PROLOGUE
Fern's POV
"This girl is on fire!” napiyok ako nang kantahin ang parte ng kanta.
"Cut!" sigaw ng Director na ikinagulat ko.
Lumapit si direk sa akin na nanlilisik ang mga mata. May dalang folder na nakatupi at ibinatok niya ito sa akin. Napakapit naman ako sa ulo ko, bruhilyang bakla ito! Kanina pa niya ginagawa sa akin yan eh!
"Extra extra ka na lang nga, hindi mo pa magawa ng maayos? Okay! you're fired!" Sabi niya sabay talikod sa akin, humarap naman ako sa kanya atsaka lumuhod.
"Parang awa niyo na, last na ito! Gagalingan ko na ang pagkanta! Promise!" pakiusap ko habang nakaluhod.
"Hindi! Hahanap na lang ako ng iba pang extra na magaling kumanta! makaka-alis ka na! chupe!" Pagtataboy niya sa akin.
Ang atensyon naman ng lahat ay nasa amin. Ilang beses ba ako mapahiya para makakuha lang ng magandang oportunidad?
"Okay, magsimula ulit" Aniya sa lahat ng staffs na para bang walang nangyari.
"Friend, better luck next time." Ani ng isang kasama kong extra rin. Hindi ko naman nagustuhan ang pag kokomporta niya sa akin, kinikilabutan ako sa ngiti niya. Te, wish you luck din sana sumikat ka sa ka i-extra. Magiging taong bangkay ka sana sa susunod na pag ganap mo sa ibang pelikula.
Kinuha ko na ang mga gamit ko atsaka umalis, pero bago ako tumalikod sa kanila’y may binulong ako sa direktor na sinungitan ako kanina.
"Isusumpa ko! Hindi magiging box office hit itong pelikula mo, walang manunood!" Atsaka ako tumawa na para bang isang dakilang kontrabida ni Cardo Dalisay.
"This girl is already fired!” Pasigaw kong kanta, nagpaparinig. Aalis na nga lang ako, hindi pa ako nakakaganti? Aba’y walang taong bumabato ng matigas na bato na binabato nang pabalik ng malambot na tinapay. Naramdaman ko ang pag tama ng isang softdrink can sa aking paa. Hindi ko na pinuna iyon at umalis na nang tuluyan.
Ako si Fern Jade Tricco. Kasalukuyang nag aaral sa Notre Dame University sa Quezon City. Wala na akong mga magulang, namatay sila noong sampung taong gulang pa lamang ako sa isang Aksidente. Kaya ako na lang ang bumubuhay sa sarili ko. May binilin ang mga magulang ko ng kaunting halaga bago sila namatay at property nasa pansamantalang kustudiya ang mga ito sa isang kamag anak ko at hindi ko alam paano mababawi. Kaya ito ako, kayod kalabaw.
Unang raket ko ay pagiging double artist. 'Yong pag ang artista sasampalin, eh, ihihinto muna at palit kayo sa pwesto ng artista at pagka flash ng camera, ay ikaw na ang masasampal. Hindi lang sampalan, pupwede ring sabunutan, bugbugan, suntukan, kaya nga tinitiis ko ‘yon para lang magkapera, pero sa huli bumitaw ako. ‘Yong huli kong subok kasi tatalon ako mula sa mataas na palapag nang nakatali ang dalawa kong kamay at paa. Naiyak ako noon kaya kinabukasan nagtago ako at di na bumalik sa set.
Pangalawang raket ay ang pagiging stunt man. Pinagaralan ko pa yung taekwondo at karate para lang rito! Pero hindi rin ako nagtagal, bukod sa maliit lang ang sahod, bugbog sarado ka pa.
At ang pangatlo at pinakahuli, eto na sana yung permanent job ko kaso tinanggal ako nang direktor. Eh hindi nga dapat siya ang may karapatan na sumesante sa akin, pero parang napikon na yung staff kanina sa akin. Hindi kasi nila sinabing ganito klaseng kanta ang kakantahin ko. Ang sabi’y kakanta lang daw ako doon sa likod ng mga artistang uma-acting edi sana napakaghanda ako.
Kung tatanungin niyo kung bakit ganitong trabaho ang pinasukan ko at hindi ang pagiging katulong, baby sitter, waitress, janitress, etc. Ang totoo n'yan ay gusto ko sanang mapansin ako ng lalakeng pinakamamahal ko na nagtatrabaho ngayon sa nasabing indutriya.
Si Light Villegas. Gusto ko lang tuparin namin ang pangarap namin noon kaya hanggang ngayon nagpapakatanga ako sa walang kasiguraduhang pag-ibig. Hindi ako nawawalan ng pag-asa na sa isang araw maaalala niya rin ako. Pag nangyari ‘yon, luluhod sa akin lahat. Pati 'yong mga babaeng humahanga sa kanya. Pero alam ng diyos na hindi ganoon ang pakay ko sa kanya. Malinis pa kaysa sa bagong sabong inidoro ang konsensya ko.
Pero bakit hindi ako sumubok mag audition maging isang artista? Maniwala kayo at sa hindi, ilang beses ko na ginawa 'yan! Nag audition ako, gumawa pa ako ng video sa Youtube na nagsasayaw para lang madiskubre (sa kasamaang palad, hanggang ngayon 15 views pa lang), nag audition din ako ng modeling (pero hindi kinapos ako sa height kaya wag niyo ng tanungin kung ano nangyari pagkatapos) pag may nag shoshooting sa lugar namin, gumagawa ako ng eksena para lang mapansin, ( napansin nga ako--- ng mga kapitbahay namin) tapos pag tatanungin ko 'yong pinag auditionan kung bakit ako hindi makuha kuha, ganito isasagot nila:
"Required kasi ‘yong matangkad, may hinaharap, may laman yung pwet at higit sa lahat...Good looking."
Pakiramdam ko tuloy nabuhusan ako ng malamig na tubig, mataas naman yung 5'3 para sa akin. 'Yong bra ko extra large yung size kaso maluwag ng kaunti. Sa pwet lang ako kinapos pero pwede namang lagyan ko ng foam, yung iba nga nagpapadagdag pa eh, hindi naman sinabi na required din yung natural beauty, at higit sa lahat, may good looking ako. Sinigurado naman siguro ng mga magulang ko na iluluwal ako nang maganda. Kahit bulungan ko pa ang puntod ng magulang ko kung sino pinakamaganda, babangon ‘yon at ituturo ako. Diyos ko! Kinikilabutan tuloy ako!
Kaya pagiging extra, stunt man, double yung pinasukan ko, meron din namang sumisikat doon hindi ba? Ika nga, one step at a time, makakarating din ako sa finish line kong pagiging artista at maging kalevel ang Light ko.
Pag uwi ko, doon ko lang napagtantong hindi ko nadala ang bag ko. Ang masaklap pa, nakasakay na ako ng bus!
"Manong!! bababa po!" sigaw ko sa driver. Huminto naman yung bus atsaka ako tumalon pagbaba ko tapos tumakbo ako pabalik ng waiting shed. Pagkarating ko ng roon, laking gulat ko nang wala akong masilayang gamit na naiwan ko doon.
Tanging matandang nagkakape at nagbabasa ng dyaryo ang nandoon. Sinamaan niya pa ako ng tingin nang mapansing nakatingin ako sa kanya.
Anak ng tipaklong! Nandoon yung wallet ko at lahat ng importanteng bagay! Bumalik na lang ako ng Apartment. Pagbukas ko ng pinto.
"Oh? Fern, ba't parang mukha kang Zombie ngayon?" puna ng aking kaibigan na si Rem na kasalukuyang kumakain.
"Rem ‘yong gamit ko," di ko na matuloy tuloy ang sasabihin ko dahil sa bigat ng pakiramdam na nawalan ng gamit.
"Sinisip-on ka ba? Aray ko po! ba't mo ko binatukan?" reklamo pa niya nang nabatukan ko.
"Sira ka! may sip-on ba na tumatagos pati sa mata? malamang umiiyak ako" Nawalan ako sa mood mag emote.
Nakakasira ng mood tong babaeng to eh.
"Gusto lang kitang pasayahin ,friend!" maligayang aniya.
"heh!"
"sorry na oh!"
"sorry mong mukha mo!"
"Tss, bahala ka!" atsaka siya humiga sa kama niya, aba kakatapos lang kumain matutulog na agad? Nagtatampo na naman to. Ganyan naman siya parati eh, ang liit ng pasensya.
Siya ang kaibigan ko. Nagngangalang Remileen Cervano in short 'Rem' maganda at mabait, hindi lang halata.
Sinilip ko siya na nakahiga na sa kama. Mukhang natutulog na nga ito. Hindi bale, bukas di rin ako matitiis niyan. Binuksan ko na lang yung TV baka mamaya may lost and found na ibabalita at ipapalabas yung gamit kong nawawala.
"Nanay ko po!" Bigla na lang akong nagwala nang makita ang lalakeng hinahahangaan ng puso’t isip ko na ine-interview sa isang palabas.
"Hoy! kung di ka matutulog, magpatulog ka naman!" sigaw ni Rem, tinapunan niyap ako ng unan sa ulo.
"So Light Villegas, with First love or no." tanong noong nag i-enterview sa kanya sa isang fast talk challenge.
Ngumiti siya at dinig na dinig ko naman ang mga tilian ng mga audience doon, kinakabahan din ako, sana hindi niya itangi na.
"No," tipid niyang sabi at umiling.
"So girls tie your undies, light don't have a first love yet, magiging maswerte ang magiging first love mo Light!" paghanga sa kanya ng isang host na para bang nagbabalak rin maging first love ni Light.
Nalungkot ako bigla, di na ako maka-imik, sasagot pa sana si Light pero biglang nawalan ng kuryente. Minamalas nga naman, halos nabingi ako nung i-deny niya ‘yon.
Inalala ko na lang ulit yung nakaraan, ‘yong sinabi niya noong bago siya pumasok sa showbiz. Yan ‘yong routine ko, pag ide-deny niya tungkol sa nakaraan niya o namin. Inaalala ko na lang ‘yong binitiwan niyang salita para hindi ako mawalan ng pag-asa.
Tinignan ko na lang yung bracelet na nakasuot sa akin na isang palatandaan na minahal niya nga ako o minamahal niya ako, kasabay ng pagalala ng utak ko ‘yong sinabi niya bago niya ako iniwan.
"Jade, Hindi dahil papasok ako ng showbiz, kakalimutan na kita, hindi ko magagawa ‘yon. hindi ko kayang kalimutanang unang babaeng minahal ko at mamahalin ko hanggang sa huli, Jade promise me na hindi ka bibitiw sa akin, pag nasa tamang edad na tayo, papakasalan kita."
Maya maya isang tawagang umalingawngaw mula sa aking phone. Nang marinig ang boses ng makisig at napakagandang boses ng isang ginoo ay wari’y nabuhayan bigla ang panandaliang pagkamatay ng aking mundo.
“Hello?”
Teka? Ba’t parang kilala ko ang boses na ito? Hindi kaya
“Magkita tayo bukas, nasa akin ang bag mo.”
Light?!