bc

DOMINANT 4: Tempter (Completed) Comedy with Erotic Romance

book_age18+
8.5K
FOLLOW
74.4K
READ
possessive
second chance
dominant
dare to love and hate
comedy
sweet
bxg
humorous
hockey
like
intro-logo
Blurb

"You're the poison I'm willing to drink in."

- Zyd McCluskey

Odd and cliché but Lianne Elhoutte believe that maybe her forever lies on the other side of universe. And that she met Zyd Caiden thru social media and her biggest mistake, nahulog siya. Now she's totally doom...

Pero bakit hindi siya nito kilala nung magkita na sila sa personal? And masaklap pa, ikakasal na ito. Paano na puso niya?

DISCLAIMER:

This story and characters are fictitious. Certain long-standing institutions, agencies, and public offices are mentioned, but the characters involved are wholly imaginary.

All Rights Reserved

Copyrights © 2020 VraielLajj

chap-preview
Free preview
Chapter 1 - Wrong Assumptions
Panay lagok ni Lianne sa kopitang hawak habang pinagmamasdan ang lalaking kanina pa niya tinitigan at pinagmamasdan sa malayo. Pakshet! Kating-kati na siya na lapitan ito at sampalin ng mag-asawang sampal. “Hoy babae ka, maglalasing ka ba?” inis na tanong ng pinsan niyang si Sheena. Umiling siya habang panay pa rin ang titig niya sa lalaking nasa kabilang couch nakaupo kasama ang mga ka team nito sa laro. Nagsisiyahan ang mga ito sa pag-iinom pero maliban sa mga kasama nitong may kaniya-kaniyang babae, ito ay wala. Nanatili lang itong solo at isang beer sa kamay habang tumatawa. “Bakit mo ba tinititigan 'yan si Zyd Caiden McCluskey? Oo, alam natin na napakagwapo niya at subrang hot. Aside from that, captain siya ng hockey pero insan, may jowa 'yan at kalat na kalat sa social media na magpapakasal na sila.” Duh! I know that! Nilagok niya ulit ang laman ng bote niya. This time hindi na sa kopita. Napatuptup na lamang sa bibig si Sheena na nakatingin sa kaniya at hindi makapaniwala. Kung sabagay, hindi siya drinker. Nakasubok na siya dati, tatlong beses lang at ito yung panghuli. Kailangan lang niya ng lakas ng loob, nang konting lakas ng loob, mga beri-beri slight! Hindi siya naglalasing. Promise! Agaran siyang tumayo sa pagkakaupo sa stool na kinauupuan. Hindi alintana ang lagkit na titig na binigay sa kaniya ng bartender. Sipain niya ito, eh! Deritso ang kaniyang mga paa na ngayon ay nakasuot ng 6 inches heel shoes. Kung hindi dahil sa musika ng palibot, lumikha na yata siya ng ingay sa bawat hakbang niya. Ang liit nga naman talaga ng mundo! Hindi niya akalain na makikita niya rito ang lalaking ito na iniyakan din niya ng mahigit dalawang buwan. Oo, dalawang buwan hayop 'yan! Thanks to her aunte na dito nakadestino rito sa Pittsburgh, Pensylvannia. Isinama siya nito nung nakaraan buwan dahil alam nitong naghahanap siya ng magandang opportunity. Habang hinihintay pa niya ang tawag mula sa mga kompaniyang inapplayan, sinasama at ginagala naman siya ni Sheena na pinsan niyang buo na mahilig sa night life. Nakapag-asawa ang aunte niya ng foreigner kaya half pinay itong pinsan niya habang siya ay purong pinay. “My God Lianne!” Pinigilan siya nito pero sinenyasan niyang tumahimik. Agad naman itong sumunod at natatakot sa anuman niyang kayang gawin. Nakasuot siya ng sexy red bar dress na halos expose na ang kaniyang buong likod at kurbang-kurba ang kaniyang katawan. Ang maliit na beywang niya ay mas lalong na-emphasize at nagbigay ng alindog sa kaniya. Kulay pula rin ang kaniyang sapatos kaya kuha niya ang atensyon ng bawat madadaanan niya. Actually, hindi niya choices ang suot na iyon pero sa mga sandaling ito parang nagpapasalamat siya na pinilit siya ni Sheena na magsuot nito ngayon gabi. Huminto siya sa harap ng mga ito. Natigil ang ilan sa mga kasamahan nito sa pag-iinom at napatangang napatitig sa kaniya. Yeah, alam niyang napahanga niya ang mga ito. Her black curly wave lenght waist hair and smokey makeup plus her outfit, walang sinong hindi mapapalingon. Nagsusumigaw ang kagandahan niya ngayon ng trahedya. Her height is 5'4 but it doesnt matter, she pretty knows that her shoes give her much confident she wants. “Well, hey pretty lady. Are you lost?” Mabilis na tumayo ang isang kasamahan nito para alalayan siya pero nanatiling nakatingin siya kay Zyd Caiden, na ngayon ay nakatingin sa kaniya na parang nagtataka. Natigil sa ere ang pag-iinom nito at hinaantay ang sasabihin niya. Hindi siya gumalaw, nanatili lang siyang nakatingin kay Zyd at sa sumunod na ginawa niya ay nagbigay ng sigawan ng mga kasamahan nito at singhap sa palibot. Ang kapal ng pagmumukha nito! Hinablot lang naman niya ang suot nitong damit at sinakop ang bibig nito at hinalikan nang lapitan niya ito. Pagkatapos no'n ay isang malakas na sampal ang binigay niya. Sa subrang lakas ng ginawa niya, nabaling ang mukha nito at lahat ay natahimik. May tama rin pa lang nagagawa ang alak. “The f**k!” galit na napatingin ito sa kaniya. “That's for fooling me Zyd Caiden McCluskey.” Binigyan pa niya ito ng isang sampal sa pisngi. Mas masakit at mas malakas. 90 degree. Walang nakahuma. Walang nakisawsaw. Hinihintay lang yata ang gagawin niya. “And that was for playing my heart, you jerk!” “Ms. I think——” apila ng kasamahan nito. “——Shut up!” puno ng pinalidad ang boses niya at hinarap ulit ang binata. Namula ng buong husto ang pisngi nito. “I trust you but all you did was gave me pain!” malakas na sigaw niya. Ang lakas ng tama ng alak na kaniyang ininom, sa subrang lakas hindi niya matandaan ang pangalan. “And here's my phone. I screenshots all our convo's just so you know. Pakshet kang pinakbet ka!” Agad siyang tumalikod at iniwan niya ang mga ito na hindi makahuma sa nangyari. Mabilis naman sumunod si Sheena sa kaniya habang nasa kaniya lahat ng atensyon sa buong Elite's Bar na iyon. Kahit ang musika ay natigil dahil sa ginawa niya. Maarte siyang umalis at naglakad. “Lianne, wait!” Sa labas na siya nahabol nito at kinaladkad siya sa parking lot na para bang may malaki siyang problemang kinasasangkutan. “What was that, Lianne Elhouette Vergara?! My God! Now we're dead.” Mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan ng makasakay na siya. Napa-smirk siya. Ang kapal ng mukha ng lalaking iyon! Nanggigigil talaga siya habang pinagmamasdan ang hitsura nitong parang walang alam. Huh! Kung nakatayo lang ito, baka sinipa niya na ang balls nito sa subrang inis niya. “Naalala mo 'yung lalaking sinabi ko rati na na ka-chat at ka-video call ko lagi from abroad? 'Yung lalaking minahal ko lang naman kahit 'di ko pa nakita at sa social dating app lang kami nagkita? 'Yung lalaking parang sugar sa subrang sweet na pati ako nilalanggam sa subrang sweet niya? Siya 'yong bwesit na taong 'yon,” umikot ang eyeball niya at napatingin sa labas ng bintana. “Woah, wait!” Napapreno ito sa gitna ng kalsada. Buti na lang at naka-seatbelt siya dahil kung hindi, baka sumudsod na ang mukha niya sa dashboard. “Hey may balak ka bang mamatay tayo rito?” maarteng tanong niya kay Sheena. Napantastikuhang tumingin ito sa kaniya. Buti na lang at walang nakasunod sa kanilang sasakyan ngayon. Madaling araw na kasi. “You mean, siya iyon?! The heck Lianne, ang baba ng rason mo. Akala ko kung ano na. Normal na 'yon dito, gaga ka! Bakit ba kasi nagpaniwala ka? At isa pa ha, siya ba talaga iyon kachat mo? Siya ba talaga si Zyd McCluskey? At kahit siya pa iyon insan, wala ka pa rin dahilan na sampalin siya. My God! Kasalanan mo kung bakit nagpakatanga ka sa mga poser ng mga sandaling iyon at naniwala. Patay tayo nitong babae ka.” Napatampal ito sa noo at hindi makapaniwala sa ginawa niya. Nagkibit naman siya ng balikat. Hindi siya nagsisi sa ginawa. Sa minahal niya ito kahit sa social media lang sila nagkakilala. May mali ba roon? Hindi namimili ang puso ng minamahal at naiinis siya sa sarili kung bakit nahulog siya sa matamis na dila nito. Dapat sana, ini-block na lamang niya ito dati. Kasalanan pa rin nito dahil kung hindi ito makulit sa nanahimik niyang mundo, hindi sana nito matikman ang sampal niya. Magpapasalamat talaga siya nito sa aunte niya kung bakit siya nito dinala rito. “I dont care! Basta nasampal ko na ang gagong iyon at...” bigla siyang pinamulahan ng mukha ng maalalang hinalikan niya ito ng tatlong segundo. That kiss was something... Malakas na preno sa likod ang nagpagising sa kaniyang pamumula. Napamura naman ang pinsan niya at sinimulan paandarin ang sasakyan nito para lang matigilan dahil mula sa unahan ay may isang sasakyan nakaharang. Literal na nakaharang na parang pagmamay-ari nito ang buong kalsada. “Naman! Bakit ba ang malas natin ngayon?” inis na wika ni Sheena pero siya ay hindi. Lumabas siya ng sasakyan at gigil na naglalakad papalapit sa itim na Koenigsegg CCXR Trevita na kotse. Hindi siya bobo para hindi alam na isa ito sa pinakamahal na sasakyan sa buong mundo. Gusto niya ng umuwi at kalimutan ang gabing ito kaya kung sino man ang driver na paharang-harang sa magara nitong sasakyan ay makakatikim talaga sa kaniya. “Hoy! Ano pag-aari mo itong kalsada, ha? Aba, mahiya ka. May dadaan dito, oh. Sipain ko 'tong sasakyan mong gago ka, eh!” nakapameywang na saad niya. “Lianne nasa Pensylvannia tayo, hindi ka maiintindihan niyan!” mula sa driver seat, sumigaw naman si Sheena. Napataas siya ng kilay. Mas maganda nga iyon para hindi siya maintindihan. Umihip ang malakas na hangin kaya ang buhok niya ay bahagyang nilipad ng hangin at ang headlight ng sasakyan ay nagbibigay ng kakaibang tanawin mula sa kinatatayuan niya. Bumukas ang pintuan ng sasakyan. Napahigit siya ng hangin at hindi makapagsalita nang mula rito ay lumabas ang lalaking sinabi niyang ayaw niya ng makita pa! Seryuso ang mukha at matalim ang mga matang nakatitig sa kaniya. Nagbabadya iyon ng trahedya. Napa-ingus siya at nag-ikot ng eyeball. Hindi na kataka-taka, mayaman nga pala ito at nakalimutan niya ang bagay na iyon. Naglakad ito at huminto sa harap ng hood nito at umupo ro'n habang naka-cross arm. “Now what?!” gagad niya. “You mistook me for someone lady,” madilim pa rin ang mukha nito. “Mama mo mistook! Don't me, Zyd Caiden McCluskey. Get lost or I'll kick your balls,” banta niya at nag-cross arm sa harap nito. “Insan uwi na tayo. Naku mapapaaga ang pagkamatay natin nito dahil sa'yo!” kinakabahan sigaw ni Sheena na hindi na lumabas ng sasakyan sa takot. Ngumisi ang lalaki. Ang mukha nitong seryuso at madilim ay sandaling nagliwanag pero saglit lang iyon. Naglakad ito papalapit sa kaniya. Hindi siya makagalaw. Tila nakalimutan niya sandali ang lahat. Ang lalaking nasa kaniyang harapan ngayon ay 6 feet tall at malaki ang pangangatawan at kung ihahambing siya rito ngayon, magmumukha siyang barbie doll sa tabi nito. Subrang gwapo ito, aminado siya sa bagay na 'yon dahil isa itong Canadian. Ang bagong gupit nitong kulay brown na buhok ay nagbibigay ng kilig sa kung sino man babae na tititig dito. Kulay light brown ang mata na may kasingkitan at pailalim kung makatitig. Makakapal na pilik mata at kilay na nagbibigay ng angking kagwapuhan. Mapula ang may kanipisang labi. Matangos ang ilong na binagayan sa kilay nito at dahil aftershave ito ngayon, nagmukha itong bata sa edad na 31. Biglang nagwala na naman ang puso niya. s**t! Pahamak itong puso niya. Galing na siya dito dati! Nakapag-move on na siya. Mabilis siyang tumalikod pabalik kay Sheena. Ayaw niyang traydurin siya ng kaniyang puso ulit sa pagkakataong ito dahil alam niyang hindi niya hawak ang puso sa mga sandaling ito. Kailangan na nga nilang makaalis ng pinsan niya! Sa pagmamadali niyang makabalik sa sasakyan nito, nagulat na lang siya nang may humapit sa kaniyang braso at sa mga sumusunod na sandali ay hindi niya na alam ang nangyari. Isang mainit na halik ang sumalubong sa kaniya at mahigpit na kamay ang yumakap sa kaniyang beywang habang ang isa naman ay nakaalalay sa kaniyang uluhan. Shutaaa! 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Billionaire's Maid [R18]

read
698.3K
bc

The Tears of Faith (Tagalog/Filipino)

read
186.8K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
246.0K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
267.8K
bc

A Kiss From The Billionaire's Son

read
2.3M
bc

Her Innocent Slave (R-18) (Erotic Island Series #3)

read
533.7K
bc

Abducted (R-18) (Erotic Island Series #1)

read
499.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook