bc

I Heard Your Voice

book_age16+
762
FOLLOW
1.3K
READ
time-travel
twisted
lighthearted
mystery
city
small town
magical world
another world
friendship
slice of life
like
intro-logo
Blurb

The girl who can hear voices from touching a photograph is in town!

Nang misteryosong mawala ang lola ni Wendy ay napilitan itong magpunta sa ibang mundo na kakaiba sa Earth kung saan niya raw pwedeng matagpuan ito muli, sa lugar na ‘yon ay malalaman ni Wendy na siya ay may dugong Prime, isang sikat na pamilya dahil sa kakayahan ng mga ito na makarinig ng mga boses mula sa mga litrato ngunit kinamumuhian ng lahat.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
CHAPTER 1 Pinanood ko ang mga na puno na nakahilera sa gilid at sunud sunod na nadadaanan namin mula rito sa kotse. Papunta kami sa tuktok ng bundok kung saan matatagpuan ang tirahan ng aking mga tita. Mukhang ito ‘yung tipo ng lugar na hindi mo gugustuhing tirahan lalo na kung mahilig ka mag surf sa internet at social medias. Walang ka signal signal. Napanguso ako nang silipin ulit ang signal bars sa aking cellphone at makitang wala pa rin kahit isang bar ng signal. So much hate. Kailangan namin puntahan ang bahay na ‘yon kapag sumasapit ang unang linggo ng Disyembre, tulad ngayon, malamig na ang simoy ng hangin kahit saan ka magpunta at kahit tumutok ka pa sa sinag ng araw. Malapit na talaga ang Pasko. Nakaka excite ang mga regalo kahit na 21 years old na ako. “Wendy, sino nga ulit ‘yung kinukuwento mo kanina sa ‘kin?” Napalingon ako kay mama na nagsalita mula sa passenger’s seat. “Hala, ma. Wala naman akong kinikwento sa ‘yo kanina.” Nakangusong sagot ko saka pinanlakihan siya ng mga mata habang nagtatago ng repleksyon mula sa salamin kung saan panaka naka ang pagtingin ni papa sa ‘kin mula sa driver’s seat saka tatawa. Si mama talaga napaka daldal eh. Minsan ko na nga lang ikwento ang patungkol sa crush ko tapos hindi pa mapigilan magkwento kay papa. Si papa pa naman napaka mapang-asar! “Baka maalala mo ang pangalan, mukhang nakalimutan din ni Wendy eh.” Biro ni papa kay mama. “Bahala kayo diyan, basta cute siya tapos matalino tapos mayaman sila. Pasok na ba sa banga?” Malakas na tumawa si mama saka nilingon ako sa backseat. “Hindi naman ‘yan ang qualifications na gusto namin, pero hindi ka namin pipigilan sa kung sinong magustuhan mo.” “Kung nakita mo na ang taong ‘yan sa nakakagalit na sitwasyon at alam niya kung paano at kailan dapat maging kalmado. Then, okay, it’s a yes.” Nakangiting sagot ni papa habang nagmamaneho. Tumango si mama at ngumiti. “Right, honey, hindi nakaka proud maging cute, matalino at mayaman lang. Ang totoong nakaka proud ay kung kaya mo kontrolin ang sarili mo at hindi emosyon ang kokontrol sa ‘yo. Now, that’s a perfect boyfriend in my opinion.” Natahimik ako sa mga sinabi ni mama at papa. They are the best parents in the whole wide world for me. Hindi sila ‘yung tipo ng mga magulang na ipapahiya ka, ikukumpara o papagalitan agad kapag nagkamali. Ganoon siguro talaga kapag ang dalawang matured person ay nagkakilala. “That qualification also suits when you’re looking for a friend. ‘Yung friend na pwede mong pagkatiwalaan.” Nakangiting sabi sa ‘kin ni mama habang nag taas baba ang mga kilay. Naalala ko bigla ang mga kaibigan ko sa school. Madalas sila magpunta sa bahay kapag gagawa kami ng assignments and projects, at madalas sila marinig ni mama kung paano mag usap usap kaya kapag aalis na sila ay sasabihan na ako ni mama na medyo dumistansya sa mga kaibigan ko na ‘yon. Hay. Nag iisang anak lang kasi ako at malayo pa sa ibang mga pinsan. Sila mama at papa lang talaga ang mga bestfriend ko. Pagkarating namin sa bahay ni tita ay halos malaglag ang panga ko the whole time na nililibot ko ng aking paningin ang buong lugar. Napaka breath taking ng buong lugar dahil nga nasa tuktok ito ng bundok at kitang kita ang buong lugar sa ibaba. Napaka mahangin din dito dahil bukod sa nasa itaas kami ng bundok ay nasa gitna pa ng kakahuyan. Kung gusto ko siguro ng peace of mind, dito na lang ako tatakbo sa lungga ni tita. “Huy! Namiss ko kayo!” bungad sa ‘min ni tita Rachel! She’s only 32 years old, single at happy alone... sabi niya. Yumakap si mama at papa kay tita saka sila nagkamustahan habang naglalakad papasok ng bahay, nang mapansin naman ako ni tita Rachel ay saka ako nito sinugod ng yakap. Wala siyang anak at siya ang bunso sa kanilang magkakapatid. Nagtataka nga ako kung paano niya nagustuhan at nakakayanan tumira dito nang mag isa. Tapos wala pang gadgets or anything na pwede ka magbrowse sa internet. Bukod sa music lang at ‘yung television ay sumasablay pa paminsan sa signal. Like... paano ka nabubuhay araw-araw dito? Charot. “Ito na si Wendy?!” aniya habang hindi ako inaalisan ng hawak sa aking mga balikat. Tuwang tuwa si tita talaga sa ‘kin simula noong elementary pa lang ako. “Ang laki laki na niya, my gosh! Dati lang ay hanggang tiyan ko lang ang size mo, tapos ngayon halos malapit mo na ako matangkaran!” Tumawa si papa at mama habang nauupo sa sofa bitbit ang aming kagamitan. May dala silang dalawa briefcase na kanina ko pa tinatanong kay mama at papa kung ano ang nasa loob at ano ano ang laman. Pero huwag ko na raw alamin at baka hingiin ko pa sabi ni mama at papa as biro. Ayan tuloy at curious na curious ako kung ano talaga ang nandoon. “Oo, ang dami na ngang crush niyan eh. Nagdadalaga na yata.” Sagot ni mama. Tumawa si tita Rachel habang ako naman ay napasimangot. Nagkwento lang ako ng isa kay mama, madami agad?! “Isa lang ang crush reveal ko sa ‘yo kanina, ma, madami agad?” Masaya ang kwentuhan naming apat sa loob ng tahanan ni tita Rachel habang kumakain ng lunch hanggang sa naging seryoso ang kanilang usapan at hindi ko na maunawaan kung ano na ang pinagsasabi nila mama at papa kay Tita Rachel. “Malapit na ba? Wala na akong balita sa mga ‘yon eh. Hindi rin naman nila ako mahahanap dito.” Sabi ni Tita Rachel. Narito na kami sa living room habang nakaupo sila sa mga couch at ako naman ay medyo malayo ng ilang hakbang dahil pinapanood ko ang magic painting ni tita Rachel. “Mag ingat din kayo... lalo na’t malapit na mag-22 years old si Wendy. Tama ba?” Sa paningin ko kasi ay gumagalaw ang mga painting, noong una ay nawindang pa nga ako at halos takasan ng dugo sa buong katawan dahil akala ko ay minumulto na ako. Pero pinaliwanag ni tita na gumagalaw daw talaga ‘yon. Hinanapan ko nga ng saksakan o kahit anong battery. Pero wala raw. Gumagalaw lang daw talaga. Weird. TO BE CONTINUE... This is a quick spoiler from the later chapters. Read more! PAGKATAPOS ng ilan pang mga minuto ay mas lalong naging misteryoso at wirdo ang ikinilos ni Michael at wala naman kaming nagawa kung hindi panoorin lang siya mula sa ilang distansyang malayo sa kanilang lahat, hindi ko alam kung pareho kaming lahat nila Daro ng ginagawa pero ako kasi ay hindi lang kay Michael nakatingin. Lahat sila ay inobserbahan ko nang mabuti. Umahon lang ang kaba sa ‘king dibdib nang mapansin at pagsuspetyahan na parang iisa silang lahat ng nagiging ugali habang tumatagal sa pagkain ng maraming pagkain na naroon. Kung tatangkain mong manggulo sa tabi nila at agawin ang mga pinopokusan na pagkain mula sa kanilang kamay ay nagiging iritable silang lahat, ang iba ay halos mag- hysterical pa sa galit. Hindi naalis ang titig ko sa dalawang nasa gitna ng iba pang taong kasama nilang kumakain, nagkakabungguan sila paminsan dahil sa sobrang focused sa kinakain, dahil na rin sa dami nila roon at nagkakagitgitan na, hanggang sa matapon ang iniinom na softdrinks sa baso noong isa. Gaya ng iba, nag- hysterical din ito. Humarap ako kay Daro at Samuel na nakatayo sa likuran ko, naabutan ko silang kunot- noong pinagmamasdan din ang mga taong naroon habang nag- uusap nang masinsinan. “Mukha silang agresibo kapag nagugulo sa kinakain. Ako lang ba ang nakapansin niyon?” Bungad ko sa kanilang dalawa dahilan para mapunta naman sa ‘kin ang atensyon ni Samuel. “’Yan din ang napansin namin. Iniisip ko kung bakit ganoon, para sa ‘kin hindi sapat na dahilan ‘yong natatakot lang sila dahil uulit na naman ang oras at araw sa hindi nila siguradong pagkakataon.” Ani Samuel sa ‘kin habang palipat- lipat din ang tingin sa mga taong nasa sentro ng bayan at abala sa pagkain. Nakakrus naman ang mga braso sa dibdib ni Daro at hindi rin naaalis ang pagkunot ng noo na nagsalita. “Mukha silang possessed. Hindi lang basta takot,” Nilingon ko ulit ang mga taong ‘yon at hindi ko maiwasang sumang- ayon sa opinyon nila Samuel at Daro. Kung normal kang tao na nasa normal pang pag- iisip at tanging takot lang ang dahilan mo para kumilos nang kagaya sa kanila at kumain nang ganiyan katindi, pati na rin sa pagiging agresibong pag- uugali kung mawalan ng hawak na pagkain, sa tingin ko ay hindi ‘yon posible. Kahit naman takot siguro ako, kung puno naman na ang aking tiyan ay hindi ko na kakayanin pang kumain nang ganiyan karaming pagkain, iba- ibang pagkain at inumin, sa loob ng mahabang oras. This is actually really, really weird. “Okay, sige na.” Napunta ang atensyon ko sa humakbang sa harapan namin na si Elixir, pumalakpak ito nang dalawang beses para senyasan ang mga tauhan nila na kasama niya. “Kunin niyo na ang Michael na ‘yan mula roon at isama sa paghahanap ng exit dito sa puno ng mga baliw na tao na bayan na ito.” Sumunod sa kaniya ang mga tauhan niya pero iba naman ang plano kong gawin kaya naman hinayaan ko sila sa gusto nilang gawin at hinarap ang dalawang lalaking isasama ko. Sa ngayon ay mas okay ako sa pagkilos kung silang dalawa lang muna ang kasama ko. Ang iba sa kanila kabilang na roon sila Elixir, Mira at iba pa nitong mga kapatid ay masyadong maraming bitbiting problema sa isa’t- isa. Hindi pa malinaw sa ‘kin hanggang ngayon kung anong intensyon nila. “Pumunta tayo sa Food Shop kung saan nanggagaling ang mga source nila ng ganito karaming pagkain. Wala pa ‘kong nakitang farm dito o mga hayop na inaalagaan para gawing pagkain sa buong paglilibot natin kanina, napapaisip ako kung saan sila kumukuha ng pagkain.” Seryosong sambit ko sa kanilang dalawa. Tumango si Daro pagkatapos ko ‘yon sabihin, siguro ay pati siya ganoon din ang napansin. Nag- umpisang maglakad si Samuel para pangunahan kami sa pupuntahan kaya naman sumunod na rin si Daro. Nakaka- dalawang hakbang pa lang yata ako nang bigla kong mapansin ang bahagyang pagbawas ng liwanag mula sa kalangitan. Ang anino sa sahig dulot ng matinding liwanag mula roon ay unti- unting nawala. Itiningala ko ang aking ulo para sipatin kung ano ang nangyayari nang makita kong kumikilos nang may bahagyang kabilisan ang mga ulap doon, hindi katulad ng kanina na hindi ito halos gumagalaw na nagpa- wirdo para sa ‘kin dahil normal naman na gumagalaw dapat ang mga ulap sa himpapawid. Ang isa ko pang napansin ay ang pagbuo ng makakapal at madidilim na ulap mula doon. “Samuel, Daro!” Tawag ko sa kanila. Lumingon pa silang dalawa sa ‘kin pero bago pa ako tuluyang makapagsalita ay bumuhos na ang malakas na ulan sa paligid. Mabilis na nabasa ang aking buhok at ang aking damit dulot niyon. Wirdo ang pagbagsak ng ulan dahil biglaan iyon at parang ibinuhos nang sobra- sobra ang tubig mula sa kalangitan. Ikikilos ko na sana ang aking mga binti para tumakbo sa kahit saang may silungan nang maramdaman ko naman ang pagkabato ng aking mga paa sa sahig! “Anong nangyayari?” Nagpa- panic na sambit ko habang sinisipat ang aking mga binti. Ang upper part lang ng aking katawan ang kaya kong ikilos pero hindi ang mga paa ko! Ang sunod kong naramdaman ay ang biglang pagtahimik ng buong paligid, na kahit ang maiingay na patak ng mga ulan na bumabagsak sa bawat bubong ng mga shop at mga kabahayan dito ay nawala. Sa pagkurap ng aking mga mata ay maliwanag na ulit ang buong paligid. Literal na nanlaki ang mga mata ko nang makitang hindi na madilim ang paligid gaya kanina, hindi na rin umuulan nang malakas at hindi basa ang sahig! Tuyung- tuyo iyon na parang hindi malakas ang buhos ng ulan ilang segundo lang ang lumipas! Nagbaba ako ng tingin sa ‘king damit at halos mapasinghap sa gulat nang matagpuan itong tuyo rin, hindi basang- basa gaya ng suot ko kanina dahil sa biglaang ulan. “Anong kailangan niyo sa aming bayan?” Napaawang ang bibig ko nang makita ang parehong matandang lalaki na bumungad din sa amin noong kanina lang na kapapasok pa lang din namin dito sa Yesterday Town. Parehong- pareho ang temperature ng paligid at ang liwanag na nagmumula sa kalangitan noong unang pasok din namin dito. Nilibot ko ang tingin sa mga taong nakatingin sa amin, abala na sila ngayon sa kaniya kaniyang mga gawain at hindi na kagaya noong pumasok kami rito na ang lahat sa kanila ay nakatitig sa pagdating namin. “Wala kaming kailangan sa inyo,” nanunuyang sagot ni Elixir saka humakbang para lapitan ang kausap na matanda. “Ituro mo sa ‘min ang daan palabas dito at kailangan lang naman namin lusutan ang walang kwentang lugar na ’to,” Ngumisi ang matanda kay Elixir. “Lusutan? Hindi mo yata alam ang lugar na pinasok mo, hijo,” saka niya ako tinignan. Saglit na nanindig ang mga balahibo ko dahil doon. “Wala pang nakalabas dito nang ganoon kadali. Palaging may pagsubok, at may iiwanan,” misteryosong sambit niya pa. Nagsalubong ang aking mga kilay. Hindi lang dahil sa wirdo niyang mga sinabi kung hindi dahil din sa sitwasyon ko ngayon mismo. Alam ko naman na, hindi na ako masyadong magugulat dapat na nasa ibang pwesto, oras at pagkakataon na naman ako, kami. Halata namang naulit at bumalik ang mga oras. Na naman. Ulit. Inaasahan ko na ‘to kanina pa. Tumalikod ako roon at agad na humakbang palapit kay Michael, seryoso ang titig ko sa kaniya habang siya naman ay mukhang naguguluhan kung bakit ako lumalapit sa kaniya ngayon. “Bakit?” Bungad niya nang tumigil ako sa harapan niya mismo at ilang segundong hindi umimik, nakatitig lang sa mga mata niya. Obviously, normal pa siya ngayon, ito ang totoong personalidad niya at hindi iyong nakita namin habang isa siya sa mga halos mag- hysterical at agresibong kumakain ng iba’t ibang uri ng pagkain. “Dumikit ka sa ‘kin buong panahon na nandito tayo, bawal kang humiwalay,” diretsong sabi ko sa kaniya. Noong umalis kasi kaming tatlo nila Daro at Samuel kanina pa para libutin ang buong Yesterday Town ay naiwanan na silang magkakapatid dito. Hindi ko alam kung ano ang mga nangyari at nagulat na lang ako na wirdo na ang mga ikinikilos ni Michael. Kailangan kong malaman kung anong naging dahilan at naging ganoon siya na parang kaisa na siya sa mga taong nakatira rito pagdating sa pagkain. Pero sa ngayon, ang dapat ko munang gawin siguro ay iiwas si Michael sa pwedeng mangyari. Good thing ay umulit ang oras, hindi ko alam kung ano pa ang pwedeng mangyari sa kaniya roon kung hahayaan lang namin siya na ganoon siya. “Bakit? May… problema ba?” Hindi siguradong tanong ni Michael sa akin. Tumango ako. “Bilang isang Prime, nararamdaman kong mapapahamak ka maya- maya lang kung lalayo ka sa paningin ko. Kaya sumunod ka na lang sa babala ko para sa ‘yo,” Napalunok siya at halatang natakot dahil doon kaya tumango na lang. Joke lang ‘yon, hindi naman ako si Madam Auring o kung sino mang may kakayahang manghula riyan para sabihin kung may parating bang panganib, siguro dapat iexpect ko nang marami talagang parating na panganib dahil sa mga lugar na pupuntahan namin, pero sinabi ko lang din ‘yon sa kaniya para hindi na siya magtaka pa at para malaki ang tyansa na sumunod na lang siya sa ‘kin. Sino ba namang may gusto na malamang mapapahamak siya maya- maya lang kung hindi siya susunod. Nagkatapat ang tingin namin ni Samuel nang lingunin ko naman ito, nakita kong nakatitig din siya sa ‘min at mukhang nagtataka kung bakit ko sinabihan nang ganoon si Michael. Wala nga pala siyang naalala. Nakakapagod naman kung paulit- ulit kong ipapaliwanag sa kanila ang mga nangyayari, nangyari na at mangyayari pa lang. “Diretso tayo sa Food Shop, samahan niyo ako, pwede ba kayo?” Tanong ko sa kaniya at kay Daro na katabi nito. Mukhang naguluhan naman siya kung ano ang binanggit kong Food Shop base sa kaniyang ekspresyon. “Iyon ang shop kung saan silang lahat kumukuha ng mga pagkain. May kailangan lang akong malaman mula roon.” Nagtungo na kami sa lugar, base sa pagkakaalala ko ay nadaanan namin iyon kanina lang na naglibot kami ng buong Yesterday Town at hindi nga ako nagkamali. Tumayo kaming apat sa harap ng shop nang marating na namin ito, kakaiba ang ambiance kahit na makulay naman ang disenyo at pintura nito sa mga kulay na dilaw at asul. Walang katao- tao sa labas nito hindi kagaya ng ibang shop na matatagpuan sa paligid. “Anong gagawin natin dito?” Tanong ni Michael. “Aalamin natin kung saan sila nakakakuha ng source ng pagkain,” “Dahil?” Tanong ni Daro. “Couple of minutes from now, pagbalik na pagbalik natin mismo sa sentro ng bayan ay paniguradong dadatnan natin ang halos lahat ng mga tao rito na hayok na hayok sa kinakain nilang mga pagkain. Wala na sila sa sarili at pwede na nating sabihin na halos agresibo na rin ang ikinikilos nila kung aagawan ng pagkain.” Seryosong paliwanag ko. “Paano mo naman nalaman ang bagay na iyan?” Nakakunot ang noo na tanong ni Michel. Siyempre dahil sa ‘yo, stupid. “Siyempre hindi ko na sasabihin kung bakit. Kaya sumunod ka na lang sa mga iuutos ko sa ‘yo,” masungit na sagot ko sa kaniya. Sinadya kong magsungit kahit hindi naman ako naiinis at iritable sa kaniya para lang hindi na siya magtanong- tanong patungkol doon. Isa pa rin akong Guardian at iyon ang identity na kailangan kong itago mula sa kahit kanino hanggang ngayon, maliban na lang sa dalawang taong pinaka- pinagkakatiwalaan ko. Si Daro at Samuel ‘yon. ‘Yon lang. Nag- umpisang magtka sila Samuel sa mga pinagsasabi ko kaya naman huminga ako nang malalim saka inunahan na sila sa pagpasok doon sa Food Shop. Nakakapagod talaga kung sakaling uulit na naman mamaya- maya ang oras, magpapaliwanag na naman ako sa lahat. Umuulit ang lahat maliban sa ‘kin, pero nakaka- frustrate pa rin. Bumungad sa ‘kin ang makalumang disenyo ng shop kung saan kahit gawa naman ang bawat pader at ceiling sa bato ay kulay makaluma pa rin sa Coffee Brown at Dirty Yellow ang paligid. Hindi gaya ng mga normal na shop, ang isang ito ay walang makikitang mga lamesa at mga upuan sa loob. Mukhang hindi para sa dine- in customers ang shop na ito. Puro mahahabang counter sa palibot, may mga disenyong bulaklak na nakasabit sa bawat pader, shelves, hanging pots at mga paso. Disturbing ang mga bulaklak na iyon dahil puro lanta na at puro patay na. Nakita kong hinawakan ni Michael ang malapit sa kaniyang bulaklak na nakalagay sa isang puting flower vase, huli na bago ko siya masaway dahil nahawakan niya na ito gamit ang dalawang daliri. Dahilan para maging abo sa kalumaan at kalantahan ang hinawakang bulaklak, parang upos ng sigarilyo itong nahulog sa sahig. “H’wag kang humawak ng kahit na ano, Michael,” nauna nang saway sa kaniya ni Daro. Tumango ako bilang pagsang- ayon sa huli kaya naman nahihiyang itinago na lang ni Michael ang dalawang kamay sa mga bulsa ng suot na pantalon. Nawala kay Michael ang atensyon naming tatlo nila Daro at Samuel nang biglang tumunog ang bell na nakasabit sa pinto mula sa Kitchen ng Food Shop, bumukas iyon at iniluwa ang babaeng nakasuot ng puting apron, nakapusod ang kaniyang buhok sa mataas na bun at may bitbit na dalawang malalaking tray ng mga pagkain sa magkabilang mga kamay. Mula sa malawak na ngisi ay naging simangot iyon nang unti- unti nang mabungaran niya kami sa loob ng Food Shop. Wirdo ang naging reaksyon niya, dahan- dahan na literal ang kaniyang paglapit sa mahabang counter kung saan niya inilapag kaagad ang dalawang masasarap na putahe mula sa food tray na hawak niya kanina lang. Mukhang isang buong lechon manok ang isa, habang ang isa naman ay Carbonara Pasta na magandang- maganda pa ang presentation sa ibabaw ng sauce at mga sahog nito. “Sino naman ang mga lapastangang pumasok ng aking Food Shop?!” Malakas na bulyaw niya sa amin saka malakas na hinampas ang gawa sa kahoy na counter. “Bawal pala pumasok dito?” Natatawang tanong ni Samuel sa kaniya sa mapaglarong tono. “Ang sabi kasi sa signage sa labas ng pinto ay Come In If You Are Hungry?” “Pero bawal pumasok dito hangga’t hindi pa tapos lutuin ang lahat ng mga pagkain ko! Sino ba kayo?! Ngayon ko lang kayo nakita rito!” Pataas nang pataas ang kaniyang boses at halos mamula ang buong mukha sa sobrang galit. Tumikhim ako para makisingit sa pag- uusap. “Wala kaming planong makigulo sa mga pagkaing niluluto mo, may mga itatanong lang ako sa ‘yo kung pwede, saglit lang ‘to.” Mahinahon kong pakiusap sa kaniya. Ilang segundong nanahimik siya at nanatiling nakatitig sa ‘kin na parang may mali akong sinabi saka dali- daling hinubad niya ang kaniyang apron at padabog na inilapag sa counter. Masama na ngayon ang kaniyang titig sa ‘kin kaya nagkatinginan kami ni Samuel. “Ang pinaka- ayoko sa lahat ay iyong mga kagaya mo na harap- harapang sinasabi sa akin na wala kang amor sa mga luto ko! Makikita mo ang hinahanap mo!” Dinuduro- duro niya na ako sa buong pagsasalita niya na may diin at gigil na parang gusto na akong saktan nang pisikal. Lalong nalukot ang aking noo dahil doon. “Eh kasi busog pa kami kaya-“ hindi na naituloy ni Samuel ang pagsagot nang lumabas sa counter ng shop iyong babae bitbit ang malaking food tray, naroon ngayon ang plato ng Carbonara Pasta saka siya lumapit sa harapan ko.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
125.7K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
40.6K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
184.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
87.4K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
156.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook