read
315.6K
bc

That Billionaire Is My Husband

read
439.5K
bc

The Runaway Mrs dela Merced

read
507.1K
bc

My Son's Father

read
583.0K
bc

Paid By The Billionaire (ZL Lounge Series 03)

read
236.8K
bc

His Obsession (Tagalog)

read
89.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook