bc

My Next Life as Mafia Boss:Soul Switch

book_age16+
610
FOLLOW
2.7K
READ
body exchange
mafia
comedy
bxg
otaku
others
soul-swap
shy
like
intro-logo
Blurb

My Next Life as Mafia Boss:Soul Switch

|Larra|Nero

Rated:12+

Genre:Action, mystery, comedy and a little bit of romance.

The world is bigger than you thought. And for Lara West, the secrets behind her moon shaped necklace is starting to unfold.

The Kingdom of Westeria is the place where the royals, mafia's, gangsters and assassins co-exist with each other. Because of the red moon, Lara found herself in trouble when she was sucked up by a bright light that came from it. She never thought that the second she opened her eyes again, she would be the next leader of the ruthless mafia organization. And worst, she's in the body of the mafia's real boss. Can she keep pretending and lead a pack full of dangerous people? Or will she mess up this time?

This is the story of her epic adventure in the other dimension. Her story as the Mafia Boss.

chap-preview
Free preview
Kabanata 1
Tatlong malalakas na katok ang siyang narinig ko galing sa pinto. Napaismid ako dahil malamang 'yong tiya ko na naman iyan. Tuwing umaga na lang niya ako binubulabog at binubungangaan. Imbes na bumangon at pagbuksan siya ay hinayaan ko na lang ito. "Ano ka ba naman Lara?! Huwag mong sabihing buong araw ka na namang hihilata diyan sa kama mo?" sigaw ni tiya sa likod ng pinto. "Diyos ko, halos lagpas na ang edad mo sa kalendaryo wala ka pa ring maayos na trabaho! Ayusin mo naman 'yang buhay mo." Napatakip ako ng kamay sa tainga ko. Araw-araw ko na lang naririnig 'yang sermon niya. Kabisado ko na nga lahat ng sasabihin niya dahil sa paulit-ulit nitong paalala. Pero kahit naman gan'yan si tiya ay mahal na mahal niya pa rin ako. Kaya lang kung minsan talaga ay naririndi ako sa kan'ya. Wala naman akong pake kung lumagpas man ako sa kalendaryo at hindi pa rin ako makahanap ng mapapangasawa. Ang importante masaya ako sa buhay ko atsaka sapat na sa'kin 'yong mga anime husbands ko. Oo, with S talaga 'yan dahil napakadami nila. Atsaka may trabaho naman ako. Isa akong writer kaya valid 'yong pagkukulong ko sa kwarto. "Naku Lara, sinasabi ko sa'yo. Wala kang mararating sa pagsusulat-sulat mo na 'yan!" sigaw na naman ni tiya. Blah blah blah! At umabot siguro ng mga sampung minuto pa bago ito natapos sa kan'yang morning routine na panenermon sa'kin. Kinuha ko ang cellphone na nasa tabi ko at tinignan ang oras. Alas-sais na pala ng umaga. Dalawang oras lang ang tulog ko dahil tinapos ko lahat ng episodes no'ng pinanood ko na anime ko kagabi at hindi ko namalayan na umabot ito ng alas-kwatro bago natapos. Isang katok na naman ang narinig ko. Mula na naman iyon sa tiya ko. "Lara, bumangon ka na diyan at mag-aalmusal na tayo. Maaga akong aalis ngayon." Araw-araw kasing umaalis si tiya at nagpupunta ito sa bahay ng kapitbahay namin. Nagbabantay kasi si tiya ng mga bata dahil ang sabi nito ay pandagdag na rin iyong kikitain niya sa gastusin namin. Sabi ko naman sa kan'ya hindi naman niya kailangan magtrabaho pa dahil sapat naman 'yong kinikita ko para sa'ming dalawa. Pero sadyang matigas lang talaga ang ulo nito at ayaw nitong makinig. Ulilang lubos na ako at si tiya na lang ang natitira kong kamag-anak. Kapatid siya ng mama ko at tumanda na itong dalaga kaya siya na 'yong nag-alaga sa'kin simula noong bata pa ako. Wala akong alam sa pamilya ng papa ko dahil kailanman ay wala itong nasasabi sa'kin at wala itong pinapakilala. Walong taong gulang pa lang ako noong namatay ang mga magulang ko. Hanggang ngayon ay nakaukit pa rin sa isip ko ang karumal-dumal na pagkamatay nila mama at papa. Kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano sila pinagbababaril dito mismo sa pamamahay namin ngayon. Hindi ko na masyadong matandaan pero alam kong kilala ni papa iyong pumatay sa kanila ni mama dahil nakarinig pa ako ng pagtatalo sa pagitan nilang dalawa. Noong mga panahon na iyon ay agad akong naitago ni papa sa likod ng cabinet namin kaya hindi ako nadamay sa pagpaslang. Nagtatalo sila patungkol sa posisyon na hindi ko naman alam kung ano dahil masyado pa akong bata para maintindihan iyon. Nakatalikod ang lalaking pumatay sa mga magulang ko kaya hindi ko ito namukhaan pero may tattoo ito sa may batok. Pula iyon at parang hugis buwan. Iyon lamang ang naging palatandaan ko sa killer kaya hanggang ngayon ay hindi pa nahuhuli ang kriminal na pumaslang sa kanila. Isa iyon sa mga dahilan kung bakit ako naging malungkutin habang lumalaki. Masyado akong naapektuhan sa pagkamatay nila kaya naging matamlayin akong bata at nadala ko na iyon hanggang sa pagtanda. Parati akong mag-isa noon kaya naging target ako ng mga bully sa school. Noong una akala ko ay mawawala ang pambubully nila kapag tumuntong kami ng highschool pero mas lalong lumala kaya nasanay na ako noon pa man na sarili ko lang ang kasama ko at may takot na ako makisalamuha sa ibang tao. Kaya heto ako ngayon, nalulong na sa panonood ng anime at pagbabasa ng manga. "Ito na tiya babangon na ho ako," sagot ko sa kan'ya. Dahan-dahan akong bumangon sa kama. "Good morning mama, good morning papa," saad ko sa litrato ng mga magulang ko na nasa bedside table ko. Inayos ko muna ang kama at isa-isang pinulot ang mga librong nakakalat sa sahig ng kwarto ko. Hindi na ako nag-abala pang maghilamos dahil tinatamad talaga ako at inaantok pa talaga ako. "Lara! Maghilamos ka nga. Ano ba iyang ayos mo. Ang laki-laki na ng eyebags mo. Nagpuyat ka na naman ba?" As expected sa tiya kong may pagka-Marites din. Minsan kasi tambay rin itong si tiya sa kanto at nakikipag-chismisan sa kapit-bahay namin kaya nagiging si Marites na rin. "Tiya, nagtrabaho pa ako kagabi," pagsisinungaling ko. "May tinapos akong trabaho kaya late na akong nakatulog." Marahan kong hinila ang upuan sa may lamesa at umupo na ako. Kaharap ko naman si tiya na nagsisimula na ring kumain. "Sinasabi ko naman sa'yo na maghanap ka na ng ibang trabaho. Nagmumukha kang losyang sa trabaho mong iyan. Paano ka makakahanap ng mapapangasawa niyan kung buong araw ka na lang nagmumukmok?" tanong nito. Ayan na naman siya. Balik na naman kami sa usapin ng pag-aasawa. Hindi naman ganoon katanda ang bente-nuwebe di ba? Atsaka hindi naman paunahan ang pag-aasawa. "Tiya, wala pa sa isip ko iyang pag-aasawa atsaka mas pipiliin ko na lang na alagaan ho kayo kaysa mag-asawa," nakangiting ani ko. "Por Dios, Por Santo! Ikaw bata ka huwag mo nga akong gawing dahilan diyan!" "Ang puso mo tiya. Ang aga-aga highblood ka na naman," sagot ko. Mabuti na lang talaga at tumahimik ito at nagpatuloy na lang ako sa pagkain. Napahawak naman ako sa kwintas ko. Ito 'yong huling regalong natanggap ko sa mga magulang ko bago sila pumanaw. Bigay ito ni daddy sa'kin. Tandang-tanda ko pa noon kung papaanong umilaw itong suot kong kwintas nang maisuot ito ni daddy sa'kin. My necklace is a crescent moon shape. Hindi ko alam kung dala lamang iyon ng imahinasyon ko noon dahil hanggang ngayon ay hindi na ito umilaw muli. "Nga pala mamayang alas-tres ipapakuha ko sa'yo 'yong mga pinamili kong gulay. Puntahan mo mamaya sa tindahan nila Gorya sa may kanto," si tiya. Napaangat ako ng tingin. Ayaw na ayaw ko pa naman magawi sa lugar na iyon. Dahil ginagawa iyong tambayan ng mga tambay rito sa'min. Ewan ko ba kung anong meron sa tindahan ni Aling Gorya kung bakit nagiging pugad iyon ng mga tambay. "Sige po," ang tanging naisagot ko na lamang. Labag man sa loob ko ay wala na akong nagawa dahil alam kong hahaba lamang ang usapan namin ni tiya kung tatanggi pa ako. Pagkatapos naming kumain ay nag-presinta na akong maghugas at umalis na ng bahay si tiya. Pagkatapos ay agad na rin akong nagkulong sa kwarto upang magtrabaho. Isa akong full time writer sa dreame. Ang dreame ay isang platform na nagbibigay ng chance sa katulad kong writer na magsulat ng mga nobela at kumita na rin. Ito 'yong pangunahin kong pinagkukunan ng income ngayon. Ang laki kasi ng tulong nito lalo na sa katulad kong may social anxiety. This platform helps me to express my feeling through writing in a way na hindi ako magiging uncomfortable. Nag-eenjoy ako at the same time kumikita pa ako. Kaya kahit ilang beses pa akong talakan ni tiya ay hindi ko ipagpapalit ang trabaho ko. Kinuha ko ang laptop ko at nagsimula na akong magsulat dahil hindi pwedeng hindi ako maka-update ng isang chapter isang araw. Sayang din ang bunos kung papalya ako sa update. Natutuwa rin ako sa pagbabasa ng mga comments mula sa mga readers ko. Kahit na nakakulong lang ako sa kwarto ay nararamdaman ko pa rin 'yong koneksyon sa kanila kahit hindi ko sila kilala. Inabot ako ng mga isang oras sa pagsusulat at pagkatapos ay humilata na agad ako sa kama. Ang plano ko kasi ngayon ay panoorin 'yong nasa watchlist ko. Kasalukuyan akong nagbro-browse ng newsfeed ko sa f******k ng bigla akong nakakita ng isang article. "Red Moon will appear tomorrow," basa ko sa headline ng article." Ayon sa nabasa ko mahigit dalawampu't taon na ang nakalilipas simula noong huli itong nangyari. At lahat ng tao ay nasasabik na makita ito ulit. Ngayon lang ako nakarinig ng balitang iyan. Ni hindi ko nga alam na may gan'yan pala. "Red moon," sambit ko. Biglang sumakit ang ulo ko nang sambitin ko iyon. Hindi ko akan kung bakit pero naalala ko na naman 'yong tattoo ng lalaking pumatay sa mga magulang ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.7K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.1K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
124.7K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
85.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
155.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook