bc

For the Sake of Love

book_age16+
1.0K
FOLLOW
3.9K
READ
tragedy
twisted
bxg
mystery
evil
supernatural
special ability
multiple personality
scientist
70 Days Themed-writing Challenge
like
intro-logo
Blurb

Hindi niya alam kung paano nagsimula at kung saan nagmula iyon, basta isang araw ay nagising na lang siya na napatunayan na niya sa kanyang sarili na may natatangi nga siyang kakayahan na hindi pangkaraniwan.

Nakakaya niyang malaman ang susunod na mangyayari sa isang tao na makakasalamuha niya, kapag nahawakan niya ito sa alinmang bahagi ng katawan nito.

Feeling proud siya nung una dahil nakakatulong siya sa iba lalo at mga malalapit sa kanya at mga mahal niya sa buhay. Pero ang napapansin niyang consequence ng ginagawa niyang pagtulong ay hindi nagiging maganda para sa kanya. Dahil siya ang nagsusuffer, siya ang nasasaktan. Sa kanya nangyayari ang dapat mangyayari sa iba kapag binalaan niya kung sino man iyon.

Kaya naghanap siya ng ibang paraan para makatulong pa rin na hindi na niya kailangan pang ipaalam ang pupwedeng mangyari sa mga ito.

Pero habang lumalaon ay nagiging masmasalimuot pa ang mga nakikita niyang hinaharap, na gigipit sa kanya dahil ang nakataya na ay ang buhay ng nag iisang lalaki na minahal niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Tulala siya habang naglalakad pauwe. Ayaw gumana ang utak niya at hindi pa rin normal ang t***k ng puso niya dahil sa katatapos lang na pangyayari kanina. Kani kanilang sa paglalakad niya pauwe sa kanila ay bigla na lang may umagaw ng hawak niyang phone. Nagchachat kasi siya kay Aireen na kaibigan niya at importante ang sinasabi nito, may ilan din itong tinatanong sa kanya, tungkol iyon sa inaaplyan niyang trabaho kaya kahit hindi naman niya ugali na gumamit ng phone sa kalsada ay nagawa niya. Tapos ay may bigla na lang humablot ng hawak niya, at mabilis ang ginawang pagtakbo na agad nawala sa kanyang paningin dahil lumiko na iyon sa kung saan. Shock ang buong katauhan niya sa pangyayari dahil hindi niya akalain na mangyayari ang ganoon sa kanya. Nagawa pa niyang luminga sa paligid para sana makahingi siya ng tulong pero nagkataon na walang tao na maaaring tumulong sa kanya. Nasa tapat pala siya mismo ng ginagawang building sa lugar na iyon at wala na ang mga manggagawa na nandoon sana. Alas siyete na rin kasi ng gabi. Walang wala sa isip niya na mayroon pa lang snatcher sa lugar nila dahil tatlong kanto na lang ay sa kanila na ang palikong kalye na iyon. Kaninang umaga ay tandang tanda pa niya na binati siya ng pinsan niya dahil nagkasabay sila sa kalsada, mukhang papasok na ito sa trabaho nito sa factory, tinapik siya nito sa likuran pero hindi agad siya lumingon dahil sa kakaibang eksena sa kanyang balintataw ang nakita niya. Nakita niyang may aagaw ng cellphone nito. Pero agad ding nawala kaya agad siyang lumingon dito para paalalahanan ito. "Pinsan ikaw pala. Papasok ka na?" Tumango pa ito sa kanya. "Mag iingat ka pinsan at baka masnatch yang yayamaning phone mo." Wika niya dito. Nakita niya na hawak nito ang iphoneS nito. "Ganon. Huwag ka magworry hindi nila ako kaya." Mayabang na sabi nito, ipinakita pa sa kanya ang kamao nito. Saka nagpaalam na. At ngayon ay nalaman niya na hindi pala ang pinsan niya ang makukuhanan ng phone kundi siya pala mismo, nagkamali pala siya ng pagkakaintindi sa nakita niya, siya pala ang nakita niyang babae sa balintataw niya ang akala niya ay ang pinsan niya. Gusto niyang mapamura sa sobrang inis at panghihinayang. Dalawang taon na sa kanya ang phone na iyon na talagang pinag ipunan pa niya galing sa mga naging previous job niya tapos ay basta na lamang hahablutin ng lalaki na iyon. Nandoon pa pati ang kontak niya sa bagong inaaplyan niyang trabaho na nakita niya sa mga post sa internet, pero paano pa siya makokontak tuloy eh nawala na ang phone niya. Hindi niya talaga nakilala ang lalaki sa bilis ng mga pangyayari, naisip niya na baka kanina pa siya inaabangan siguro niyon at sinusundan siya, tapos ay itinaon lang na mapatapat siya sa lugar na iyon na walang masyadong tao na makakakita at isinakatuparan na nito ang masamang balak, sa tingin niya ay isang adik iyon. Kaya imbis na deretso siya sa bahay ay sa baranggay siya nagpunta, baka lang kasi na may tao pa doon para maireport niya ang masamang pangyayaring iyon. Iniisip nga niya kung tagadoon kaya ang snatcher na iyon at pati siya na tagadoon ay tinalo pa talaga. "Yan ang sinasabi ko sa iyo Bella.! Ugali niyo kasi na mga kabataan na gumagamit ng phone habang naglalakad sa kalsada, natural takaw mata kayo sa mga masasamang tao.!" Galit na sabi ng kanyang ina. Hindi niya malaman kung sinisisi ba siya nito, pinapagalitan pa kasi siya nito eh siya na nga ang nawalan. Hindi rin siya nakapagreport sa barangay dahil sarado na pagdating niya doon kaya no choice siya kung hindi ang umuwe na lang at bukas na lang niya mairereport ang pangyayari. Siguro kung makikita niya ang snatcher na iyon ay titirisin niya ng pinong pino at sisipain ng sisipain sa sobrang galit niya dito. "Pero buti na lang din anak at hindi ka na sinaktan. Mapapalitan naman ang cellphone na iyon, makakabili ka pa niyan ng marami pero kapag may ginawa sa iyong masama ay napakahirap na sitwasyon iyon." Nakikinig lang siya sa pangaral ng ina dahil tama naman ang lahat ng mga sinasabi nito. Nasabi niya tuloy sa sarili niya na talagang madadala na siya sa pangyayari na iyon, kumbaga ay magtatanda na siya at never na niyang gagawin na gumamit pa ng cellphone habang naglalakad. Nandoon na siya sa kanyang kwarto at nakahiga pero mulat na mulat pa rin ang kanyang mga mata. Dati pag ganoong oras ay busy pa siya sa pagsscroll ng phone niya, nagbababad siya sa kakafacebook pero ngayon ay wala na ang phone niya, napunta nasa mabuting mga kamay. Sana ay ingatan na lang ng kung sino mang susunod na gagamit niyon, dahil tiyak niya na ibebenta rin iyon ng magnanakaw dahil sa kailangan syempre niyon ng pera. Parang kanina lang ay hawak pa niya iyon pero sa isang kisapmata ay nawalang parang bula. Hindi niya talaga akalain na sa kanya mangyayari ang kaninang umaga na nakita niya sa pangitain niya dahil malinaw na mukha iyon ng pinsan niya na nakasabay niya. Sinabihan pa niya ito na mag ingat, iyon pala ay dapat sa sarili niya iyon sinabi. Sa totoo lang ay ganoon na siya simula ng magkaisip. May mga pangitain siya na nakikita na madalas ay para sa kanya pala iyon kahit na ibang mukha ang nakikita niya. Iniisip nga niya na may third eye yata siya at nakabukas siguro kaya siya nagkakaganoon. Kung paano isasara iyon ay hindi niya alam. Hindi rin siya natutuwa kung may iba siyang kakayahan na katulad ng ganoon na wala sa iba dahil ayaw naman niya ang ganoong kakayahan. May naalala pa siyang eksena noong high school age niya ay nadulas siya ng bongang bonga sa malaking canteen nila na hindi niya malaman kung bakit, napahiya tuloy siya ng bongga din. Samantalang tanda niya ay hinawakan siya sa braso ng matalik niyang kaibigan na si Jen at nakita niya sa imagination niya na madudulas nga ito kaya binalaan niya ang kaibigan pero siya pala talaga ang nakatadhana na  madudulas. Dinig na dinig niya pa ang malalakas na tawa ng mga ibang estudyante na nakakita sa nangyari sa kanya. Buti na lang at may mga palad na nag alok ng tulong para makatayo siya, iyon ay ang Valedictorian nilang si Lorenzo. Isa din sa dahilan kung bakit hindi na niya nakalimutan pa ang pangyayari na iyon ay dahil sa kaklse niyang iyon. Mula first year high school ay nagkaroon na siya ng lihim na paghanga dito. Dahil sa hindi lang ito matalino, mabait din ito at maginoo pa. Speaking of Lorenzo o Lawrence for short ay friend niya ito sa kanyang f******k kaya doon siya lagi nagsstalk ng mga pangyayari dito na hindi na niya magagawa dahil nga sa nahablot na cellphone niya. Sa kabilang barangay iyon nakatira at hanggang sa ngayon ay wala pa ring nobya, ayon sa mga nakikita niya sa profile nito wala naman kasi itong pinopost doon. Huminga siya ng malalim sa laki ng pagkadismaya na nadarama niya. Malaking kawalan sa kanya ang phone niyang iyon, kaya nagdarasal siya na sana ay maibalik pa sa kanya iyon kahit magbigay pa siya ng pera na lang sa magsosoli niyon. Isa pang ikinababahala niya ay baka gamitin ng walang hiyang iyon ang kanyang mga account sa phone niya, na baka magpanggap pa ang magnanakaw na iyon na siya iyon at kung sino sino ang imessage nito. "Nakilala mo ba o namukhaan ang lalaking iyon?" Tanong ni kuya Edgar, isang kagawad iyon sa kanilang barangay at magkakalapit lang sila ng bahay, binata pa rin ito. Mula pagkabata ay magkakilala na sila pero matanda sa kanya ito ng pitong taon at naging kuya kuya nila ito sa kanilang lugar. "Hindi nga kuya Edgar, nakasuot din kasi ng bonet." Sagot niya dito. "Ganon ba, parang namimihasa na ang snatcher na iyon ah. Last week ay mayron ding nakuhanan pero sa ibang lugar naman." Kwento nito sa kanya. "Sa tingin ko ay nasa malapit lang iyon nakatira,. Kapag nahuli namin iyon malalagot talaga siya, kalaboso agad ang kalalabasan niya." Nanggigil na sabi pa nito. Tinanong nito kung anong oras nangyari at ang iba pang detalye. Natandaan naman niya kung gaano ito katangkad at ang bulto laki ng katawan nito kaya kahit papaano ay may naibigay naman siyang inpormasyon dito. Nagpasalamat na lang siya sa lalaki ng matapos na at gusto na muna niyang makauwe agad. "Yaan mo Bella, gagawa kami ng paraan para mahanap yang salot na snatcher na iyan!" Pagpapalakas ng loob nito sa kanya, saka siya tuluyang nagpaalam na. "Bella!" Napalingon siya sa narinig na tawag sa kanya, malapit na siya sa kanilang bahay. Nakita niya ang pinsan niyang si Dang na binalaanan niya kahapon na mahahablutan ng phone. Medyo hinihingal pa ito paglapit sa kanya. "Bella naisnatch daw ang phone mo doon? Narinig ko lang sa mga usapan." Sabi nito. "Oo nga Dang sa malas ay ako pala ang makukuhanan ng phone." Malungkot na sabi niya. "Ganon! Tama pala ang mga narinig ko, malamang at tagarito siguro iyon dahil nung nakaraang linggo lang ay may nahablutan din ng phone." Kwento nito. "Delikado na pala dito sa atin. Hindi na ako maglalabas ng phone ko kapag nasa daan." Wika nito habang patingin tingin sa paligid. "Yaan muna makakabili ka pa naman ng kahit na ilang phone ang mahalaga ay hindi ka niya sinaktan pa." Inakbayan siya nito para pagaanin ang nararamdaman niya alam niya na nakikisimpatya ito sa panget na pangyayari na iyon. Pero hindi na niya masyadong nawawaan ang mga sinasabi nito dahil may nakita na naman siyang kakaiba. Nakita niya si Dang na nasugatan ng kutsilyo habang nagbabalat ng mangga at dudugo iyon ng sobra dahil sa malalim ang pagkakahiwa, nakita niya kasi na busy ito sa pakikipagkwentuhan sa nanay nito habang nagbabalat "Bella okay ka lang ba?" Tanong nito na hinarap siya napansin siguro nito na hindi siya nakikinig. Napalaki tuloy ang pagkakabukas niya ng mga mata na parang bigla na lang siyang nagising. "Hoy Bella.! Anong nangyayari sa iyo!" Takang tanong ulit nito, hindi siya nakapagsalita dahil nag iisip siya kung sasabihin ba niya dito ang nakita na naman niya. "Ha! W-wala naman Dang." Mahinang sabi niya ng makabawi siya. Parang nagdalawang isip siya na sabihin dito. Sa huli ay minabuti niya na manahimik na lang. Nalilito kasi siya sa mga pangyayari na ganoon at kung bakit kailangan niyang makakita na mga ganoong bagay. Naguguluhan na talaga siya, hindi niya malaman kung anong meron sa kanya? May power ba siya o sadyang malakas ang pakiramdam niya lang, pero kung sakali man na may kakaiba nga siyang kakayahan ay hindi siya masaya ang pakiramdam niya kundi natatakot siya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
1.9M
bc

The ex-girlfriend

read
138.6K
bc

ANG NABUNTIS KONG PANGIT

read
477.4K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
85.3K
bc

His Precious Property

read
613.6K
bc

My Son's Father

read
582.9K
bc

Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega

read
291.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook