bc

A Hundred Days of Happiness

book_age16+
98
FOLLOW
1K
READ
badboy
aloof
comedy
bxb
humorous
campus
like
intro-logo
Blurb

Rowan doesn't believe in fairy tales. Kaya ganoon na lamang katindi ang pagde-deny niya nang sabihin ng kanyang younger sister na gusto sa kanya si Darryl. Paano nga naman ba kasi mangyayari iyon? Darryl has everything - fame, wealth, and beauty. Libag lang siya kung itatabi siya rito.

And yet, Darryl was always there. Sunod ito nang sunod kahit saan siya magpunta. No matter how hard he tried to convince himself he was being delusional, Darryl's actions suggest interest in him. At umamin pa talaga ito sa kanya!

Pagbigyan kaya niya ito? Is he really willing to gamble his heart to this guy he had always perceived as out of his league? Kaso, baka masaktan siya. That was his biggest fear.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
It was uncommon for Rowan to go to a place he is not familiar with. Lalo na kung tatambayan niya para hintayin ang kapatid. Normally, he would go to the Starbucks along Dapitan, dahil doon siya sumasakay ng jeep pabalik sa condo sa Pedro Girl. However, due to the rain, he decided to go to this unfamiliar coffee shop instead. Malapit iyon sa footbridge sa España sa tapat ng main gate ng Unibesidad de Santa Juana de Arco, kung saan siya bumababa. Ilang hakbang pa mula roon ang bagong building ng SHS, kung nasaan naman ang kapatid niya. Well, the place looked cozy. Dim ang dilaw na lighting tapos kita rin niya ang mga leather couch na bakante sa harapan. Problema nga lang, kakaunti ang tao. Nag-alangan tuloy si Rowan pumasok dahil naisip niya na baka hindi masarap kaya hindi patok. Pero dahil lumakas lalo ang ulan kasabay ay nasamyo niya ang mabangong amoy ng brewed coffee mula sa loob, pumasok na siya. Now, what to buy? Tanong niya sa sarili habang nakatingin sa menu board at maging sa cake stand sa tabi ng kaha. Thankfully, there was a couple in front of him, so he had a luxury of time to decide. When it was his turn, he settled with espresso. "Saka honey glazed doughnut na rin," dugtong pa niya habang nakatingin sa cake stand. Then, he moved his jaws sideways. Ilang beses din. Bagong adjust kasi ang brace niya at sa totoo lang, naiirita siya. "With ice?" "Ha?" Ibinaling niya ang tingin sa tao sa kaha. Noon lang niya napagtantong ang gwapong lalaki nito. Slim face with strong jawline tapos matangos ang ilong. Magulo ang buhok nito pero bumagay naman. "Do you want your espresso cold or not?" Ngumiti ang lalaki. Ilang ulit siyang napakurap. He had to admit, gumwapo lalo ang lalaki nang ngumiti. "Oh no, he's hot," bulong niya. Tapos, napatakip siya ng bibig. s**t! Narinig kaya niya? The guy looked at him for seconds. "You like it hot, huh?" saad nito in a husky tone. At ngumisi pa pagkatapos! Napamulagat tuloy siya. s**t! Gusto niyang sapukin ang sarili. But rather than explaining himself, tumango na lang siya at kunwari'y iyon talaga ang ibig niyang sabihin. Nilabas rin niya ang PWD ID for a discount. "So you're Eldrich Rowan Selorio. Nice name," kumento nito matapos tingnan ang ID niya. Nakangisi pa rin at nanatiling husky ang boses. What the f**k? Napakunot siya ng noo. This guy was surely going overboard. Thankfully, the guy did not say anything after. Inabala na kasi nito ang sarili sa pag-aasikaso ng order niya. "Enjoy your meal." Binalik nito ang ID niya saka kumindat. Kamuntikan na siyang mapaikot ng mga mata. Ayaw tumigil? And yet despite that, ramdam din niya ang matinding kilig. - SA TOTOO LANG, pinagsisihan ni Rowan na dumating siya nang maaga. Buryong-buryo kasi siya dahil dalawang oras siyang nakatunganga sa coffee shop. Mabagal kasi ang data niya kaya hindi siya makapag-internet. Wala rin siyang dalang libro dahil natakot siyang mabasa iyon. Biglang nag-alert ang phone niya. Nag-text na ang kapatid niya na pababa na raw ito. "Hay, salamat naman," usal niya saka tumayo at nag-inat. Makapagligpit na nga. Inipon niya ang mga pinagkainan sa tray saka dumiretso sa banyo. Pagkalabas, nagdesisyon din siyang lumapit ulit sa counter para humingi ng tubig. Noon lang niya napansin na babae pala ang nakatoka roon. Nasaan na kaya siya? He looked around, hoping to see the handsome guy earlier. Tapos, natigilan siya at napakunot ng noo. Teka nga? Bakit ba hinahanap ko siya? Pinilit niyang iwaglit sa isip ang lalaki. Dumating din ang tubig niya na nakalagay sa puting paper cup. He thanked the woman before leaving. Saktong pagtalikod niya, bumungad sa kanya si Lianna. "Kuya!" bungad pa nga nito dahilan para mapitlag siya at kamuntikan pang mabitiwan ang hawak na paper cup. Tumawa naman nang malakas ang kapatid niya dahil sa reaksyon niya. He hissed. "Mahiya ka nga. Nasa coffee shop tayo." Napaikot naman ito ng mga mata. "Hay nako, Kuya. Napaka mo talaga." Tapos, umabresiete ito sa kanya. "Tara na. Uwi na tayo bago pa umulan ulit." Kaso unang hakbang niya'y nakahagip ng tingin niya ang lalaki kanina. Nasa may doorway ito, kausap ang guard. Tinamaan ng magaling! Sakto pa ang pagharap nito sa pagpukaw ng tingin niya rito. Natigilan siya at napalunok. Pakiramdam niya'y bumagal ang oras. The guy was tall with amazing figure. Ang haba ng binti nito. Hindi tuloy niya maiwasang hagurin ng tingin, lalo na sa malaman nitong pang-upo. Hapit pa naman ang suot nitong uniporme na kulay brown kaya napakahalay tingnan. Shit! s**t! Sigaw ng isip niya nang bigla itong ngumiti. What to do? He knew it was the cue for him to look away, but alas, he was paralyzed! His thought was interrupted when Lianna suddenly screamed. "Oh my God, si Darryl!" Niyugyog pa siya nito. "Kuya pa-pic tayo!" "Ha? Sino--whoa!" Hinatak siya ni Lianna hanggang sa malapitan na nila ang lalaki. "Hello, you're Darryl, right?" tanong nito sa lalaki. "Pwedeng magpa-pic?" Rowan noticed the name tag of the guy. It said, "Hi, I'm DARRYL". But who's he, anyway? Bakit parang sobrang excited naman yata ni Lianna? Darryl expressed his approval with an enthusiastic, "Sure!" while that beautiful smile was still plastered on his face. Kinilig na naman si Lianna. Bumungisngis pa nga sabay hampas sa kanya. Pinandilatan naman ni Rowan ang kapatid. "Masakit, ha?" The guard volunteered to take the picture. Samantalang, pinagitnaan nila ang lalaki. Ang tangkad niya talaga, grabe, isip ni Rowan habang nakatingin sa mukha nito. Nasa dibdib lang siya nito. Suddenly, Aldous looked his way. Napitlag tuloy siya sabay iwas ng tingin. Then, he felt Darryl's arm on his shoulders. Hinigit siya nito palapit. Rowan swore he felt some static electricity when their skin rubbed. Napalunok na naman siya saka pinilit ngumiti dahil nagbibilang na ang guard. After three shoots with different poses, Lianna decided it was enough. Kinuha nito ang phone sa guard at nagpasalamat. Pati kay Darryl, nagpasalamat ito. "Welcome! Balik kayo ulit dito, ha?" sabi ng lalaki. Tumango si Lianna. "You own this shop?" "Actually, this is my mom's. Tumutulong lang ako kapag free." Sino ba siya? Artista ba siya? Naningkit ang mga mata ni Rowan habang nakatingin sa lalaki. Parang pamilyar nga siya. Parang nakikita ko sa IG? Bigla na naman nitong ibinaling ang tingin sa kanya. And much like earlier, it caught him by surprise. Napitlag siya saka tarantang umiwas ng tingin. Tumawa naman ang lalaki. "Ikaw rin, Eldrich. Balik ka rito." "Eldrich?" nagtatakang aniya. "Or Rowan? Di ba, Eldrich Rowan ang pangalan mo? I saw it on your PWD ID earlier." "Oh." Napakamot siya ng ulo at umiwas ng tingin. "It's Rowan." "I see." Tumango-tango si Darryl. "So see you soon, Rowan, okay? Aasahan kong makikita ulit kita sa ibang araw." "Yeah, sure." He eyed Lianna and pleaded with her to get out of here. Agad namang pumayag si Lianna, bagaman nakaukit sa mukha nito ang kakaibang ngisi. And with that, Rowan already knew what she was thinking. Malisyosa pa naman ito! "Taray! Naalala ni Darryl ang name niya," maya-maya'y bulong ni Lianna sa kanya habang nilalabas niya ang payong mula sa bag pack niya. "Stop it, Lianna. It means nothing." Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Alam kong nabubuhay na naman ang dugong maka-yaoi mo." Bigla itong tumawa. Napatalak na lang tuloy siya saka pinindot ang payong para bumukas iyon. "Kung wala lang pala iyon, bakit nakatingin pa rin siya sa atin?" Natigilan siya. "Ha?" Lianna puckered her lips and gestured to him to look at the direction of the door. Agad naman siyang sumunod dahilan para mapamaang siya. Lianna was right. Nakatunghay sa nakabukas na pinto si Darryl. Sa direksyon nila ito nakatingin. And the moment their eyes met again, Darryl smiled. Tapos, kumaway rin. Rowan's eyes widened. No, this was not real. Baka nagkakamali lang siya. Baka iba ang tinitingnan nito. But when he looked around, he found no one. At nang ibaling niya ulit ang tingin kay Darryl, naroon pa rin ito. Ngumiti na naman nang magkatinginan sila. Napalunok siya sabay hawak sa braso ni Lianna. "Umalis na nga tayo rito," tarantang bulong niya saka ito hinila. Of course, Lianna complained. Nasasaktan daw ito. But Rowan ignored her. Gusto lang niyang makalayo agad doon. It was creeping him out. No, not Darryl, but with his own feelings. Because right then, his heart was thrashing so hard against his rib cage. Parang nais nitong kumawala sa dibdib niya. And he did not want that, especially not with a guy like that.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Run Honey Run / Mafia Lord Series 4 Completed

read
316.7K
bc

Sold Her Virginity (Tagalog)

read
825.7K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.7K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

Midnight Lover/Mafia Lord Series 1/Completed

read
533.4K
bc

My Husband Is A CEO Boss

read
470.0K
bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook