bc

WOOKIE (The Love To Kill)

book_age16+
715
FOLLOW
2.2K
READ
spy/agent
fated
manipulative
confident
police
twisted
bxg
city
small town
crime
like
intro-logo
Blurb

Nasa panganib ang buhay ni Nezzie Jane kaya palipat-lipat siya ng tinutuluyan hanggang sa pinakahuli ay sa Hotel Trevino siya napunta. Kumpiyansa siyang hindi na siya masusundan at mahahanap ng mga taong humahabol sa kanya.

Pero mali ang akala niya dahil napasok ang tinutuluyan niyang kwarto roon at tinangkang sunugin iyon kasama siya.

Agad namang on the rescue ang security ng hotel sa pangunguna ng Security Head na si Wookie para tulungan siya at sagipin. Nakaligtas nga siya pero nasa panganib pa rin ang buhay niya.

She didn't know where to go. Nag-alok ng tulong ang binata at assurance na poprotektahan siya nito mula sa humahabol sa kanya. Pero kapalit niyon ay ang pananatili niya sa suite nito at ang pagsunod niya sa mga sasabihin at ipag-uutos nito.

Tatanggi pa ba siya gayong no choice na siya? At kaya ba niyang i-risk ang kaligtasan niya kahit kapalit niyon ay ang tuluyang pagkahulog niya para sa binata?

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
NEZZIE JANE Magsasaktong ala-singko na ng hapon. Kailangan ko nang matapos ang mga gagawin ko. I need to ensure na wala akong makalimutan na kahit na ano para bukas. Ayokong pumalpak at ayokong mapagalitan ng boss ko. Iyon ang pinaka-iiwasan kong mangyare sa lahat ang masermunan ako. Medyo strikto at nakakatakot pa naman ang boss ko pagdating sa trabaho. Ayaw nito ang kapalpakan. Ang gusto nito ay nasa order at maayos ang lahat. Nasusunod din dapat ang schedule nito at higit sa lahat dapat alam ko ang lahat para sakaling magtanong ito ay masasagot ko din agad. Hangga't maaari ay dapat wala akong ma-miss ni isa. Alam ko na kasi ang ugali nito at kilalang-kilala ko na ang reputasyon nito. Takot ko lang din na masisante kaya pinagbubutihan ko talaga. At so far ay okay naman ang trabaho ko. Ganun din ang working relationship namin. Isa akong full time sekretarya dito sa munisipyo ng Las Navas na siyang bayan namin at na-assign ako sa opisina mismo ng Mayor. Oo, tama kayo sa nabasa niyo, amo ko lang naman ang mismong Mayor namin na si Mayor Antonio Regalado. Actually, ninong ko din siya sa binyag. At tinuturing ko na din siyang parang pangalawang ama. Matapos ko kasing maulila ng mamatay sa aksidente ang mga magulang ko ay ito na din ang tumulong at kumupkop sa akin. Siya din ang nagpaaral sa akin hanggang sa nakapagtapos ako ng kolehiyo. At bilang kabayaran sa lahat ng ginawa nito ay nagtrabaho ako sa kanya bilang sekretarya nito. Ilang taon na din akong nagtatrabaho sa kanya. Matagal-tagal na din kasi itong nakaupong Mayor. Hindi ko na mabilang, dekada na rin yata. Nag-aaral pa ako ay ito na ang nasa pwesto. Wala kasi itong kalaban tuwing eleksyon kaya ito ang laging nananalo. Marami kasing natatakot dito kaya wala talagang nagtatangkang kalabanin ito. Pinangingilagan ito halos ng lahat. Diyos ang turing nito sa sarili. Batas ang bawat salita nito. Lahat ay dapat sundin pag sinabi nito at lalong hindi pwedeng baliin at kontrahin. Matagal ko na ding alam na may mga anomalya itong ginagawa sa bayan namin lalo na pagdating sa pondo ng munisipyo. Isa talaga ito sa itinuturing na kurakot. Imbes kasi na para sa proyekto ng bayan mapunta ay sa bulsa nito diritso iyon. Ganun din ang mga ilegal na gawain dito sa bayan namin.Pagkakaalam ko pa ay siya din ang nasa likod ng mga pasugalan, sabungan, maging ang mga sindikatong tumutumba sa mga nakakalaban at nakaka-alitan nito. Walang takot na pumapatay ng tao kapag salungat sa gusto nitong mangyare. Pero kahit ganun ay ayokong makialam na dun. Ayoko din kasing madamay sa mga ginagawa nito. Wala na akong pakialam sa iba pa niyang mga transaksyon. Hanggang sa pagiging sekretarya niya lang ako. Hindi ako nagsasalita kahit na may alam ko. Nakamasid at nakikinig lang ako din ako lagi. Bingi-bingihan at bulag-bulagan sa mga bagay na nakikita at naririnig ko. Malaki ang utang na loob ko dito kaya bumabawi lang ako kahit hindi ko gusto ang ginagawa nitong pamamalakad sa bayan namin. Wala naman akong choice kundi ang sumunod dito at pagbutihin na lang ang trabaho ko. Kung may mas nakakaawa man siguro ay walang iba kundi ang mga kababayan namin dahil sila talaga ang apektado ng lahat. Bukod sa naroon na ang takot ay wala din silang magagawa para pigilan iyon. Sadyang makapangyarihan ang nakaupo. Kaya wala ding progreso ang bayan namin dahil na din sa mga tulad ni Mayor Regalado na pasimuno ng lahat ng mga masasamang gawain. Nang masigurong okay na ang lahat ay naghanda na ako para umalis. Inaayos ko na ang bag ko ng saktong tumunog ang phone ko Muli kong kinuha iyon para sagutin. Nakita kong naka-rehistro ang pangalan ng boyfriend kong si Rusty sa screen. Agad ko ding sinagot iyon. "Hello, ba't ka napatawag?" bungad ko sa kanya. "Bakit masama na bang tawagan ang bebe ko?" tanong din ni Rusty imbes na sagutin ang tanong ko. "Hindi naman. Hindi ko lang inaasahan na tatawag ka. Asan ka ba?" "Andito ako sa labasan hinihintay ka." "Weeh? Di nga? Kailan ka pa dumating?" tanong ko na hindi makapaniwala. Ang pagkakaalam ko kasi ay nasa Maynila ito. Nagpaalam kasi itong may aasikasuhin tungkol sa pag-aapply nitong makasampa ng barko. "Kadarating ko lang. Dito na agad ako tumuloy dahil gusto na kitang makita. Miss na miss na kita." "Baliw! Kaka-video call lang natin kaninang tanghali." "Kanina pa iyon. Ilang oras na ang lumipas." "Ganun din 'yun. Bakit 'di mo sinabing uuwi ka?" "Sinadya ko talaga kasi gusto kitang surpresahin. Kaya bilisan mo na diyan at may pupuntahan pa tayo," anito. "Saan naman?" nae-excite kong tanong. "Basta! Hihintayin kita dito." "Okay, fine! Doon mo na lang ako hintayin sa kanto baka may makakita sa atin. Ayoko lang ma-tsismis dito. Alam mo namang andaming mata sa paligid mahirap na," nasabi ko na lang at binilisan ang pag-aayos ko. "Okay, sige! Hintayin kita dun. I love you, bebe!" "I love you, too," tugon ko saka ko tuluyang tinapos ang tawag at nilagay ang phone ko sa bag. Mag-iisang buwan na ang nakakaraan ng sagutin ko si Rusty sa panliligaw nito. Ilang buwan niya din akong palihim na niligawan bago ko siya tuluyang sinagot. College schoolmate ko siya dati. Magkaiba kami ng course. Pero nagkikita at nagkakasalubong na kami sa university campus. At nung time kasi na 'yun ay sikat na sikat ito. Siya lang naman ang isa sa mga tinaguriang university heartthrob. Bukod sa pogi, malakas ang dating at medyo may pagka-badboy ang image. Magaling din itong maglaro ng baseball. Siya lang din naman ang tumatayong team captain ng baseball team ng university na nakikipag-compete kapag may mga sporting event. Tinitilian talaga ito kahit sa paglalakad nito sa loob ng university. Maging sa practice game nito ay madaming nanonood. Lahat halos ng estudyanteng babae at maging mga beki ay nagpapapansin at pinapangarap ito. At hindi talaga maikakailang madami ang nagkakagusto sa kanya. Maski ako ay nagka-crush din sa kanya dati pero hanggang doon lang iyon. Hindi na ako umasang mapapansin pa niya ako dahil alam ko namang malabo iyon. I was just nobody. Simpleng estudyante lang at 'di pa ganun karunong mag-ayos ng sarili. Kaya tamang palihim na sulyap lang mula sa malayo at cheer kapag may laro ito lalo na pag Intramurals. Hanggang sa iyon nga muli kaming nagkita pagkalipas ng ilang taon. Pareho na kaming nakapagtapos ng pag-aaral. Nagtatrabaho na ako sa munisipyo samantalang ito naman ay nasa kabilang bayan namamasukan. Saktong kasing may pinuntahan ako sa kabilang bayan at habang nag-aabang pauwi ng masasakyan ay hindi sinasadyang napag-tripan ako ng mga lasing na naroon at nag-iinuman. Mabuti na lamang at dumating ito sakay ng motor nito. Huminto ito para tulungan at iligtas ako mula sa mga walang magawang mga lasinggong iyon. Nakipag-suntukan at nakipagbuno pa ito. Napanganga na lamang ako ng matapos nitong patumbahin ang mga ito ng walang kahirap-hirap sa isang iglap lang. Ni hindi man lang ito pinagpawisan. Hindi ko alam na ganun pala ito kalakas. At hindi ko inaasahan na susulpot itong bigla para lang sagipin ako. Dahil dun ay mas napahanga ako sa kanya dahil sa ginawa nito. Nag-offer itong isabay ako pauwi sa amin. Nahiya pa ako nung una pero kalaunan ay pumayag na din ako dahil sa pamimilit nito. Habang nasa byahe kami pauwi ay nagkaroon kami ng pagkakataon na makapag-usap na dalawa. Nagpasalamat ako dito sa ginawa niyang tulong. Kung hindi kasi ito dumating ay baka kung ano nang nangyareng masama sa akin. Nung una ay akala ko ay hindi niya ako kilala pero nagkamali ako. Sinabi nitong kilala niya daw ako dati pa. At matagal na niya daw akong napapansin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko ng sabihin nito iyon. Pero sa loob-loob ko ay kinilig ako ng slight. Kahit kasi na lumipas na ang ilang taon ay hindi pa din nagbabago ang mukha nito. Gwapo pa din ito at mas lalo lang naging papable. Naging mas matikas ang pangangatawan nito. At ang kaisipang naging crush ko din siya dati. Parang bumalik ako sa panahong mga teenager pa kami at ito ang apple of the eye ko. Ang mga panahon na inspired na inspired ako dahil sa kaniya. Mga pagkakataon na siya lagi ang laman ng utak ko. Ang hinahanap ng mga mata ko. Naalala ko bigla ang pakiramdam na pinapangarap ko siya at mapansin niya ako noon. Sobrang saya ko lang na makita uli siya makaraan ang ilang taon. After kasi na grumadweyt kami sa kolehiyo ay wala na akong naging balita dito. Hindi ko din alam na nasa kabilang bayan lang pala ito nagtatrabaho. Pero kung may mas ikinatuwa ako na malaman tungkol sa kanya 'yun ay ang kaalamang single pa din ito. Kakabreak niya lang daw sa naging girlfriend nito. Dahil dun ay nagkaroon ako ng kaunting pag-asa. Umasa na may mabuong feelings sa pagitan naming dalawa. After nun ay hindi na muli kaming nagkita pa. Ilang buwan din ang lumipas. Medyo nalungkot ako dahil dun. Umasa pa naman akong baka may chance na akong mapansin nito gayong pareho naman kaming single pa rin at ready to mingle. Pero wala na itong paramdam pa. Hindi na ulit nasundan ang pagkikita naming iyon. Tuluyan na akong nawalan ng pag-asa at binalewala na lamang iyon gaya nung nasa kolehiyo pa kami. Lilipas at makakalimutan ko din uli siya. Sadyang hindi talaga kami meant to be. Pinagtagpo lang once pero hindi talaga para sa isa't-isa. Medyo matagal muli kaming hindi nagkaroon ng komunikasyon sa isa't-isa. Hanggang isang gabi habang naghahanda na ako sa pagtulog ay bigla na lamang akong may nareceive na text message mula sa hindi ko kilalang number. Nung una ay dedma lang ako at baka kako niloloko at pinagti-tripan lang ako nito. Hindi ko siya nireplayan. Pero sunud-sunod ang padala nito ng mga text. Hindi ko alam kung saan niya kinuha ang number ko at nagpakilala itong si Rusty pero hindi ayoko maniwala. Ayokong magpauto sa kanya. Uso pa naman nung time na iyon ang mga scammer at nagpa-prank call kaya mahirap na talagang magtiwala. At 'di pa talaga nakontento ang loko at tumawag pa talaga ito. Nag-alangan pa akong sagutin at baka mamura ko lang siya pagnalaman kong pinagloloko lang nito ako. Not until I heard his masculine voice. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang pamilyar nitong boses. Ang sarap sa tenga. Mukhang si Rusty nga talaga iyon. At hindi ito nagbibiro. Hindi ako makapaniwala. Nag-iba agad ang pakiramdam ko. Hindi agad ako nakapag-react. Hindi ko inaasahan na ito talaga ang nasa kabilang linya at tinawagan pa ako. Nabuhayan uli ako ng loob dahil dun. We've been chatmates and callmates pagkatapos nun. Walang araw yatang hindi kami magkausap sa cellphone. Kahit parehong nasa trabaho kaming dalawa ay nagagawa ko pa ding makipag-usap sa kanya. Mabuti na lang din at magaling akong magtago. Hindi ako nahuhuli. Diskarte lang talaga. Ganun siguro talaga pag-in love na. Kahit ang mga bawal ay nagagawa para lang sa ngalan ng pag-ibig. Nagagawa ko naman ang trabaho ko kaya ayos lang. Minsan naman ay tumatawag ito gamit ang telepono. Walang kaalam-kaalam ang mga tao roon na si Rusty ang kausap ko. Malamang iniisip nilang lahat na baka kung sino lang ang tumatawag na may kailangan kay Mayor. Kaya wala silang kaide-ideya na nakikipag-landian ako sa kausap ko. Maging sa gabi bago ako matulog ay siya pa din ang kausap ko. Hindi kami nagsawa. Na-enjoy ko ang set up namin kahit pa nga wala pang ano mang namamagitan sa aming dalawa. Parang magjowa na din kasi kami sa lagay na iyon. At sa totoo lang masaya talaga ako. Kung anu-ano na lang ang pinag-uusapan namin dalawa kahit wala nang kwenta basta hindi lang matapos ang usapan namin. Pero mas nag-e-enjoy kami pareho pagbinabalik-balikan namin ang mga nangyare during college days namin. At dito ay inamin ko na din na nagka-crush ako sa kanya dati. Hindi na ito nabigla nung sinabi ko iyon. Mukhang alam na niya iyon at expected na niya. Halos lahat naman kasi sa female student population ay may crush dito. May kanya-kanya pang fans club na itinayo. 'Yung iba pa nga ay sobrang vocal maghayag ng feelings nila samantalang ako tamang kilig at pabebe lang sa isang tabi. Dahil dun ay mas naging mas malapit kami. Nagkagaanan ng loob at naging komportable sa isa't-isa. Hindi ko lubos naisip na darating kami sa ganoong point. Na ang dating pinapangarap kong mapansin ako ay kausap ko na lagi. Sobra-sobra pa sa hinihingi ko. At sobrang saya ko talaga dahil dun. Hanggang sa sinabi na nitong gusto na niya ako at nagpaalam na liligawan niya ako. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Siyempre yes agad ako. Jusko! Tatanggi pa ba ako? Ako na ang inaalok ng taong gusto ko. Antagal kong hinintay ang pagkakataon na 'to kaya hindi ko na pakakawalan pa. Sunggab agad para wala nang kawala pa. Mga tatlong buwan niya din akong niligawan. Ang haba ng hair ko 'di ba? Nagpakipot din ako ng konti kahit paano. Ayoko namang kasing isipin nitong porke't crush ko siya dati ay makukuha niya agad ako. Na napaka-easy to get ko naman na babae masyado na niligawan lang bumigay agad. Marupok ka, 'te? Isa pa ay gusto ko lang din kasi subukin siya kung talagang totoo at pursigido ito sa akin sa panliligaw nito. Gusto ko lang makasigurado na sincere talaga ito at kung hanggang saan ang kaya nito. Mabilis na lumipas ang mga araw. Naging consistent naman ito sa pagdalaw at panunuyo. Pumupunta ito sa tinutuluyan ko at may dalang mga bulaklak pa. Minsan din ay ini-invite niya din akong kumain sa labas. Never talaga ito nagpakita ng pagkainip o sumuko man lang. Ganun din ang pumalya. Ibig sabihin talaga ay seryoso talaga itong mapasagot ako at maging jowa ako. Naks! At totoo talagang mahal niya ako. Hanggang sa iyon na nga tuluyan ko na din siyang sinagot dahilan para lalo itong maging masaya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

EASY MONEY

read
174.0K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
31.7K
bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.4K
bc

Dangerous Spy

read
297.3K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.1K
bc

YOU'RE MINE

read
893.1K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
195.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook