bc

Salamin

book_age0+
780
FOLLOW
4.6K
READ
drama
tragedy
twisted
5 Seconds of Summer
like
intro-logo
Blurb

Isang malaki, luma at sunog na mansion, magkapatid na mangkukulam, sumpa ng dalawang salamin at lihim ng nakaraan. Paano itomauugnay sa buhay ng magkakaibigang Irish, Jen at Laila? Paano nito babaguhin ang buhay ni Alexa? At ano ang kaugnayan ni Raffy sa mga buhay nila?

chap-preview
Free preview
Prologue
December 09, 1948 "SUNUGIN na natin ang mansyon upang masunog na din ang mga iyan!" sigaw ni mang Julio, isa sa mga taong nasa loob ng ng mansyong pagmamay-ari ng ulilang dalagitang magkapatid na Christina at Alyanna. Ang mangkukulam na magkapatid na salarin sa pagkamatay ng mga anak na dalagita ng mga taga Daine Cavite. Malulutong na mga tawa ang magkasabay na binitawan ng magkapatid ng umalingawngaw sa buong mansyion. "Kahit sunugin ninyo pa ang buong mansyon na ito, hinding hindi ninyo masusunog ang mga kaluluwa naming magkapatid!" sigaw ni Christina, ang mas matanda sa magkapatid. "At sa oras na makalabas kami dito, tandaan ninyo, babalikan namnin kayong lahat. Mula sa mga sarili ninyo hanggang sa magiging apo ng mga apo ninyo. Ipapalasap namin sa inyong lahat ang init at lupit ng paghihiganti namin ng ate ko. Ipaparamdam naming sa inyo ang init ng impyerno. Tandaan ninyo iyan!!!!" Nanindig ang mga balahibo ni manang Rosa sa narinig mula sa mas nakababata sa magkapatid. Mas lalo siyang natatakot sa tuwing maiisip na siya ang nagkulong sa mga ito sa loob ng salamin sa pamamagitan ng mga dasal na alam niya at kapangyarihan ng isang albularya na taglay niya. "Sunugin na natin ang mansion! Sunugin na natin ang mga mangkukulam na iyan!" sigaw ni mang Eduardo kasabay ang pagbitiw sa hawak na tulos na nag-aapoy ang dulo. Hindi naman nagdalawang isip ang mga kasama nila sa loob na gayahin ang ginawa nitong pagbitaw sa hawak na nag-aapoy na tulos. Sabay-sabay na silang lumabas ng malaking mansion. Ngunit kahit na nakalayo na sila ng ilang metro mula dito at pinagmamasdan na lamang ang pgtupok ng malaking apoy sa buong mansyon ay malinaw nilang naririnig ang malademonyong halakhak ng magkapatid mula sa loob nito. "Babalik kami... Babalik kami at papatayin naming kayong lahat!!!!" PRESENT YEAR... "HAVE you heard it?" bulong na tanong ni Laila na umupo sa katapat upuan ni Irish. Irish closed the book and moved closer to her friend. Nasa loob kasi sila ng library kaya bawal mag-ingay. "The what?" "That Alexa Mojica wanted to join to our group." "Thats' true," Jen also closed her own book and moved closer to her two friends. "That's her right?" aniya na inginunguso ang isang babaeng nakaupo hindi kalayuan sa kanilang pwesto. It was Alexa Mojica. The campus nerd. Ang makapal na buhok nito ay laging nakapusod na parang sa matanda, lagi rin itong naksuot ng makapal na salamin at may braces ang mga ngipin na lalong nakapagpadagdag sa pagiging nerd looking nito. "She could be our toy," nakangiting sabi ni Laila. "Yeah, to make our senior year most memorable," ani naman ni Jen. Hindi naman siya agad sumagot na tila may binubuo ng plano sa isipan bago nangingiting tumingin sa mga ito. "Let's see." "HEY you! Alexa!" May pag-aalinlangang huminto sa paglalakad ang transferee sa Perpetual Cavite Institute na si Alexa sa paglalakad palabas ng campus. Pangalawang araw pa lang niya sa PCI ngunit tila nais na niyang muling lumipat ng ibang paaralan. Ilang pang-aasar at pangungutya na kasi ang naririnig niya dahil sa ayos ng buhok at makapal na eye glasses na suot niya. Kung meron lang na mas malapit na high school sa bagong bahay na nilipitan nila ng mga magulang niya sa Indang Cavite dahil sa trabaho n g papa niya, doon na niya itutuloy ang huling taon niya ng sekondarya. "I said stop!" Bahagya siyang itinulak ni Laila ng hindi niya pinansin ang mga ito. "Laila, anu ba. Huwag mong ganyanin si Alexa," ani Irish. Napako ang tingin niya kay Irish. Alam niyang ito ang leader sa tatlo. Ang tanging estudyante sa PCI na hinahangaan niya dahil sa taglay nitong pisikal na kagandahan. Napakaganda ng hugis ng mukha nito na lalo pinaganda ng maputi at makinis na balat. Ang pinakanagustuhan niya dito ay ang natural na pagkakapntay-pantay ng mapuputing ngipin nito. Hindi kagaya ng sa kanya na hanggang ngayon ay hindi pa rin natatanggalan ng mga braces. "Are you okey?" si Irish muli ang nagsalita. Was she worrying? Hindi siya makapaniwalang nagsasalita ng ganoon sa kanya ang muse ng buong campus. As far as she knew, namimili lang ito ng mga estudyanteng sasamahan, kakaibiganin at kakausapin. And she wanted to be one them. She wanted to be one of Irish's friends. Na ngayon ay hinihiling niyang magkatotoo na. "She's asking you, bingi ka ba?" naiiritang tanong ni Jen mula sa likuran niya. "Jen, don't be harsh," saway ni Irih bago muling ibinaling ang mga tingin sa kanya. "Are you okey?" Napakaamo talaga ng mukha nito. Pakiramdam niya sa oras na makasama siya sa grupo nito, mapapansin na din siya ng buong campus not as campus nerd but as campus beauty. "O-okey lang ako. S-sige. I'll go ahead." "Wait!" Mahigpit na hinawakan ni Irish ang braso niya. Kaagad ding binawi ng dalaga ang kamay ng mapatingin siya dito. "Do you wanna go with us? I mean, I heard na gusto mo daw sumama sa grupo namin, so I'm giving you a chance. Wanna take it?' Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya sa mga naririnig mula sa iniidolong babae. Ngunit mas nagingibabaw ang tuwa kesa pag-aalinlangan. "You will let me to join your group?" "That is, kung makakapasa ka sa pagsubok namin," nakangising tugon ni Laila. "Pagsubok?" "Yeah, pagsubok." Mula sa likuran ay pumunta na rin sa harapan niya si Jen. Nagtinginan ang tatlo kasunod ang nakakalokong mga ngiti. I will pass it. I have to... I will... sa isip niya. "WHAT are we doing here?' Narinig ni Irish na tanong ni Alexa. Naptingin siya saglit sa suot na relo, its almost six in the evening at nagsisimula ng lamunin ng dilim ang paligid. Ibinaling niya ang mga tingin sa luma at sunog mansyon na hindi kalayuan mula sa kinatatayuan nilang lumang gate nito. "This is where you will take you exam," sagot niya na hindi inaalis ang mga tingin sa malaking mansyon. Nasa dulo ito ng Banaba Cerca, ang kasunod na barangay na Banaba Lejos, kung saan sila nakatirang magkakaklase. She heard a lot of story about the mansion from her lola. Kesyo may dalawang malaking salamin daw sa loob niyon kung saan nakakulong ang kaluluwa ng dalawang demonyong dalagitang magkapatid. At kung sino daw ang mga nangangahas na pumapasok doon ay hindi na nakalabas pa ng mansion dahil hinigop na daw ng salamin ang mga ito upang madagdagan ang kapnagyarihan ng salamin, na kailangan upang tuluyang makalabas ang magkapatid. For her, it was just a story for kids na hindi marunong makinig sa mga mgulang at ginagamit ang bahay na iyon upang maging panakot. Ngunit simula pa lamang ng huminto ang sinasakyan nilang tricycle kanina sa may gate na iyon ay may ibang lamig na siyang nararamdaman. Kahit ang mga dahon sa mga punong nasa gilid ng kalsada ay tila nagsasaya sa pagdating nila. Paranoid. Sa isip niya bago humarap kay Alexa. "I left my bracelet there inside last time ng maghang-out kami dyan nina Jerry," ang campus heartthrob ang tinutukoy niya na alam niyang pantasya ng lahat ng girl students ng PCI. Hindi nga siya nagkamali ng makita pangingislap ng mata ni Alexa ng banggitin niya ang pangalan ng binata. Alexa got a crush with Jerry. "Binigay pa naman ni Jerry sa akin 'yon. And I want you to get that for me. Kapag nagawa mo iyon, isasama ka na namin sa mga hang-out namin ng barkada. Besides, nasa first floor lang iyon ng mansyon. You don't need to go upstairs" "P-pero..." "Anong pero-pero? Gusto mo ba maksama sa grupo o hindi?" mataray na tanong ni Jen. "Gusto," tugon ni Alexa. "Oh 'yun naman pala. Eh di gora na!" sabi ni Laila na muli siyang bahagyang itinutulak. Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ni Alexa kaya hinawakan niya ang kamay nito. "Alex, kaya mo iyan. Kapag naksama ka na sa amin, hindi ka na nila tatawaging campus nerd or even weirdo. You will be on of us, one of campus beauties." Muli niyang nakita ang pangingislap sa mga mata nito dahil sa mga sinabi niya. Ilang beses rin itong nagbitaw ng malalim na buntong-hninga. "I-i'll go..." Kinontrol niya ang mga ngiting nais mamutawi sa mga labi niya at bahagyang pinisil ang kamay ni Alexa na hawak niya. "You can do it..." Ilang tango ang naging tugon ito bago tuluyang tumalikod at naglakad patungo sa mansyon. Nagtinginan silang tatlo bago inilabas ni Jen ang video camera mula sa bag. "Now let's see kung gaano siya kalakas tumili sa paglabas niya diyan sa loob." Sabay-sabay silang naghagikhikan bago itinuon ang mga tingin sa dalagang kapapasok lang ng mansyon. "Why?" tanong ni Laila. Bigla kasi siya napatigil sa paghagikhik . Hindi niya alam kung bakit tila pakiramdam niya, mayroon silang ibang kasama na sumasabay sa mahinang pagtawa nila. Halos sabay-sabay nilang natakpan ang mga bibig upang mapigilan ang pagtili sa malakas na pagsara ng pinto ng mansyon. "This would be a very interesting night," aniya na pilit na inaalis ang takot sa sarili. NAPAPITLAG si Alexa sa malakas na pagsara ng pinto ng mansyong pinasukan niya. Shit! You can do it Alex. You can do it! Napatingin siya sa paligid. Sunug na sunog aumang bahagi ng mansyon ang tingnan niya. "S-sinong nadyan?" nauutal na tanong niya ng makarinig ng mahihinang tawa sa isang bahagi ng mansyon. Itinapat niya ang ilaw ng hawak niyang cellphone sa kung saan niya narinig ang mahihinang tawa. She saw no one. Ngunit naagaw ng dalawang malaking bagay na may telang itim ang mga tingin niya. She started to feel a weird cold breeze kasabay ng paglakad niya palapit sa isa sa malaking bagay na iyon. "W-what's this?" Tila may sariling isip ang mga kamay niya ng hilahin niya ang malaking tela pababa. Halos mapatili siya sa nakita. Hindi niya alam kung saan ba siya nagulat, sa malaking salamin na tumambad sa kanya o sa kakaibang repleksyon ng sarili niya mula dito. "Paranoid ka talaga, Alex. It's just a mirror!" natawang bulong niya sa sarli na mas lalo pang inilapit ang mukha sa salamin. She could see herself whole sa laki ng salamin. "It's just a mirror Alex. A mirror." Natatawa niyang inilawan ang sarili upang mas makita ng malinaw ang repleksyon ng sarili. Ngunit halos mabitiwan niya ang cellphone na hawak ng may makitang kakaiba mula sa salamin. There is someone behind her. A girl in a long white bloody gown na sunog na sunog ang mukha. Humarap siya sa likuran sa pag-aakalang makikita niya itong muli. But there was no one there. She started to feel real creeps. Hindi niya napapansing unti-unti na siyang napapalapit sa malaking salamin dahil sa paatras na hakbang na ginagawa. I should not come here. At bago pa man siya muling makasigaw ay may naramdaman na siyang malamig na mga kamay mula sa likuran na humawak sa batok niya patungo sa mukha niya. Hindi niya magawang lingunin ang nilalang na iyon. Mahigpit ang pagkakahawak nito na tila nais durugin ang mukha niya. Akin ka na... Ang huling mga salitang narinig ni Alexa bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya. "ALMOST thirty minutes na siya sa loob huh," sabi ni Jen. Napatingin din si Irish sa suot na relo. Tama ito sa sinabi. Almost thirty minutes na silang walang kahit na anong naririnig na ingay mula sa loob ng mansyon. "Hindi kaya may nangyari ng masama do'n?" kinakabahang ani Laila. Hindi siya nakaimik. Paano nga kung may masamang nangyari na kay Alexa sa loob. Siguradong sila ang sisihin ng mga magulang nito kapag nagaktaon. "Hey she's coming." Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya muli ng kakaibang lamig ng hangin ng makita ang papalapit na si Alexa. Parang may mali sa nangyayari. Parang may mali sa papalapit na dalaga. "S-so, have you found it?" tanong niya. Bahagyang itinago ni Jen ang hawak na camera. Alexa smiled at her. A very sweet smile. "I did not look for it. I'm not interested to join in your group anymore. Anyway, have you checked you bag? I forgot kasi your wallet sa loob ng mansion," nakangiting tugon nito ng tuluyang makalapit sa kanila. "W-wallet ko?" Tumalima siya sa sinabi nito and Alexa was right, wala sa bag niya ang wallet niya. "How dare you to touch-" "Oopppss.. Sorry, nakalimutan ko kasi bitbitin palabas. Andun pa naman ung I.D. mo at mga credit cards. Weekend pa naman tomorrow, mukhang hindi ka makakapgshopping," nakangiting dagdag pa nito. "s**t you! Jen, Laila, lets go. Kukunin natin ang wallet ko." Hindi niya kayang dumaan ang weekends ng hindi siya nanakapagshopping. Baka magkasakit siya kapag nangyari iyon. "Jen, Laila? Let's go?" lumingon siya sa dalawang nakatayo sa likuran niya ng hindi sumasagot ang mga ito. "S-sorry Irish, but I can't go inside. Natatakot talaga ako sa mansyon na 'yan," tugon ni Laila. "Even me, Irish, Hindi ko kaya. Hinhintayin ka na lang namin dito." "f**k you all!" isa-isa niyang tinapunan ng matalim na tingin ang tatlo bago tuluyang naglakad patungo sa mansyon. "Don't worry, nasa first floor lang iyon. You don't have to go upstairs." Narinig niyang pahabol ni Alexa sa nang-aasar na tono ng boses. LUMANGITNGIT ng malakas ang pintuan na tila napakatagal ng hindi nabubuksan ng itulak ito ni Irish. "f**k you all!" inis na bulong niya bago inilawan ng hawak na maliit na flashlight ang nilalakaran. "Oh God!" halos pabulong na sigaw niya ng mailawan ang malaking salamin kung saan nakikita niya ang malaking repleksyon ng sarili niya. Hindi niya alam kung anong dahilan ng paglapit niya dito, lalo na ang pagalapit niya sa isa pang bagay na katabi nito ng natatakpan ng itim na tela. "Salamin din?" takang saad niya ng tumabad sa kanya ang tinatakpan ng itim na telang hinila niya. "D-dalawang malaking salamin?" wala sa loob na bulong niya ng mapagtanto ang dalawang malaking salamin na nasa harap niya. "It was just a story. I have to leave..." Ngunit bago pa man siya makatalikod mula dito ay may naramdaman na syang napakalamig na kamay n pumigil sa kamay niya sa pag-alis. Dahan-dahan niyang tiningnan ang kamay na nakakapit sa kanya. Sunug na sunog ito at ang lalo pang mas nakapahindik sa kanya ay ng mapagtantong ang nagmamay-ari ng kamay na iyon ay nagmumula sa loob ng malaking salamin. A girl in a white bloody dress at sunug-sunog ang balat. Sa wakas... Ang kahuli-hulihang salitang narinig niya bago tuluyang nagdilim ang lahat sa kanya. "NATATAKOT na talaga ako, bakit ang tagal niya?" takot na takot na wika ni Jen sa katabing si Laila. Wala pa namang tatlumpung minuto ang nakakalipas buihat ng umalis si Irish ngunit tila napakatagal na nila itong hinihintay. "Parang.... Parang may mali," bulong ni Laila. "W-what do you mean, Lai?" "Parang may mali sa kanya," tugon nito na mas hininaan pa ang boses habang nakatuon ang mga tingin kay Alexa na nakatayo hindi kalayuan sa kanila. "Kanina pa siya nakangiti. Parang excited na excited siyang makita ang paglabas ni Irish mula sa mansyon." Naramdaman niya ang biglaang pagtaas ng mga balahibo niya sa batok. "Stop it, Lai. Tinatakot mo na talaga ako ng sobra. T-teka. Si Irish na iyon di ba." "Irish!" Sabay nilang sinalubong ang dalagang nakangiting papalapit sa kanila na tila walang anuman ang nangyari. "What happened?" tanong niya. "Ha? Nothing. Ano ba kayo? Okey lang ba kayo?" "A-are you sure?" si Laila ang nagtanong. "Yeah, I already got my wallet," nakangiti pa ring tugon nito. "So, let's go home?" "S-sure..." Nagpauna nglumakad si Irish na maluwag ang pagkakangiting lumapit sa kintatayuan ni Alexa. "Let's go home?" yaya nito sa dalagang nilapitan. Hindi alam ni Jen kung bakit nakaramdam siya ng kilabot sa mga ngiting namutawi sa mga labi ni Alexa. Her smile was like a devil. "Let's go," anito bago muling lumuwag ang pagkakangiti sa mga labi. "Ate, umuwi na tayo." Nagkatinginan silang dalawa sa huling salitang narinig mula kay Alexa. Bago muling ibinalik ang mga tingin sa magkahawak kamay na sina Alexa at Irish na nagsimula ng maglakad. "A-ate?" __Hope nagustuhan ninyo... Please leave some comments... Thank you! n_n ________ __ Are you ready for the next part?! comment "YES" and I will update this story :) __

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Every Inch Of You (S.I.O#1)

read
274.1K
bc

OSCAR

read
224.9K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.4K
bc

NINONG II

read
616.6K
bc

Stubborn Love

read
98.5K
bc

My Secret Agent's Mate

read
113.7K
bc

NINONG III

read
360.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook