bc

Just One Day (A Short Story)

book_age18+
126
FOLLOW
1K
READ
second chance
independent
drama
bxg
female lead
small town
childhood crush
first love
slice of life
office lady
like
intro-logo
Blurb

"If I can't be your forever,

If I can't be with you forever,

can I be your one day?,

Can I be you with you in one day,

Just one day.."

Isang araw.... Bente Kwartong oras .. .

Isang hiling na sana ay mapagbigyan..

Isang beses lang at hindi na mauulit pa..

Isang beses lang para maramdaman kong muling maging masaya..

Isang damdamin na dapat ng pigilan..

Masakit ngunit kailangang tanggapin..

Na kahit kailan hindi ka muling magiging akin..

chap-preview
Free preview
CHAPTER ONE.. AT THE BUS
"Oh Bus stop na, bus stop na. Yung kakain d'yan kumain na. Yung mga naiihe d'yan,umihi na kayo! Twenty minutes lang kami maghihintay at aalis na agad ang bus, tandaan at huwag n'yo kalilimutan ang bus number baka maiwan an namin kayo! " ang sabi ng konduktor nang huminto na ang bus na sinasakyan ko. Mabuti nalang at hindi traffic. Lulan ako ng bus pauwi ng Nueva Ecija. Mag aalas dose na din pala ng tanghali. Mabuti nalang at maaga ako nakarating sa terminal kanina. Nakatayo na ako bago palang magsalita ang konduktor at huminto ang bus, talagang naiihe na ako, kaya mabilis na akong lumabas ng bus nang huminto ito at dali dali akong naghanap ng banyo. Nahanap ko naman ito agad. Mabilis lang dapat ang galawan baka maiwan ako ng bus, matapos kong gumamit ng banyo. Namili na ako ng aking makakain at mga maipapasalubong ko sa kapatid ko at mga pamangkin. Tamang tama lang ang pag-akyat ko muli sa bus dahil ito'y papaalis na. Prenteng nakaupo na ako sa aking kinauupuan. Kinuha ko ang burger na binili ko sa katabing upuan ko, wala akong katabi at maluwag ang bus na aking sinakyan dahil madalang ang pasahero ngayong araw na ito. Sinimulan ko itong buksan at kainin. Kontento na ako sa burger na kainin pang tanghalian ko. Kinuha ko din ang binili kong mineral water at ininum ito hanggang sa maubos. Matapos kong iligpit ang aking pinagkainan na patingin ako sa bintana ng bus. '' Malapit na ako'', nagagalak kong sabi sa aking sarili. Tanaw ko na ang malalawak na bukirin, ang mga berdeng dahon nito na nagtatayuan at ang preskong simoy ng hangin, malapit na nga ako. Mabuti na lamang naayos ko na ang dapat kong ayusin sa trabaho bago umuwi ng probinsya. Makakapag relax na ako kahit ilang araw lang. Hindi ko pinaalam sa aking mga magulang na uuwi ako kasi alam ko namang hindi mag-aatubili sila na ipasundo ako. Mas gusto kong mag commute nalang mas makakatipid pa. At gusto ko din sila supresahin. Miss ko na ang pamilya ko, ang mommy Ellen ko na lahat ng salita sa bibig ay English, ang daddy Cid kong tahimik na mabait, at ang baby sister ko na si Carey. Namimiss ko na din ang mga pinsan ko, balita ko ang iba sa kanila ay may mga asawa na. Hindi nga lang ako nakapunta sa kasal ng mga ito dahil busy ako sa trabaho. Tanging pictures at videos lang sa f******k ang nakita ko sa kanilang kasal. Mayroon din akong isang tao namimiss. Kahit kailan hindi siya nawaglit sa isip ko. Kahit ilang taon ng nagdaan bakas pa rin sakin ang nakaraan. Alam ko ako ang may dahilan ng lahat pero iyon ang alam kong tama kaya hindi ko na ito dapat pang hinayangan pa. 'Kumusta na kaya siya? Nauwi pa kaya siya sa amin? Naalala niya pa kaya ako? Galit pa kaya siya sa akin? ' bulong ko sa aking sarili. 'pero siguro naman hindi na kasi tapos na ang lahat sa amin at matagal na iyon' dagdag ko pang bulong sa sarili. 'Hay Ericka Luwes, tapos na iyon, anu ka ba, bata ka pa noon, 15 ka palang at matagal na iyon, isang alaala nalang iyon' sagot pa ng aking isipan. "Waaaaahhhhh waaahhhh", iyak ng batang lalaki na sa aking harapan. Narinig ito ni mommy kaya mabilis na lumabas ng bahay at lumapit sa amin. "Hey Baby Girl, what happen? Why he is crying? What did you do to him?" ang tanong sa akin ni mommy ng makalapit siya sa amin.. "I just use my knuckle and punch him! Mommy! " Ipininagmamayabang ko pang sabi habang pinapakita ang maliit kong kamao. "But why baby?.. why did you do that? What's the problem? " Sunod sunod na tanong sakin ni mommy habang nanlalaki ang mga mata nito. "Look baby, he is crying now, why did you do that?! " dagdag na tanong pa ni mommy "Mommy, he said that he will marry when I get old!" mataray ko pang sagot sa aking ina. "and mommy I don't like him, he is not handsome, he is so maitim, and mommy I'm your baby pa, im only 8 years old, and I don't want to get old!" mahabang dugtong ko pa habang nagpapadyak ng paa. "But Baby, he is only joking. You don't know about that thing and both of you are still young. And don't say that he is not handsome, he is handsome baby! " sabi ni mommy habang pinapatahan ang batang lalaki. "Ericka, say sorry to him. And don't ever do that again" dagdag pa ni mommy na nilakihan ako ng mata. Tumahan naman na ang batang lalaki at naghihintay na ng aking sasabihin. "S-sorry na Richard, ikaw kasi eh, ang bata bata ko pa sasabihin mo agad sakin na papakasalan mo ako pag matanda na ako, and alam mo naman na I don't want to be old. I just want to stay young and pretty" sabi ko habang nakanguso pa. "and I'm sowee if I say that you are not handsome, that's not true, I'm only joking because you are really handsome but maitim nga lang" ang hirit ko pa na may pagkabulol pa nakayuko dahil nahihiya akong sabihin na gwapo talaga siya. Natatawa nalang ang aking mommy sa aking mga sinabi. "Oo na Ericka, tinatanggap ko na ang sorry mo, basta friends pa rin tayo ha, promise hindi ko na iyon uulitin " ang sabi ni Richard habang nakataas pa ang kanang kamay na parang nanunumpa. "At thank you dahil sinabi mong gwapo ako. " sabi nito sabay kindat ng kaliwang mata. Napangiti naman ako dito. Inilahad nito sa aking harapan ang kamay niya para makapag shake hands at tinanggap ko naman iyon. "Promise din hindi na kita sasapakin ulit." sabi ko pa dito at sabay pa kaming nagtawanan. "oh ayan ha! Ericka, huwag mo na uulitin 'yon anak ha! Tara na sa loob ng bahay, halika na din Richard may inihanda akong meryenda. " sabi pa ni mommy at pinapasok kami sa loob ng bahay para makapagmeryenda. Si Richard Warden, ang aking kababata. Ang aking unang Pag-ibig. Hindi ko mapigilan matawa sa aking sarili sa ala alang iyon.. Isa sa mga ala-alang hindi ko malilimutan.. That was seventeen years ago, ang tagal na pala ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ko. Napatigil ako sa aking iniisip ng huminto ang bus. "Chicharon, chicharon kayo jan, oh malutong na malutong oh, bagong luto, tatlo isang daan, thirty five ang isa" ang sigaw ng matandang lalaki na kakaakyat pa lang ng bus may dala itong chicharon na nakalagay sa malaking plastic. Napangiti ako dito ng makalapit na sa akin. Bumili ako dito, 'pasalubong ko na din sa kanila' sabi ko sa sarili. Maya maya pa ay may umakyat muling lalaki na may dalang matatamis na panghimagas. Mayroong Macapuno, Langka, Pastillas, buko pie at marami pang iba. Ganito talaga ang gusto ko noong bumibyahe ako pauwi ng probinsya kaya kahit pilitin nila akong ipasundo eh, talagang umaayaw ako. Nang tumapat ito sakin ay bumili na din ako dito para ipasalubong sa mga pamangkin ko. Natutuwang tinignan ko ang aking pinamili, matutuwa nito ang mga pamangkin ko. Ibinaling kong muli ang aking mukha sa bintana ng bus at sumilay ang ngiti sa aking labi.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Behind The Billionaire's Contract

read
24.7K
bc

The Young Master's Obsession (SPG)

read
73.6K
bc

The Cold-hearted Beast -SPG-

read
40.2K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
56.2K
bc

MAKE ME PREGNANT (TAGALOG R18+ STORY)

read
1.9M
bc

The Billionaire's Bed Warmer ✔

read
90.8K
bc

My Serbidora owns me. George Zoran Zither

read
28.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook